Thirty Two

1927 Words
Buong araw akong nagmamasid kay Akira, unconsciously. Dahil ito sa sinabi ni Jamie sa akin tungkol sa dark sorcery and shits. May part pa rin sa akin na ayaw maniwala, pero posible kasi talaga na totoo ito. "Lierre, what are you doing?" bulyaw sa akin ni Akira dahilan upang bumalik ako sa reyalidad. Napansin ko na puto na lang kaming natitira including the medic team and Jan na nakatago sa silong, habang yung mga kalaban namin ay pasulong na rito sa direksyon namin. Kaagad kong kinapa ang buong katawan ko upang kumuha ng kahit punyal man lang, ngunit wala akong nakuha. Kaya dali-dali akong tumakbo sa silong namin, na siya ring pinaka-malapit sa flag, at kinalkal iyon habang palingon-lingon sa papalapit na mga kalaban. Nakita ko sa loob ng bagahe ko ang isang kahon na may lamang armas na ibinigay ni Elijah sa akin noong bago ako umalis para sa unang misyon ko. Hindi ko ito nagamit noon dahil hindi ko rin alam gamitin. Wala akong sinayang na panahon. Binuksan ko ang kahon at kinuha ang punyal na famous daw sa Wind Palace, ayon kay Elijah. Dinampot ko rin ang isang katsa ng herbal medicines na bigay rin ni Frician sa akin noong araw na iyon. Paglingon ko, nakikipaglaban na mismo sina Akira sa dalawang kalaban na sumugod sa kanya. Si Trevor din ay buong lakas na nakipag-sagupaan sa isang kalaban gamit ang kanyang spiritual weapon, habang si Damian ay nakabantay sa flag. He was not that good at fighting, but he's got skills in bows and syringes—except we had already run out of supplies! Lumapit ako kay Damian at sinalag ang atake ng isang kalaban na papalapit sa kanya mula sa likod niya. Sinipa ko ito sa tiyan kung kaya't napaatras siya. Muli siyang umatake gamit ang hawak na espada, ngunit kaagad kong napigilan iyon gamit ang punyal na bigay ni Elijah. Nothing peculiar happened! Matapos ang kabi-kabilang pakikipaglaban, napansin ko na parang may mali. Sa mga napatumba naming kalaban, dapat ay paubos na rin sila at oras na para magpakita sina Primo Klausser and other Mortals, but the enemies keep coming as if hindi sila nauubos! "Clones?" sabay naming sabi ni Akira. Nagkatinginan kami at tumango sa isa't isa bago muling sinalubong ang mga paparating na kalaban. "Trevor and Damian, huwag na huwag ninyong iiwan ang flag!" Madali ko lang nasasalag ang bawat atake ng mga kalaban gamit ang dagger ni Elijah, ngunit naramdaman ko ang pagkangawit at pagsakit ng braso ko dahil sa bigat nito. "Dagger!" sigaw ko kay Trevor. Nakita kong nangalkal pa siya sa mga silong bago hinagis sa akin ang isang punyal. Sinalo ko iyon gamit ang kaliwang kamay ko at sinalag ang muling paparating na atake gamit iyon. Buong pwersa kong ibinaon ang punyal ni Elijah sa lupa at inilipat ang ordinaryo at magaan na punyal sa kabilang palad. Ngunit nagulat ako nang biglang may malakas na puwersa na lumabas mula sa dagger ni Elijah dahilan upang tumalsik palayo lahat ng mga papalapit na kalaban. And we were right. Clones lamang ang mga ito na gawa sa lupa. Nang bumagsak ang mga ito, tila natunaw ang katawan nila at naging putik. "I can't believe you beat them with the weapon that I gave you." Napalingon kaming lahat sa timog na parte ng gubat. Nakatayo roon ang apat na miyembro ng Mortal Seven at walang bakas na pag-aalinlangan sa mga mukha nila. Primo Klausser. Payne Pizselior. Forest Pierre. Elijah Haldens. Halos balutin ng pinagsama-samang mala-halimaw na enerhiya nila ang buong lugar. Ngayon pa lamang ako maniniwala na tulad sila ng sinasabi ng iba. They are the real deal. Even without the other three, they seemed pretty dangerous and tough to handle. Nabitawan ko ang punyal at wala sa sariling humakbang papalapit sa flag at tumabi kay Damian at Trevor. "Is Frician already out?" usisa ni Elijah. Pinigilan ko ang sarili ko na lingunin ang silong na pinagtataguan nina Frician. "Yes. It's four versus four now," tugon ko sa kanila without batting an eyelid. Sa kanilang apat, si Elijah lamang ang nakangiti. Ang tatlo ay diretsong nakatingin sa akin nang seryoso, hindi ko alam kung ano ang gusto nilang iparating. "Alright, then," ani Akira at inilabas mula sa palad niya ang isang espada na mas maliit kumpara sa iba. Itim ang talim nito at pula ang hawakan. And by just looking at it, alam ko na kaagad na isa iyong spiritual weapon. She has multiple spirituals! Nagwawala na ako sa loob-loob ko dahil sa nalaman ko, ngunit hindi ko na nagawang mag-protesta nang sumugod sa akin si Pizselior nang walang hawak na kahit na anong armas. "Hey there, Lierre," bati sa akin ng aking childhood friend nang makalapit sa akin. "You're looking good, Pizselior," ganting bati ko sa kanya. Sandali siyang natigilan dahil doon, kung kaya't ginamit ko ang oportunidad na iyon upang buong-pwersang sipain siya sa sikmura. Bahagya siyang napaatras at mahinang napadaing. "Taympers," reklamo niya at hinimas ang sikmura niya. Sinimangutan ko lamang siya. Nilingon ko ang ibang mga kasama ko. Akira went one-on-one with Primo Klausser. Although the latter wasn't using his spiritual weapon, it didn't do any good to Akira. Mukhang siya pa ang naaagarabyado sa laban nila. Gano'n din si Trevor na kaharap si Forest. Nilingon ko sina Elijah at Damian. I could see that my teammate was hanging in there just fine—and that was because Elijah wasn't attacking! He kept babbling things as if we weren't in a fight. Ibinalik ko ang tingin kay Pizselior. Nakatingin lamang ito sa akin, tila hinihintay akong ibalik ang atensyon sa kanya. "Let's fight for real time time, shall we?" hamon ko sa kanya at naglakad papalapit sa silong na pinagtataguan nina Frician. "Give your all, or I'll kill you." Napahalakhak siya sa pagbanta ko sa kanya at mabilis na lumuhod upang idikit ang palad sa lupa. Namilog ang mga mata ko nang may hubog-tao na umusbong mula sa lupa. Nabuo ito sa mismong harapan ko at halos manlambot ang mga tuhod ko nang makita ang putik na unti-unting naging totoong tao. "I'm sorry, Lierre. I also want you to give your all," ani Pizselior. "Shiro Infernus," kusang lumabas sa bibig ko. The evil man didn't speak. It was understandable since it was just a clone made by Pizselior, and not the real Shiro. I remember losing my s**t while fighting him before. I have the deepest grudge towards him, though I couldn't remember the details. Ang alam ko lang ay may ginawa siya noon na ikinasira ng buhay ko. Kahit hindi ko matandaan kung ano yun, tanda ng puso ko yung sakit na naramdaman ko nang dahil sa ginawa niya noon. "You'll pay for what you've done," madiin na sabi ko at inilabas ang spiritual weapon ko mula sa palad ko. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. All I know was I wanted to kill this man! Huli na nang aakma siyang lumayo sa akin dahil nahampas ko sa katawan niya ang aking hawak na armas. It was a two-bladed spear with a scythe as its head. It either produces water or cuts throat, depending on how I want to use it. But today, I wanted to cut someone's head with it. Tumalsik siya palayo nang dahil sa malakas na pwersa ng spear na tumama sa katawan niya, ngunit nagawa niyang matikas pa rin na tumayo at walang pagsayang ng panahon na sumugod sa akin. Inikot-ikot ko sa kamay ko ang spear ko. This spiritual weapon is quite flexible that its length changes depending on my moves. Nang makitang papalapit sa akin si Shiro Infernus, hinagis ko ang spear na unti-unting humahaba habang nasa ere. Pinalilibutan din iyon ng asul na enerhiya na tila naglalagablab na apoy. The clone of Shiro Infernus tried to escape from it by running into a different direction, but the spear aggressively followed him until the weapon pierced itself into his chest. Natunaw ang clone na ginawa ni Pizselior at tuluyang naging putik. Like a boomerang, my spiritual weapon flew and melted back into my palm. Although alam kong hindi totoong Shiro ang napabagsak ko, nakaramdam ako ng ginhawa sa dibdib. Tila ba napakawalan ko ang bigat na matagal nang panahong nakadagan doon. But I would never let my guards down. The real Shiro Infernus is a thousand times stronger than that clone. "Well done," manghang sabi ni Pizselior sa akin at akmang lalapit pa to congratulate me. Ngumisi ako sa kanya. "No, you're done." Natigilan siya nang maramdaman niya na mayroong karayom na tumusok sa binti niya. Nang ibaba niya ang tingin dito, nakita niya ang nakadapang si Ayesha na hawak ang syringe na mayroong potion na pampatulog. "Sweet dreams, my old friend." "Damn it," bulong niya at tuluyang bumagsak sa lupa at nawala sa game. Nginitian ko si Ayesha. "Good job." Kung hindi namin kayang labanan head-to-head ang Mortal Seven, kailangan naming magkaroon ng istratehiya upang talunin sila sa ibang paraan. Kaya idinala ko kanina si Pizselior sa lugar kung saan malapit ang silong na pinagtataguan nina Ayesha, although hindi ko inaasahan ang paggawa niya ng clone ni Shiro, para madali namin siyang mapaalis sa game nang hindi nauubos ang stamina ko. Remember, we still have the remaining three. "Frician and Jan already went to the enemy's base," bulong ni Ayesha na tinanguhan ko lamang. "You still got a few syringes?" Mabilis na tumango si Ayesha at ipinakita sa akin ang isang bag ng syringes. "Hand me some." Matapos kong isuksok ang ilang syringes saga bulsa ko, binalikan ko kaagad ang ibang kasama namin upang tulungan sa pakikipaglaban. Sadly, wala na sina Damian at Trevor pagdating ko. Si Akira na lamang at ang tatlong Mortals ang natitira. " Just give up, Ate Akira!" rinig kong sabi ni Elijah habang nakasalampak ang tatlong Mortals sa lupa. Si Akira ay nakatayo malapit sa flag, hingal na hingal at sugatan. "Pizselior is taking too long," komento ni Forest at naghikab pa na tila nababagot sa laro. "He's out," sagot ko na ikinabigla nilang tatlo dahilan upang mapalingon sa akin. Bakas sa mukha ni Elijah ang pagkabigla at tuwa. "You really believed he could beat me?" "Ha, I knew it!" tuwang-tuwang sabi niya at Elijah. Tumayo pa siya at tumakbo papalapit sa akin upang yakapin ako. Para talaga siyang siraulo. Mabilis na sinungkit ko ang isang syringe sa likod na bulsa ng pants ko at itinusok iyon sa leeg ni Elijah. "Elijah, watch out!" sigaw ni Forest na napatayo pa mula sa pagkakasalampak. Natawa ako nang mahina nang nawala ang pagkaantok sa mukha niya. "The heck," inis na sabi ni Elijah at dahan-dahang humiwalay sa akin. "Too late, Eli," bulong ko sa kanya bago siya bumagsak at mawala sa harapan namin na tila nilamon ng hangin. Nakangiti kong hinarap sina Forest at Primo na kunot ang noong nakatingin sa akin. "It's two versus two again." Ngunit hindi ko inaasahan ang mabilis na paggalaw ni Primo Klausser. Hindi ako makagalaw nang biglang mayroong sumabog sa kinatatayuan ni Akira dahilan upang balutan siya ng usok. "Actually, it's two versus one," ani Primo Klausser at nginisihan ako. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. He may be someone special to me, but he's an enemy in this game. Wala akong pakialam sa premyo na makukuha. I insist to win against the Mortal Seven. I summoned my spiritual weapon once again and faced them with full determination written on my face. "Bring it on."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD