Thirty Three

1895 Words
Nagsimulang umatake si Forest sa akin habang si Primo Klausser ay muling umupo sa lupa. Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano sa ginagawa niya. "Let's do this fast," hamon ko kay Forest habang dinedepensahan ang sarili sa pag-atake niya gamit ang isang samurai. Madali ko lang na nasasalag iyon gamit ang aking spiritual weapon. "Just one scratch and this duel is done." "Call," he replied in between his attacks. Since he seemed going easy on me, I felt irritated that I defended and attacked with all my power. Nang mag-krus ang mga armas namin, ginalaw ko ang mga binti ko upang sikmuraan siya ngunit nasalag niya iyon gamit ang isang kamay. Sa pagkakataong iyon, mas diniin ko ang aking spirital weapon sa kanyang samurai, which caused the spear to produce a wave of water and put a lot of pressure on his. Nabitawan ni Forest ang hawak na samurai at napaatras dahil upang mabitawan ang paa ko. Hindi na ako nagsayang ng panahon at hinagis ko sa kanya ang spear. Since he didn't want to run away like a coward, he tried to catch it barehanded. Nagawa niya iyon, ngunit hindi niya napigilan ang lakas ng pwersa ng paghagis ko ng spear kung kaya't napasama siya rito hanggang sa bumaon ang spear at humampas ang likod niya sa malapad na katawan ng isang mataas at matandang puno. "That's why you shouldn't hold back just because I'm a woman," madiin na sambit ko sa kanya nang muling bumalik sa palad ko ang aking spiritual weapon. "I'm expecting a rematch from both you and Pizselior. I never appreciate half-hearted battles, you know." Pagkasabi ko no'n ay bigla na lang siyang nawala sa game. I admit that I didn't like to face him again. Ayokong madagdagan ang kaalaman niya sa nakaraan ko sa tuwing magkakadikit kami. Ngunit sa ipinakita niya ngayon na tila ba pinagbigyan niya lamang ako upang manalo, I can't accept that. I was offended. Tumayo si Primo Klausser at nilapitan ako. Pinagmasdan niya ang mukha ko na tila ba paulit-ulit na minememorya ito. Nagulat na lamang ako nang yumuko siya at mas inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang anytime ay aatakihin ako sa puso. Wala sa sarili akong umatras upang lumayo sa kanya dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot niya sa akin, ngunit hinawakan niya ang magkabilang braso ko upang pigilan ang paglayo ko. "Everyone's watching," bulong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko sa hiya. Sumasabay pa ang mainit na hininga ni Primo na humahampas sa mukha ko. "Do I look like I care?" bulong niya pabalik. Lalong nagwala ang puso ko sa muli niyang paglapit. "Am I crossing the line, Lierre Kingsley?" Napakurap ako nang maraming beses. Seryoso ang mukha niya at nangungusap ang kanyang mga mata. Ramdam ko ang muling paglapit niya ng mukha niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. "Primo Klausser?" tawag ko sa kanya. "Hmm?" he replied. I flinched when I felt his breath blew on my nose, down to my lips. "I won't lose like this," bulong ko muli sa kanya at buong pwersa na sinipa ang nasa pagitan ng mga binti niya. Muli kong iminulat ang mga mata ko upang makita ang sakit na dinaranas ng kanyang future. Bumagsak siya sa lupa habang namimilipit sa sakit. "I don't want to hurt you, alright!" Bakas sa boses niya ang matinding sakit na nararamdaman. Would you blame me, though? He was trying to trick me by messing up with my feelings, so he could send me to another space for a while, and capture our base's flag! Napansin ko lamang ang plano niya nang makita kong sumulyap siya sa flag na nakatayo lang sa tabi namin. "So you tried to trick me by stirring me up? You're the worst!" inis na sabi ko sa kanya. Hindi pa ako nakuntento, walang tigil din ang pagbato ko sa kanya ng masasamang mga tingin. Lumingon siya sa akin. "I failed, anyway! I was tempted to kiss you and couldn't focus on my plan!" Pareho kaming natigilan sa sinabi niya. Gosh, bakit parang lalong uminit dito? Pinaypay ko ang kamay ko sa sarili ko. Tumalikod ako sa kanya. "Y-You still tried to deceive me!" And why the hell did I stutter? Hindi rin nagtagal ay nakabalik na si Frician sa base namin na dala ang flag ng kabilang team. "I'm sorry, I took so long! There were many traps and mazes on our way to their base that I couldn't afford to be reckless." "Where's Jan?" tanong ni Ayesha na lumabas na sa pinagtataguan na silong. "He was caught by the traps," tugon ni Frician at mabilis na napalingon sa akin at kay Primo na nakasalampak sa lupa. "What's going on?" "Well... we won!" anunsyo ko sa dalawa at pilit na pinasaya ang boses ko. "We won?" sabay na sabi ng dalawa. Nang mag-sink in sa kanila ang sinabi ko, nagyakapan sila at nagtatalon. "We won! We'll finally receive our spiritual weapon!" Napangiti na lamang din ako. Hindi man ako satisfied sa pakikipaglaban ng Mortal Seven against me, kung kaya't hindi ko rin gustong tanggapin ang pagkapanalo namin, e ayos na rin pala na kami ang nanalo. My teammates worked harder than anyone else, even though they were threatened by the Mortals' presence. Masasabi ko na deserve nila ang premyong makukuha nila. But I'll make sure na may susunod na match kami ng Mortals. I want to fight them fair and square and challenge myself into winning against them. Matapos ang laro naming Capture the Flag, inilabas na kami sa simulation. Doon pa lang namin nasilayan ang yumi at lawak ng Blazed Camp. We all had fun—eating, singing, and dancing around the bonfire. I haven't had this much fun since forever. Nawala na rin ang curse na ipinataw sa akin ng schoolmates ko. Humingi sila lahat ng tawad sa akin dahil sa pag-assume nila na ako ang cursed child na tinutukoy ng propesiya at ipinangakong magiging mabuti sila sa akin. Pangiti-ngiti akong naglalakad papunta sa isang maliit na lawa rito sa kampo. Hinayaan kami nina Mrs. Fairylade na uminom ng alkohol at wine kanina, kung kaya't halos bagsak na ang katawan ng mga estudyante sa kanya-kanya nilang tents. Naisipan kong maglakad-lakad muna upang makalanghap ng sariwa at malamig na hangin. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa sobrang gaan ng katawan ko. Unti-unti na rin kasing nababawasan ang mga bagay-bagay sa utak at isip ko. Habang dinadama ang paghampas ng hangin sa buong katawan ko, namataan ko sa front gate si Miss Thomnus na sinalubong ni Mrs. Fairylade. Nagtago ako sa likod ng isang puno upang makinig sa usapan nila. "You have to get the students back to the Academia," kalmadong sabi ni Miss Thomnus, ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Did something happen?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Fairylade. "Terrible," Miss Thomnus replied. "It's about Cohen's team mission." "The cursed water of Eldoris?" Tumango si Miss Thomnus. "Just like the other teams who went on that mission, they weren't able to come back." "Any leads?" Bakas sa boses at mukha ni Mrs. Fairylade ang pangamba sa sinapit ng mga estudyante. Umiling si Miss Thomnus. "None." Halos bumagsak ang binti ko sa narinig. I told Cohen not to go! Vergel and Trese were also with him. What should I do? Bago pa ako makapag-isip nang matino, nakita ko na lamang ang sarili ko na nag-martsa papalapit kay Mrs. Fairylade at Miss Thomnus. "I'll do it," desperadong sabi ko sa kanila. Hinawakan ko ang mga kamay ni Miss Thomnus at tiningnan siya diretso sa mga mata. "Please let me do it, Miss Thomnus." "It's too dangerous," mahinang tugon niya sa akin. Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "That's why I have to do it," pagpupumilit ko. Mas humigpit ang paghawak ko sa mga kamay niya. "I'm not affected with the curse." Namilog ang mga mata ni Mrs. Fairylade. "Are you sure?" Tumango ako. "I used to swim into the wrecked kingdom down the sea. I was also the one who rescued Laura and Emerald from completely drowning," pag-amin ko. Nagulat ako nang si Miss Thomnus naman ang humawak sa mga kamay ko. "Listen. This is what you should do..." Pumasok ako sa mataas na pinto na gawa sa kahoy. Una kong napansin ang isang silid na pinalilibutan ng book shelves. Sa gitna ng silid ay ang desk ni Gramps na mayroong nagkalat na mga libro at armas. "Good evening, Gramps," malugod na bati ko nang makita ang seryoso niyang mukha. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ito ang unang beses na magkikita muli kami matapos ang insidente sa Magi Academia. "What is it?" aniya nang bawiin ang tingin sa akin at ayusin ang mga gamit sa kanyang mesa. "You didn't get into trouble again, did you?" Mabilis akong umiling. "No. Of course not, Gramps." Pinagmasdan ko ang reaksyon niya ngunit hindi man lang ito tumitingin sa akin. Hindi na ako nagsayang ng oras at pabagsak na lumuhod sa sahig. "I want to take the mission in the Kingdom of the Waves. Please let me go." Nabitawan ni Gramps ang hawak na armas at napatingin sa akin. "What did you say?" "Uncle Vergel and his friends didn't come back from that mission. I need to save them before it's too late." Yumuko ako at halos halikan na ang sahig. "If you'll give your consent, I promise to save him even if I have to risk my life." I flinched when Gramps finally stood up and hit his desk with a loud bang. "How could I let my granddaughter go alone? It's dangerous down there!" Inangat ko ang tingin ko kay Gramps. Nababakasan ng matinding pag-aalala ang mukha niya. My chest ached a little. I thought it was already over between us? "You need to trust me, Gramps," pakiusap kong muli. "I'm the only one who could save them." Dahan-dahang humakbang papalapit sa akin si Gramps. Hinaplos niya ang mukha ko na tila ba huling beses na niya itong masisilayan. Hinawakan niya ang mga braso ko at inalalayan akong tumayo. "Never risk your life for someone else," malungkot na sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. "It's my fight as the only survivor of the Kingdom of the Waves," tugon ko na punong-puno ng kasiguraduhan. "It is my duty to protect our territory from malicious and evil intent of others. So, Gramps-" "Just promise me to come back alive," punong-puno ng emosyon na sabi ni Gramps. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at niyakap siya nang sobrang higpit. Kung nandito lang din sana si Master Acius sa tabi namin, ako na ang pinaka-masayang magian dito sa Magus. I never wished for something like this to happen. I never wished for a happy life and a loving family. Ngunit ngayong nalaman ko na ang pakiramdam ng mahalin at pahalagahan, I became greedy that I wanted to keep things like this forever. But fate and lady luck were never on my side. As soon as I felt safe and contented with what I have, they struck me on my back. Until I collapsed and ruined everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD