Forty Three Hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa Magus. Ang alam ko lang ay bumulusok ako pababa sa kailaliman ng White Lake at nang makaahon ako ay nandito na ako sa isang batis na malapit sa nagkalat na mga maliliit na kabahayan. Nasaang teritoryo naman kaya ako? Habang abala ako sa paglibot ng tingin ko sa kapaligiran, nagulat ako nang may nagsaboy ng tubig sa akin. Paglingon ko ay isang bata na sa tingin ko ay nasa tatlo hanggang apat na taong gulang pa lamang. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Napapikit ako nang muli niya akong basain ng tubig. He giggled when he saw my reaction. Muli kong iminulat ang mga mata ko at tumayo mula sa inuupuan kong tubig. Nang makita niya ang pagbangon ko, tumakbo ang bata papalayo at nagtungo sa mga kabahayan. Napailing na lang ako. N

