Nang imulat ni Lierre ang kanyang mga mata, tanging ang pangalan niya ang natatandaan niya. Mayroon din siyang naririnig na boses sa kanyang tainga na hindi niya maintindihan dahilan upang sumakit ang ulo niya. Umupo siya. "She's awake!" Umalingawngaw sa ulo niya ang matinis na boses ng babae. Napangiwi at napahawak siya sa sentido nang lalong kumirot ang ulo niya. Naiwan sa kanyang tabi ang isang batang lalaki na manghang-manghang nakatitig sa kanya, tila ba hindi ito makapaniwalang gising na siya. "Sleeping beauty!" naibulalas nito. Nangunot ang noo ni Lierre. "Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?" sunud-sunod na tanong niya sa kanyang paos na boses habang nililibot ang kanyang tingin sa makipot na silid na kinaroroonan niya. "Ako si Zalchad. Nandito tayo sa Terra City, mala

