Mahigit isang oras lamang ay narating na namin ang malaking isla sa Magus na siyang tinaguriang Capital, ang Magi Island. Hindi ko alam kung bakit dito kami idinala ni Myguel, ngunit pakiramdam ko ay ito ang pinakaligtas na lugar para kay Hyacinth. “We’re here," sambit ko nang mapansing nagising na si Hyacinth. Nakatulog kasi ito dahil sa sobrang puyat. Bumangon ito kaagad. “Wow. Ang bilis,” manghang sabi nito at marahang tinapik si Myguel. “Thanks, Myguel, medyo nabawi ko ang tulog ko.” Mahinang ungol lamang ang naging tugon ni Myguel. Lumingon sa akin si Hyacinth. “You’re amazing, Lierre! Paano mo nagawa ang technique na ito?” ngiting-ngiti nitong sabi habang naka-thumbs up. “Well... kanina ko lang na-perfect yung technique. I think, maybe, because we were in a hopeless situation. A

