Nakasakay kami ngayon sa karwahe na hila-hila ng Griffon. Ipinadala ito ng mga journalist sa Magus Newspaper upang sunduin kami. Kakaunti lamang din kasi ang mga nagtatrabaho roon kung kaya’t madalas silang humingi ng tulong sa The Pinnacle.
Inabot sa akin ni Chantel ang dalawang I.D. ko na para sa Academia at sa The Pinnacle. Napatingin ako sa kanya nang mapansing nanginginig ang mga kamay niya. Mukhang napansin ni Damian na gusto kong magtanong.
“Maraming namatay,” sambit ni Damian. Maging siya ay nanginginig ang boses. “At hindi namin alam, baka isa ang pamilya namin sa mga ’yon.”
Hindi ako makapagsalita buong biyahe. So that’s how they feel. I didn’t quite know how to feel scared and worried—like really scared and worried. Pinalaki ako ni Master Acius na maging independent kahit tumatayo siyang guardian ko. Parati niyang sinasabi sa ’kin na hindi ko kailangan tanawin na utang na loob ang pagkupkop niya sa akin. Na kahit anong mangyari, sarili ko lamang ang iisipin ko. He may be my Master and I take orders from him, but he doesn’t actually control my life, especially when I’m done with my tasks and missions.
Makalipas ang tatlumpung minutong biyahe ay bumaba na kami sa isang nayon kung saan naganap ang ambush. Halos pinalilibutan ang lugar ng mga taong nakikiusyoso, mga pulis, pamilya ng mga biktima, at mga manggagamot. Sari-sari ang iyakan at bulungan dito.
A man in his forties wearing a black coat and a hat greeted us with a forced smile. “You’re finally here.”
“Are we late?” tanong ni Chantel habang palinga-linga sa paligid.
Umiling ang matanda at napatingin sa akin. “You must be Lierre Kingsley.” Bahagya akong yumuko bilang paggalang. “I have deployed Journalist Kang to the scene and he’ll be writing about the—”
Naputol ang sasabihin niya nang mayroong isang lalaking hingal na hingal ang lumapit sa amin. “Chief Glovend, something happened at the northern village!”
Nanlaki ang mga mata nina Chantel at Damian. “Northern village?”
“What’s the matter?” tanong ko.
“It’s where we live,” bulong ni Damian. Napaiwas na lamang ako nang tingin nang makita ang tuloy-tuloy na pagtulo ng luha nila. Halos matumba pa si Chantel sa kanyang kinatatayuan ngunit nahawakan kaagad siya ni Chief Glovend.
Nag-aalalang lumingon si Chief kay Damian. “Damian, please take her to the office. She needs to rest.”
“No, I’m fine,” said Chantel and wiped her unending tears. “Please let me come with you, Chief Glovend.”
Umiling lamang si Chief kay Damian. “You should go now.”
Lalong napahagulgol ng iyak si Chantel at hinayaan na lamang na alalayan siya ni Damian pasakay sa karwahe ng Griffon. Nang tuluyan na silang nakaalis, naiwan kami ni Chief na parehong hindi kumikibo.
Maya-maya pa, may isa pang humahangos na babae ang sunod na lumapit sa amin. “Chief, something happened in the Office of the Lord!”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, ngunit nanatiling kalmado si Chief. Napaigtad ako nang humarap siya sa akin. “Journalist Kingsley, I need you to go in the northern village of Magi Island. It’s just a few minutes away from here. You’ll be okay, right?”
Ipinasok ko ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng suot kong makapal na jacket kung saan nakalagay ang aking notes at pen, pati na ang mga I.D. ko. My hands were cold in excitement. It was my first report as a journalist. “Yes, Chief. Please don’t worry about me and go check the situation in the Office of the Lord.”
Wala akong sinayang na panahon. Dali-dali kong sinuot ang I.D. ko at tumakbo patungo sa itinurong direksyon sa akin ng mga napagtanungan kong mga residente.
Mabilis akong nakarating sa isang arko na mayroong nakalagay na NORTHERN VILLAGE OF MAGI ISLAND. Isa lamang itong maliit na nayon, ngunit tagong parte ito ng isla na hindi madaling matagpuan ng mga taga-labas. Maraming eskenita pa ang dinaanan ko bago makarating.
Kumunot ang noo ko nang makitang wala pang tao na naririto. Tahimik at madilim ang buong lugar, wala ni isang bukas na ilaw na makikita sa mga kabahayan.
Nagsimula akong maglakad papasok sa b****a ng nayon. Dahan-dahan at maingat ang bawat mga hakbang ko, kung kaya’t nagulat ako nang mayroon akong maapakan. Halos mapasubsob pa ako sa lupa nang dahil sa maling pagtalon ko.
“Tulong…” ungol ng isang lalaki na nakahandusay sa lupa. Hindi ko siya lubusang makita dahil sa kadiliman ng lugar na ito. Dali-dali akong lumuhod at hinawakan ang kamay niyang pilit akong inaabot.
“Anong nangyari?” tanong ko habang tinutulungan siyang bumangon. Napaungol lamang muli siya na tila ba nasasaktan siya. “Are you badly injured?”
“I-I was stabbed,” tanging nasabi niya at napahawak sa tagiliran niya. Hinawakan ko ang parte ng katawan niya na hawak niya. Naramdaman ko ang sobrang panlalamig ng kamay niya.
“Aren’t you cold?” tanong ko rito. Hindi nito magawang sumagot dahil sa biglang pagkirot ng tagiliran niya. “We need to stop the bleeding. Please trust me on this.” Hinubad ko ang suot niyang puting damit na de-butones. Hindi siya nagreklamo at tinulungan din ako sa pagbukas ng butones. Nang mahubad ko ito nang tuluyan, magigpit na ibinalot ko iyon sa tagiliran niya paikot sa kanyang tiyan. Nang mapansin ko na giniginaw na siya, inalis ko ang mga gamit sa bulsa ng jacket ko at hinubad iyon upang ipasuot sa kanya. “Can you tell me what happened?”
Dumaing siya nang mahina. “Do you think I can, in this situation?” Napataas ang kilay ko nang mapansin ang pagkairita sa boses. Fine, you ungrateful brat! Pinigilan ko ang sarili ko na mapikon sa kanya at kalmado pa rin siyang kinausap.
“Stay here. May darating dito na manggagamot sa ’yo,” bulong ko rito at hinayaan siyang mahiga muli sa lupa. “What’s your name?”
“J.K.,” he breathed. Isinulat ko ang pangalan niya sa notes ko upang hindi ko iyon makalimutan. “Are you a journalist?”
“Yes, I am. See you later, J.K.” Tinapik ko nang mahina ang pisngi niya at tumayo na upang suyurin pa ang buong nayon.
Muli akong naglakad papasok kung saan madadaanan ko ang mga kabahayan. Wala talagang maririnig na kahit na anong ingay mula rito. Hindi ko rin makita kung anong kalagayan ng mga bahay dahil sobrang dilim dito. Sinubukan kong lumapit sa isang bahay at kumatok sa pinto, ngunit wala akong nakuhang sagot.
“Tao po?” muli kong pagtawag ngunit nanatiling tahimik ang paligid. This neighborhood looks like a ghost town. Napabuntong-hininga ako. “Were they abducted?”
Naglakad-lakad ulit ako, ngunit wala akong makita ni isang tao sa mga bahay. Tanging ang natural na tunog ng kalikasan lamang ang naririnig ko. Is this for real? Akmang babalik na ako mula sa bungad ng nayon nang mayroon akong makitang isang babaeng papalapit sa direksyon ko. May bitbit itong dalawang lampara kaya malinaw kong nakikita ang suot nitong leather jacket at ang maliit niyang mukha.
“Did you see anything?” tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin at inabot ang isang lampara. Ibinaba niya ang tingin sa I.D. na nakasabit sa leeg ko. “I’m Detective Soluzme. I received a report from Chief Gloveland that something awful also took place in this small village.”
Tumango ako. “I didn’t see anything, but it’s oddly quiet in here. Sigurado ba kayong may mga taong nakatira dito?”
“Yes, I often make rounds in this village but it’s the first time seeing it like this—empty. It used to be lively,” malungkot na saad niya at muling inilibot ang tingin sa mga magkakadikit na bahay.
Kumunot ang noo ko. “Is it possible that they were abducted?”
Sandali siyang natahimik at tila nag-iisip nang malalim. “All of them? How?” bulong niya na tila ba tinatanong ang kanyang sarili.
Napabuntong-hininga ako. Maglalakad na uli sana ako at babalikan ang mga lugar na pinuntahan ko kanina, nang may maalala ako. Mabilis akong napalingon sa detective.
“Have you seen the injured guy near the entrance?” nag-aalala kong tanong. Something was strange, I could feel it. “He needs to be treated right away.”
“Injured man?” Lumingon ang detective sa direksyon ng arko ng nayon. “No one was there…”
Nagkatinginan kami ng detective, mukhang iisa lamang ang tumatakbo sa mga isip naming.
“Could it be—”
“Did you see his face?” tanong niya.
“Nope, it was dark,” I whispered. “But I got his name—or initials. He said he was J.K.”
Akmang ibubuka muli ni Detective Soluzme ang bibig niya upang magtanong muli nang may marinig kaming ingay mula sa loob ng isang bahay. Parang may mabigat na bagay na nalaglag mula roon.
Sabay kaming napatakbo ni Detective sa direksyon ng bahay na pinagmulan ng ingay. Walang sabi-sabi kong sinipa ang pinto dahilan upang bumagsak ito at magbigay daan sa amin. Nagmadali kaming pumasok at inikot ang kabuuan ng bahay. Maliit na parihaba lamang ang bahay na mayroong isang silid na ang tanging laman lamang ay isang kama. Sumilip ako sa ilalim no’n, ngunit wala akong makita. Wala rin akong maramdaman na presensya at enerhiya. Nang muli akong tumayo, tila may amoy na dumaan sa ilong ko.
“Did you see anything weird?” tanong ng Detective nang makita ang reaksyon ko. Hindi kaagad ako nakasagot.
Marahan akong suminghot muli. The scent was so familiar to me since it was part of my daily life under Master Acius. “It’s blood.” Dahan-dahan kong inangat ang sapin ng kama at halos manlambot ang mga tuhod ko sa nakita.
“Oh my gods,” rinig kong sabi ni Detective Soluzme at dahan-dahang lumapit.
“What kind of an animal did this?” Nagngingitngit ako sa galit nang dahil sa nakita. The bed sheet was full of dried human blood from two to three days ago, I suspect—but that didn’t concern me. Ang tanging nakikita ko lamang ay isang sanggol na mag-isang nakahandusay sa kama at wala nang buhay. Naiyukom ko ang palad ko nang makita ang puting damit nito na nabalot na ng dugo.
“I’ll call some company,” halos hindi makahingang sabi ni Detective Soluzme at patakbong lumabas ng silid.
Ibinaba ko ang tingin sa sanggol. I may be a murderer, but I never kill innocent people, let alone kids! Wala sa sariling kinapa ko ang bulsa ng suot kong pantalon at kinuha ang isang punyal na binili ko pa sa Zero Market. I’m sure I already told you na parati akong may dalang punyal sa katawan sa tuwing may lakad ako.
Ibinaba ko ang hawak kong lampara at hiniwa ko ang palad ko gamit ang punyal. Nang umagos ang napakaraming dugo mula rito, itinutok ko iyon sa dibdib ng sanggol kung saan, suspetya ko, siya ginilit. I’m also sure that I’ve said this before. My blood is venomous; but it also heals.
Muli kong ibinulsa ang punyal at lumabas na ng silid. Maya-maya pa ay mayroon nang dumating na tulong mula sa mga pulis at manggagamot.
“May sanggol sa loob,” rinig kong sinabi ni Detective sa mga kasamahan na dali-daling pinasok ang bahay. Nanginginig pa rin siya hanggang ngayon. She’s too weak-hearted for a detective.
Lumapit ako sa kanya at marahan na tinapik ang balikat niya. “You okay?”
Napatingin siya sa akin, may mga nagbabadyang luha na sa mga mata niya. Napayuko na lamang siya at pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng kanyang palad. Ngunit napansin kong nahinto ang tingin niya sa palad ko.
“You’re bleeding! What happened?” naibulalas niya at nag-aalalang lumapit sa akin.
Dali-dali kong itinago ang mga kamay ko sa likod ko. “Don’t worry, it’s nothing!”
Akmang mag-uusisa pa muli siya nang bigla kaming makarinig ng sigaw mula sa loob ng silid.
“The baby is alive!”