"What?" naibulalas ni Detective nang marinig ang sinabi ng kasamahan. "But I—"
"Ang importante ay ligtas ang bata," pagputol ng kasamahan niya sa sasabihin niya. Lumapit sa kanya ang matandang lalaki at ibinigay kay Detective ang sanggol na maingat nitong kinalong. Maluha-luha pa ito nang makita ang umiiyak na bata.
Tinapik ng matanda ang braso niya at umalis na.
"It'll be best if we take her to the medical team," wika ko rito at akmang mauuna nang maglakad nang magsalita ulit siya.
"No. The baby is perfectly fine." Inangat ni Detective ang maliit na tela na bumabalot sa katawan ng sanggol. "The wound is gone..."
Umiwas ako ng tingin. "I should go and write a quick report. Chief Gloveland must be waiting for my return now."
Tumango si Detective. "You're from Magi Academia, right? I'll visit you later to ask you a few questions. You're the one who saw the suspect, anyway."
Naglakad lamang ako pabalik sa kung saan kami naghiwalay ni Chief Gloveland. Kakaunti na lamang ang mga tao rito at mukhang na-rescue na ang mga biktima. Tahimik na rin ang paligid na tila ba maging ito ay nagluluksa sa mga residenteng nasawi.
Napaatras ako nang makitang may isang lalaking papalapit sa akin. It's the same guy who told Chief Kang earlier about the incident in northern village.
"Journalist Lierre, was it?" hinihingal na sabi nito habang nakahawak sa kanyang tuhod. "Ihahatid na kita sa opisina ng Magus Newspaper, as per Chief Gloveland's instruction."
Habang naglalakad kami papunta sa opisina nina Chief, hindi ko maiwasang pagmasdan ang lalaking sinusundan ko. He seemed normal, but I could feel some weird energy attached to him.
I was so distracted by it that I didn't notice we were already in front of the office. Hindi tulad ng ibang opisina na nasa isang mataas na gusali, ang nasa harap ko ngayon ay isang silid lamang na nasa bungad ng kagubatan. Wala itong mga kadikit na bahay o gusali.
Nagpasalamat ako sa naghatid at dire-diretsong pumasok sa opisina. Nadatnan ko roon ang ilang mga mesa na maayos na naka-linya. Nakita ko sina Chantel at Damian na nakausap sa mga magkakatabing upuan na nakasandal sa pader. Nang lumapit ako sa kanila, nakita kong lumapit din sa amin si Chief Gloveland.
"Did you find anything?" he asked. "I already talked with Detective Fazlan about the three incidents. They are all connected with each other, but something's odd in the northern village's case." Napansin ko ang pagsulyap ni Chief sa dalawa. Nayuko lamang si Chantel at Damian sa narinig.
"Yes, Chief. All the residents of northern village just disappeared . . . without a trace." Chantel gasped and looked at me, but I managed to remain calm.
"And the newborn child?"
"It was a miracle that it survived." Tumingin ako diretso sa mga mata ni Chief. "Based on the dried blood splattered on the infant's clothes, I figured that the attack occured three days ago, at most. The village was so remote that no one noticed the attack or abduction... until today."
Kumunot ang noo ni Chief. Mukhang naguluhan na rin siya. "What is the reason for all this?"
Napalingon kaming lahat sa pinto nang pabalang itong bumukas. Mula roon ay pumasok ang lalaking naghatid sa akin dito.
"Chief! Mr. Thomnus died!" What? The right-hand man of The Lord? Kita ko sa gilid ng mga mata ko na napatayo si Journalist Kang na kanina'y abala sa kanyang mesa.
"What did you say?" hindi makapaniwang tanong nito.
"They said that he died due to excessive bleeding. But there are rumors spreading that he has a huge hole in his chest and that his heart was taken away!" Napahawak pa ang lalaki sa pader na tila ba matutumba na ito, tila ba tinangay ng nakabibiglang balita ang lakas niya.
"I'll go, Chief," sabi ni Journalist Kang at hinablot ang kanyang jacket na nakasampay sa upuan niya. "Sasabihan ko si Journalist Therene na bumalik na rito upang magpahinga.
Tumango si Chief. "Go ahead."
Napaupo ako sa tabi ni Chantel. Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo dahil hindi ako makahanap ng opening; ng katiting na clue kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
"You should go back to the Academia now," wika ni Chief Gloveland sa amin at ginulo ang mga buhok namin. Hinatid niya kaming tatlo sa tapat ng opisina kung saan naghihintay ang Griffon na maghahatid sa amin pabalik.
"Journalist Kingsley, you did well," rinig kong sabi ni Chief bago ako naglakad papalapit sa karwahe.
Nang nasa tapat na ako nito, muli akong bumalik kay Chief. "I almost forgot. I saw an injured man near the entrance of the northern village, but he just vanished when a detective came."
"An injured man?"
"Yes. He said his name was J.K."
Pagbalik ko sa Krymmenos, dumiretso kaagad ako sa kama ko at pabagsak na nahiga. I felt so tired. Ngunit hindi pa rin natigil sa utak ko sa paglipad.
Napaupo ako nang maalala ang nakita namin ni Primo Klausser sa kagubatan noong pabalik kami rito sa Magi Academia. Was Mr. Thomnus, the right-hand man of The Lord, the rat the woman in the woods was talking about?
Alas cuatro nang umaga nang ipatawag ako sa High Office of the Committee. Wala pa akong tulog dahil sa pag-iisip sa tatlong kaso sa Magi Island.
Nadatnan ko sa opisina ang siyam na magians na nasa pyjamas pa at halata sa kanilang mukha ang antok. Ngunit isa lamang ang pamilyar na mukha sa akin, na siya ring lumapit noong makita ako.
"Cohen," pagbati ko na nagpangiti sa kanya. He's usually quiet, but he's very approachable.
"I'm glad you still remember me," aniya at ginulo ang buhok ko. What does he think I am, his puppy? Pinigilan kong umirap sa kanya. "It'll be your first mission, right?"
Marahan akong tumango. "But, Cohen..." Inilibot ko ang tingin ko sa iba pang mga estudyanteng kasama namin dito sa opisina. "Won't they give us time to at least dress up?"
Napahalakhak siya nang marinig ang sinabi ko. It was a slow and soft chuckle. "They probably won't dispatch us in a mission looking like this," he said and looked down on his simple blue shirt and black torso. "They usually give us two to three days of preparation—"
Naputol ang sasabihin ni Cohen dahil biglang lumapit sa amin ang isang miyembro ng committee. Galing ito sa isa sa mahigit sampung cubicle dito sa opisina nila, habang kami ay naghihintay sa waiting chairs sa bungad lamang ng opisina.
"I'll be distributing missions per squad. Come inside the Office of the Chairman once I call your names," wika ng isang babae na halos kasintaas ni Cohen. She looks like she is still in her twenties. "I'm Autumn Thomnus, the right-hand lady of the Chairman." Matapos ang maiksing pagpapakilala niya ay naglakad na siya patungo sa isang silid na makikita sa dulo ng hallway.
Ilang minute lamang ang nakalipas ay nagtawag na si Ms. Thomnus ng mga pangalan. Ang unang squad ay binubuo ng tatlong miyembro, ang pangalawa ay apat, at ang huli ay kaming dalawa ni Cohen.
Bago pa kami tinawag, narinig ko ang unang squad na nag-uusap. Lahat sila ay tila balisa.
“How are we supposed to accomplish this mission? We can’t even swim,” bulong ng isa sa kanila.
“They should’ve let the sea kid go,” naiinis din na sabi ng isa at sandal pang sumulyap sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.
“Ah! The ocean is also cursed! I heard Emerald and Laura went senile when they fell in there. Can we really go back alive?”
Nagulat ako nang tumayo si Cohen mula sa katabi kong upuan at nilapitan ang tatlong lalaki. Nag-iba rin ang aura nito at tila ba nagdilim ang paligid.
“That’s why you need to succeed, so the curse would go away.” Cohen smiled at them, despite the ghost of anger in his eyes. “You, guys, are from the Wind Palace, right? You’re a disappointment, then. You disgust me.”
Ilang sandali lamang ay tinawag na rin ang pangalan namin ni Cohen. Halos kaladkarin ko pa siya patungo sa opisina ng Chairman dahil ayaw niyang tantanan yung unang squad.
Nadatnan namin sa loob si Ms. Thomnus at ang Chairman of the Committee. Pinagmasdan nila kaming dalawa na tila ba iniinspeksyon ang kakayanan namin.
“I’ve received a report from Primo Klausser that there was a group of rebels roaming in the woods,” paunang sabi ng Chairman. Isa itong matandang lalaki na Malaki ang tiyan at pangangatawan. “And they seem connected to the recent cases in Magi Island.” Napaawang ang bibig ko sa narinig. That was exactly what I thought!
“Since Primo Klausser cannot participate in this task due to certain issues he currently faces, I would like to ask both of you to take part in this class A mission.” Certain issues?
“Yes, I understand,” mabilis na tugon ni Cohen. Nang hindi ako sumagot, naramdaman ko ang pagsiko niya sa akin. Doon lamang ako natauhan.
“I will do my best.”