Fifty Five

1943 Words

Limang taon ang lumipas. Kaarawan noon ng anak ng prinsesa kung kaya't mayroong espesyal na pagdiriwang sa buong kaharian. Lahat ng tao ay masayang ipinagdiriwang ang matalino at matapang na bata sa palasyo. Sa murang edad, nagagawa na ni Lierre na talunin sa labanan ang lahat ng mandirigma sa kanilang lugar. Madalas ay hindi pa ito gumagamit ng armas. Nangunguna rin ito sa mga ipinagbabawal na pasugalan sa isang kuweba malayo sa kanilang kaharian. Hindi alam ni Lui kung matutuwa o mag-aalala siya sa inaasal ng anak. "Ina, may pupuntahan lang ako saglit. Babalik din ako!" paalam ni Lierre sa ina nang lagpasan niya ito at tumakbo palayo. Pinagmasdan na lamang siya ng kanyang ina at napailing. Wala rin siyang magagawa upang pigilan ito. Sa katunayan, wala rin naman siyang dapat ipag-alala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD