"You look dugyot, anak." Mom commented honestly.
Tumango ako. I know.
"I'm going upstairs. Shower lang po ako." Sagot ko bago nagmamadaling tinungo ang aking kwarto para makapaglinis ng sarili.
"Mag-ayos ka na rin ng sarili mo. Dress something nicely. We're going to have dinner outside." Kumislap ang kaniyang mata sa sinabing impormasyon.Tumango ako tsaka nagpatuloy sa paglakad.
Binagsak ko ang sarili ko sa bathtub ng ilang minuto bago tuluyang naligo. Itinali ko nang maigi ang aking bathrobe sa aking baywang at binulupot ang puting tuwalya sa aking buhok tsaka tinungo ang closet ko.
Binuksan ko iyon at bumalandra sa akin ang mga damit na hindi ko pa nasusuot this fast few weeks. Kinuha ko roon ang isang v-neck floral chiffon dress. Linapag ko iyon sa aking kama tsaka umupo paharap sa salamin para makapag-umpisa nang ayusan ang aking sarili.
Natapos ako ng halos kalahating oras sa pag-aayos. I just stared at myself in the mirror. Pinagtatalunan ko sa aking sarili kong itatali ko ang aking lampas balikat na buhok o hindi. And then a question just crossed my mind, why do I need to look so pretty anyway? Kaya sa huli'y hinayaan ko na lamang iyong nakalugay. Sinuot ko ang unang white heels na nakita ko sa tokador na may taas na two inches bago lumabas ng aking kwarto. Hindi ko na pinasadahan ang aking itsura sa salamin for the last time.
Tumayo sa sofa si Mama nang makita akong pababa buhat sa hagdan.
Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Lovely!"
I'm happy that she looks contented with my look. I felt relieved.
She is smiling widely at me. "Let's go?" She asked excitedly while holding my hands.
I nodded and smiled back at her. Si Mama ang nagdrive ng kotse patungo sa JDS Hotel kung saan magaganap ang dinner. Habang papalapit sa hotel ay hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba sa aking dibdib. Paano kong hindi ko magustuhan ang lalaking iyon o hindi kaya'y hindi niya ako magustuhan? Makakaya ko bang ikansela ang magiging usapan?
Napahawak ako sa aking sentido. I don't really know what to do.
"Are you nervous or something?" napalingon ako kay Mama na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Patay na ang makina ng sasakyan nakapark na ito sa labas ng hotel.
"A little," sagot ko.
Ang dami kasing gumugulo sa isip ko. Katulad na lang kung mabait ba ang lalaking iyon? Kung ano ang kaniyang itsura? Gwapo ba o pangit? Kasi sa pagkakaalam ko kapag ganitong marriage for convenience, kadalasan pulos pangit ang ugali ganoon rin ang itsura kaya pamilya na mismo ang gumagawa ng paraan para makasal ang kanikanilang mga anak.
She smiled while fixing my hair with the use of her hands. "Don't be. Just be elegant. You are Hezel Grace Aquino." She reminded me.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. Bahala na nga. Magustuhan o hindi wala naman ako pakiaalam. Mas gusto ko ngang hindi ako magustuhan ng lalaking iyon para matapos na ito kaagad.
Lumabas kami ng kotse at dumiretso sa receptionist para magtanong. Matapos ay dumiretso na kami ng elevator. Minutes later ay nasa tamang palapag na kami ni Mama. Bumukas ang pinto at unang siyang lumabas, sumunod ako sa kaniya.
"Anastacia!" Tawag ni Ma'am Dahlia sa pangalan ni Mama. Kapwa kami napalingon ni Mama sa kaniyang gawi. Tumayo ito at lumapit sa amin, nakipagbeso.
Nagkamustahan ang dalawa na halos hindi naman nagkakalayo ang edad. Maputi ang ginang at katulad ni Mama ay mukhang elegante.
"Oh, is this Hezel Grace?" lumingon sa akin ang kaibigan ni Mama. Ang huling kita ko kay Ma'am Dahlia ay noong grade school pa ako pero mukha namang wala siyang pinagbago sa mga nakalipas na mga taon.
"Yes," mom said proudly. Hinagilap niya ang aking kamay at hinila palapit sa kanilang dalawa dahil medyo malayo ako.
"Hija, this is Dahlia Sucidor. My long time best friend. She's the acting regional director of our school division. Dahlia, this is my daughter, Hezel Grace Aquino."
Ngumiti ako kay Mrs. Sucidor. "Hello, ma'am. I'm pleased to meet you, again."
Lumapit siya sa akin at beneso ako. "Me, too! The last time I see you is when you are seven years old. Now look at you, you're a lovely woman, Hezel!" isang matamis ng ngiti ang naging sagot ko sa kaniyang papuri.
"Where's Bernard? Nandito na ba?" tanong ni Mama sa tunong hindi maalis ang kasiyahan.
"Sinundo ang lola. Alam mo naman ang mama, Ana. Gusto ring makita si Hezel." Nakangiting usal ni Mrs. Sucidor.
"Umupo nga muna tayo para makapag-usap ng maayos."
Iminuswetra ni Mrs. Sucidor ang table namin. "Good idea." Mom replied.
Hinila ko ang upuan niya para makaupo siya at umupo ako sa kaniyang tabi.
"I heard to Ana that you took secondary education, Hezel."
Tumango ako. "Yes, po." Magalang kong sagot.
Ma'am Dahlia smiled widely. I think she is pleased after hearing that. "That's good. So, what is your major?" she asked curiously.
"Mathematics po."
"Oh, wow!" She looks impressed now. Ngumiti lamang ako sa kaniya.
"Bernard already graduated. Civil engineering right, Dals?" asked mom.
Tumango si Mrs. Sucidor tsaka ngumiti. "Mindoro State University, c*m laude."
Nalaglag panga ko sa naging tugon niya. c*m laude? So, nerd?
Ngumiti si Mrs. Sucidor nang mapansin ang naging reaksiyon ko. "He loves Mathematics so I guess magkakasundo kayo."
Tipid akong ngumiti pabalik sa kaniya. I hope so.
"Oh, there he is! Bernard!" Mrs. Sucidor lifted her hands to call someone at my back.
Bumuntong hininga ako tsaka lumingon patalikod para makita ang itsura ng fiancee ko. While pressing myself in his direction I'm hoping that he's not like a nerd or something.
Pero nanlaki ang mata ko nang tuluyan ko siyang makita.
Siya?
He's brows furrowed when our eyes meet. Mukhang hindi siya kumbinsido nang makita ako.
"Hezel, this is my son. Bernard Sucidor. Bernard, this is Hezel Grace Aquino, your fiancee." Pakilala ni Mrs Sucidor nang makalapit siya sa amin.