"Let's just accept and at the same time respect Hezel's decision. Wala rin naman tayong magagawa kung 'yan na ang final na desisyon ni Hez. Ang tagal din kasing magparamdam nung pinsan mo Alyssa. Parang walang bayag e." Humalakhak na sabi ni Gretchen. Yes, Owen is Alyssa's cousin.
Napangiwi si Diana sa sinabi niya. Alyssa glared at her. Ngumuso nalang si Gretchen samantalang napailing nalang ako.
"Sabagay. Ipasa taas nalang natin kung anuman ang kakahinatnan ng desisyon mo. But if you change your mind nandito lang kami." Usal ni Diana.
"If you change your mind, I will not be going to help you anymore." Matatag na sabi ni Alyssa. Nakasimangot na siya ngayon.
Gretchen tap mg shoulder. "Kung saan ka masaya doon ako." She whispered softly.
Doon natapos ang aming usapan. Time na kasi kaya naman na nagpaalam na yung dalawa sa amin ni Diana upang makabalik na sa kanilang klase. Though, we are taking secondary education minsan lang kami nagkakasamang apat sa isang silid dahil magkaiba ang aming kinukuhang majors. Diana and I decided to take Bachelor of Secondary Education, major in Mathematics while major in English naman sina Gretchen at Alyssa.
In the first place, ayoko talaga ng aking kurso. Hindi ko lang maayawan ang retired principal kong ina sa gusto niyang mangyari. Gusto niya kasi akong makitang grumaduate sa kolehiyo na katulad niyang isang guro. Kahit na Culinary Arts talaga ang gusto kong i-take na course simula palang nang una, kinumbinsi ko ang sarili kong sundin na lamang si Mommy sa gusto niyang mangyari. Naging super proud siya sa akin nang mabalitaan niyang kasama ako lagi sa top ten sa deans lister.
Pero mukhang hindi ko makakayang makasama ngayon sa dean's list, Calculus bothered me so much. Sobrang napakakomplikado ng subject na ito para sa akin. Chain rules and derivates. Until now, hindi ko pa rin magets.
"Pano 'yon nakuha, Fhel? Pano naging ganoon ang sagot?" taka kong sa katabi kong halimaw sa math.
"Ganito kasi 'yan..." and she explained it briefly. Mas na-gets ko.
"Thanks," masaya kong sambit. Kahit papaano'y may naintindihan ng kaunti.
"Double you see." she replied.
Natapos ang Calculus subject namin ng dalawang oras. Magaling si sir Peter magturo pero medyo mabilis lang. Ang maganda lang sa kaniya hindi kami napipressure nang sobra. Gumagawa ka man o hindi bahala ka. After all, grades mo naman nakasalalay sa kaniya. Kung tamad ka, tamad na grades ang makukuha mo. Kung masipag ka, masipag na grades ang makukuha mo. Kung matalino at masipag ka pa, pang matalino't masipag na grades ang iyong makukuha.
"Uuwi ka na?" Tanong ni Diana matapos naming makalabas ng computer lab -- kung saan kami nagkaklase.
Tumango ako. Tsaka pinakita sa kaniya ang kakabasa ko lang na text ni Mama.
Mama:
Hezel, umuwi ka nang maaga. We are going to meet the Sucidors at 7PM, tonight.
Ngumuso siya. "Oh, sayang. Ililibre pa naman sana kita." Mahinang tugon niya. Then biglang nagbago ang kaniyang expression, mula sa tampo na ngayon ay nakangiti na. "Anyways, we need the documentation ha."
Tango ang aking naging sagot tsaka nagpaalam na sa kaniya. Nauna na akong lumabas ng gate dahil napagdesisyon niyang hintayin nalang sina Gretchen at Alyssa sa library.
Naglakad ako palabas sa gilid ng school. Hindi na ako nag-abala pang pumara ng tricycle dahil napagdesisyunan kong maglakad nalang muna ngayong araw.
"Miss, sakay ka?" Tanong ng mamang tricycle driver sa akin.
Umiling ako. "Hindi po," sagot ko tsaka itinuloy ang paglalakad.
"Miss sakay na." Anunsiyo naman ng isa pang driver sa akin. Sanay na ako sa ganito, iyong tipong naglalakad ka tapos may mga tricycle drivers na hihinto sa tabi mo para tanungin o sabihin na sumakay na sa kanila.
"Hindi po," magalang ko pa ring sagot bago ipinagpatuloy ang paglakad.
Napadaan ako sa PGO hanggang makarating sa Cathedral. Huminto ako sa simbahan tsaka nagsindi ng kandila at nanalangin. Pagkatapos nun ay dumiretso ulit ako sa paglalakad. Tatawid na sana ako sa kabilang highway nang mapansin ko ang isang matandang babae na uugod ugod at tangkang tatawid din ito sa kabilang ibayo.
Napakunot-noo ako. Bakit pinapayagan pang maglakad nang nag-iisa ng mga kapamilya nito ang matanda?
Lumapit ako sa kaniya at tangka siyang aalalayan nang may kotseng dumaan sa tabi namin. Basa ang kalsada dahil katatapos lang ng malakas na ulan kanina. Dumaan ang rumaragasang kotse sa aming gawi. Tumama ang gulong noon sa tubig hindi kalayuan sa amin at tumalsik sa matanda. Mabuti't naging maagap ako at pinangcover ang aking sarili bago pa man matalsikan ang kawawang lola.
Ang matanda ay nagulat sa bigla kong pagyakap sa kaniya. Maya-maya pa'y napansin niya ang nangyari sa aking damit kaya nag-aalala siya.
"Nako, hija. Dumumi pa tuloy ang uniporme mo. Kasalanan ko ito." Bakas sa mukha ng matanda ang pag-aalala habang nakatingin sa aking uniporme na ngayon ay sadyang madumi dahil sa nangyari.
Umiling ako. "Don't worry, lola. Hindi mo po ito kasalanan. Kasalanan po ito ng nagdadrive ng kotse na 'yan." Nginuso ko ang kotse hindi kalayuan sa aming gawi. Huminto ito sa isang gilid, siguro para humingi ng paumanhin para sa nangyari.
Bumukas ang pinto ng driver seat at lumabas doon ang isang matangkad na lalaki. Dali-dali siyang lumapit sa aming gawi. Nakatutok ang kaniyang atensiyon sa matandang tinulungan ko.
"Lola! What are you doing here? Akala ko ba nasa hospital ka po?" Anitong nagtataka.
Napakunot-noo ako. So, kakilala pala siya ng matanda.
"Oh, apo! Okay lang ako. All thanks to this pretty girl." Masayang sambit ng matanda habang nakangiting napasulyap sa akin.
Nakakunot noong napalingon sa aking gawi ang lalaki. Ngayon niya lang siguro napagtanto ang aking presiyensya. I parted my lips while I stared at him, hinihintay siyang magsalita.
Habang naghihintay sa kaniyang sasabihin ay natitigan ko siya ng malapitan. Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha dahil nakasuot siya ng sunglasses. Pero kita naman na matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang kaniyang manipis na labi na hugis puso. He's hair is kind of wavy and cut clean at the same time. The color is a combination of light brown and black which suits him. He has a flaunting wide shoulder that gives extra physique to his height and charm. He looks so innocent that I cannot guess if he is older than me or not. All in all, he's a good looking man and at the same time a scene stealer.
Bumuntong hininga siya at tiningnan ako mula ulo hanggang pa. Hindi siya agad nagkomento pero kita naman sa mukha niya ang pagkadisgusto sa akin.
"Pretty, huh." medyo sarkastikong sagot niya makalipas ang ilang minuto which offended me.
"Hijo!" sita ng matanda sa kaniya.
Napalingon ako sa lalaking kaharap, mariiing siyang tinitigan. Hindi ko nagustuhan ang kaniyang inasta.
"It's okay, lola. I don't find him handsome so we're the same." Komento ko dahil para sa akin ay wala pa rin tatalo sa kagwapuhan ni Owen. Magalang akong nagpaalam kay lola at hindi na nilingon pang muli ang lalaking iyon.
"Kaya hindi ka nagkakagirlfriend dahil ganoon ka sa mga babae. You should treat them nicely." Dinig ko pang sumbat ng matanda bago ako tuluyang makalayo sa kanila.
Nang makauwi ako'y halos malaglag ang panga ni Mama pagkakita sa akin.