Isa.. Dalawa.. Tatlo..
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. Dahan-dahan kong idinilat ko ang aking mga mata at nag simula nang maglakad.
First day of school namin ngayon at kinakabahan ako. Ewan ko ba. Simula kasi nung bata ako homeschooled ako. Nag simula lang ako pumasok sa school nung nag grade 6 ako.
Hindi rin ako mahilig makipag kaibigan; mas gusto kong mapagisa.
"Ito naba yun?" bulong ko.
Kinagat ko ang labi ko at dumiretso ako papasok sa loob ng room at umupo sa upuan.
Maya-maya nag simula ang ang klase namin at binati namin ang adviser namin.
"We will be having A self-introduce, is that, okay?"
Lahat kami umagree pero deep inside karamihan saamin ayaw namin ng ganon. ikaw ba naman pag salitain sa harapan!? Sinong hindi kakabahan non?
Nang matapos mag introduce ang mga lalaki, nag simula nang mag introduce ang mga babae. Ngunit may isang babae nakapag agaw ng aking atensyon.
"Good morning everyone!!!" Masayang bati niya. "I am Kristen Fernandez, 16 years old"
Kung i-dedescribe ko siya, chubby siya, maputi, maingay at ang haba ng buhok niya hanggang balikat lamang.
Pagkatapos mag introduce ng iba kong kaklase na babae, ako na ang tinawag. Nag lakad ako papuntang harapan. Huminga ako nang malalim at ngumiti.
"I-i am.. Lilian Rodriguez, 16 years old" agad akong bumalik sa upuan ko at napansin kong nakatingin sakin yung katabi ko. Agad ako tumingin sa malayo sa huminga nang malalim.
Wala naman kami ginawa buong araw. Nag self-introduce lang kami at pinagawa kami kung ano ang expectations namin sa subject na iyon at sa guro.
Pagka-uwi ko sa bahay, biglang may kumalabog na malakas sa may kusina kaya napatakbo ako papuntang kusina.
Pagkapunta ko sa kusina, nakita kong nagaaway sila Mommy at Daddy. Sanay na sanay na ako sa ganito simula nung bata pa ako. Lagi nalang, e.
Huminga ako nang malalim at pumunta na ako sa kwarto ko at linock ko yung pinto. Humiga ako sa kama at napahilamos ng muka sa inis.
Simula nung namatay yung kapatid ko, mas lalong lumala yung pagaaway nila. Minsan hindi na umuuwi si Mommy dahil sa pagaaway nila. Wala, e. Ganito na ang estado ng buhay ko.
Simula nung nalaman ko na nagka babae si Daddy, lumayo ang loob ko sakaniya. Si Mommy naman, sobrang sasakit ng mga salita niya. Ang mga relatives ko naman, sobrang toxic. Both sides.
Kinabukasan, nagayos na ako para sa school. Ayokong ma-late. Pagkapasok ko, biglang sumalubong sakin si Krissa. May kasama siyang babae.
"Excuse me." Mahina kong sabi. May lalakad na sana ako papalayo kaso bigla ako tinawag ni Kristen.
"Hoy four-eyes!"
Four-eyes!?
Liningon ko siya tapos tumawa siyang nang malakas.
"Grabe 'to o, mamaya anak ng mafia boss yan! Hahahahaha!" Halakhak nung isang babae.
"Siraulo hahahahaha!"
Pumunta ako sa upuan ko dahil naiilang ako sobra. Grabe naman siya makasabi ng four eyes!
Hindi nag tagal, nag simula narin yung klase. Wala rin kami masyadong ginawa. Pagka sapit ng recess, dumiretso na ako sa cafeteria. Ayoko sana mag recess kaso sakaka madali ko kanina hindi na ako nakapag agahan.
Pagka order ko ng burger at soft drinks, pumunta na ako sa table.
"Hi!"
Halos matapon ko yung kinakain ko sa gulat ko. Napatingin ako nang diretso.
"I'm Alina."
Nginitian ko siya at kumain na ulit ako. Umupo siya sa harapan ko tapos kumain din siya.
"Sorry sa istorbo, ha? Inaantay ko kasi mga kaibigan ko." Ngiti niyang sabi.
Ngumiti lang ako tsaka tumango.
-
Mga months nang nakalipas, na busy na ako. Madami kasi samin pinapagawa. Lalo na ang mga roleplay, reporting, groupings, projects at iba pa. Pero kahit pa-paano, na e-enjoy ko naman kahit wala akong kaibigan.
"Gusto mo sumali sa club? Konti palang kasi kami."
Nag da-dalawang isip ako kung sasali ako. Ayoko kasi makipag interact masyado at sumali sa mga club.
"Anong club ba 'yan?" Tanong ko.
"Ssg club!"
Ssg club!? Diba yun yung kasali sa mga events lagi sa school? Tapos karamihan pa e sa sobrang busy mo excuse ka lalo pag officer ka?
"Uh, busy kasi ako, e."
"Anong busy busy!? Tara na!" Hinila niya yung kamay ko papuntang classroom.
"Ayan na! May nabingwit na akong isa!"
Nag tinginan yung mga ibang estudyante at nagulat ako na andon din pala yung Kristen!
"Uy si four eyes o! Magaling yan, matalino pa, diba?" Malakas niyang sabi.
Umupo ako sa tabi niya pinilit niya ako na maki-upo sakanila.
"Hey!"
Napalingon ako sa gawi ni Kristen, siya yung babae kanina a!
"I'm Sydney, and you are?"
"Lilian."
"Cute ng name a." She chuckled.
Kung ide-describe ko siya, mapayat na matangkad, mahaba ang buhok at morena.
Maya't maya, may dumating na tatlong babae. Parang halos lahat sila mataray maliban sa isa.
Eh? Si Alina ba 'yon?
Nag-tama ang tingin namin ni Alina tsaka nyako kinawayan. Masasabi kong mabait siya.
Morena din siya. May pagka chubby at mahaba ang buhok.
Lumapit sakin si Alina at binati ako. Tinawag niya yung dalawa niyang kaibigan tapos lumapit din saamin.
"What the hell are we doing here, Lina?"
"Look! New friend found!" Turo sakin ni Alina.
Tinignan ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nailang ako.
"Yan?" Taas kilay na tanong nung babae.
"Pangit ng taste mo."
Halos lahat kami nagulat sa sinabi niya maliban sa isa nilang kaibigan at si Alina.
Ewan ko kung ma o-offend ako. May point naman siya. Hindi ako kagandahan, kalog at pasok sa vibes nila maski kila Kristen at Sydney. Pero somehow, medyo nasaktan ako.
"I-Im sorry of what she said! Ganon lang talaga yon! Pero mabait yon promi-"
"Anong mabait? Siraulo kaba?" Nagulat ako sa sinabi ni Sydney. Napalingon ako kay Alina at tila'y nagulat siya.
"Girl, let's go na. These people are just wasting your time." Sabi nung isang babae.
Umupo sila sa likuran namin at itong si Kristen, halatang naiinis sakanila.
Pagkatapos ng meeting, kasama ko si Kristen sa pag pasok ng classrom tutal magkaklase naman kami.
"Ayos kalang ba? Parang kasi nasaktan ka sa sinabi nung pangit na yon.." Maingat na pag tatanong niya.
Napalingon ako sakaniya at tumango. Parang ang lakas naman ata ng instinct niya?
Mga ilang linggo na nakalipas, busy parin kami pero nakaka enjoy naman. Lagi kami magkasama ni Sydney at Kristen tuwing may pinapagawa samin sa ssg.
"Ito yung fries mo oh" abot sakin ni Kristen. Narito kami ngayon sa McDonald's. Ayoko sana sumama kaso ang ingay nung dalawa. Hindi nila ako tinitigilan hanggat hindi ako pumapayag.
"Yan ba yung Alina?" Napalingon ako kay Kristen at nanlaki ang mata ko dahil ang lapit lang ng table namin sa mga kaibigan ni Alina.
"Tara nga." Aya ni Kristen kay Sydney.
Linapitan nila yung mga kaibigan ni Alina at ako naiwan lang sa table namin.
"May copy kaba nung papel kanina?" Tanong ni Kristen.
"Yes! Sandali lang."
Ano nanaman trip nila? Hay.
Huminga ako nang malalim tsaka kumain na ulit.
"Base sa pag a-analyze ko kanina, anak ata nung school yung babae na nag sungit nung last week." Sabi ni Kristen.
Halos mabuga ko yung iniinom ko kaya nataranta sila Sydney.
"Seryoso! Siya yung cheerleader, e!"
"Sino naman yung isa?"
"Siya ata si Alivia. Maldita din yun, e. Si Alina lang yung mabait sakanila."
Pagkauwi ko sa bahay, finollow ako ni Kristen at Sydney sa i********:.
Pano nila nalaman yung i********: ko!?
itssyd started following you.
kristen_ started following you.
Inistalk ko yung ig nila. Si Sydney, meron siyang 1,337 followers at si Kristen, 2,555 followers. Samantala ako? 58 followers lang.
Pero sa totoo lang walang akong pake sa mga followers na yan. Hindi rin naman ako pala-post, e. Ang post ko lang don ay yung pinicturan ko na libro ni William Shakespeare at bulaklak.
Pagka slide ko ng dms, gumawa sila ng gc ng kaming tatlo lang.
itssyd: finally, trio narin tayo. grabe kris 'no? after ilang years nagkaron din tayo ng kaibigan na pasok sa standards natin? Hahahaha
Trio? Pasok sa standards?
Kaibigan na pala turing nila sakin? I mean, nagkakausap lang naman kami pag may ssg meeting at minsan pag recess. Si Kristen naman, malayo siya sa upuan ko gawa ng seating arrangement.
-
"Aminin mo nga, Lilian, anak kaba ng Mafia boss?"
Tumawa nang malakas si Kristen sa sinabi ni Sydney at ako naman nasamid sa iniinom ko.
"Anong pinagsasabi mo?" Natatawa kong tanong.
"Kasi tignan mo ha.. May salamin ka.. Tahimik ka.. Wala kang kaibigan halos.. Matalino.. E diba karamihan sa ganon naghihiganti sila? Tapos malalaman nalang nila na anak sila ng mafia boss?" Natawa kaming tatlo sa sinabi ni Sydney at sabay binatukan siya ni Kristen.
"Tangina mo hahahahaha" pagmumura ni Kristen.
"Hindi naman sa ganon. Ano lang.. Ayoko lang makipag kaibiga-"
"Bakit nama- aray!" Inis na sabi ni Sydney.
"Patapusin mo muna kasi. Parang gago."
"Ano kasi.. Ayoko lang makipag kaibigan. Mas kumportable ako na nagiisa ako. Ewan ko ba.. Siguro kasi homeschooled ako nung bata pa ako tapos lagi ako nasa bahay." Paliwanag ko.
Tumango tango sila at gusto pa sana mag tanong ni Sydney tungkol sa sarili ko kaso tinakpan niya na ni Kristen yung bibig ni Sydney.
"Pasensya na, ha? Madaldal lang 'to."
Tumango ako tsaka ngumiti. Mabuti nalang pinigilan ni Kristen si Sydney. Dahil sa totoo lang, wala akong balak sabihin sakanila kung sino ako. Mas maganda na yung walang nakakakilala sakin nang lubos.. Dahil masyadong complicated at baka i-judge nila ako.
-
"Nga pala, magkakaron tayo ng event sa school. Tulad ng group 1, ang gagawin nila ay mag co-collect kayo ng pera para sa mga sasali. Igu-grupo namin kayo para sa gagawin niyo." Sabi ng officer ng ssg.
Nang matapos kami mag bilang sa groupings, pumunta na kami sa mga kagrupo namin.
Ang ka-grupo ko sila Kristen, Sydney, Alina, Alivia at.. Yung babaeng nag sungit noon.
Umupo na kami sa upuan namin para pagplanuhan yung gagawin namin. Iba iba kasi kami ng gagawin kada grupo.
"I'm Kallie."
Napatingin kami sa gawi ni Alina. Ah.. Siya pala yung babaeng nag sungit noon?
"Walang may pake." Sabi ni Sydney sabay umirap.
"Okay so ang gagawin natin, pupunta tayo kada classroom tapos ia-announce natin na magkakaroon ng event sa school tapos mag bibigay sila ng pera para sa event."
"What kind of events is that ba?" Tanong ni Kallie.
"Uh, online games siya, e. Kasi yung ibabayad ng mga estudyante, ambag yon para sa gagawin nating event."
Nang matapos naming mapagusapan ang gagawin namin, nag ikot na kami kada classroom. Mabuti nalang marami marami nag bigay dahil any amount lang naman.
"Kapagod a' sino ba kasi gumawa ng lecheng laro laro na 'to!?" Inis na sabi ni Alivia.
"Si Sean. Siya naman always ang taga gawa ng events tuwing matatapos ang kada quarter natin" Sabi ni Kallie habang nag re-re touch.
-
Dalawang linggo nang nakakalipas simula nung natapos kaming mangolekta ng pera. Ngayon, nag hahanda na kami dahil bukas mag sisimula na ang event.
Si Sean ang sumagot ng para sa online games at ang mga nakolekta namin ay para sa declarations at pagkain.
Ano kaya ang itsura niya?
May pumasok sa room namin habang kami nag de-decorate. Mukang mayaman siya. Halos lahat ng mga babae kinikilig tapos pinipicturan siya. Siya naba si Sean?
"Bryan, doon ka sa group 1 sabihin mo yung gagawin mo para matapos na." utos ng president namin.
Tumango siya tapos pumunta siya sa table namin. Hinila niya yung upuan na nasa kanan at inilapit samin sabay umupo.
"I'm Bryan. I will be the one who will interview to those participants who will win tomorrow."
pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo siya tsaka nag lakad papalayo.
"Gwapo a'" sabi ni Alivia habang natatawa.
"Sino ba yon?" tanong ko kila Kris at Sydney.
"Hindi mo siya kilala!?" gulat na tanong ni Alivia sakin.
Tumango lang ako tapos halata sa muka nila na nagulat. Transferee lang naman ako, pano ko siya makikilala? tsaka ngayon ko lang naman siya nakita.
"Siya yung anak ng doctor yung malapit na hospital satin! tapos siya rin yung famous libero sa volleyball! Pano mo siya hindi kilala? Taena." pag papaliwanag niya.
"Tanga ka pala, e. Transferee si Lily. Pano niya makikilala yung bogart na yon?" sabi ni Kris na may pangasar na tono.
"Alam mo kahapon kapa a! Problema mo sami-"
"Pangit kasi ugali niyo." singit ni Syd.
Sasambunutan na sana ni Alivia si Syd kaso bigla kami sinita nung president namin kaya napa upo sila. Ang hirap nito. Magkakagrupo pa naman kami! Parang kada oras mag i-iskandalo sila rito.
Kinabukasan, mas maaga akong nagising kesya sa usual na oras ng gising ko. Kailangan kasi namin mag prepare nang mas maaga.
Pagkapunta ko sa school, may guard sa labas at siya taga check kung may ticket ba para makasigurado na kasali siya. Kailangan kasi ang mga sumali lang ang pwedeng pumasok tapos after ng tournament, pwede na sila pumasok para mag party.
Pagkapasok ko sa loob, andon na yung mga officers at ssg members. Ang ganda ng decorations na dinagdag nila.
May mga LED lights sa kisame at may mga pc sa left at right side. Yun ata ang gagamitin mamaya sa tournament. Sa isang room naman, may mga LED lights din tapos may mga table at doon nakalagay ang phone na gagamitin. Pagka lapit ko, nanlaki ang mata ko dahil puro iphone 12 pro max! ang mahal nito!
May mga music din sila sa dalawang room. Yung room 1, Dance Monkey by Tones and I at yung room 2, Freaks by Surf Curse
"After 30 minutes mag s-start na yung tournament!" sigaw ni Pres samin. Hindi kasi namin siya masyado marinig dahil ang lakas ng tugtog.
Mga ilang minuto na nakalipas, pinapasok na yung mga estudyante na sasali. Medyo marami rami rin ang sasali.
Nagsi upuan na yung mga estudyante mga seat nila. May isang lalaking nagpa agaw ng atensyon ko. Matangkad siya, moreno, ma-biceps at mukang sikat dahil yung mga estudyante pati narin ytung ssg members sinusundan siya ng tingin. Halatang sanay na siya. Hindi siya naiilang kahit alam niyan maraming tao nakatingin sakaniya.
Pumunta siya sa room 2 kung saan ang lalaruin nila ay Mobile Legends at yung room 1, Call of Duty: Warzone
May isang lalaki din na nagpa agaw ng atensyon ko. Nasa maliit siya na stage at may hawak na microphone.
"I will make sure this battle will be memorable. The group winners will be winning 100k for every member. Hindi niyo paghahatian iyon kaya wag kayo magalala." natawa niyang sab. "I, myself, am willing to give my money for the winners IF you will give your best to win your team. Again, I'm Sean Suarez. Good luck with your tournament!"
Pagka simula ng tournament, nawala na yung tugtog at pinalitan yung kulay ng LED. sa room 1, ginawang blue at sa room 2, violet
May projector na nakalagay kaya napapanood namin yung paglalaro nila at ang taga salita ay si Bryan. Nandito ako ngayon sa room 2, pinapanood ko yung laro nila.
"The team is banning"
"The enemy is banning"
"The team is picking"
"The enemy is picking"
Yan ang naririnig ko. Binasa ko yung nasa screen at ang mga hero ay sina Esmeralda, Ling, Eudora, Franco, at Clint sa isang team naman, Kimmy, Hylos, Odette, Natalia at Chou
Mukang malalakas sila.
Nakaka 20 minutes na sila pero hindi pa sila tapos. Ganon pala yon pag maglalaro ng mobile legends? Pero kahit matagal, nakakaaliw panoorin
"Sino yung gumagamit ng Clint? Ang galing." tanong ko kila Sydney at Kristen habang pinapanood ko yung mga naglalaro.
"Si Eiden yan. Sikat yan na ml player tapos vlogger."
"Ano!?" napa sigaw kong tanong
Napatakip ako sa bibig ko tapos nagsitawanan silang dalawa. Hindi ko naman sinasadyang mapasigaw pero, nakakagulat dahil isa siyang sikat tapos dito rin pala siya nagaaral sa UE!?
"First round, team blue won!!" sigaw ni Bryan.
"Get ready for the second round, good luck!"
Maya maya, nag start na sila ulit. Ngayon, mukang makakabawi yung team Red. Bigla kasi silang lumakas hindi katulad kanina. Ngayon, dalawa na ang napatay ng team Red tapos ang team Blue ay isa palang.
Hindi nag tagal, nanalo ang team red. Obvious naman na kanina na mananalo sila dahil yung kakasimula palang ng game, malalakas na sila. Sa last round, halos parehas sila malalakas na. halos 28 minutes na sila naglalaro.
"Saan kang side Lily?" tanong ni Sydney.
"Team blue." sabi ko habang nanonood.
"Same!" sabay nilang sabi.
"Sus crush mo lang si Eiden, e." pangangasar ni Kristen.
"Boang kaba? Babae gusto ko!" sabi ni Sydney habang umiiling-iling "Loyal ako kila Jennie at Lisa 'no!" sabi niya habang natatawa.
Bisexual pala si Sydney? Si Kristen kaya ganon din?
"Mag tigil ka-"
"Ikaw nga crush mo si Pres, e!" pangangasar ni Sydney.
Napatingin ako sakanila tapos tumawa nang mahina at ganon din sila. Hindi kong inaakala na bisexual pala si Sydney pero kay Kristen, mahahalata mo na talagang bisexual dahil sa vibes na pinapahiwatig niya.
Sa last round, panalo ang Team Blue. Nagsi talunan pa sila tapos sumigaw dahil sa tuwa. Yung Team Red, halatang dismaya sila.
"Congratulations Team Blue!!" sigaw ni Sean.
In-announce ni Bryson yung score ng kada groups mula first round to third round.
"35-21, 24-29 at 40-34"
Sa room 1 naman, panalo ang team Violet (group 2) Isang beses lang nanalo yung team White dahil malalakas daw ang team Violet lalo na yung tatlong member don ay lumaban na dati sa tournament.
Lumapit si Eiden sa stage tapos inakap niya si Sean.
Eh? magkaibigan sila!?
Lumapit si Bryan tapos nag congratulate kay Eiden. Mag trio sila!?
Pagkatapos non, ipinaliwanag na ni Sean para sa mga nanalo at sa natalo. Meron parin naman makukuha ang mga natalo; each members meron silang 1k.
Pagka tapos ng tournament, pumasok na yung mga mag pa-party. At kami, magkakasama kami nila Kristen at Sydney. Ayoko pa nga sana sakanila sumama dahil uuwi na ako kaso pinilit nila ako. I-enjoy ko raw yung event dahil minsan lang daw yon.
Just dance, gonna be okay, da da doo-doo-mmm
Just dance, spin that record, babe, da da doo-doo-mmm
Just dance, gonna be okay, d-d-d-dance
Dance, dance, just, j-j-just dance Wish I could shut my playboy mouth (oh, oh, oh)
How'd I turn my shirt inside out? (Inside out, right)
Control your poison, babe, roses have thorns, they say
And we're all gettin' hosed tonight (oh, oh, oh)
Lakas sobra ng tugtog kaya halos magsigawan kami para lang magkarinigan. Kumuha kami ng mga pagkain tapos bumalik kami sa table namin. Nanlaki ang mata ko dahil ang lapit lang namin kila Alina at sa dalawa niyang kaibigan.
What's goin' on on the floor?
I love this record, baby, but I can't see straight anymore
Keep it cool, what's the name of this club?
I can't remember but it's alright, a-alright (woo!)Just dance, gonna be okay, da da doo-doo-mmm
Just dance, spin that record, babe, da da doo-doo-mmm
Just dance, gonna be okay, d-d-d-dance
Dance, dance, just, j-j-just
When I come through on the dance floor checkin' out that catalog (hey)
Can't believe my eyes, so many women without a flaw (hey)
And I ain't gon' give it up, steady tryna pick it up like a call (hey)
I'ma hit it, I'ma beat it and flex and do it until tomorr' yeah
Umupo kami sa at nagsimula nang kumain. Biglang bumungad samin si Alina kaya napatigil kami sa pagkain.
"Oh oh, anong kailangan mo, ha?" tanong ni Sydney.
"Uh, can we join with you guys?" ngiting tanong ni Alina.
Tumango naman kaming tatlo tapos iniusog nila yung table nila at upuan para pagdugtungin. Tatlong upuan lang kasi ang meron sa table tapos maliit lang. Hindi magkakasya.
Habang kami kumakain, nagdadaldalan sila. Kaso sila Kristen at Kallie, hindi halos nag iimikan. Maya maya, lumapit samin sila Bryan, Eiden at Sean, Muntik na ako mabulunan dahil sa nakikita ko! Nasa harapan ko ang mga sikat na estudyante!?
"Wala nang available na table, if you don't mind, mag join kami sainyo?" ngiting tanong ni Eiden
Pumayag naman kaming lahat tapos kumuha sila ng mga sobrang upuan.
"Ayan na yung mga feeling gwapo" natatawang sabi ni Kristen tapos nagtawanan sila maliban sa mga lalaki.
"Hindi lang feeling, because we are already good-looking" pag mamayabang ni Bryan.
"Yeah true pare. Can't you see? Girls get crazy whenever they see us?"
"But we are exceptional" maarteng pagkakasabi ni Kallie.
"Sus mga bakla naman kayo. Lalo na yung isa diyan na ang bobo mag Granger kanina kaya natalo sa round 2" sabi ni Sydney habang natatawa. "Baka turuan pa kita riyan, e."
"Anong sabi mo!? bobo ako mag Granger at bakla!?" Inis na sabi ni Eiden. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Baka nga mas bobo ka pang mag Granger, e."
"Wow! Coming from you na 5 kills tapos 8 deaths!?" Sydney laughed sarcastically.
"Oh see, pikon yang bogart na yan" sabi ni Ali habang naka tingin kay Eid at kumakain ng kimchi.
Biglang tumayo si Eiden at tinuro si Sydney "Halikan pa kita diyan, e, ano? sabihin mong gawa."