"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!!" Kanta nila Mommy at Daddy.
"What's your wish anak?" Ngiting tanong ni Mommy.
Tinitigan ko siya nang matagal. Nagaalangan ako kung sasabihin ko sakaniya dahil sabi ng Lola ko, never ever tell your wishes. Always keep it as a secret.
"Come on, anak. Tell me" sabi niya habang tinuturo tenga niya.
"Come on. I won't tell your dad!" Pangangasar niya kay Daddy habang tumatawa.
Inilapit ko ang bibig ko sakaniya at ibinulong ko sakaniya.
"I want to meet Ate again..."
Nag iba yung expression ni Mommy. Yung muka niya parang na gu-guilty na naiiyak. May masama ba sa sinabi ko? Gusto ko lang naman mabuhay ulit si Ate a!
Hinainan ako ni Dad ng pagkain sa paper plate at ibinigay sakin. "Oh ito yung favorite mong pagkain, anak!" Masiglang sabi ni Daddy at inilapit niya yung fried chicken at ice cream.
"Yay!" Masayang sabi ko tsaka kumain.
Pagkatapos kong kumain, napansin kong wala sila Mommy at Daddy sa kusina.
Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto.
"Tangina, Edward!"
Bigla ako napatigil sa paglalakad at nanatili lang ako sa labas ng kwarto habang sila pinapakinggan.
"I told you to stop reminding Aliyah to Lily!"
"What the hell is your problem!?"
"Your daughter! Our.. Daughter!" Naiiyak na sabi ni Mommy.
Hindi ko sila maintindihan.. Bakit parang galit na galit si Mommy kay Daddy at kay Ate?
"She literally whispered on my ear to bring Aliyah back! Aliyah is f*****g dead!"
"Huy! Ayos kalang?"
"O-oo naman.." Ngiti kong sabi.
"Weh? Bakit ganyan muka mo?"
"Ayos lang ako, Kris. Bakit naman ako malulungkot?"
"Sige na nga.." Halata sa tono at expression ng muka niya na hindi siya na kumbinsi sa sinabi ko.
Habang ako nag lalakad sa hallway, merong lalaki na nakapag agaw ng atensyon ko. Matangkad, mapayat, maputi at higit sa lahat.. Gwapo siya. Ngayon ko lang siya nakita rito siguro sikat siya pero hindi ko lang kilala.
Mga ilang months nang nakalipas, more on projects at reporting kami. Karamihan sa mga kaklase ko groupings kinukuha nila pag repostings pero ako, individual lang. May time pa nga na pinipilit ako ni Kristen na sumalo sa grupo niya para ako ang taga report pero ayaw kong pumayag.
Pagkauwi ko sa bahay, napansin kong nandoon yung step sister ko. Ang anak ni Mom. Masasabi kong mataray siya sakin. Ewan ko kung bakit ang lalaki ng galit nila sakin kahit wala naman akong ginagawa.
Dumiretso ako sa kwarto ko at humilata sa kama. Wala akong balak kumain ng hapunan dahil wala akong gana at sobrang pagod na pagod ako.
Maya maya, nag ring yung cellphone ko at agad kong chineck iyon. Nakita ko na nag message si Kristen at Sydney na ng a-aya mag sleepover daw kami.
itslily: hindi ako papayagan. Sorry.
Reply ko sa message ni Kristen sa gc. Agad nag seen si Kristen at nag reply ito.
kristen_: Ako bahala. Send mo sakin address mo.
Nanlaki yung mata ko at pilit kong sinasabi na hindi talaga pwede kaso ayaw nilang pumayag. Nakailang tawag pa sila kasi ini-ignore ko yung message nila.
itslily: sige na nga.
Huminga ako nang malalim at bumangon. Kumuha ako ng bag pack at doon ko linagay yung susuotin ko mamaya na pang tulog at para bukas. Dinala ko rin yung tooth brush, tooth paste, ponds at pang gargle ko.
Mga ilang oras, may kumatok sa pintuan ko na may nag hahanap daw sakin sa baba. Dali-dali akong bumaba at pinapasok sila.
"Hey yow what's up tita" sabi ni ni Kristen habang naka rock n' roll sign.
"Hi tita what's up my lodicake-" siniko ko si Sydney at nag tawanan silang tatlo.
"Hello girls. Oh Lily, himala may kaibigan kana pala?" Ngiting sabin niya.
Pinagpaalam ako ni Kristen at Sydney. Mabuti nalang pumayag sila. Si Dad naman, wala siyang pake. Kahit bata pa ako wala na yon pake sakin ano paba ie-expect ko roon? Mabuti nga si Mom may pake kahit konti.
"Ki-kidnap-pin na po namin si Lily just for one night 'ta. Don't worry po makakabalik pa po itong buhay bukas" sabi ni Kristen habang natatawa.
"Yes true. Alis na po kami 'ta. Ingat po kayo lagi wag niyo po ma-miss si Lily!"
Nang maka labas kami ng bahay, nag abang na kami ng tricycle papunta sa bahay nila Syd. Medyo malayo-layo yung bahay nila samin.
Pagkarating namin, binati namin yung magulang niya at nagpakilala ako.
Malaki-laki yung bahay nila kung tutuosin. Yung bahay nila parang pang modern house ang dating kaso hindi katulad nung mga sobrang malalaki.
Pagka pasok namin ng kwarto ni Syd, agad niyang binuksan yung aircon niya.
Napatingin ako sa paligid at yung kwarto niya, puro posters ng Black pink. Meron din siyang mga merch, lightstick at iba pa. Meron din mga naka dikit na pictures ni Jennie at Lisa sa salamin niya.
"Grabeng fan yan ng blackpink, e." sabi sakin ni Kris habang nagaayos ng gamit niya. "Yung nag concert yung blackpink dito, puta, pumunta talaga siya non kahit may lagnat, diba, Syd?"
"Oo. Ang lapit ko rin non sakanila hahahaha halos mapaos ako yung nakita ko silang tanginang yan. Bigla nawala yung lagnat ko, e."
Nagpaalam ako sakanila na mag ha-half bath muna ako para makapag bihis ako. Hindi nag tagal, natapos din ako.
"Ito Lily oh lagay ka ng face mask skin care" sabi ni Syd habang hawak hawak yung pang face mask skin care. Pareho din sila naka suot ng face mask.
Mga ilang oras kami nag k-kwentuhan at nag ta-tawanan. Sobrang saya pala pag may kaibigan ka.
"Next song naman tangina mo puro ka blackpink songs" sabi ni Kristen habang kumakain ng piattos.
"Sandali. Pause mo muna. Mag gi-gitara ako tapos kanta ka Lily" sabi ni Sydney habang hawak hawal yung gitara niya.
Nanlaki yung mata ko at sila naman todo pilit kahit naka ilang tanggi na ako. Huminga ako nang malalim at pumayag nalang din.
"I've missed your calls for months it seems... Don't realise how mean I can be.. 'Cause I can sometimes treat the people... That I love like jewelry.... 'Cause I can change my mind each day.... I didn't mean to try you on
But I still know your birthday...
And your mother's favorite song" pag kanta ko.
Patuloy lang si Syd sa pag gitara at si Kristen naman, nakikinig lang samin.
"So I'm sorry to my unknown lover.. Sorry that I can't believe... That anybody ever really... Starts to fall in love with me... Sorry to my unknown lover... Sorry I could be so blind.. Didn't mean to leave you... And all of the things that we had behind.." Ngiti ko habang kumakanta. "Ooh.. Ooh... Ooh.." Kanta ko habang naka pikit at dinadama ko yung musika at ang akin pag kanta.
Pagkatapos kong kumanta, kulang nalang sumigaw si Kristen dahil sinasabi niyang ang galing ko daw kunanta tapos inaalog alog niya ako.
Ang pangit nga ng boses ko tapos kung maka react sila parang kala mo singer talaga ako.
Ngayon, nanonood kami na horror movie. Naka higa kaming tatlo sa malaking kama ni Sydney at naka tingin sa T.V niya. Ang pinapanood namin ngayon ay Lights out.
"Ay puta! Parang tanga!" Sigaw ni Sydney dahil sa jumpscare.
Halos magsigawan kami at magtilian dahil sa movie na yon. Todo complain pa si Kristen dahil baka hindi raw siya makatulog. Kanina kasi, pinipilit siya ni Syd na manood daw kami ng horror kaso ayaw niya pero sa huli pumayag din naman.
"Ako pa talaga ginitna niyo tangina niyo" sabi ni Kristen habang nag ta-takip ng unan sa muka niya.
"Alisin mo yan!" Natatawang sabi ni Syd.
Pilit inaalis ni Sydney yung unan sa muka niya kaso ayaw talaga ni Kristen. Kaya ang ginawa niya, kiniliti niya to kaya napatayo ako at sila naman, nahulog sa kama
"Hahahahahahahahahaha" tawanan namin. Kumatok pa yung Mama niya dahil sinaway kami kaya nanahimik kami pero nag pipigil parin kami ng tawa.
Bumalik kami sa kama para manood ulit ng horror. Hindi pa kasi namin natapos.
Sa sobrang gulay ni Kristen, natapon niya yung natitirang popcorn. Siya kasi ang may hawak ng popcorn. Mabuti nalang yung drinks, nasa side table.
"Gagi ka, Kris! hahahahahahaha!" Sabi ni Syd habang pinupulot yung mga natapon sabay binatukan niya.
"Tangina mo sinama sama mo ako sa pag nood, e."
"Pero sana wag mo itapon gago"
Pag tatalo nila. Pagkatapos ng movie, nag kwentuhan muna kami hanggang kami makatulog. Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil may pupuntahan pa raw si Kris at ako naman, baka hanapin ako.
Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ko na nag kakainan yung mga anak ni Mom. Wala sila kasi may trabaho siya pati si Dad.
"I never knew Mom will let you being a hoe at that age." natatawang sabi niya.
Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ko siya nang masama, Tumawa lang siya ulit tsaka sumubo ng pagkain niya. Maglalakad na sana ako ulit kaso nagsalita pa siya ulit.
"Palibhasa kasi, she doesn't care about you."
Hinarap ko siya dahil sa inis. "Ano bang problema mo?" pagkatapos non, naglakad ako papunta sa kwarto ko at hinampas ko yung pinto sa inis. Panigurado makaka abot nanaman ito kay Mom tapos kung ano ano nanaman sasabihin nila sakin.
Napag pasyahan ko na maglakad lakad dahil weekend naman. Wala naman ako gagawin. Nag suot ako ng white t-shirt, jeans at rubber shoes. Sinuot ko yung eyeglasses ko at linigay yung buhok. Pagka labas ko sa bahay, nagsimula na ako maglakad lakad. Hindi ko alam kung saan maganda pumunta. Bahala na.
Habang ako naglalakad, nabitawan ko yung wallet ko kaya dinampot ko yon. Tatayo na sana ako kaso may nabangga ako kaya napaupo ako.
Teka..
Lumaki yung mata ko at kinabahan ako. Siya yung lalaki nung nakita ko isang araw ah!
"S-sorry!" sigaw ko. Agad ko kinuha yung wallet ko at tumayo.
"Its fine. I also didn't saw you though" he chuckled.
Kumunot ang noo ko at pilit kong iniisip kung ano ibigsabihin niya. Bulag ba siya? Malabo ba mata niya?
"Ang liit mo kasi."
Bigla nag init yung dugo ko kaya hinampas ko siya sa braso tapos tawa lang siya nang tawa. Inirapan ko siya at nag simula nang mag lakad ulit.
"Parang tanga." bulong ko.
Napagpasyahan kong pumunta muna sa ministop para bumili ng C2 at kung ano magandang kainin.
Pagkatapos kong mag order sa C2 at V-cut, pagka harap ko, may nabangga nanaman ako kaya napatingala ako. Sobrang naiilang ako kaya humiwalay ako agad.
Siya nanaman!?
"Sinusundan mo ako 'no!?" pasigaw kong pagkakasabi. Bahala na kung sabihan akong assumera. Wala akong pake.
"Pano kung sabihin kong 'oo'?" seryoso niyang pagkakasabi.
Kinalibutan ako sa sinabi niya! Pano kung isa siyang pervert, creep at kidnapper!? pano kung ibebenta niya yung katawan ko!?
"Ang lalim ng iniisip mo, a'? baka kinilig ka? Wag ka magalala, i don't have a girlfrien-"
"Hindi ako kinilig at hindi kita gusto." lumabas ako ng ministop at naramdaman kong sinundan niya ako palabas. Humarap ako agad kaya napatigil naman siya.
"Hey, don't take it seriously. Its just a coincidence" sabi niya habang nag kakamot ng ulo.
Huminga ako nang malalim at umirap. Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako mabilis mairita pero simula nung kanina yung sinabi niya, kulang naman tadyakan ko ito sa inis!
Tumango ako. Maglalakad na dapat ako kaso hinila niya yung wrist ko kaya nadikit yung muka ko sa dibdib niya! Tinulak ko siya nang mahina tapos nag pipigil siya ng tawa.
"I'm sorry, i didn't mean to. Nalakasan ko lang yung paghi-"
"Ano bang kailangan mo!? Gusto ko nang umuwi!" sigaw ko.
"Okay fine. I just wanted to join to ssg club. Can you please talk to Pres?"
Yun lang!? yun lang!? naubos yung oras ko! Pwede niya naman kausapin si Pres bukas o sa f*******: o i********:!
Hinilot ko sentido ko dahil sa inis tsaka ako ngumiti. Tintigan ko siya nag nakakamatay na tingin at halata sakaniya na nailang siya.
"Okay."
Naglakad ako papalayo dahil sa inis. Pagkaubos ko ng, C2, binagsak ko sa basurahan yung bote. Nakakainis! sirang sira yung araw ko!
Kinabukasan, sinalubong ako nila Kris at Syd sa labas ng school. Kasama rin ni Syd si Eiden dahil mag lalaro raw sila ng mobile legends. Tuturuan niya raw ma g Grander si Eiden kaso todo tanggi itong si Eiden. Magaling naman kasi raw siya.
"Sus sabihin mo lang kasi na gusto moko maka duo." pangangasar na sabi ni Eiden.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at pinagbubulungan. Sino ba naman kasi hindi magugulat, e, kasama mo ang isang sikat na estudyante tapos lagi pang top 1 sa klase.
"Kapal naman ng muka mo. Saan ka humuhugot ng lakas para sabihin yan?"
"Syempre kasi crush ako ng lahat, sikat at higit sa lahat, gwap-"
"Ulol tanga" sabi ni Syd sabay umirap.
Pagkatapos ng tatlong subjects, dumiretso kami sa cafeteria nila Kris at Syd. Pagka upo namin, nagpakita si Eiden at inaya niya si Sydney na mag laro raw sila. Kami naman ni Kris, nag k-kwentuhan lang.
Napatigil ako sa pag sasalita dahil may kumalabit sa likod ko at napatingin ako. Siya nanaman!?
Tumayo ako at tinanong ko kung ano kailangan niya kaso hindi niya pinansin yung tanong ko. Sabi niya lang sakin na sundan ko siya kaya nagpaalam muna ako kay Kris. Sila Syd naman, busy sa paglalaro.
"Hi hot-headed girl" he chuckled.
Mas lalong nag init yung dugo ko, akmang sasapakin ko na sana siya kaso hinawakan niya agad yung kamay ko at hinala niya palapit sakaniya.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at napalunok ako nang mariin. Amoy na amoy ko yung pabango niya.. Ang bango.
Humiwalay ako sakaniya at sumimangot.
"Let me introduce myself. I'm Mateo Ezekiel Sánchez, and you?" he offered his hands while smiling widely.
"I'm Lilian Rodriguez but you can call me-"
"Mine?" pag putol niya.
"Ano!? patapusin mo muna kasi ako! You can call me Lily!" pasigaw kong pagkakasabi.
Tumango siya nang mahina tsaka tumango tango. Section 2 siya, grade 11. Una palang halata nang matalino kahit loloko-loko.
"Grade 10, section 3" naka simangot kong sabi.
Natigil yung usapan namin dahil nag ring na yung bell kaya agad kami pumunta sa room namin. Ang huli niyang sinabi kung pwede ba raw kami magkita mamaya. Ewan ko kung ano nanaman plano niya. Kung Iinisin niya ba ako, kakausapin regarding sa ssg club o iba pa. Bahala na. Baka mamaya masapak ko pa ito mamaya.
Buong araw, nag discuss lang yung mga teacher namin at nagpa sulat. Pagkatapos ng klase, mabuti nalang mas nauna lumabas si Kris dahil pag nakita niya na may kasama ako, aasarin nanaman ako non. Pagka labas ko, bumungad sakin si Ezekiel. Naka ngiti kaya naiirita ako lalo. Presensya niya palang naiirita na ako pano pa kaya pag naririnig ko boses niya at pag ko nakikita pag mumuka niya!
"Tara-"
"Ezekiel?"
Napalingon kami sa likuran namin at nanlaki mata ko. Sila Alivia, Alina at Kallie pala!
"What?"
nag iba yung expression niya kaya nagtaka ako. Magkaaway kaya sila? magkapatid? mag ex? crush niya?
"Nothing. Uh, i was wondering if we could-"
"No. Can't you see? I'm with my girlfriend." pagputol niya sa sinabi ni Kallie.
Ano!? girlfriend!? tama ba pagkakarinig ko!? Pota!
"Boyfriend mo, Lilian?" nagtatakang tanong ni Alina.
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi alam kung tinatakasan niya ba si Kallie o trip lang talaga ako nito!
"H-hin-"
"Girlfriend ko nga siya. So please, stop bothering us."
"Let her speak, Mat." seryosong pagkaka sabi ni Alivia habang naka kunot ang noo.
Tumingin lahat sila sakin at tumango ako sabay ngumiti nang pilit. Putek! pano kung awayin nila ako!?
Halata sa muka nila na nagulat at si Kallie, binagsak niya yung LV niyang bag tapos tumakbo papalayo. Hinabol siya nila Alina at Alivia.
"That girl has a crush on me since we were a kid."
Napatingin ako sakaniya at tinanong ko siya kung bakit ayaw niya kay Kallie? Maganda siya, laging top sa school, sexy, medyo sikat, laging kasali sa pageant at iba pa. Yan ang pagkaka kwento sakin ni Alina.
"I don't like her vibe. That's all."
Hinawakan niya yung kamay ko saka kami lumabas ng school. Kinausap niya ako about sa ssg club at buti nalang, nagpakita rin si Pres kaya nakasali siya agad. Habang kami naglalakad papunta sa sakayan, nag kwento siya ulit tungkol kay Kallie.
Mag childhood friend daw sila ni Kallie. Nung una, medyo nagkakagusto na siya kay Kallie kaso nag bago raw siya.
"Simula nung naging sikat siya sa school, doon siya nag bago. Hindi sa yumabang siya o ano.. Basta ang laki ng pinag bago niya and i don't like it. Its a big turn off for me" pag papaliwanag niya. "Sino ba naman hindi sisikat, e, anak siya ng may ari ng school, maganda at laging panalo sa pageants" pagpapatuloy niya. "At ayon nga, we lost our closure simula nung umamin siya sakin. She makes me feel uncomfortable whenever she asks for a date and begging me na magkita kami. Hindi kasi sakaniya bagay. She deserves better, though" sabi niya habang nag aayos ng buhok.
Pagka dating ng tricycle, pinauna niya ako makasakay para raw makauwi na ako. Gusto niya pa nga sana ihatid ako gamit yung motor niya! Kaso baka pag makita ako nila Mom and Dad lalo yung anak ni Mom, kung ano nanaman iisipin nila.
Kinabukasan, ganon lang ulit. Nag discuss at nagpa quiz at yung ibang subjects, nagpa sulat lang. Habang ako naglalakad sa hallway, bumungad sakin si Kallie. Naka taas ng kilay.
"So how long you guys have been in a relationship?"
"uh-"
"Nevermind. I get it. I know you guys aren't really in a relationship. Andaming beses niya nayan ginawa sa mga babaeng nakilala niya." sabi niya habang nag aayos ng buhok. Tumingin siya sakin at ngumiti siya sarcastically. "So kindly, stay away from him." right after that, naglakad siya papalayo.
Nakatulala lang ako sa sinabi niya. Ako? lalayuan ko si Ezekiel? I don't mind naman.. pero bakit it feels wrong?
4th quarter na. Magtatapos na ang school year namin. Sana kaklase ko ulit si Kristen at sana maging kaklase ko si Sydney. Mas masaya ako pag kasama ko sila. Lagi kasi nila ako pinapatawa.
Bukas magpapa event ulit si Sean. Kami parin ang magkakagrupo at dinagdag samin si Ezekiel. Hanggang sa matapos kasi daw ang school year, yun yung grupo namin sa ssg club. Ang ginawa lang namin ay nangolekta kami ng pera.
"Bukas na ang event, ready na kayo?" tanong samin ni pres.
Ako kaya? handa ba? Parang ayoko umattend. Ano ba gagawin ko roon? kakain? tititigan sila habang nagpapaka saya?
Pagkatapos ng meeting, linapitan ako nila Kris at Syd. Tinatanong nila kung a-attend ba ako bukas.
"Oo." pag sisinungaling ko.
Paglabas ko ng school, nag lakad ako papunta sa abangan ng tricycle. Pilit ko iniisip kung sasama ba ako o hindi.
"Pupunta ka bukas?"
Napatingin ako sa likuran ko. Si Ezekiel pala.
"Hindi ko ala-"
"Pag hindi ka pumunta bukas, pupuntahan kita sa bahay niyo. Sasabihin ko sa parents mo na we are in a relation-"
"Wala yon silang pake." naglakad ulit ako para makalayo layo sakanila.
"So you don't mind?" he chuckled.
Napatingin ako sa right side at nakita kong naglalakad sila Alina, Alivia at Kallie. Taranta ako nag lakad papalayo kaso sinusundan niya ako tapos tinatawag pa pangalan ko! Wala na! narinig na yon nila panigurado.
Nang makalayo layo kami, nakasunod parin sakin si Ezekiel. Hindi ko na alam kung nasasaan ako ngayon!
Dahil sa inis ko, hinarap ko siya tsaka sinigawan.
"Pwede ba!? layuan mo na ako!"
Nakita ko sa muka niya na nagulat dahil sa ginawa ko. Huminga ako nang malalim at inulit ko yung sinabi ko pero kalmado lang.
"Pano kung sabihin kong ayo-"
"Please lang! for f**k's sake! i want peace!" napahilamos ako sa muka ko dahil sa inis. Pinaandar niya ulit yung motor niya sabay ngumiti.. nang pilit
"Okay then." pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya.
Nag lakad lang ako papunta sa bahay dahil wala ako masakyan. Bwisit lagi nalang sira araw ko dahil sakaniya!
- the next day -
Nagising ako dahil sa katok sa pinto. Pagka tingin ko sa orasan, 7:00 am palang. Napaka aga naman! wala namang pasok ngayon a'
"Hoy Lily!"
Parang ako nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pamilyar na boses. Agad ko pinagbuksan sila ng pinto tapos naka simangot sila Kris at Syd
"Akala mo ma s-scam mo kami a!" sabi ni Kris.
Dali-dali akong nagayos para sa party. Ang suot ko ay storm fitted dress na color violet at pinusod ko yung buhok ko. Nag lipstick ako na light pink lang. Ayoko masyado mag make up dahil hindi naman ak o sanay.
Pagka dating namin sa party, nagsisimula palang sila. Linapitan kami ni pres sa entrance tapos winelcome kami.
Ang ganda niya.
Pagkaalis ni pres, napansin namin ni Syd na sinundan pa ng tingin ni Kris si pres kaya inasar siya.
"Tanga straight yan wala ka pagasa riyan" natatawang sabi ni Syd.
"Edi papabalikuin"
Nagsitawanan kaming tatlo tapos pumasok na kami sa loob. Pagka pasok namin, sobrang ganda. Ang lakas din ng tugtog may pa DJ pa sila.
Kung ide-describe ko, parang pang formal party ang dating pero may halong pang bar ang vibe pero walang mga alak dahil minor palang kami.
"Hi girls!" masayang bati ni Alina.
Umupo sila sa table na rineserve nila kahapon at nag kwentuhan sila. Sila Alivia at Sydney, ayos na sila ulit kaso kami naman ni Kallie ang masasabi kong hindi. Medyo naiilang din ako sa mga tingin niya sakin.
May waiter na dumating at binigyan kami ng tubig at juice. Mamaya pa raw ang pagkain.
"Grabe talaga itong si Sean, kung magpa party grabeng bongga" sabi ni Alina sabay uminom.
"Kaya nga. Parang 'kala mo nag tatae ng pera" sabi ni Syd habang natatawa.
Maya maya, nag start na yung party kaya mas dumami na yung mga estudyante at nag salita si Sean sa stage. Kasama niya rin sila Bryan at Eiden. Pagka tapos nila mag salita sa harap, bumaba sila at napansin ko na rito yung papunta nila.
"Hi ladies" masayang sabi ni Sean.
Nakipag kwentuhan din sila Sean, Bryan at Eiden samin. Nung una medyo naiilang ako kasi ang a-angat nila halos. Parang nanliliit tuloy ako!
"Push dali, push! tangina mo Aldous!" sabi ni Syd habang nag lalaro kasama si Eiden at Bryan.
"Pakyu bobo mo mag tank, Syd! report kita, e!"
"Nagpapa buhat kalang naman sakin e, bobo. Tignan natin kung sino tanso satin mamaya"
Ang iingay nilang tatlo kulang nalang magsigawan sila. Meron pa na halos sirainni Bryan yung cellphone niya dahil sa inis kasi natalo sila sa pangalawa nilang laro.
"Chill, bro. Laro lang ya-"
"Anong 'lang' ka riyan!? hampasin kaya kita" inis na sabi ni Bryan kay Sean
Nagpaalam muna ako sakanila na mag c-c.r ako pero sa totoo lang, gusto ko muna ng katahimikan. Ang iingay kasi nila! nakakarindi. Sumasabay sila sa ingay ng mga tao at tugtog!
Ngayon nasa labas ako nagpapahangin. Ipinikit ko yung mata ko tsaka huminga nang malalim.
"Hi dwarf"
Halos mapatalon ako sa gulat kaya muntik ko nang mabato siya ng sandals ko.
"Bwisit ka, Kiel!"
"Kiel? Oh so you just made a nickname for me, huh? well not gonna lie, its cute, though."
Ayan nanaman siya! kung ano nanaman iniisip. Sa totoo lang, ang haba kasi ng pangalan niya. Masyado niya binibigyan ng ibang meaning yung pag bigay ko ng nickname sakaniya.
"Diba sabi ko layuan mo na ako?" mahina kong sabi. Nagpipigil lang ako ngayon dahil baka bigla magpakita si Kallie at kung ano pa isipin non.
"You look gorgeous." he said it with a sexy tone.
Halos hindi ko makaalis sa kinakatayuan ko sa sinab niya. Bwisit siya! naiirita lang ako hindi ako kinikilig!
Maglalakad na sana ako papalayo, kaso bigla niya ako hinila papunta sakaniya tapos tinitigan niya ako sa mata ko nang diretso habang niya hawak hawak yung mga braso ko.
"I want you to be my first dance"
Ramdam ko yung init ng pisnge ko kaya humiwalay ako at tumingjn sa malayo. Narinig ko yung pag tawa niya kaya tinitigan ko siya ng nakakamatay na tingin.
Pagka pasok namin, wala na sila sa table. Nasa gitna sila habang sumasayaw kasama ang mga partner nila. Natawa ako dahil ang partner ni Kris ay si pres, si Syd naman ay si Eiden, sila Alivia, Alina at Kallie, hindi ko kilala ang mga partner nila.
Naramam ko ang pag hawak sakin ni Ezekiel sa kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Seryoso siyang naka tingin sakin. Hinawakan niya ang waist ko at linagay ko ang kamay ko sa balikat niya at yung isa naming kamay ay magkahawak.
Nagsimula kami na kami may sayaw at yung kanta, mas lalong linakasan kaya damang dama mo yung tugtog.
I am not the only traveler
Who has not repaid his debt
I've been searching for a trail to follow again
Take me back to the night we met
And then I can tell myself
What the hell I'm supposed to do
And then I can tell myself
Not to ride along with you
I had all and then most of you
Some and now none of you
Take me back to the night we met
I don't know what I'm supposed to do
Haunted by the ghost of you
Oh, take me back to the night we met
Masasabi kong ibang sayang ang nataramdaman ko ngayon. Medyo kinakabahan nga lang ako dahil hindi naman ako sanay sa ganito.
When the night was full of terrors
And your eyes were filled with tears
When you had not touched me yet
Oh, take me back to the night we met
I had all and then most of you
Some and now none of you
Take me back to the night we met
I don't know what I'm supposed to do
Haunted by the ghost of you
Take me back to the night we met
Pagkatapos ng kanta, nanatili lang kami sa gitna at naka titig lang kami ng matagal.
"This day.. Will be always in my mind. I will never ever forget this day."
Ngumiti siya sakin at nag lakad paalis.