03

4406 Words
"You hoe!" Sigaw sakin ni Kallie habang galit na galit. Tinulak niya ako kaya napaupo ako. Nakayuko lang ako habang nasa sahig.  "Didn't I tell you to stay away from him!?" tumingin ako sakaniya nang dahan dahan tsaka tumango. "You f*****g ruined my night! it was suppose to be fun because he invited me to dance with him, but you retarded b***h, you danced with him, f**k you!" Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung mga luha ko. Ngayon lang ulit ako narinig ng ganitong kasasakit na salita. Naglakad siya papaalis at nanatili lang ako nakaupo sa sahig habang umiiyak. Pinipilit kong wag humikbi kaso hindi ko mapigilan. Tinakpan ko yung bibig ko para walang makakarinig sakin. Ayokong may makakakita sakin na umiiyak. Pagka tayo ko, biglang sumakit yung dibdib, naninikip. Nagsimula akong mag lakad para walang may makakakita sakin na nahihirapan ako. Nag stay ako sa rest room ng ilang oras para kumalma ako at tumahon.  Nang maramdaman kong medyo okay na ako, lumabas ako sa cubicle at tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. "I never knew na inaya pala siya.."  Naghilamos ako para hindi ako halata umiyak ako at nag re touch. Nag lagay lang ako ng lip gloss at nag pulbo. Inayos ko rin yung buhok ko dahil medyo na gulo. Nang matapos ako, bumalik ako sa loob na parang wala nangyari. "Oh saan ka galing?" tanong sakin ni Sydney habang kumakain, katabi si Eiden. "Wala, nag cr lang." pag de-deny ko. Napansin kong sinundan ako ng tingin ni Kristen kaya pinilit kong wag tumingin sakaniya baka mahalata niya na umiyak ako. Ewan ko ba, kakaiba rin itong si Kris. Ang lakas ng instinct kahit nung una palang. Pagka upo ko, napansin kong wala si Kallie. Hinahanap ko rin si Kiel pero wala rin siya. Hindi ko na siya nakita pagka tapos naming sumayaw. Mga 10 nang natapos yung party kaya nag mamadali akong umuwi dahil baka i-lock yung gate sa bahay namin. Kasama ko dapat sila Kristen at Sydney kaso may pupuntahan silang parehas. Si Kristen, pupunta siya sa Tita niya si Sydney, ili-libre raw siya ni Eiden, sana all. Pagka uwi ko sa bahay, wala nang tao sa sala at kusina. Nasa kwarto na ata sila. Pagka pasok ko sa kwarto ko, agad akong nag bihis ng pang pa tulog at nag half bath. Pagka tapos ko, humiga ako sa kama. Bigla kong naalala yung sumayaw kami ni Kiel. Hindi ko maiwasang mapangiti. First time ko kasi ma-experience yon.  Kaso naguguluhan ako sa sinabi kanina ni Kallie. Inaya raw siya ni Kiel sumayaw? bago niya ba ako ayain siya muna nauna? o pagka tapos naming sumayaw kaya siya naglakad agad papaalis?   Kaso ang sabi niya gusto niya ako raw yung magiging 'first dance' niya? hay. Hayaan na nga. Masyado lang ako ng a-assume. Kaya nag mu-mukang akong tanga, e. Kinabukasan, nakita ko si Kiel nag pa-park ng motor. Gusto ko sana siya lapitan at tanungin kaso nag a-alangan ako dahil baka biglang magpa kita si Kallie samin. Naglakad ako diretso sa loob kahit masyado pang maaga. Doon nalang ako ta-tambay sa library tutal may aircon naman doon at pwede mag basa basa. Pagka pasok ko, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Si Kiel nandito!? ano ginagawa niya rito!? Parang kanina lang nasa parking lot siya ah! Ang bilis niya naman!? Umupo ako sa pang anim ng table habang siya ay nasa pangatlong table. Hindi ko alam kung napansin niya ba ako o hindi. Bahala na. Hindi ko rin naman siya papansinin. Kumuha ako ng tatlong makakapal na libro at nag basa-basa. Maya maya, naramdaman kong may umupo sa harapan ko. Kaya tumingin ako ng palihim. Napahinga ako nang maluwag dahil ibang estudyante pala. Akala ko si Kiel, e. "Hi." he greeted. Tumingin ako sakaniya tsaka ngumiti at tumango. Bumalik ako sa pag babasa at pati rin siya. "May I know your name?" he broke the silence. "Lilian. Lilian Rodriguez, you?" mahina kong sabi habang naka ngiti. "Apollo Davis." ngiti niyang sabi, "Half Filipino, half American." Halos malag lag yung panga ko sa sinabi niya. Ano!? half Filipino-half American!? Siya pala yung estudyante na nakilala kong may half dito sa school namin. "Bakit ka nag aaral rito?" "Well, my mom and I need to stay here for a while my dad is in the United Kingdom. Matatagalan pa us mag stay here kaya i decided to study here nalang muna."  Napansin kong medyo nabubulol pa siya mag tagalog. "I'm grade 11, section 1, you?"  "Grade 10, section 2" sabi ko habang inaayos yung mga libro dahil maya maya, mag ri-ring na yung bell. "Can we meet later again? Uh- I- I mean, i don't-don't have any friends so.." Naiintindihan ko siya kung bakit kinakabahan siya sa sinabi niya, Syempre nakakahiya ba naman mag aya ng strangers tapos baka isipin pa na gusto siya nung tao. "Sure."  "Let's meet on cafeteria" tumayo kami parehas dahil nag ring na yung bell. "Look.. i-i don't like you, okay!? or.. whatever! I was just struggling to search for friends here.. And you, you seem nice." Tumango lang ako at inilagay ko na yung mga libro sa books shelfs. Pagka tapos ko, sabay kaming naglakad papalabas. Napansin ko na nandoon parin si Kiel. May balak kaya siyang pumasok? baka ma-late siya. Pagka labas namin, dali-dali kaming pumasok sa room namin. Pagka pasok ko, hingal na hingal ako at dumiretso ako sa upuan ko. Tumingin ako sa table ni Kristen at naka tingin din pala siya. Kinwayan niya ako at kinawayan ko rin siya. Pagkatapos ng klase, bumaba ako agad sa cafeteria para makipag kita kay Apollo. Habang ako nag a-antay, may kumalabit sa likod ko.  "Hey." ngiti niyang sabi. Ngumiti rin ako at sabay kaming nag order. Pumunta kami sa table namin at sabay kaming kumain. Inilibot ko ang tingin ko at napansin kong malapit lang samin si Ezekiel. Sinusundan niya ba ako!? "Hey, are you okay?"  Ibinalik ko ang tingin ko at tumango lang ako tsaka ngumiti. "Do you have a boyfriend? I mean-" "Wala." I chuckled. "Ikaw?" "Wala rin." sabi niya tsaka sumubo ng pagkain. "Sa gwapo mong yan?" gulat kong tanong. Nanlaki yung mata ko at nag ubo-ubohan. Ngumiti siya sakin and he chuckled. "So.. you find me attractive?" nakita kong nag init yung pisnge niya. Nag iba yung awra niya kaya lumakas yung kabog ng dibdib ko. "H-hindi no! I mean, yeah.. no I- I mean yeah!" s**t! ang tanga ko! "Well.." umayos siya  ng upo. "I don't have one.." and he licked his lower and looked at me and smile a bit. Tinitigan ko lang siya nang matagal and faked my cough then smiled. Bakit parang ang awkward!? Pagkatapos ng recess, naglakad kami papalabas. Habang kami naglalakad sa hallway, bigla niya akong inakbayan kaya halos mapatalon ako sa gulat kaya napatigil kami sa paglalakad. Tumingin ako sakaniya at tumingin din siya. Mga ilang segundo kaming nag titigan. Binigyan ako siya ng pilit na ngiti at naglakad na ulit kami. "Aba putangina, kaya pala bigla nawala itong si Lily pagka ring ng bell dahil may jowa na pa-" malakas na sabi ni Kristen habang tumatawa pati narin si Sydney. "Hindi ko yan jowa!" "Oh? tingin mo maniniwala kami? Pano naman si Ezekiel-" asar ni Syd. "M-magkaibigan lang kami non! tsaka hindi na kami nagkakausa-" "What do you mean hindi na nagkakausap?" Napatingin kami sa likuran ko namin at nanlaki ang mata ko dahil si Ezekiel pala! putek ano ginagawa niya rito!? "Bro, what the hell?" Napa tingin ako kay Apollo. Magka kilala sila!? magkapatid!? magkaaway!? "Leave her alone." Sabi ni Kiel habang nag pipigil ng galit. "And why would I do that? You're not my boss." Inis niyang sabi. Akmang susuntukin na siya pero pinigilan niya. "And why are you doing this? Where's Kallie?" Tinitigan niya kami ng ilang segundo and i saw he clenched his first. Naglakad papaalis siya at sinundan ko siya ng tingin. Tumingin ako kila Syd at Kris at halatang gulat na gulat din sila. "Uh, tara na, Lily? May klase pa tayo! Magkita nalang kayo pagkatapos ng klase." she broke the silence.  Tumango ako sa at nagpaalam ako kay Apollo at pumayag naman siya. Pagka akyat kami, nililibot ko tingin ko. Baka sakaling makita ko si Kiel. Pero bakit ko ba siya hinahanap!? "Ano ba meron kanina?" tanong ni Kris at tumigil kaming tatlo sa pag lalakad. "Hindi ko alam sa totoo lang." huminga ako nang malalim "Si Apollo- yung kasama ko kanina, nakilala ko lang siya kanina sa library. Sabi niya magkita raw kami ulit dahil naghahanap siya ng kaibigan. Hindi ko naman alam na magkakilala pala sila ni Ezekiel." hinilot ko sentido ko dahil sa inis at stress. "Tsaka tungkol kay Ezekiel, magkakilala sila ni Kallie. At sabi niya layuan ko na siya." "Bakit naman?" kunot noong tanong ni Kris. "Eh may gusto siya kay Ezekiel, e. Nag seselos ata samin" I laughed sarcastically and shake my head.  "Kelan niya yon sinabi?" tanong ulit ni Kris.  "Nung nakaraan lang." "Sinaktan kaba niya?" At this point, naramdaman kong malakas talaga ang kutob ni Kris na may nangyari talaga.  "Hindi. Kinausap niya lang ak-" "Lily, hindi ako tanga." nag iba yung tono ng boses niya. "Actually parehas kami ni Sydney. Hindi kami tanga para maniwala sayo. Mapagmasid yan si Syd kaya hindi mo mahahalata. Muka lang yan walang pake sa mundo." pag papaliwanag niya. "Fine." huminga ako nang malalim. "Tinulak niya ako nung party.. at bago yon, binalaan niya ulit ako.. kaso bobo ako, e. Hindi ako nakinig. Nakipag sayawan parin ako kay Ezekiel.." "Hindi ka 'bobo', Lily. Tsaka sino ba siya para sundin mo diba? Alam ko namang gusto mo ma-try yung pag sayaw sayaw yung gabi na yon kaya hindi ka rin maka tanggi na 'no." seryosong sabi ni Syd. "Kaya go with the flow kalang. I-enjoy mo yung high school life mo, okay?" ngiting sabi ni Syd. Tumango ako at pumasok na kami ni Kristen sa room at pati narin si Sydney. Wala kami masyado ginawa kundi nag discuss lang at nagpa recitation gamit ang index card para tawagin kami alphabetically. Nakaka panibago  dahil hindi na ako kinakabahan ang salita salita sa harapan. Nang tawagin ang pangalan ko, sinagot ko yung tanong. Mabuti nalang hindi ako na bubulol at pag hinto hinto na parang iniisip pa kung ano yung isasagot. Ganon din si Kristen. Mabilis lang niya sinagot yung tanong. Naalala ko tuloy yung sabi ni Kristen, pinaka gusto niya yung nag sasalita sa harap kesya sa pa quiz at iba pang hindi individual activity. Pagka tapos ng klase, sabay kaming lumabas ni Kristen ng room para antayin si Sydney sa room niya. Malapit lang din yung room ni Sydney halos pang pang apat lang ang pagitan.  Hindi nag tagal, nagsi labasan narin sila at sabay kaming bumaba. Naka salubong namin si Eiden. Pagka lapit samin ni Eiden, kinutusan siya ni Sydney habang tumatawa. Ganon ata sila mag greet sa isa't isa. Mga siraulo talaga. "Oh asan yung dalawa?" tanong ni Kristen. "Andoon sa first floor. Ang dami nagpapa picture. Tangina, halos araw-araw may paparazzi, umay." sabi ni Eiden tsaka nag kamot ulo. Nang makababa kami, bumugad samin sila Bryan at Sean. Binati nila ako at sila. "Mukang blooming ka ngayon, Lily, a'?" pangangasar ni Bryan. "Pano kasi, may nagkaka gusto. Mukang pinag a-agawan pa ata." natatawang sabi ni Kristen habang naka tingin sa cellphone. "Wait what!? who?" gulat na tanong ni Sean. "Wag ka maniwala riyan sa siraulo nayan. Ano, magkaibigan lang kami tapos yung isa may misunderstandi-" "Weh? magkaibigan lang ba talaga?" singit ni Eiden. "Oo nga!" "Defensive, amputa." sabi ni Bryan habang natatawa. "Ito ha, gusto mo pa selosin natin para malaman mo kung may gusto ba talaga siya sayo?" "Ha-" "Wag kana tumanggi! This is gonna be fun!" pag putol ni Sean. "Okay so, we will act na  sweet tayo. And uh, get ready sa mga sweet words ko" he chuckled, "Papayag ka o papayag ka? or else.."  Napa atras ako at napa lunok nang mariin. Narinig kong tumawa siya nang mahina tsaka ngumisi. "Nevermind" tumawa siya. "Sino ba yan?" sabi niya habang naka taas ang isang kilay. "Si Ezekiel Mateo at Apollo.. But.. Apollo is different though." "Tangina!? e, kaaway namin yun tatlo, e! gago this is gonna be fun." Ano!? magkaaway sila!? Tangina, magkaka gulo ito lalo! Habang kami naglalakad sa hallway, bumugad sila Alivia at Alina. Nasaan kaya si Kallie? Baka kasama niya si Kiel at nag date? "Sup bitches." sabi ni Alivia habang kumakain. "Papunta kami sa kainan ngayon! Sama kayo?" masayang sabi ni Alina. Halos lahat sila nag agree at ako, hindi umimik. Hindi ko alam kung sasama ba ako.  Tinignan ko yung wrist watch ko. Maaga pa naman kaso.. baka ma out of place lang ako? Si Sydney kasi, pag kasama niya si Eiden puro laro lang sila parang lagi may sariling buhay. Si Kristen naman, nagkaka sundo na sila ni Bryan at Alivia. E ako? hindi ko masasabing si Alina dahil minsan lang naman kami magkausap. Without the two girls i'm always with, ma o-out of place ako. Lalo na e may galit sakin si Kallie. Pano kung bigla siya magpa kita? ano na?  "Ikaw Lily?"  Nag tinginan sila sakin lahat kaya medyo nailang ako. Ngumiti ako nang pilit. Mag sasalita na sana ako kaso biglang may umakbay sakin. Napatingin ako sa left side ko at nanlaki ang mata ko. Si Apollo! Oo nga pala, magkikita kami after class! "She's with me." bigla nanlaki yung mata niya. Natauhan ata sa sinabi niya. "I-i mean, we had a plan na we will hang out after class!" he sounded so defensive. Halata sa dalawa na gulat na gulat. Pero the rest, hindi, Dahil alam naman na nila yung nangyayari. Bigla ako hinatak ni Sean sa wrist ko at napa dikit yung likuran ko sa dibdib niya. Halata muka ni Apollo na nagulat siya pati narin yung dalawa. "Pano kung sinabi kong akin siya? Na she will come with me?" may halong pang aasar na sabi ni Sean. "Tangina niyo walang talo ta-" tinakpan ni Alivia yung bunganga niya sabay binatukan siya ni Alina tsaka tumawa. "Long time, Sean" Apollo smiled but it looks fake. " "How are you? Are you still being a dickhead?" Tumawa siya nang mahina at nag iba ang ang expression ng muka ni Apollo. Hinawakan ni Sean yung balikat ko at hinarap sakaniya. "And, she's my girlfriend.. Soon to be exact." "Oh, yeah? girlfri-" "She's soon to be your girlfriend? Wow."  Napatingin kami sa right side at halos malaglag yung panga ko sa nakita ko. Putangina! putangina! Bakit nandito si Kiel!? nagkaka gulo na nga.  Halos manlamig yung mga kamay ko sa kaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Parang gusto ko nalang magpa kain sa lupa, tangina!  "If that's tru-" "What the hell is going on? Mateo, really? shouldn't you be with Kallie right now? You really like playing girls' feelings, huh?"  "Why the f**k you care, dork?" he shakes his head and clicked his tongue.  Nalilito na ako! Sabi ni Kiel walang sila, magkaibigan lang sila at hinding hindi niya magugustuhan si Kallie! Tinitigan niya lang si Kiel si Kiel nang ilang segundo tapos huminga nang malalim. "If that's true, that you're courting her, kiss her" Kiel teased. Halos manlaki yung mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw! Sobrang kinakabahan ako! Pano kung halikan niya talaga ako!? Putangina!  Tumingin sakin si Sean at bumulong. "Get ready.. we have no choice." Napa pikit ako nang mariin at namradaman kong dumampi yung labi niya sa noo ko. Dalawang segundo tumagal ang labi niya sa noo ko. "Lily.." tawag sakin ni Apollo. Napatingin ako sa left side ko at nahalata ko rin na parang dismayado siya na hindi malaman. Shit, ano na ang gagawuin ko!? Sasabihin ko naba na its just all made up!? Pucha! "Ayaw mo pang maniwala? gusto mo halikan ko pa ito sa la-" "Asshole."  "Why are you acting like that? Gusto mo ba si Lily para ka magka ganyan?" Natigilan si Kiel ng ilang segundo, tinititigan kami. Maya maya, nag lakad siya paalis at sumunod si Apollo kaso ibang gawi sila. Pagka tapos non, naka hinga ako nang maluwag tapos nag tawanan sila maliban kila Alina at Alivia, "Putangina niyo ano nangyayari? Bakit wala kaming alam, ha!?"  Inexplain nilang lahat sa dalawa at halos mawalan sila ng hinga sakaka tawa. Ang sabi rin nila wag nila sabihin kay Kallie yung plano dahil magkabigan sila Kallie at Kiel. Pumayag naman sila na wag sabihin kay Kallie. "To be honest may tampuhan kami niyan ni Kallie. Kung akala niyo, e, masaya kami parati at solid, nagkakamali kayo roon. Lagi kami nagaaway. May time pa nga na muntik kaming mabuwag, e.Kaya hindi namin siya kasama ngayon, dahil may ka-date raw siya ngayon. Ang bobo nung babaeng yon. Sabi namin na wag na siyang pumunta dahil redflag yung guy, kaso ayaw makinig samin." sabi ni Alivia habang nag aayos ng buhok. "True. Tsaka kaya niya ginagawa yon para maka move on na siya kay Mateo. Tapos parang nagkaka feelings na siya sa guy pero at the same time, she still likes Mateo. Ewan ko ba, ang gulo niya." Ngayon nag lalakad kami habang nag kkwentuhan. Papunta kami ngayon sa kfc.  Nang makarating kami sa parking lot, dumiretso kami sa sasakyan ni Alivia. Pumasok siya sa sa loob tapos inatras niya yung sasakyan niya tapos binuksan niya yung bintana. "Sakay." "Gagi, pano yung sasakyan mo Sean?" tanong ni Eiden. "Tayong boys nalang sa sasakyan ko tapos yung girls, kay Ali sasakyan" pag papaliwanag ni Sean. Pumayag naman sila. Sumakay na kami sa sasakyan at pagkapasok namin, binuksan niya yung aircon tapos nagpa tugtog ng Bad Romance by Lady Gaga pinaandar niya yung sasakyan tapos umalis na kami. Mabuti nalang hindi dala-dala nila Eiden at Bryan yung sasakyan nila. Sabay sabay raw kasi silang pumapasok dahil magkakalapit lang sila ng bahay. Halos salitan lang sila kung kaninong sasakyan yung gagamitin papunta sa school o kung saan man sila pupuntang tatlo. Pagka punta namin sa kfc, humanap na kami agad ng table ng mauupuan. Medyo nahirapan pa nga kami dahil walang sakto samin, kaya pinag dugtong nila yung isang table at upuan. "So sinong mag lilibre?" sabi ni Sydney. "Si Sean nalang! tumatae naman yan ng pera, e." natatawang sabi ni Eiden. Bago pa pumayag si Sean, nag talo pa sila dahil ayaw niyang pumayag. Pero sa huli, pumayag din siya dahil hindi siya tinitigilan hanggat hindi siya pumapayag. "Yun oh. Kaya lab na lab kita tol, e." sabi ni Bryan. "Ulol putangina niyo" sabi ni Sean tapos pinakyuhan kami kaya nag tawanan kami. Mga ilang oras, dumating narin yung inorder namin. Pagka dating ng order, kumain kami agad at nag kwentuhan. Medyo nagiging close ko na yung mga lalaki at sila Alivia at Alina. Medyo nakakatuwang isipin dahil madali lang sila maka close hindi tulad ng ibang tao. Kung sino pa yung mga sikat at mas angat sakin, sila pa yung mas mabait at madaling kausap. "Ready kana ba ulit bukas?" tanong ni Sean tsaka kumain ng french fries. I shrugged tsaka sumubo ng kanin. I don't really know if this is a good idea. I mean, it sounds fun sakanila kasi may thrill at makikita mo talagang magkakainitan yung dalawa, but, pero sakin parang ang hirap dahil ako yung naiipit. Napansin kong tinignan ako ni Kris kaya napa tingin din ako sakaniya. Huminga siya nang malalim tapos nag punas ng napkin sa labi niya. "I don't think that's a good idea.." tumingin silang lahat kay Kris tapos kumunot ang noo ni Sean. "I mean, si Lily kasi yung maiipit lalo pag nagaway yung dalawa. Tsaka malay ba natin kung may gusto talaga sila kay Lily. Tulad nga ng sabi niya, naghahanap ng kaibigan itong si Apollo tapos si Mateo, flirty type siya" pag papaliwanag niya.  Sean grabbed his drinks and cleared his throat after drinking coke. Umayos siya sa pagkaka upo tapos tumingin ulit kay Kris. "You have a point but.. Lily, gusto mo ba? it's fine if you don't want it though." he chuckled. Ilang segundo ako nagiisip kung ano sasabihin ko. Sa totoo lang, ayoko ng gulo pero at the same time, I wanted to experience this.. like those moments, right? I mean, it sounds fun tsaka its normal yung mga ganong moments sa high school life. Once in a life time ko lang din yon ma e-experience. Dahil pag tumanda na kami, we have no time na mag ganon ganon.. Also we will have our own different paths chasing our dreams. And who knows kung kaibigan ko pa sila in the future. "Yes." ngumiti ako tsaka kumain ng french fries.  Sumigaw sila sa tuwa tapos inaalog alog ako ni Bryan tapos hinampas ako sa likod nang mahina. Parang gago lang.  Kinabukasan, bumugad sakin si Sean tapos ngumiti. Hinablot niya bigla yung bag pack tapos inakbayan niya ako. Nakakailang! Ang dami naka tingin tapos pinag bubulungan kami! Habang kami naglalakad sa hallway, napansin kong may ibang estudyante na palihim kaming pinipicturan kaya yumuko ako. Naka akbay parin siya. Dumiretso kami sa library dahil maaga pa naman. Naka hinga ako nang maluwag dahil parang nakaka panibago sa labas! Parang gusto ko nalang tumira rito!  Umupo ako tapos umupo rin siya sa harapan ko. Inilibot ko yung tingin ko, buti nalang wala masyadong tao nandito ngayon at hindi kami pinaguusapan.  "He's here."  Napatingin ako sa may pintuan, Si Apollo! Hinawakan ni Sean yung kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Huminga ako nang malalim at mariin kong ipinikit mata ko. Idinilat ko ito agad at binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Umupo malapit samin si Apollo at nag basa-basa siya. Ano na nag gagawin namin ngayon!? Ayokong maging sweet kami tulad kahapon na hinalikan niya ako sa noo! Mabuti nga hindi sa labi dahil mamamatay talaga ako pag ginawa niya yon! "Wait. Someone's calling." pag papaalam sakin ni Sean. Lumabas siya ng library tapos nag lakad paalis. Nanatili lang ako rito sa library. Kumuha ako ng dalawang makapal na libro at nag kunwaring nag babasa ako. Naramdam kong may umupo sa harapan ko at medyo nailang ko kasi parang hindi si Sean. "M-mamaya na.. b-babe.. babe" nauutal kong sabi. I heard his laugh and I raised my head immediately. s**t! si Apollo! "Anong 'babe'? Its Apollo." "I-it's a mistake! Akala ko ikaw si Sean!" Ngumisi siya tapos binitawan niya yung kamay ko.  "I don't think he is really courting you. Why are you doing this?" mahina niyang tanong. "What's up?" "H-huh!? he is courting me, kaya! Bakit ayaw mo maniwala?" I sounded defensive, ugh! He cleared his throat and looked at me straightly "Okay then.. " Pagkatapos niyang sabihin yon, ibinalik niya yung mga libro sa shelfs at naglakad papalabas. Bakit hindi siya convinced? Kainis naman. Ganon naba talaga ako ka-pangit dahil malabo akong magka boyfriend? Agad ako lumabas ng library at nakalimutan ko pa ibalik yung libro sakaka madali ko para masabi kay Sean. Ito naman kasing lalaki 'to ang tagal. Pagka labas ko, meron paring mga estudyante kaya tumakbo ako sa taas para hanapin si Sean. Habang ako nasa first floor, may narinig akong nag sasalita sa may music room kaya pumasok ako agad. "Sean!" my voice echoed. "What? you good?" nag aalala niyang tanong. Binaba niya yung cellphone niya tsaka linagay sa bulsa. "Ayaw niyang maniwala. Ganon naba ako kapangit? What the he-" Natawa siya nang malakas tapos he pat my head, "Nah. Baka kasi kulang pa yung kiss kaha-" "Sean!" inis kong sabi. Nag bukas yung pinto kaya napatingin kami.. s**t! si Kiel! Kanina paba siya rito!? "So you guys date here? I'm glad no one caught you here." he laughed sarcastically. "Anyway, let's who will win Lily's heart" pagka tapos non, lumabas siya ng music room. Ilang weeks nang nakakalipas at halos parang impyerno na yung buhay ko. Hindi ko alam kung pinag titripan lang ba ako nung dalawa, e! kaso kailangan ko itong panindigan. Ginusto ko ito, e! Ngayong araw, mala-late si Sean dahil may urgent daw kaya ang kasama ko ngayon ay sila Kristen, Sydney, Alivia at Alina. Si Bryan naman at Eiden, may meeting. Si Kallie, hindi raw sumasama kila Ali at Lina pag kasama kami.. dahil sakin. "Kumusta kayo ni Eid, Sydney?" tanong ni Ali. Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain. "Huh? anong kumusta? KAMI?" "Oo." natatawang sabi ni Ali. "Wala kami a' naging close kami dahil same vibes kami. Like you know, parehas kasi kami mahilig sa mobile legends" she chuckled and took a bite on her food. "E, kayo naman Kris? Kayo ni Pres?" tanong ni Lina. "Ayon.. pucha, rejected" sabi niya tsaka hinawakan yung dibdib na kunware nasasaktan. "Tanga sabi ko sayo, e. Mas straight pa yon sa ruler, e." natatawang sabi ni Sydney habang naka focus sa laro. "Kingina hirap balikuin. Bahala na. Mag hahanap nalang ako ng iba no" sabi niya tsaka natatawa. Sa totoo lang, cute sila dalawa ni pres, e.  Kaso hindi naman natin mapipilit ang isang tao na gustuhin tayong pabalik dahil masasaktan lang tayo at mag mu-mukang kawawa. "Ikaw, Lina? How's going with your crush?" tanong ni Kris. "Ayon. Nagkaka chat naman kami pero friendly conversation lang. Ayoko umasa roon. Tangina mapanakit talaga ang mga grade 12, no?"  "Yes, true." natatawang sabi ni Ali. "Ako naman.. wala akong balak mag lovelife muna. Sakit lang yan sa ulo. Madadagdagan pa yung responsibilites mo." pagpapaliwanag niya. "kasi tignan mo ha, sa una ie-explain mo yung tungkol sa buhay mo, mag go-good morning at good night ka, kailangan i-update mo pa sila kung ano ganap mo sa buhay mo. Tapos sa huli pag tumagal na, magkaka labuan tapos mag b-break. Tapos pag may nakilala ka nanaman, ganon nanaman. Nakaka umay kaya." sabi niya tsaka umiling. "May point ka riyan, 'te" natatawang sabi ni Sydney. "Kaya sabi ko sainyo, mag mobile legends at magaral nalang kayo 'no hahahahahaha" Pagka tapos ng recess, humiwalay ako sakaniya dahil mag pupunta muna ako ng rest room. Habang ako nag lalakad sa hallway, may biglang humatak sakin sa dilim. Hindi ko makita basta matangkad na payat. "K-kiel?" He grabbed my waist and pulled me closer to him and hugged me tightly. It's so silent. Tipong yung pag hinga niya naririnig ko. "I will make you mine.. soon" Nanatili lang ako nakadikit sakaniya. Hindi ko ma proseso yung sinabi niya..  Ano? 'I will make you mine soon' daw? Fuck..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD