04

4499 Words
"Parang baliw." sabi ko and I gave him a fake laugh. "Do I look like I'm kidding, Lily?" Matagal ko siyang tinitigan and I shrugged. I heard him chuckled and that made me furrowed  "Whatever."  Naglakad siya papaalis at ako, nanatili lang nakatayo sa dilim habang iniisip yung nangyari kanina. I'm pretty sure pinaglalaruan niya lang ako 'no. Sabihan ko na kaya si Sean na itigil na yon? Maglalakad na sana ako kaso bigla ko naka bunggo si Eiden at Sydney. "Puking- Lily!" sigaw ni Sydney. "Kagulat ka naman!" "Nananakot kaba, Lily?" natatawang sabi ni Eid sabay umakbay kay Syd. "Hindi no'" "E, bakit ka nasa dilim!?" tanong ni Syd. "Wala. Sige na may hahanapin pa ako!" Tumawa ako tapos nag 'sorry' dahil nagulat ko sila.  Naglakad ako para hanapin si Sean kaso bigla ko naalala kung bakit magkasama nanaman sila ni Eiden. May something kaya sakanila? Habang ako naglalakad sa hallway, naka salubong ko si Apollo. "Lily? What are you doing here?" "Uh, may hinahanap lang ako." "Sean?" kunot noo niyang tanong. I nodded and I gave him a small smile. "I saw him with someone.. a girl" mahina niyang sabi tapos nagkamot ulo. Napakunot noo ako tapos inilibot ko yung tingin ko. Tumingin ulit ako sakaniya tapos ngumiti. "Okay." Naglakad ulit ako para hanapin siya. Ang bobo talaga nitong ni Sean! Bakit siya nakikipag landian sa ibang babae!? Pano kung nakita pa yon ni Kiel edi ano na iisipin non? Nakita pa naman siya ni Apollo. Hindi talaga nagiisip! Nang makarating ako sa music room, binuksan ko yon tapos nakita ko si Sydney tapos Eiden. Nakaupo sila pareho, naglalaro. Natawa pa ako kasi yung binti ni Syd, naka patong sa binti ni Eiden. These two. "Nakita niyo ba si Sean?" Biglang tinulak ni Syd yung upuan ni Eiden kaya muntik nang mahulog si Eiden. "H-huh!? Hindi! Haha ano ginagawa mo rito!?" kabadong sabi ni Sydney. "Wala."  ngumiti ako tapos lumabas. Bago pa ako malayo layo, narinig ko yung boses ni Syd, nag echo. "Ambobo mo! Yan tuloy. Baka mamaya kung ano nanaman isipin nila!" Sinisi pa si Eid, e, binti nga niya yung nakapatong sa binti ni Eid. Nang matapos ang klase, dumiretso ako papauwi. Hindi ko na sila inantay. Pagkauwi ko sa bahay, diretso akong pumasok sa kwarto ko tapos nag half bath tsaka humiga sa kama. Ipinikit ko ang mata ko. Pinipilit kong matulog kaso hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Nag vibrate yung cellphone ko kaya agad ko naman ito kinuha tapos binuksan. Nanlaki yung mata ko. Finollow ako ni Kiel!? Pano niya nalaman yung name for pangalan ko sa IG!? Vinisit ko yung acc ko and my mouth formed 'o' ezekiel 1 post 669 followers 10 following Lowkey huh. Kinabukasan, late na akong nagising dahil wala namang pasok. Wala namang project o assignment para maging busy ako. Pagkatapos ko maligo, bumaba ako para kumain. Walang tao sa bahay. Ano pa ba ie-expect ko? Malamang yung tatay ko, nasa babae niya tapos yung nanay ko, nasa pamilya niya. Ako lang lagi naiiwan dito. Umupo ako sa sofa tapos binuksan ko yung T.V habang ako kumakain ng cereals. Bigla ako napatigil dahil naalala kong, Birthday ko nga pala. Wala akong pake sa totoo lang. Simula nung 4th birthday ko, roon na sila tumigil sakaka handa dahil malaki naman na raw ako. Hindi raw importante ang birthdays.  I don't like birthdays and I don't hate it either. Neutral lang. SInce yun yung sinanay sakin. Maski birthday ng iba wala akong pake. Minsan nga pinipilit pa nila ako para lang umattend.  Masasayang lang yung oras ko roon. Makiki kain lang tapos mag sasayawan o magkkwentuhan. Yun lang. E kahit sa normal na araw pwedeng pwedeng gawin yan.  Nagistory ako sa IG ko. Pinicturan ko yung cereals ko habang ko hawak hawak sa kanang kamay ko yung mangkok tapos naka tapat sa T.V na nakalagay yung logo ng netflix. Linagyan ko rin ng oras "6:30 AM"  Habang ako nanood, sunod sunod nag vibrate yung cellphone ko kaya napakunot ang noo ko. Pagka silip ko, inadd pala ni Syd si Eiden, Bryan, Sean, Alina at Alivia sa GC naming tatlo noon. eiden: yun oh. bryan: tara gala pota boring e sean: G ako. Miss ko na si bebe Lily  alina: ayan ha, kakaganyan niyo baka magka inlaban kayo. alivia: tru. bagay naman sila, e. sydney: ayy walang talo-talo gago kayo kristen: wow coming from you? sino kaya yung may something sila ng kaibigan niya. sydney: issue mo pota ka. alivia: ayos lang yan. ako nga crush ko si bryan, e. bryan: sori not available syd: PANISSS REJECTED AGADD HAHAHAHAHAHAH alina: antayin niyo story niyan ni Ali, magiging sadghorl ng taon yan. eiden: awts pain pighati hinagpis sakit  Nag ingay pa sila sa gc. Hindi na ako nakisawsaw kasi hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Pero I like how they always make me laugh. Nang matapos akong manood, napag desisyunan kong mag linis nalang muna ng bahay kahit hindi naman ganon karumi. Nag walis lang ako, nag hugas, nag ayos ng kama sa kwarto ko tapos nag palit ng punda sa sofa. Nang matapos ako mag linis, tumambay ulit ako sa sofa.  Nag ring bigla yung cellphone ko. Tumatawag sila sa gc. Sinagot ko yon agad tapos ang iingay nila lalo si Sydney jusko. "Lily!" tawag sakin ni Sydney "Punta kami sa bahay mo, pwede!?"  Napatingin ako sa oras. Hindi ko alam kung uuwi yung mga tao rito ngayon pero bahala na. Sakto nakapag luto ako tapos nag linis ng bahay. Pumayag ako tapos sabi nila mag a-ayos na raw sila tapos mag dadala ng snacks. Mga ilang oras, may kumatok sa labas ng pinto kaya agad kong binuksan iyon "He-" Nanlaki yung mata ko "Kiel!?" sigaw kong sabi. Tumawa siya nang mahina. Tinignan ko yung hawak hawak niya. May dala dala siyang paperbag. Anong ginagawa niya rito!? "P-pano mo-" "It doesn't matter." ngumiti siya tapos pumasok siya sa loob.  Nakatingala lang ako, tintitigan siya. Mas matangkad kasi siya kaya kailangan kong iangat pa yung ulo ko.  Tumingin siya sakin nang diretso tapos ngumiti.  "I-i.." Bigla niya ako inakap nang mahigpit tapos ako nakatulala lang habang akap akap ako. Halos amoy na amoy ko pa yung pabango niya. Humiwalay siya sakin tapos nakangiti parin siya. "Happy birthday." Halos pag pawisan ako sa kaba. Nanghihina pa yung mga tuhod ko kaya parang anytime, may o-out of balance ako.  "P-pano mo nalaman-" "On your facebook." he gave me a small smile tapos binigay niya sakin yung hawak hawak niyang paper bag. "Open it" Napatitig pa ako sakaniya habang naka nganga. I shook my head tapos binuksan ko agad yon. Nanlaki yung mata ko dahil nakalagay siya sa maliit na box. Binuksan ko yun agad tapos kwintas siya na silver tapos yung pendant letter L "Do you want me to wear it for you?" "S-sure." Tumalikod ako tapos iniangat ko yung buhok ko na pa ponytail.  "Turn around."  Humarap ako sakaniya tapos tinignan ko yung dibdib ko tapos hinawakan ko yung pendant. Tumingin ako sakaniya tapos ngumiti. "Thank.. you" kabado kong sabi. "My most welcome." "Hoy!" Napatingin kami sa labas tapos nanlaki yung mata ko na sila Sydney pala! Agad kong tinulak si Kiel papunta sa kusina tapos takang taka pa siya. "Diyan kalang!" sabi ko habang natataranta. Pumunta ako sa sala tapos ngumiti ako nang pilit.  "H-hi!"  "Parang tanga, Lily. Bakit parang 'di mo alam na papunta kami?" sabi ni Kris habang nilalabas yung mga pagkain na dala nila. Habang sila Eid, Bry at Shan (Sean) nasa sofa. Sila Alivia, Alina at Sydney naman, nag pipicture. "Hoy wag ka humiga riyan, baka madumihan yan!" sigaw ni Syd kay Eid. "Kapal naman ng muka mo. Huwag kang kakain a'"  Nagsitawanan kaming lahat tapos inasar asar pa silang dalawa. Ang nakakatawa pa, naka higa si Bry sa isang sofa tapos si Shan, nanonood ng T.V sa netflix!  "s**t!" mahina kong sabi. Naalala ko nga pala si Kiel! kawawa naman yun!  Pumunta ako agad sa kusina tapos nakita ko siya naka upo, nag ce-cellphone. "I'm sorry!" sabi ko habang natataranta. "It's fine. Anyway, bakit ayaw mong-" "So guys mag ho-house tour nga pala tayo. Ayan, oh diba ang laki. Rich kid kasi ako!" sabi ni Sydney habang natatawa. "Tapos ito yung kitchen area! ayan. Ito yung-" napatitig siya samin. "Lily!? E-ezekiel!?" Halos mabitawan niya yung cellphone niya sa gulat. "I- i can explain!" taranta kong sabi. Sumigaw siya kaya nagsi puntahan silang lahat dito. Napakamot ako sa ulo ko tapos huminga nang malalim. Inexplain ko sakanila kung bakit nandito si Kiel.  "Nako ha! May pa kwintas kana pala, Mat!? Sean, galaw galaw!" sabi ni Lina. Tumingin naman ako kay Sean tapos ngumisi siya. May sasabihin na sana ako kay Kiel kaso bigla ako hinatak ni Sean papalapit sakaniya. "What the hell do you think you're doing?" sabi ni Sean. "I just gave a gift for her birthday-" "Birthday mo!?" sabay sabay nila sabi sakin. Tumango naman ako tapos ilang segundo silang nanahimik "Why didn't you tell us!?"  tanong ni Alivia "Oo nga. I should've take you on a date." seryosong sabi ni Sean "You're her suitor. She doesn't have to tell you. My kamay at mata ka, gamitin mo yon sa paghahanap sa social media."  Napalingon ako bigla nang nakanganga kay Kiel. At yun na nga ang nangyari, bumili si Sean ng pizza, Mcdonald's tapos cake. Ayoko pa nga sana dahil hindi naman importante yon pero sabi nila speical day raw yon kaya mag celebrate raw kami. "Ayan na sila!" sabi ni Syd. "Uy na miss si Eid!" natatawang sabi ni Ali. "Pagkain ang namiss ko 'no!" sabi ni Syd tsaka umiling. "Unfair naman, Dapat ako rin." naka ngising sabi ni Eid Napatitig si Syd kay Eid nang ilang segundo tapos bigla itong binatukan tapos sila, nag tilian kaya mas lalo silang inasar. "Babae nga gusto ko!" pag dedepensa ni Syd. "Ay, 'di mo sure." sabi ni Kris tsaka tumawa. Tinulungan ko sila mag lagay ng mga pagkain sa lamesa tapos binuksan ko yung T.V para magpatugtog sa Youtube. Ayoko pa nga sana kaso sabi ni Bryan mas masaya raw pag may music lalo pag kumakain. Nang matapos namin ayusin yung mga pagkain, nag bihis ako dahil mag pi-picture raw kami. Ang suot ko ngayon black dress na fitted. "Ayoko nga mag make up." pag pupumilit ko. Narito kami ngayon nila Alivia at Alina sa kwarto ko dahil aayusan daw nila ako. Jusko, mag pipicture lang naman. Required bang bongga talaga magayos tapos naka makeup!? "Ayan! you look pretty."  ngiting sabi niya habang may hawak na lipstick tapos naka tingin sa salamin. Napsatingin ako sa salamin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Linagyan ako ng eyeshadow, eyeliner, mascara tapos light red lipstick. Si Ali naman ang nag ayos ng buhok ko. Inistraight niya yung buhok ko tapos kinulot sa dulo.  Pagkatapos ko magayos, medyo kinakabahan ako bumaba. Ewan ko kung bakit. Siguro hindi lang ako sanay ng nakaayos tapos may makakakita na iba. "Here's the birthday girl!" sigaw ni Ali. Lahat sila napatigil sa ginagawa nila, nakatingin sakin. Medyo nailang akkl kasi hindi naman ako sanay sa ganito! Parang gusto ko tuloy umakyat tapos mag bihis agad! "Ang ganda, amputa. Pakasal na tayo, Lily!" sabi ni Syd. "Hoy wag ganyan. Kawawa naman si Eid!" pangaasar ko sakaniya. Umirap siya tapos nag cellphone ulit. Nang lumapit ako sakanila, sa kusina. Sinindihan ni Kiel yung cake. "Pwesto na!" sabi ni Bry. Lahat sila nag puntahan sa kusina tapos umupo sa mga upuan. Pumagitna ako kila Alivia at Alina dahil doon nakalagay yung cake. "Happy birthday to you! happy birthday to you! happy birthday happy birthday, happy birthday to you!!" kanta nila habang sumisigaw tapos sinasabayan ng pag palakpak sa kamay. "Make a wish!" sabi ni Lina. Ipinikit ko yung mata ko. All I want is, I wanted to have a stable life, mentally stable to be exact. I wanted to achieve all my dreams, become an Independent woman because I cannot tolerate my parents' toxicity and lastly, i wanted to keep these people forever. They mean so much to me. I love them so much. Hinipan ko yung candle at binuksan ko yung mata ko. Nag palakpakan sila tapos nag play ulit si Bry ng ibang music. Nagsimula kaming magkainan, tawanan tapos asaran. "Picture!!!!" sabi ni Lina. Linabas ni Sean yung cellphone niya tapos yun yung pinang picture. Nakailang take din kami. Meron yung kaming lahat tapos isa isa ko sila kasama sa picture.  Meron din yung sobrang gulo. Sa iba naka tingin si Bry tapos si Eid. Meron din yung nag iba ng position si Lina kaya nag blurred sakanila. Halos iilan nga lang ata yung maayos na picture sa dinami dami ba namang shots. "Pose dali! ayan!" sabi sakin ni Sydney habang hawak hawak yung cellphone ni Sean. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay namin. Gusto ni Syd na picturan niya raw tapos ipost ko raw sa sss o IG. "Ayan! Isa pa! Profile pose naman. slightly lift up your head" paguutos niya. Sinunod ko naman yon agad tapos naka ilang take siya. "Mag straight body ka wag kuba para 'di pangit sa picture. Ayan good. Tapos tingin sa left. Fierce ka. Ayan tapos mag smile ka yung kita ngipin." Mga ilang oras kami ng picture and it went well naman. Tapos si Lina at Ali ang nag edit ng pictures ko. Pagkatapos namin mag picture nag party party kami. Plinay ni Bry yung kanta ni Donnalyn Bartolome. "Birthday, birthday, birthday mo!" sabay nila sa kanta. Halos lahat sila hawak hawak yung iniinom nila na sprite na parang kala mo alak. Nakataas yon tapos sumasayaw sayaw sila. Nakakatawa pa, kasi tinungga ni Bry yung isang royal tapos naglalasing lasingan, parang gago. Natawa ako habang ko sila pinapanood kaya nakisali narin ako sakanila. Katabi ko ngayon si Kiel. This guy.. he's such a nice guy although he's a flirty type. Minsan ewan ko kung totoo ba talaga yung mga sinasabi niya sakin or maybe he was just trippin'  Well, what do you expect? We are teenagers. We must enjoy our teenage life instead na magpaka stress sa mga useless na bagay. Because as we older, our life gets tougher. We will face a lot of problems and suffer. But that's not the point. Life's short, e. So we must enjoy and cherish those happy moments. Dahil pag tumanda na kami, we will get busy pursuing our dreams and we will be on our different paths. But I hope these people who I am with now, will stay solid no matter what happened. Pagka tapos namin kumain, nasa sala na kami ulit. Mabuti nalang walang hugasin dahil puro disposable lang yung ginamit pang kain sa cake tapos sa tubig and the rest sa Mcdo lang. Nanonood kami ngayon ng movie sa Netflix. Katabi ko si Kiel ngayon. Pinaka dulo siya, sunod ako at si Kris. Sa isang sofa naman, si Ali, Lina, Bry tapos Sean. Tapos sa lapag sila Syd at Eiden. Well, what do you expect at those two? Ayon, naglalaro nanaman sila. COD naman this time hindi raw ML "Ambobo naman niyan. Kung nakinig yan sakin, buhay pa sana siya ngayon!" sabi ni Kris habang naka focus sa T.V Buong araw lang kami nanood ng movie. Kain dito, kain doon. Patugtog dito, patugtog doon. Pero kahit ganyan lang yung celebration, sobrang saya ko na. Hindi ko na kailangan ng bongga na celebration. Hindi ko na kailangan magpa throw ng party. Mga 5pm na silang umuwi. Gusto pa nga nila magpa gabi kaso baka umuwi sila Mom and Dad. Mayado silang madami tapos ang iingay pa. Baka mapagalitan pa ako. Pagka uwi nila, naiwan si Kiel. Tinulungan niya ako magayos ng mga unan sa sala tapos yung pinagkainan sa lamesa tapos yung mga basura rin. "Kiel." tawag ko sakaniya. "Hm?" he said it in a soft voice. "Yung mga ginagwa mo.. trip mo lang yun diba? Kasi bored kalang?" maingat kong tanong. Baka kasi maoffend siya! "Bakit mo 'to ginagawa?" His eyebrows furrowed, looking confused.  "Ito.. You're treating me like you like me" Paglilinaw ko. "Kasi I do like you." Tumingin siya sa taas tapos huminga nang malalim. Tumingin siya sakin tapos ngumiti. "Why? Does it bother you?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Tatayo na sana ako para kunin ko yung cellphone kaso napaupo ako dahil hawak hawak niya yung wrist ko. "What?" naka kunot noo kong tanong. "Do I look like I was just pretending that i like you?" That made me caught off guard. Nakaka offend ba yung tanong ko!? Oh my god! Anong gagawin ko!? "H-huh!? Hindi a! Ni-hindi nga.. Pumasok yan sa isip ko." "Good. Kasi kung sakaling isipin mo yon, just try to think why would I brought you some expensive necklace on your birthday and even stalked you on social media just to know if when's your birthday." Natulala ako bigla sa sinabi niya. Oo nga naman. Bakit siya mag e-effort kung trip trip niya lang? Pero pwede rin kasi gawin niya yon para makuha niya yung babae tapos at the end iiwan niya rin! "Really" I don't sound convinced. But why do I care anyway!? Ni-hindi nga kami fit sa isa't isa, e! "You don't sound convinced at all." Sabi niya habang nililibot yung tingin.  "Naisip mo naba kung bakit ang bilis ko na-fall sa'yo, Lily?" He sounded more serious now. Tumango ako tapos huminga siya nang malalim. "Actually, I don't know either." He chuckled. "I guess love, at first sight, is real." Sabi niya tsaka tumayo. Sinundan ko siya nang tingin tapos ngumiti siya sakin. "Uwi na ako. See you on Monday." He pat my head tapos lumabas na ng bahay. Limocked ko yung pinto tapos umakyat na ulit sa kwarto para mag half bath. Nang matapos akong mag half bath, humiga ako sa kwarto ko tapos tinitigan yung kisame. "Ano bang gagawin ko ngayon? Ang boring." Sabi ko sa sarili ko. Binuksan ko yung cellphone ko tapos nag check sa IG. Napangiti ako dahil tinagged na pala nila ako sa story. linaa tagged you in a story. callmealiseeexc tagged you in a story. eiden_ tagged you in a story. bry4n tagged you in a story. callmeshan tagged you in a story. itssyd tagged you in a story. kristen_ tagged you in a story. Inadd ko yon lahat sa story kasama narin sa f*******:. Nag thank you rin ako sa GC namin. To: Ungas Thank you kanina! Sobrang na-appreciated ko iyon  Pagka tapos non, nag ingay na ulit sila aa gc tapos nakisali rin ako dahil bored ako. Habang ako nag t-type, nag notif bigla yung IG ko. Agad kong binuksan yon at nanlaki ang mata ko dahil tinagged ako ni Kiel sa IG niya! kielmateo tagged you in a story. Kiel huh. Pagka view ko ng story niya, meron kami yung picture naming dalawa na nasa sofa kami kanina yung nanonood kami tapos yung box ng kwintas kanina at.. Stolen shot!? Yung picture ko noon, yun yung nag b-blow ako ng candle habang naka pikit! To: kielmateo Muka naman akong gago roon sa stolen shot. Pero thank you! Nag reply agad siya. From: kielmateo Cute mo nga roon, e. Anyways, you're welcome, my love. My love!? Huh!? To: kielmateo Anong 'my love' ka riyan!? From: kielmateo Ay ayaw mo ba non? Sige, 'baby' nalang haha I rolled my eyes tapos hindi ko na siya rineplyan. Nag vibrate ulit yung cellphone ko. Finollow ako ni Apollo. Finollow back ko agad yon tapos mga ilang segundo, nag dm siya sakin apollo: Wow, it's your birthday!? Happy birthday!! :) Nag 'thank you' ako sakaniya. Sayang daw hindi kami nakapag gala or nakapag picture manlang para pang story raw. Pero, pano niya kaya nalaman yung IG ko? Mala-stalker din 'to a' Inupload ko narin yung mga pictures ko kanina. Inarchive ko yung isa kong post tapos inupload ko yung tatlong pinaka nagustuhan kong pictures kanina. Maya maya, sumabog yung notificafion ko kasi nag like sila tapos nag comment. linaa: ugh so pretty and sexc omfg! callmealiseeexc: My edits are so astig! lmao. Take me as your editor na! eiden_: penge ng epic skin ni Granger. tnx bry4n: h4i l0ds q!! callmeshan: that's my baby right there itssyd: haix galing ko talaga mag picture. Btw may bayad yan. 500 kada isang shot. send mo nalang sa gcash bebs HAHAHAHAHA kristen_: b4k4 k4ib1gan q yan mwehehe. Natawa  nalang ako sa pinag gagawa nalang kaya isa isa ko silang rineplyan. Jusko. Si Lina lang yung may matinong comment! kielmateo: gorgeous as always xo I smiled a bit dahil sa comment niya. Comment lang naman yon pero bakit napapangiti at nagiinit pisnge ko!? Feel ko tuloy pinagpapawisan ako! Kinabukasan, wala ako masyadong ginawa. Nag exercise lang ako tapos nag basa basa ng libro. Sobrang bored na bored ako sa bahay. Walang pasok sila Mom and Dad ngayon. Natandaan kaya nila na birthday ko kahapon? Narito ako ngayon sa kusina para kumuha ng tubig. Kakatapos ko lang kasi mag yoga. Bored kasi ako kaya ginawa ko wala sa oras. "Ano 'tong nasa basura? Nag order ka sa Mcdo?" Kunot noong tanong ni Mom. Tumango lang ako tapos tinapikan ko ko yung baso tapos sinara yung ref. "Bakit? As far as I remember, we have some stock foods on our storage room a'" sabi niya nang naka pamewang. I took a deep sigh. "Birthday ko kahapon." "And then?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero nasaktan ako bigla. Hindi naman ako ganito rati. "Since when did you start caring about your birthday? Halatang nagpa punta kapa rito without our permission!" Inis na sabi niya. "Hey, let our daughter be. Maybe she just wanted to have some fun" sabi ni Dad and then he shrugged. "You're grounded!" "H-huh!?" I couldn't help it. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan! "Nag rereklamo kana ngayon, Lilian!? Since when!? Yung simulang nakilala mo yang mga kaibigan mo!? They are such a bad influ-" "Mom, pano sila naging bad influence!? Ikaw nga na magulang ko wala kang pake sa birthday ko! Mas may pake pa yung ibang tao!" Inis kong sabi. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. "Tamo, dati hindi ka naman sumasagot noon! You have no manners! Edward, teach this kid a goddamn lesson!" Binagsak niya yung plastic na hawak hawak niya tapos lumabas ng bahay. Pinunasan ko yung luha ko tapos kinuha ko yung plastic na hawak hawak niya tapos linagay ko sa lamesa. Kinabukasan, maaga akong pumunta ng school. Hindi rin ako binigyan ng baon. Gladly, meron akong pera galing sa allowance ko from school. Naka tambay lang ako sa may bench tapos nag ce-cellphone. Nag chat din ako sa GC pero wala pang online sakanila. "Hey." Napatingala ako. "Kiel? Ano ginagawa mo? Ang aga pa a'" nagaalala kong sabi. "Just had a bad day yesterday." He took a deep sigh tapos umupo sa tabi ko. "Bakit?" "Just had an argument with my Dad. It's fine it's not that serious." Tumingin siya sakin and he gave a small smile. "What a coincidence! I had an argument with my... Mom too" i took a deep sigh. Mga ilang oras, nag start na yung klase. Medyo na late pa si Kris dahil pinuntahan niya pa raw yung Lola niya. Wala kami ginawa buong araw kundi nag discuss lang tapos nagpa quiz. "Anong kukunin mong strang pagka grade 11 natin?" Tanong ni Kris. Uwian na namin ngayon. Naglalakad kami papuntang abangan ng tricycle. Hindi namin kasabay yung iba ngayon. "Humss, ikaw?" "Stem. Ikaw, Syd?" "Uh." Tumingin siya sa taas. "Probably humss as well" tumingin siya nang diretso tapos nag unat. "I will be taking criminology though. What about you two?" "Engineering ako." Sabi ni Kris. "Psychologist." Ngiti kong sabi. I've always wanted to take psychologist. I hate seeing people suffering from depression. I'm a type of person who's one call away. I don't know why, but, even if it's a stranger who will open up to me out of nowhere, I'm always willing to listen and help them. Listening to other people's problems was always my habit ever since I was a kid, though. But the saddest part is, I can't apply thoset advice to myself. Pagkauwi ko sa bahay, nagkakainan sila Mom at yung mga anak niya. Si Dad, wala. Probably. Hindi naman pupunta yung mga anak ni Mom dito kung andito si Dad. Wala ako ginawa kundi mag aral lang nang mag aral tapos minsan sumasama ako sa gala nila pag nagkaka ayaan. Malapit narin matapos ang school year namin. Malapit na ako mag Grade 11. Excited narin ako dahil mae-experience ko na yung mga gawain ng bumss. Kung tutoosin nga, hindi na ako mahiyain hindi tulad noon. Those people I met are mean so much to me. Literally. They changed me and made me realized some stuff. "Si Kallie, kumusta na pala?" Tanong ko kay Lina. Huminga siya nang malalim tapos ngumiti. "Ayon, busy sa pagaaral. Wala na sila nung guy na kinakatangahan niya." Natawa siya. "Ayaw makinig, e." "Tsaka, ayaw sumama dahil.. Sayo, Lily." Maingat na sabi ni Ali. It's okay, though. Wala naman akong issue kahit malaki galit niya sakin. "Pero I will try to convince her na mag hang out din satin minsan! Para naman maka close niya rin kayo 'no!" She continued. "She just sound mean. Pero if you will get to know her, you will realize she's not maldita at all!" Pagpapaliwanag niya. Bigla ko tuloy naisip si Kiel. Sana maka close niya rin 'tong mga 'to. Masaya rin naman siya kasama. Lalo na si Apollo. He doesn't have any friends! I kinda feel guilty rin minsan pag siya nagaaya sakin tapos tinatanggihan ko. Well, busy rin naman kasi ako. For sure maiintindihan niya yon. The next day, maaga ulit akong pumasok sa school. May kailangan din kasi kaming tapusin kaming mga ka-grupo ko. Mag tatapos narin yung school year kaya dapat matapos naman ito agad. Biglang tambakan sila ng project, e. "Lily, paki kuha nga nung gunting!" Sabi nung leader namin. "Okay!" Sigaw ko. Kukunin ko na sana yung gunting kaso may bigla akong naka bangaan. "I'm sorry!" Tumingin agad ako at nanlaki mata ko na si Kiel pala. "It's fine. Oh, by the way, can we talk for a minute?" He said in a soft voice. "S-sure! Wait lang!" Binigay ko yung gunting sa leader namin tapos nagpaalam muna ako na may kukunin ako, mabuti pumayag. Hinawakan ni Kiel yung wrist ko papunta sa likod ng school. "Anong ginagawa natin di-" Inakap niya ako bigla nang mahigpit. "K-kiel.. Kakakita lang natin kahapon.." Sabi ko habang natatawa nang pilit. "I don't care. Mas matagal kitang hinanap, Lily." Nawala yung ngiti ko tapos humiwalay siya sakin bigla. Parang lang ako naka estatwa. "H-huh?" I tried not to stutter. "I know you since we were kinder, Lily." Ngiti niyang sabi. Hindi ko ma proseso yung sinasabi niya! Nananaginip ba ako!? "15 years, still you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD