Kinagabihan, maaga kami nag handa ni Kiel para sa susuotin namin sa prom. Kailangan kasi maaga kaming pupunta roon dahil para ayusin yung mga hindi namin natapos. Nandito silang lahat except kay Eid at Sean. Mas nauna silang pumunta sa school.
I was wearing a Banquet evening dress blue off shoulder temperament. Si Ali ang nag make up sakin tapos si Lina ang nag kulot ng buhok ko. Hindi rin ako nakasuot ng spectacles ngayon kaya I'm using contact lense na may grado.
Pagkatapos nila akong ayusan, bumaba kaming tatlo at natigilan yung mga tao sa paguusap, especially Kiel; he was staring at me.
"Wow, princess!" natatawang sabi ni Syd. "Grabe nahiya naman ako sainyo!"
Sydney was wearing a ball gown strapless floor-length appliqued sleeveless lace at ang kulay ay dark blue.
Kristen was wearing a dark blue dress with sleeves.
Alina was wearing two pieces one one shoulder long sleeve mermaid dress at ang kulay ay light blue.
Alivia was wearing a trumpet light blue dress.
While the boys are, dark blue-tie dress code and a blue tuxedo.
Ginamit namin ang sasakyan ni Bry papuntang school. Nang makarating kami, everything was all set. May ilaw sa puno at mga halaman, prom dinner table, maliit na stage and some other luxery stuff for prom. Ang theme ng prom ay Starry Night kaya may mga stars na surrounded.
After 30 minutes, nag start na yung prom. Isa-isa na pasukan na yung mga Grade 10 at senior high. Isa isa silang umupo sa prom dinner table at kami ring ungas. May pina reserve kami na mahabang lamesa at saktong upuan para saamin. Gusto pa nila na mag bukod kami ni Kiel but I refused. Duh, araw-araw ko naman nakakasama si Kiel, e. 'E sila minsan lang.
Also.. of what happened earlier.
"What a delightful evening! Hello everyone!" nagsi palakpakan ang lahat nang magsalita si Sean. "I am Sean Suarez also known as the taga gawa ng events dito sa school." natatawang sabi niya. "Thank you for coming tonight. You're free to do everything you want, enjoy!" nagsipalak pakan ulit kami. "Oh, wait!" linabas niya yung invitation card galing sa bulsa ng tuxedo niya.
"Everyone, bring out your invitation and raise it in the sky. We may enjoy this prom for tonight, woo!" itinaas namin sabay-sabay yung invitation tapos nagsigawan din kami.
"Oh, "hi" naman kayo riyan!" itinutok saamin ni Eid yung camera niya tapos kumaway kami.
"Yow what's up!" hinablot ni Syd yung camera habang may laman yung bibig niya kaya napakamot ng ulo si Eid and that made me laughed.
These two.
"Tour ko kayo!" naglakad papalayo saamin si Syd tapos sinundad siya ni Eid. "Hoy, Sydney! pota naman!"
Maya maya, plinay na ni Kris yung mga music na dinownload nila Sydney at Eiden. Ang unang music na plinay ay I wanna be your slave - Maneskin
Naglakad kami ni Kiel kung saan nag pa-party party yung mga tao, kasama na rin ang ungas. Habang kami sumasayaw, may biglang humablot sakin. Inis kong inalis yung kamay sa braso ko tapos tinitigan ko nang masama.
Agad nag laho yung expression na 'yon nang makilala ko sino yung humablot sakin.
Kallie?!
Napatigil sa pag sasayaw si Kiel nang mapansin niya ako.
"Kallie?" Kiel said confusingly.
Kallie pursed her lips "Uh.. Lily, can we talk?" mahina niyang sabi.
Napatingin ako kay Kiel at agad ko rin ibinalik ang tingin ko kay Kallie. Anong nanaman balak nito?
"Sige."
Maglalakad na sana ako nang biglang mag salita si Kiel. "Don't f*****g dare to touch-"
"Oo na, 'Di ko sasaktan yan. Takot na takot ka gurl?" pangangasar ni Kal kay Kiel.
Nang makalayo layo kami ni Kallie, binitawan niya ang pagkakahawak ko sa braso ko tapos tumingin sakin nang diretso.
"I- uh.. I.. f**k! how do I say this?!" napayuko siya. Agad siyang tumingin sakin and she held my two hands. "I.." nararamdaman kong nanginginig yung dalawang kamay niya kaya hinawakan ko ito and that made her flinched. "I'm sorry!"
I gave her a small smile. "I forgive you." magsasalita na dapat ako nang marinig ko ang tawanan nila Eiden, Sydney, Alina at Alivia.
"Thank you!" naluluha niyang sabi. "I also want to apologize sakanila.. especially kila Ali at Lina. Kaso I'm natatakot. What if they won't-"
"Kallie.. kilala ko sila. Hindi sila ganoon. Trust me. They will forgive you. Especially yung dalawa. I'm pretty sure they miss you already. Sa tagal niyo ba namang magkakasama?"
Naputol usapan namin nang mapansin naming papalapit na saamin dito sila.
"So that's the end for our vlog for today! Thank you for-" sumigaw siya nang malakas at muntik nang mabitawan yung camera mabuti nalang nasalo ni Eid. "Lily?! Kallie?! Anong ginagawa- Aray naman, Eid!"
"Muntik mo nang masira yung cam ko!"
"Sorry na! Kagulat kasi 'tong dalawang 'to. Teka.. Anong ginagawa mo Kallie kay Lily, ha?!"
Binitawan bigla ni Kallie ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nahahalata ko na she feel uncomfortable at nahihiya.
"N-nothing. I'm just.. uh-"
"Kallie, ano nanaman balak mo? Pati ba naman-"
"Lina.. let her speak." pagpuputol ko.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Kallie tapos nginitian siya. She gave me a small smile and took a deep sigh. Dahan-dahan siya nag lakad papalapit sakanila.
"I'm.. sorry." napa luhod siya sakakaiyak habang tinatakpan niya yung bibig niya. "Sorry.. sorry talaga.." nanginginig niyang sabi.
Alivia grabbed her hand kaya napalingon siya tingala siya. "Shh.. tahan na. We forgive you." ngiti niyang sabi. "Right, guys?" tumingin siya sa sakanila at sabay sabay silang tumango while smiling.
"Except samin." napalingon kami sa likuran namin nang matanaw namin sila Sean, Bry, Kiel at Kris.
Agad kong tinitigan si Kallie at halata sa muka niya na dismayado. She pursed her lips and gave us a small smile. "Its.. its okay. I'm not going to force you guys to forgive me. Nagsisi lang talaga ako about what I did to you guys.."
Tumawa naman nang malakas si Kris tapos linapitan niya si Kallie. "I forgive you." ngiti niyang sabi.
Napansin kong napatulala si Kallie at agad naman ngumiti ito. Nagsi-lapitan din yung mga lalaki at tinapik-tapik yung likod ni Kallie. "WE" they emphasized. "forgive you."
"People make mistakes and that's okay because you learned your lessons." sabi Kiel nang umakbay siya kay Kallie.
Nagkaayos ayos na sila maliban sa mga lalaki. Kelan kaya sila magkakaayos? Siguro kung magkaka ayos na sila, mas sasaya ang ungas.
Bumalik kami sa party at nag party-party ulit kami. Nang magsawa kami, bumalik kami sa table namin.
"Uy, si Kal walang upuan."
"Tara rito, kandong ka sakin." natatawang sabi ni Ali.
"Gago." tumawa rin si Kallie at nang mapansin niyang may bakanteng upuan sa isang table, agad niyang kinuha ito tapos dinala niya sa table namin.
"Siraulo baka may nakaupo riyan."
Sabay sabay kaming kumuha ng pagkain namin at nang maka kuha kami, agad kami pumunta sa table namin. Ang sabi pa ni Sean, Mommy niya raw ang nag luto ng mga pagkain at Daddy niya. Not gonna lie, it tastes good though.
"Lily!"
Napatingin naman ako kay Syd at napansin kong naka turo siya sa pagkain ko. "Ano?"
"Picture muna, duh! pi-picturan ko pagkain natin para ii-story ko sa i********: at f*******:!"
Mag rereklamo na dapat kami dahil halata namang mga gutom kami kaso hindi rin kami makatanggi dahil for memories nga naman.
"Bilisan mo, Syd! Gutom na kami!" reklamo ni Eid.
Pang ilang reklamo niya nayan. Pano ba naman kasi, ang dami niya nang shots! katiwran niya pangit daw yung pagkaka shot, lighting at angle! Ang arte ha.
"Ayan okay na!"
Kakain na dapat kami nang pigilan kami kaya naman napatayo itong si Eid. "Wag mo nalang kaya kami pakainin 'no?!"
"Picture muna kasi tayo, gaga! Ang pangit naman nung mag pi-picture tayo pag wala nang mga pagkain yung plato natin, duh!"
Napakamot naman ng ulo si Eid tapos huminga nang malalim. "Sige na nga para matapos na. Tangina naman, oh."
Tumayo kaming lahat sa inuupuan namin at nag dikit dikit kaming lahat. Si Syd ang may hawak ng selfie stick para mas maganda ang pictures namin. Halos lahat ng postures ng pang group photo ginawa na namin.
Kaso nakarami kami ng shots dahil yung iba hindi naka tingin sa camera, yung iba naging blurred dahil nag papalit-palit ng pwesto at yung iba naman naka pikit. Kaya tawang tawa si Syd habang niya tinitignan pictures namin.
"Mamaya mo na tignan yan! Nag didilim paningin ko sayo, Sydney! mga gutom na kami!" inis na sabi ni Sean.
"Oo na, ito na!"
Ang sunod na humawak ng selfie stick ay si Kallie dahil nangangalay na raw si Syd. Kasalan niya na 'yon! magaganda naman yung shots, e!
"Okay its done na. Lahat ng pictures natin are so good! Kain na us." sabi ni Kal habang tinitignan yung mga pictures.
Sabay-sabay kaming nagsikainan. Nag tawanan kami at asaran. Nang matapos kaming kumain, pumunta ulit kami sa gitna nang mapansin naming mag s-slow dance na.
Ang kapartner ni Ali, si Bry. Si Lina, si Sean. Si Eid, si Syd. Si Kris, si pres. Ewan ko ba roon. May lakas loob parin sya kahit rineject na siya.
Habang akong may kinuha sa bag ko, may biglang kumalabit sakin at agad naman ako napalingon sa likuran ko.
"Oh my god, Apollo!" natutuwa kong sabi. Agad ko naman ito inakap dahil sa tuwa and he hugged me back. Humiwalay rin ako agad habang nakangiti. "Nandito ka pala?! Hindi kita napansin!"
"Late, e." he chuckled. "How are you? its been a long time."
"Ayos naman! Ikaw ba? Kelan balik mo sa ibang bansa?"
"I'm fine. And about that, I don't know yet. I think ma mo-move." he shrugged.
Nang tawagin ako ni Kallie, naalala ko bigla na wala nga pala siyang kapartner. "Tara!" aya ko kay Apollo. I grabbed his hands papunta sa gitna tapos pumunta kay Kallie
"Can you be my partner, Lily-" natigilan siya nang makita niya si Apollo.
"Ayan! May partner kana." natatawa kong sabi.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya ako natawa. "Apollo, ayos lang naman sayo, diba?"
"Uh.. yeah, of course."
I grabbed Kallie's hand and same as Apollo at ipinaghawak ko ang kamay nila. Tinulak ko si Apollo kay Kallie kaya naman nag dikit sila at napansin kong namula ang muka ni Apollo.
"How dare you to touch my arms?!"
"I-its a mistake, okay?! Lily pushed me. Hindi mo ba na see?"
"I did. Do you think I'm bulag?!"
"Look, let's just dance, okay?"
"You pilit me first." maarteng sabi ni Kallie.
Naglakad na ako papunta kay Kiel kaya hindi ko na narinig yung usapan nila. He offered his hands kaya inilahad ko ang kamay ko sa palad niya. Hinila niya ako papalapit sakaniya at nang maglapit kami, he wrapped his hands on my waist as I wrapped my arms on his nape.
We were staring at each other while smiling. The way he's looking at me, it feels like I'm the most beautiful girl in this world. Like I'm his one and only..
"I love you, my home."
"Mas mahal kita, aking pahinga." he chuckled.
Pagkatapos ng slow dance, nag picture kaming dalawa at nag video video. For memories daw. I don't mind though. This is one of the best memories I wanted to capture to cherish it.
"Ang pangit ko riyan, Kiel. Wag mo i-upload 'yan." reklamo ko.
"What? You look cute there though. Ducky face." he chuckled.
Cute?! Ang lakas mang bola nito. I thought he won't upload it kaya nag ducky face ako!
Sabay kaming bumalik sa table namin at napansin kong nandoon na rin yung mga babae. Maliban kay Kallie, Bry, Eid at Sean. Inilibot ko ang tingin ko at napansin kong ang daming nagpapa picture sakanila.
"Paparazzi, woo!" natatawang sabi ni Syd.
Sobrang daming babae nagpapa picture sa mga lalaki. Tumawa pa nang malakas si Kris nang mapansin naming may humalik kay Sean sa pisnge. Kitang-kita pa sa muka niya na gulat gulat siya tapos tumawa nang pilit.
"Apollo, oh, ano nangyari?"
"There are so many boys who wants to dance with Kallie kaya lumayo na ako. Those guys are so gago. Ang sama ng tingin nila sakin." he scoffed. "She's not my type anyway." tumawa siya.
Natawa kaming lahat tapos biglang nag salita si Lina. "'E what's your type ba?"
Tumingin sakin si Apollo at agad siyang tumingin kay Lina. "I.. uh.. secret." he smiled.
Umupo siya sa tabi ni Kris dahil tinawag siya. They will get to know him daw. I would be glad kung makaka close nila si Apollo. Apollo seems friendly pero mahiyain.
Mga ilang minuto, bumalik na yung mga lalaki. Kinewento nila na marami raw nag a-aya sakanila na maging partner nila sa sayaw pagkatapos nila makasayaw sila Ali, Lina at Syd. Hindi rin naman daw sila maka tanggi dahil minsan lang din 'yon.
"Pero pucha, man. Nakaka badtrip yung nakaw na halik kanina." inis na sabi ni Sean.
Nagsi-tawanan naman kaming lahat tapos inasar asar namin sila. Maya maya dumating si Kallie. Halatang stressed na.
"Girl, what the hell happened to you?" may halong pangaasar ni Lina.
"I'm so exhausted! I danced with five boys and none of them is my type!"
"Baka naman kasi ang type mo ay si Apollo?" natatawa kong sabi.
She gave me a disgusted look and scoffed. "Mandiri ka nga, Lily! Apollo is not my type."
"Weh? duda ako. Parang dati lang sinabi mo saamin ni Ali na bet mo ang mga Half American or any!"
"Yes, those are my type. But Apollo is definitely an exception, yikes!"
"Yieeee, diyan nagka tuluyan ang Lolo't Lola ko!" tawang tawa sabi ni Syd.
"Shut up, girl. Ikaw nga bet mo si Eid, e!"
Si Sydney naman ang trip ngayon kaya ang inaasar naman ngayon, ay si Sydney.
"Hindi, ah! mandiri nga kayo. Yan? magiging type ko?!" turo niya kay Eid.
"Don't worry, 'cause you're not my type too." sabi ni Eid habang umiinom ng shake.
"Owwwwwwww" sabay sabay naming sabi.
"Ito namang si Ali, bet daw si Bryan. Nako ha.. masamang magka gusto sa kaibigan! Tamo, ma-re reject lang kayo niyan." natatawang sabi ni Kris.
"At least hindi tanga sa crush tapos rineject pa. And for your information, Bryan is not my type, duh. I was just bored!" pag de-depensa ni Ali.
"Oh.. oh, bakit ka defensive? Sussss. Pinapahalata mo lalo, ALIng Matires!"
"So you guys are exposing yourselves? Buti nalang wala akong crush-"
"Shut the f**k up, Lina. Alam naming may ka-m.u ka sa Facebook." singit ni Ali.
"Huh?!"
"Ekis sa internet love, beh. Kilig now, iyak later!" tawang tawa sabi ni Syd.
Pagkatapos naming mag magkainan, pumunta kami sa photobooth para mag picture-picture. Sa uluhan namin sila Kiel, Sean, Bryan, Eiden at Apollo. Tapos kaming mga babae, sa ibaba nila kami. Ako, Alina, Alivia, Sydney, Kallie at Kris. Sa sunod na shot, puro mga lalaki lang tapos sunod, kami lang purong mga babae.
"Ahegao! dali!"
Siniko ko si Sydney tapos tumawa siya nang malakas and she poked me on my forehead. Nag ahegao silang lahat kaya ginaya ko nalang din sila.
"Walang mag u-upload niyan, ha! Muka tayong tanga!" malakas kong sabi.
Buti nalang pumayag silang lahat. Ang sunod namin pose, ducky face, fierce at wide smile. Pagkatapos namin mag picture kaming mga babae, nag picture kaming solo sa photobooth pati na rin ang mga lalaki.
Sumunod, sila Alivia, Alina at Kallie lang, Nang matapos sila, si Kristen at Sydney. Sunod, Sean, Bryan, at Eiden.
"Isali niyo yung dalawa! Mag bati na kayo mga, gaga!" seryoso kong sabi.
Pano kasi, ayaw pasalihin nila sila Sean at Apollo. Parang mga bata lang.
"Oo na! Ito na, Madam Lily!"
Sinali nila si Apollo at Ezekiel sa photobooth nila pagkatapos nilang mag picture ng sila lang apat. Ayaw pa sana pumayag ni Kiel at Apollo kung hindi pa pipilitin. Ang tataas ng pride!
Nang matapos silang mag picture, inaya ako ni Kiel mag picture kaming dalawa sa photobooth. Ang dami naming shots. Meron kaming shots na nakapatong yung braso niya sa ulo ko habang ako naka ngiti. Sunod, naka peace sign kami at ang dami pang shots.
"Lily, picture tayo?" pagaaya sakin ni Apollo.
I took a glance on Kiel, pumayag naman siya. I'm so lucky to that guy. Hindi siya yung tipo na lalaking seloso. Yung to the point na, nawalan na ako ng freedom makipag bonding sa kaibigan.
"Sure." I smiled.
Pumasok kami sa photobooth tapos sinimulan naming mag picture-picture. Nang matapos kami, sila Sydney at Eiden naman ang nag picture. Sunod, sila Bryan at Ali Sunod, sila Kallie at Kiel naman.
I'm so glad that they are on good terms again though. Pagkatapos nila Kallie at Kiel, inaya ako ni Kallie mag picture. I wouldn't refuse, though. I've always wanted to have a picture with her.
Halos lahat may picture kaming ungas nag tig da-dalawa lang. For memories daw. Pagkatapos namin sa photobooth,nag picture naman kami sa lahat. Sama-sama ulit kami at pang whole body ang picture. Meron din kaming shots na pang solo lang.
This evening was the most memorable night ever. I will never forget this moment. Our laughs, smiles, enjoyment, the noise of enthusiasm, videos, and pictures. I love them. so much. Also, Apollo and Kallie are part of our group of friends now. Medyo naka close na rin nila si Apollo dahil sa kadaldalan nila
Pagkauwi ko sa bahay, tinanggal ko agad yung sandals ko tapos ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa.
Grabeng pagod ko. Ang sakit pa sa paa ng heels lalo na't hindi ako sanay mag heels. Lagi kasi ang suot ko ay rubber shoes.
Sa sobrang pagod ko, pakiramdam ko tuloy grabeng init ng singaw ng katawan ko at patang pata ako.
"Diyan ka matutulog?"
Tumingin ako sa gawi ni Kiel, he was looking at me while he was taking off his shoes.
"Hindi. Pahinga lang ako saglit." Sabi ko nang tumingin ako sa tabi ko nang makita ko ang remote. Binuksan ko yung T.V at nagpa tugtog ng Exile by Taylor Swift.
Habang ako nakikinig ng music, I decided to check my social medias dahil for sure nag upload na yon sila.
Pagkabukas ko, naka tagged ako halos lahat sakanila sa IG story, posts and as well as on f*******:.
Nag post din ako ng pictures naming lahat sa IG at sss at nag post din sa story.
Nang makaramdam ako ng antok dahil sa pagod at tugtog ng kanta, ipinikit ko ang aking mga mata. Unti-unting naging muffled ang pandinig ko.
- TW: SELF-HARM!
While my eyes are closed, naramdaman ko na parang may masilaw na naka tapat sa mata ko. Kainis naman! Aga aga. Istorbo sa tulog!
I scratched both of my eyes at agad akong bumangon. Linibot ko ang paningin ko nang ma-realize ko na nasa kwarto ako. Napansin ko rin na naka gown pa rin ako! Mabuti nalang naka on yung aircon kaya hindi ako pinagpawisan.
Wait.. oh god! Si Kiel ang nag buhat sakin papunta rito?!
Kinuha ko ang tali ko sa ibabaw ng tukador ko and I tied my hair into ponytail. Nag bihis agad ako ng pang bahay na damit tapos pumasok ako sa C.R para mag hilamos at mag tooth brush.
Nang matapos ako, dali-dali akong lumabas ng kwarto ko papuntang kusina. And there he is. I saw him cooking something. Ang bango.
"Pwede kana mag chef." Ngiti kong sabi.
Hindi niya ako liningon. Siguro hindi niya ako nadinig? Naka focus ata siya masyado sa pag luluto ah.
Linapitan ko siya and I tilted my head para makita ko ang muka niya.
"Hey, you okay?" Kalabit ko sakaniya. Napansin kong hindi niya ako liningon kaya nag salubong ang dalawang kilay ko.
Linagay niya na sa plato ang linuluto niya tapos linagay niya ito sa lamesa.
"Kumain kana." walang emosyon niyang sabi.
Nag lakad siya diretso papuntang living room habang ako,hindi nag sasalita. I was just staring at him, trying to process what the hell is he up to.
Did I do something wrong kaya ganon siya? Ugh. Hindi pa naman ako marunong manuyo!
I took a deep sigh tapos pinuntahan ko siya sa living room. Nag ce-cellphone siya habang naka kunot ang mga kilay.
"Did I.. do something wrong last night?" Maingat kong sabi.
Pinatay niya ang cellphone niya tapos patapon niya linapag sa sofa. He looked at me straight and that made me feel uncomfortable. Iba ang aura niya ngayon.
But I swear, sa pagkakatanda ko I didn't do something wrong na ikinagagslit niya.
"Are you doing some self-harm again?" He said in a monotone.
And that caught me off guard. He.. saw it?! Saang parte?! Tiyan?! Legs?! Arms?!
"No-"
"Stop lying." Seryoso niyang sabi. He took a deep sigh and he grabbed my two hands kaya napa-upo ako sa tabi niya.
"I saw it.. Lily. I saw it in my two eyes."
Why does he have to mention it?! It's only making me feel uncomfortable! I'm doing my best na hindi nila makita. Ugh, I'm so stupid!
"I.. I don't know what you're talking about."
Tatayo na sana ako but he grabbed my arm para pigilan ako.
"Why? Why are you doing that? Bakit?"
"Because I have depression! I'm agoraphobic! For f**k's sake!" Walang control kong sabi.
"You don't have to do this! This is why I'm here to take care of you, to make you feel better! I hate seeing you suffering and crying!"
He doesn't understand me. I thought he's the person who will understand my side that's why I'm like this. But I guess I was wrong. Pare-parehas lang sila.
"Oh, so, you think its that easy, Kiel?! Paano ka nagkaron ng lakas ng loob para sabihin yan sakin?!" Napatayo ako dahil sa inis while I'm staring at him
My tears started to fall on my cheeks but I aggressively wiped them.
"Akala mo ganoon lang kadali, Kiel?! Akala mo ba, ang dali dali lang kontrolin yung mga pumapasok sa isip ko na mga suicidal thoughts?! Na.. na.. mag suicide o mag self-harm?!"
I started sobbing so loud kaya napaupo ako sa sahig. "Akala ko.. maiintindihan mo ako.." naka yuko kong sabi. "A-akala ko.. you're different from them kaya ikaw nag stay sakin para alagaan ako.."
Gulong-gulo ang isip ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit sakit..
Ang sakit isipin na walang makakaintindi sakin and at the end of the day, they will still judge me once they found out about my past nor mental health.
This is the reason why I never told anyone about my past because my biggest fear is getting judged by someone who I'm close to; without knowing what I've been through.
Oo, nalaman nila na ganito ako. Nalaman nila yung ginawa ko.. but do they even know the reason why I did that? Why I became like this?
"If you're just going to judge me of what you saw.. Umalis kana." I said while sobbing and crying.
"No. I.. I-"
"Sabing umalis kana, Ezekiel!" Mas lalo akong naiyak dahil sa lumalabas sa bibig ko.
I didn't want him to leave. Ayokong mapalayo siya sakin. I'm afraid that I might lose him.
"Diba katulad ka rin nila?! Umalis ka na rin! Parehas lang kayo ng pamilya ko-"
Natigil bigla ang pagsasalita ko nang napansin kong he hugged me tight. He was hugging me while kneeling on the floor and rubbing my back softly.
"I won't leave you.. kahit anong gawin mo. Kahit ano pang sabihin mo sakin."
I tried to push him but he was too strong. I wiped my tears on my cheeks and I hugged him back.
Humiwalay siya sakin and he caressed my hair as he rubs my palm using his thumb finger.
"I'm sorry. I'm sorry for.. getting mad. Sorry kasi masyado ako nagpa dala sa emosyon. I.. I was just overwhelmed nung nakita ko yon. Those scars.. it hurts me. Ramdam ko yung sakit."
Ramdam niya yung sakit? Did he hurt himself too?
"W-what do you.."
Itinaas niya ang t-shirt niya at napaawang ang labi ko sa nakita ko.
He got so many scars on his body. Hindi siya ganon ka-kita pag malayo pero pag malapit na, halatang-halata. Some of the cuts are deep and as well as mine.
"I just.. don't want you to experience that. I don't want you to feel that kind of pain. Even some of your cuts are also deep."
He had a dark past too? Did I.. judged him as well? Did I also jumped to conclusion that fast? Was I too self-centered?
"But somehow although it hurts, it still makes you feel better tight? After hurting yourself.. you feel great kasi nalabas mo ang sakit na kinikimkim mo?" He gave me a small smile.
"Y-yeah.. pero.. I'm sorry. I.. I judged you, Kiel. I jumped to a conclusion too. I didn't even ask you why you were so mad when you saw the.. cuts"
"It's fine.. it's fine, okay? I also did the same too. Nagpadala ako sa emosyon masyado." He said in a soft voice.
I wiped my tears on my cheeks again and took a deep sigh. "You.. had a.. dark past too?"
"Everyone has a dark past, Babe. Everyone does. We all suffered in our own problems."
He has a point. Bigla ko tuloy naisip sila Syd, Kris, Ali, Lina, Kal, Apollo, Sean, Eid at Bry. All of us never vented.
Lagi sila nagpapatawa, naka ngiti, maingay at puro kalokohan. But.. are they happy? Does their smile are real? Does their laughs are genuinely real?
I feel like I'm a bad friend for not asking them sometimes. They tend to ask me kung kumusta na ba ako, kung may problema ba ako; but I never asked them back.
Was I too selfish? Was I too busy to heal my wounds inside me kaya hindi ko naisipang tanungin sila kung, okay lang ba sila? Kung may pinagdadaanan ba sila?
I hate myself for being who I am. I hate myself for not being a good friend. I hate it.. so much. Napaka selfish kong tao.
"Hey, my mom texted."
Tumingin ako sakaniya. "Ano sabi?"
"She said she wants to meet you today."
That caught me off guard. What the hell did I just heard?! Is this for real?!
"Biglaan?!" Nagsalubong kilay ko.
"Yeah. Do you want to move it nalang or?"
"No.. no. Wag. That might sound so rude kung mag re-refuse tayo today."
"Right." He nodded.
Nagpaalam ako sakaniya na maliligo muna at mag p-prepare. Doon nalang daw kami kakain kasi roon na raw kami mag lu-lunch kasama ang pamilya niya.
I did a quick shower tapos nag suot ako ng ripped jeans, lingerie, maong na jacket at rubber shoes na puti. I sprayed my cologne on my body tapos nag lagay ako ng foundation at liptint.
I want to look formal and decent at least! This is making me feel nervous. I hope I won't stutter.
Meeting new people is literally my biggest fear. Imagine talking to them without meeting them before?! My social anxiety will literally attack me.
Motor ang ginamit namin papunta sakanila para mas mabilis daw. Kaso medyo natagalan kami bago maka punta sakanila dahil na-traffic kami.
Nang makarating kami sa labas ng bahay nila, halos msghina yung mga tuhod ko at nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba. I feel so uncomfortable!
Tumingin ako sakaniya at bigla siyang lumapit papalapit sakin.
"Baka makita-"
"Helmet mo naka suot pa." He chuckled.
Oh god! Grabe na 'to! I almost forgot to remove my damn helmet!
Tinanggal niya ang lock ng helmet ko ttapos tinanggal niya sa ulo ko ang helmet at ganoon din sakaniya. Nang matapos niya isabit ang helmet sa motor niya, he held my hand.
"Inhale.. exhale."
I did what he said. Ginawa ko ito nang paulit-ulit para pa kalmahin niya ako.
"Mabait si Mama, wag kang magalala." Ngiti niyang sabi.
I pursed my lips tapos tumango. Kumatok kami nang beses at hindi ng tagal, may nag bukas ng pinto, babae.
"Ezekiel, welcome home, anak!" Bineso niya si Kiel tapos bigla ako tinignan nung babae.
"You must be Lily, right?" Ngiti niyang sabi.
"Yes po. I'm Lilian Rodriguez. But you can call me Lily."
"Lily.. okay, I will take note for that. It's very nice meeting you, hija!"
"It's very nice meeting you rin po." I chuckled.
"Halina pasok na kayo. Handa na ang pagkain."
I inhaled and exhaled again tapos sabay kaming pumasok sa loob tapos pumunta ng kusina.
Medyo malaki-laki ang bahay nila Kiel. Kung iku-kumpara 'to ss bahay nila Sydney, mas malaki ang bahay nila Kiel.
"Take a seat."
I nodded and gave them a smile. Umupo ako sa tabi ni kiel and I tried to make myself comfortable.
"Lily, this is my husband." Turo ni Tita sa papa ni Ezekiel.
I looked at him tapos ngumiti. "I'm Lilian Rodriguez po but you can call me Lily. It's a pleasure to meet you."
Medyo may edad na ang tatay ni Kiel habang yung mama niya, parang nasa 30s lang ang itsura. They all seem so casual and formal. Pero hindi sila nakaka intimidate. Halata namang mabait sila at madaling pakisamahan.
"So, hija, how's Ezekiel? Is he being a good boyfriend?"
"Uh.." I pursed my lips. "Hindi pa po kami. Pero, he's a nice guy naman po. 'Di niya ako sinasaktan tulad ng mga ibang lalaki." I chuckled.
Tumawa naman ang Mama at Papa at narinig kong may sinabi ang Mama niya sa Papa ni Ezekiel.
"I told you, he's literally every girls' type. Pasok na pasok sa standards ng mga babae."
"Aba, e, mana sakin, e."
We had so much fun today. We had a peaceful lunch and chitchats. Nawala rin yung kaba ko habang tumatagal kaya medyo naging kumportable ako.
Gladly, they didn't ask anything about me. Tulad ng family background, kung nasaan ba sila ngayon, their jobs and anything. They only asked about my studies and school experiences.