Chapter 14

1404 Words
Wala pang alas sais ay nasa condo na ulit si Liam kinabukasan. Tulog pa si Ysabel at naka-lock pa ang kwarto nito. Kinapa nyang muli ang susi sa bulsa at binuksan ang pinto ng kwarto. Ysabel was lying in bed, still sleeping, with her eyes swelling from crying overnight. He cursed himself. Paano ba niya nakalimutang sabihin na kasama niya si Laura noong isang araw? At bakit nito sinasabing wala itong karapatan na magtanong at mag-demand sa kanya? She has all the right for pete's sake! Tinanggal niya ang sapatos at humiga sa tabi ni Ysabel. Kung sana'y hindi na lang siya umalis sa condo kagabi, hindi sana mamumugto ang mata ng dalaga sa kaiiyak. Naayos sana agad ang problema nila. Niyakap niya ito at hinagkan sa ulo saka sinikap na umidlip habang tulog pa ang dalaga. Ang totoo'y gusto niya itong gisingin; halikan at pagsawain ang sarili sa pakikipagtalik dito. Hindi na yata mawawala sa sistema niya ang ganoong pakiramdam. He will never get tired of making love to her. Not in a million years. Pero gusto rin niyang iparamdam kay Ysabel na hindi lang pisikal na pangangailangan ang dulot nito sa kanya. Higit pa roon na ngayon ay hindi niya muna gustong tukuyin. Ysabel felt someone just held her tight, pero hinila pa siya ng antok. Akala niya'y nananaginip lang siya na may nakadagang braso sa tyan niya paggising. Anong oras ba siya nakatulog? Hindi niya na maalala. Dahan dahan niyang tinanggal ang braso ni Liam at nagtungo sa banyo. Pagtingin sa salamin ay mugto ang mga mata niya. Pagkatapos maghilamos ay bumalik siya sa kama at tinitigan ang lalaking mahimbing na natutulog. Paano bang sa isang bwan mahigit na nakilala niya ito'y ganito na lang ang epekto sa pagkatao niya? Lumabas siya ng kwarto at naghanda ng almusal. Mahigit kalahating oras ay nagising na rin si Liam at lumabas ng kwarto. "Kumain ka muna bago ka pumasok." Nagtimpla siya ng kape para sa kanilang dalawa na iniiwas ang namumugtong mga mata. Lumapit si Liam at iniharap siya nito sa kanya. Iniyakap ang braso niya sa bewang ng binata at itinaas ang baba niya. "Bakit namumugto ang mga mata mo? I'm sorry, sweetheart, hindi ko talaga sinasadya, hindi na mauulit." Iniwas niya ang mukha ngunit maagap ang kamay ni Liam. "I will never want anyone the way I want you. Please, wag ka na magalit." Masuyo pa siya nitong hinagkan sa noo. "Hindi ako nagagalit." Malapit na namang tumulo ang luha niya. Bakit ba siya sobrang sensitive ngayon gayung tinuruan siya ng Mommy niya na kontrolin lagi ang emosyon? Hinalikan siya nang masidhi ni Liam, hindi ito tumigil hangga't hindi siya tumutugon - na nauwi na naman sa pagtatalik. Hindi niya alam kung paano humindi kay Liam gayung palagi lang siyang ipinagkakanulo ng katawan niya. "Isasama kita sa office para hindi ka naiinip dito sa bahay," aya sa kanya ni Liam habang kumakain sila. "Sa ibang araw na lang, may mga aasikasuhin pa ako mamaya," pagdadahilan niya. Paano siya haharap sa mga tao nang mugto ang mata niya? Mag-aaral na lang muna siya ng ibang putaheng lulutuin. Sa ibang araw ay sosorpresahin niya na lang itong puntahan sa opisina. Nang makaalis ang binata ay nagligpit siya sa kusina. So, this is how it feels to be a housewife, she thought. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa ginagawa. Para siyang nakalaya sa kulungan na ngayon ay nagbabagong buhay. At ganitong buhay ang gusto niya ngayon - ang maging isang simpleng maybahay. Pagkatapos maglinis ay tumuloy siya sa kwarto at humiga. Naalala niyang damputin ang telepono at binuksan. Hindi niya naalalang buksan iyon sa mga nagdaang araw. She got a hundred messages on skype, mostly from Candida telling her to go back. Fabiano had missed calls too and another calls from her agency. Ibinagsak niya ang telepono sa kama. If she had to choose between her career and Liam, she would surely choose Liam. Ni hindi niya maisip ngayon na iiwan pa ang binata. Gayunpama'y hindi niya basta basta kayang talikuran ang ina. Tinawagan niya ang isa sa malapit niyang kapwa modelo na si Gracia na isang Nigerian. Tuwang tuwa ito nang marinig siya sa kabilang linya. "How are you doing there?" She asked Gracia. "Still fabulous," sagot nito. "Where on earth the hell are you? It's been two months! We missed you already!" "Still having my time away from paparazzi." "I know. That's too bad. That's the prize of being famous. I've heard you're in the Philippines." "Who told you?" gulat niyang tanong. "Nah, nobody told me. But I've heard from our fellow models that Fabiano is tracing you down because you don't want to comeback." Oh no! Napapikit siya sa narinig. She can't afford to leave this place right now. "Please don't tell anyone I called you." "Sure. I know how much you hate Fabiano now. He's an asshole. Just take care of yourself and make sure they don't find you." Pagkatapos niyang makibalita kay Gracia ng mga nangyayari sa New York ay nagpasalamat siya bago ibinaba ang telepono. Umahon na ulit ang pangamba sa dibdib niya. If Fabiano is hunting her down, sooner or later ay mahahanap din siya nito sa tulong ng yaman ng dating kasintahan. Dagli siyang nagbihis para pumunta kay Nana Ising. Kasalukuyan itong nagluluto ng pananghalian nang datnan niya ito. "Dito ka na mananghalian, anak, tutal ay wala ka namang kasabay doon kumain." Hinintay naman niya ang niluluto ng matanda. Ang asawa nito ay nasa bukid at ang mga anak ay nasa trabaho at eskwelahan. "Actually, may pakay po kasi ako sa inyo kaya ako nagpunta dito." Humihigop siya ng sabaw ng mainit na tinola. "Ano yun, anak? Namumugto ang mga mata mo..." pansin nito nang titigan siya. "Nabalitaan ko ho sa kasamahan ko sa New York na hinahanap na ako ng dati kong boyfriend. Kahit si Mommy ay inaalam kung saan ako nagtatago ngayon. Malamang ay isa ho kayo sa iimbestigahan para malaman kung nasaan ako. Kapag ho may nagtanong dito pwede niyo ho bang itanggi na hindi ako nagpunta rito?" Alam ni Candida kung paano sila kalapit ni Nana Ising noon. Kahit noong college siya na sa dorm na namirmihan ay pinupuntahan pa rin niya palagi sa Sampaloc ang dating yaya. "Kung iyon lamang ay walang problema, anak. Poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Sasabihan ko din ang Tatang mo at sina Ana." "Salamat ho." "Panalangin ko rin nawa'y maayos na ang gusot ninyong mag-ina, Ysabel." "Gusto ko na rin hong matapos ito, Nana. May isa pa ho akong gustong ipaalam sa inyo." Ibinitin niya muna sa ere ang sasabihin para kumuha ng lakas ng loob. "M-magpapakasal ho ako kay Liam." Napatitig ang matanda sa kanya. Inaarok kung totoo ang sinabi niya. "Napaka bilis naman yata niyan 'Sabel. Nagpapadalos-dalos ka ng desisyon. Hindi iyan ang sagot sa problema mo." "Ito lang ho ang naisip kong paraan para hindi ako ipakasal ni Mommy kay Fabiano." "At si Liam, ano ang dahilan at gusto ka niyang pakasalan? Mahal ka ba niya?" Natilihan siya. Wala ni isa sa kanila ang bumabanggit ng pagmamahal. They were there for each other because of the situation they were into. Kailangan nila ang isa't isa, 'yun lang ang alam niya. "Kailangan niya ho ng mapapangasawa king hindi ay tatanggalan siya ng mana.." "Mali ang dahilan niyo ng pagpapakasal kung gayun. Ang kasal ay sagrado. Kailangang buong puso niyong tatanggapin ang isa't isa na nagsisimula sa pagmamahalan. Madaming pagsubok na pinagdadaanan ang mag-asawa, Ysabel. Mabubuway kayong madali kung wala ang pagmamahal. Ano ang panghahawakan niyo sa isa't isa?" Nagyuko siya ng ulo at nilaro ang pagkaing nasa harapan. Ano nga ba ang pundasyon nila? Kapag inakit ni Laura o ng ibang babae si Liam, kaya ba nitong labanan ang tukso kapag kasal na sila? At talaga bang kayang suwayin ni Liam ang ama kung ipipilit nitong si Laura ang pakasalan? "Pag-isipan mong mabuti, anak. Sa tingin ko'y may agam-agam ka pa rin sa dibdib dahil alam mong mali ang papasukin mo. Kung kaya mong sagutin na mahal mo si Liam at mahal ka rin niya, hindi ako tututol kahit gayong napakaikli pa lang ng inyong pagkakakilala." Tumango siya nang wala sa loob bilang pagsang-ayon sa matanda. Paano nga ba ang umibig? Sapat na ba ang nararamdaman niya para sabihing kaya rin pala niyang magmahal? At paano kung si Liam naman ang hindi tumugon sa damdamin niya kalaunan? Handa nga ba siyang masaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD