Nang makaalis siya kila Nana Ising ay naglakad-lakad muna siya sa dalampasigan. Mahigit nang dalawang buwan nang magpasya siyang mamalagi dito sa San Nicholas pero ngayon pa lang niya nalilibot ang ganda ng lugar. Napapalibutan ito ng dagat at sa bandang Puerto Galera ay ang white sand beach. Mas maganda ang buhangin doon pero mas tahimik ang parteng ito ng Mindoro. Mas pipiliin pa rin niya ang San Nicholas.
Alas tres na ng hapon at ang sikat ng araw ay hindi na masakit sa balat. Malamig na ang simoy ng hangin at marami na ulit bumabalik sa dagat para maligo na karamihan ay mga taga rito din.
Dumaan siya sa grocery bago umuwi. At dahil sa malapit na lang iyon sa condo ay nilakad na lang niya. Papasok na siya sa gate nang may makasabay siyang lalaki na halos kasing edad din niya. Naka headset at jogging pants na tila galing sa pagtakbo. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang paningin nila.
"Hi! Do you need help?" Napansin nito ang dalawang bag ng mga pinamili niya. Dahil may kabigatan dahil sa mga delata ay nabutas na ang isang recyclable bag. Inabot ng lalaki ang isa at binitbit.
"Thank you."
"No problem, anytime. Bago lang yata kita nakita dito,"
"Nagbakasyon lang ako. B-boyfriend ko actually ang may-ari ng condo."
"Oh I see..."
Inihatid siya nito hanggang sa pinto ng condo ni Liam. Nagulat siya nang pagbukas niya'y nakaupo sa sofa ang binata. Naningkit ang mga mata nito nang makitang inihatid siya ng isang lalaki.
"L-liam!" Napalingon siya sa kasamang lalaki na nagbitbit ng isang bag. Kinuha niya ito at nagpasalamat.
Si Liam ay lumabas at kinamayan ang lalaki bagamat salubong pa rin ang mga kilay. Nagpakilala naman ito bilang Matt na nakatira sa 8th floor ng building.
Pagpasok sa condo ay inilapag niya ang mga pinamili sa mesa at isa isang inilagay sa ibabaw ng kitchen cabinet. Si Liam ay nakapamaywang at nakatingin nang seryoso sa kanya.
"Who was that?" Nahimigan niya ang inis sa tinig nito.
"Nagpakilala sa 'yo hindi ba?" Tuloy tuloy pa din siya sa ginagawa at hindi pinapansin ang inis nito.
"Bakit mo siya kasama? Lagi ba kayong nagkikita?" Matiim ang tingin nito sa kanya nang lumingon siya.
"Nakasabay ko lang pagpasok ng gate kanina, nakita sigurong butas na ung bag kaya nagmagandang loob. I didn't even ask his name."
Hindi sumagot si Liam. Nang matapos siya'y ganun pa din ang itsura ng mukha nito.
"It's not as if we were together the whole day, Liam, don't make an issue out of it. I have my decency, I will never do that. At least not while I am living in your place." Nilagpasan niya ito at umupo siya sa sofa. Lumapit naman sa kanya si Liam at niyakap siya na parang isang bata.
"Nagseselos ako..." he admitted. He started kissing and biting her on her shoulder. Heat flowed over her body. Pero may mahalaga siyang dapat sabihin kay Liam.
"Galing ako kila Nana Ising..."
"And?"
"Flaviano is tracking me down. Nasa Pilipinas na ang mga naghahanap sa akin. Kinausap ko sila na baka umabot doon ang paghahanap, kailangan nilang paghandaan ng mga imbestigador o sinumang utusan ni Flaviano. Ayokong madamay sila sa galit ni Mommy."
"Then, we need to get married, Ysabel. As soon as possible."
"Madaming pagsubok na pinagdadaanan ang mag-asawa. Mabubuway kayong madali kung wala ang pagmamahal. Ano ang panghahawakan niyo sa isa't isa?"
She closed her eyes as she remembered Nana Ising say those words. Ang alam niya'y hindi niya kayang mawala si Liam sa ngayon. He is her strength; er knight and shining armour. Her hope. Pero sapat na ba iyon?
"How about your father? Si Laura ang gusto niya para sayo." Hinarap niya si Liam at tinitigan.
"I'm thirty years old for pete's sake. He can't control my life. Kakausapin ko sila ni Mommy mamaya pag-uwi."
Isang tango ang pinakawalan niya. Walang kasiguraduhan ang sagot ni Liam. Hindi siya dapat umasa sa sinabi nito.
"I'm not letting them get you away from me, sweetheart. Always remember that..." bulong nito na sadyang idinikit sa tainga niya. Pinilit niyang huwag matukso sa pang-aakit nito. Gusto muna niyang mag-isip kung tama ba na ipagkatiwala kay Liam ang kinabukasan niya. Two months ago, they were strangers with each other.
"Bakit ka nga pala maaga ngayon?"
"Wala naman gaanong gagawin sa opisina. I'd rather stay here." Hinila siya nito sa sofa at inihilig sa dibdib nang hindi siya tumugon kanina sa pang-aakit nito.
"Kumusta ang DGC?"
"Still the same. Do you remember Nathan? My cousin and CEO of DGC?" Tumango siya. "By Monday we will be having a meeting. Kasama si Louise, the love of his life. Can you imagine him waiting six long years for his one great love to come back in San Nicholas?"
"Totoo?"
"Yes, sweetheart. Nathan has one great love from our college days. Louise was still in high school then. At that time, Louise' father was the Head of Accounting of DGC. Pero nalulong sa sugal at naka dispalko ng limang milyon. Hanggang sa umalis na lang ang pamilya nito para takasan ang kaso sa kumpanya. Noong mga panahon na 'yun ay nagkaroon ng kasalanan si Nathan kay Louise na hindi na nila nagawang ayusin."
"Was it the reason why DGC is in crisis now?
"Maybe, one of the reasons. Pero bukod dun ay ang stiff competition na rin. Marami ng bagong resorts at hotel dito. And Nathan was inexperience. Nasa farming ang puso niya noon pa man."
"Then why he became the CEO? Bakit hindi ikaw?"
"First, I wasn't interested. At di hamak na responsable si Nathan kaysa sa akin. Kaya ako binigyan ng ultimatum ni Dad ngayon ay dahil puro lang ako pasarap sa buhay. I understand that now and I am changing myself. Second, the former CEO was Uncle Romulo, Nathan's father. He was the one who built DGC and the man behind its success. Kaya nang iatang niya kay Nathan ang responsibilidad ay walang kumwestyon. Later on, I found out that Nathan accepted the responsibility on one condition."
"And that is?"
"That the company will dismiss the case with Louise's father in exchange. Dad was the one handling the case at that time."
"Ohh... True love... I can't believe those kind of love really exists."
"Yeah me too... at sa Lunes ay makakaharap namin si Louise. After six long years..."
"What if this Louise is married? Or has a boyfriend already?"
"Ang alam ko wala. Nathan hired someone to find out Louise whereabouts since the very beginning. Nakasubaybay siya sa nangyayari sa buhay ni Louise hanggang ngayon."
Ilang sandali siyang napanganga sa paghanga sa pagmamahal ni Nathan sa babaeng minahal nito. May ganoon palang klase ng lalaki. Napakapalad ni Louise.
"I'm speechless. She must be very beautiful."
"Yeah, she is. Alam mo bang ako ang crush ni Louise dati?" Ngumiti ito na tila nagmamalaki. Hindi niya alam kung bakit may kaunting kirot sa puso niya.
"You're kidding."
"It's true. I remember she wanted me as her prom date. Nathan wanted to make her happy. Kaya pinakiusapan niya ako na pumayag pero sa gitna ng party ay sila ang magsasayaw at bibigyan ko sila ng pagkakataon na magkalapit."
"Hindi mo niligawan? Hindi ka nagkaron ka ng feelings?"
"Never. Louise was like a sister to me. And I will not hurt Nathan like that."
"Louise is very lucky to have Nathan. I hope they'll find each other again. Gwapo naman din si Nathan at mukha ngang mabait."
"Hmmmm.. Mas gwapo pa ba sa kin?" Isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. He bit her earlobe and his hand started to massage her breasts in between kisses. "Nagseselos ako sa description mo sa pinsan ko."
"L-liam.." Gusto man niyang pigilan ang paglalakbay ng kamay nito pero hindi naman buo sa loob niya ang pagtutol.
"Tell me you want me, sweetheart. Nobody else but me..." Natanggal na nito ang butones ng pantalon niya at naibaba ang zipper. Pilit nitong ipinasok ang kamay sa silky underwear niya. Taas baba ang ginawa nitong paghagod hanggang sa dalhin siya nito sa nakaliliyong pakiramdam. Nakapikit na siya habang ninanamnam ang sensasyong dulot nito.
She wants him. Always wanted him.