Alas nueve ng gabi na umuwi si Liam sa bahay ng mga magulang. Paakyat na ang Daddy at Mommy niya sa kwarto nang makapasok siya sa bahay.
"Dad, can I talk to you? Mom also." Nabitin naman ang pag-akyat ng mga magulang sa hagdan. Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita ang Daddy niya.
"Sumunod ka na lang sa silid," utos ng ama. Umakyat sa spiral staircase para sumunod sa kwarto ng mga magulang.
Nakatayo siya sa pinto habang ang mga magulang ay naghihintay sa sasabihin niya. Lumunok muna siya para bumwelo bago nagsalita.
"I want to marry Ysabel. And I need your help." Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ng ama.
"Ano ng mabigat mong rason para pakasalan siya?" tanong ni Alex.
"Her mother wants her to marry that bastard ex-boyfriend of hers. At nasa Pilipinas na ang mga taong naghahanap sa kanya para ibalik siya sa New York."
"Then let her go and let her marry that bastard who wants her."
"No!" Sinapo niya ang noo at umupo sa couch na naroon. Isipin pa lang na hindi niya makikita ang dalaga ay bumibigat na ang dibdib niya. Mas lalong hindi niya kaya na magpakasal ito sa iba.
Matagal na walang gustong magsalita dahil naghihintay pa ang mga magulang sa sasabihin niya. Pero walang salitang namutawi sa bibig niya matapos ang pagtutol.
"Iyan lang ba ang dahilan kaya gusto mong pakasalan si Ysabel?" mahinahong tanong ni Elena. Hindi pa rin siya sumagot.
"Kung 'yan lang ang dahilan mo, si Laura na lang ang pakasalan mo, Liam. Makakaiwas ka pa sa gulong dulot ng babaeng 'yun," dagdag ng Daddy niya. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin niya gustong kumilos palabas ng silid.
"Mahal mo ba siya?" Ang Mommy niya ang nagtanong. Napatitig siya sa ina bagama't hindi sinagot ang tanong nito.
"If you don't love her, then marry Laura, Liam," tila naiinip na suhestyon ng ama nang wala pa rin siyang balak magsalita. "Walang ipagkakaiba kung si Ysabel man o si Laura ang pakakasalan mo. Mas pabor pa sa atin kapag si Laura dahil makakatulong iyon sa kumpanya."
"I loved her," sa huli ay pag-amin niya. He said it in almost a whisper. At walang gustong magsalita pagkatapos, na para bang walang narinig ang mga ito.
"I loved her." Inulit niya nang mas malakas nang kaunti. Hindi pa rin kumbinsido ang mga magulang.
"Kung sinasabi mo lang 'yan para makumbinsi mo kami ng Mommy mo, nagkakamali ka, Liam," tila pagalit na sabi ng Daddy niya na sumandal na sa headboard ng kama para itaboy siya. Pero hindi siya lalabas ng silid hangga't hindi pumapayag ang mga ito.
"I want to protect her, I want to be with her, I want her to stay. I'm not letting her go. I always want to be beside her. Is that love? Then yes, I love her...."
Mahabang patlang ang namayani sa silid. Hinayaan yata ng mga magulang na maka-recover siya. Alam kaya nila kung gaano kahirap sa kanya ang inamin ngayon lang? He is Liam Delgado; a certified playboy who finally confessed he is in love.
"When do you need to schedule the wedding?" Napatingin siya sa ama nang nakakunot noo. Pumapayag ba ito nang ganoon lang?
"As soon as possible Dad. Two or three months?" Wala siyang ideya kung gaano katagal ang preparasyon ng isang kasal.
"Nakalimutan mo na bang isa akong abogado, Liam? Isang tawag ko lang kay Judge Cruz, kahit bukas ay ikakasal kayo nun."
He was almost into tears when he got the approval from his father that he could marry Ysabel. Hindi naman nakaligtas ang pangingislap ng mata sa mga magulang niya.
"I thank God that you have finally come to your senses, Liam. Akala ko'y habang buhay ka na lang magiging gigolo. Is she worth the wait?"
Madamdamin siyang tumingin sa ama na naghihintay sa sagot niya. Tuluyan nang nalaglag ang luha niya sa bagama't agad niyang pinahid ang gilid ng mata.
"Yes Dad, she's really worth the wait."
Tumayo mula sa kama si Alex at mahigpit na niyakap siya. Si Elena na kanina pa din naluluha sa galak ay tumayo na rin at yumakap sa kanya. Tila siya nakawala sa kulungan nang mailabas niya sa dibdib ang totoong damdamin niya kay Ysabel.
Linggo kinabukasan pero maagang nagising si Liam. Hindi niya maitago ang saya at ibinalita agad kay Sarah ang nalalapit na kasal at sa nakuhang pagpayag ng mga magulang.
"Really? I'm so happy for you and Ysabel... finally!" Niyakap siya ni Sarah na tuwang-tuwa rin dahil mas gusto nito si Ysabel kaysa kay Laura. "So what's the plan?"
"Sa Judge muna sabi ni Dad, then we'll prepare for a church wedding. I have a problem though."
"What is it this time?"
"I don't know her ring size. I wanted to be traditional, at least kahit sa proposal man lang."
"Well, minsan lang ako magbibigay ng libreng pabor. Ang susunod ay may bayad na," biro nito na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi.
"I know that look, Sarah. You want to shop again! Napakarami mo ng damit sa closet hindi ka pa nagsawa!" Tumawa naman ang kapatid pero hindi pa rin nagpaawat.
"Hmmm... Wait... I think I'm busy today. You can ask Mom to go with her." Naningkit ang mga mata niya sa gusto nitong ipahiwatig.
"How much do you need?" Kunyari ay galit ang tinig niya.
"Now you're making sense!" Nagtawanan uli silang dalawa.
-----
Nagulat pa si Ysabel nang mabungaran niya si Sarah sa pinto.
"Hi! Get dressed! Magso-shopping tayo!"
"W-where's Liam?"
"May urgent meeting sila nila Kuya Nathan and the oldies. Baka gabihin ang mga yun."
Nag-aalangan siyang lumabas ng condo dahil baka mahanap siya ng mga tauhan ni Flaviano na hindi niya alam kung hanggang saan na ang inabot ng paghahanap sa kanya. Pero hindi rin naman niya kayang tanggihan si Sarah.
"Sige, magbibihis lang ako."
"Sa Calapan tayo pupunta ha. Maliit lang ang mga malls dito sa atin eh. Don't worry it's just an hour away."
Hindi naubusan ng kwento si Sarah sa byahe. Lahat na yata na ikwento nito pati buhay nila ni Liam mula pagkabata. She honestly enjoyed her company. Interesado din naman siyang malaman ang talambuhay ng lalaking gumugulo sa isip at puso niya ngayon.
Namili si Sarah ng kung ano-ano. Damit, sapatos, accessories. Sawa na siya sa ganoon kaya sinasamahan lang niya ito. She had enough in her walk in closet in New York.
"Don't you really need anything? Ito isukat mo." Pilit nito sa kanya. "Hwag ka nang tumanggi."
Wala siyang nagawa kundi pagbigyan si Sarah. Ang sumunod na pinuntahan nila ay jewelry store. Namimili si Sarah ng necklace at earrings.
"Are you really like this? Pag nag-shopping from head to toe?" biro niya habang palinga-linga na baka may mga lalaking sumusunod na sa kanya.
"Of course! Hindi kasi ako madalas lumuwas dito sa Calapan kaya pag mamimili ako isahan na. Ang next shopping ko nito after six months na ulit."
Ang sumunod nitong hinanap ay singsing. At kahit anong tanggi niyang bilhan siya ng friendship ring ay wala siyang nagawa. Kaya pareho sila ng singsing pag-uwi.
Sa bahay nila Liam sila nagtuloy. Nagulat siya nang maging mainit na ang pagtanggap ng mga magulang nito sa kanya. Kahit ang ama ni Liam ay madalas makisali sa kwento. Doon nya din nakilala ang magulang ni Nathan na si Romulo at Cordelia.
Everything seemed perfect - maliban na lang sa agam agam nang paghahanap ni Fabiano at Candida sa kanya.
Pagkatapos ng hapunan ay inihatid siya ni Liam sa condo.
"Nag-enjoy ba kayo ni Sarah?" Niyakap siya nito at masuyong hinagkan. "Hindi yata ako magsasawang halikan ka."
"Ako rin."
Muli siyang hinalikan ni Liam bago nagpaalam. Ni hindi ito umupo sa sofa kahit sandali man lang na dati ay ni halos ayaw nitong umalis. Nagtataka man ay inihatid niya lang ito sa pinto.
"Lock your doors. Wag kang magpapapasok kahit sino. Kahit pa yung kapitbahay mong Matt na yun."
"Oo naman. Magingat ka sa pagda-drive."
"Bukas ang meeting namin sa opisana kasama ang members of the board. Baka maantala ako ng uwi." Tumango siya nang wala sa loob.
Si Liam ay nagmadali namang umuwi para hindi matukso na angkinin ulit si Ysabel. He wanted to admit he loves her first, but he can't say the words yet. Bukas pa lang siya makakabili ng singsing dahil kakukuha pa lang niya kay Sarah ang sukat ng daliri ni Ysabel. Bukas na lang niya idedeklara ang pag-ibig niya sa dalaga.