Nagpilit si Sarah na maligo sila sa pool at pinahiraman siya nito ng swimsuit para hindi na siya makatanggi.
"Whew... you're so sexy!" Puno ng paghanga ang mga mata nito pagkatapos nilang magbihis. "But you're shy as a kindergarten!"
"This is not my territory, Sarah. Kung nasa New York ako ay normal lang ang ganitong suot sa runway o sa mga beaches roon. But this is San Nicholas."
"Ano ang pinagkaiba? Mas pribado ang mga tao rito at walang mga mata na manghuhusga sa 'yo. Wag ka nang mahiya tara na." Hinila na nito ang kamay niya palabas.
Nasa gilid na ng pool si Liam na nakasayad ang paa at nilalaro ang tubig. He saw admiration in his eyes as he looked at her.
"Gorgeous!"
"Thank you, kuya, you always compliment my looks!"
He chuckled. Alam ng kapatid na hindi para sa kanya ang papuring iyon.
Bumaba si Sarah sa pool at sumunod siya. Tumalon naman si Liam at hinila siyang bigla.
"You're so sexy I want to make love to you right here," bulong nito sa kanya na gusto niyang pamulahan ng mukha. Hindi pa rin siya sanay hanggang ngayon na makita siya ni Liam na halos hubad na.
"Hey hey hey!" Tawag ni Sarah na halos nasa gitna na ng pool. "You heartbreakers, I am single. Be considerate naman!" biro nito na tinawanan nilang lahat.
"Mind your own business, sister."
"Well... Ako ang nagyaya sa kanya na mag-swimming noh!"
Naningkit ang mata ni Liam nang kumawala siya at nagtungo sa gawi ni Sarah. Tama naman ang dalaga, hindi sila dapat sa swimming pool naglalandian ng kapatid nito.
"Bakit nga ba single ka pa? Alam mo bang pagkakaguluhan ka rin sa runway kung naging modelo ka? Your cheekbones are prominent and you have skintone that Americans would die for."
"Really? I think I should try, what do you think?"
"Ikaw... If you really want to, I can help you. Basta handa ka lang mabuklat ang buhay mo ng mga paparazzi."
"Oh no. 'Di ako kasing bait mo, I'm sorry, baka puro bad publicity lang lumabas sa kin," nakatawa nitong wika.
Nang lumabas ang katulong ay may dala itong clubhouse sandwich at orange juice. Umahon si Liam sa pool at umupo sa metal chair. She can't help but admire his body in broad daylight with his lean muscles and broad shoulders. May mumunting balahibo pa sa dibdib nito na nakadagdag sa malakas nitong s*x appeal. He's like a Greek god with water dripping off his body.
"I can see how Liam looks at you. I had never seen him looked and cared for anyone the way he did to you," putol ni Sarah sa pag-iisip niya.
"You're brother is very generous, that's why."
"Maybe. Pero alam mo bang sa dinami-dami ng babaeng naugnay diyan ni minsan hindi siya nag-uwi kahit isa dito? Ayaw niya ng commitment; lagi niyang sinasabi yun. Kahit kapag may mga events sa DGC hindi siya nagdadala ng date."
"Is Laura pretty?" tanong niya kay Sarah dala ng kuryusidad.
"Yes. But more on morena type of beauty. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw ni Kuya dun dati pa. Maybe she wasn't his type. But now, of course alam ko na kung bakit talagang hindi siya magpapakasal dun. Dumating ka na sa buhay niya eh."
"H-hindi pa naman kami sigurado. It's like testing the waters first."
"Oh no. Kuya is sure he's marrying you. Hinihintay ko lang ang pag-amin niya. I think he's in love with you."
"Oh no.. no.. alam mo naman kung bakit kami magpapakasal kung sakali. Besides, he never said he loves me."
Hindi sumagot si Sarah ng makitang papalapit na ang kapatid dala ang tray ng sandwich at orange juice.
"May I claim my date back?" biro nito sa kapatid. Ibinaba nito ang tray sa gilid ng pool.
"Oh no. We're still having a girls' talk." Kumuha ito ng sandwich sa tray at nagsimulang kumain. SInubuan naman siya ni Liam na wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin.
"You can have your girls' talk later, let's swim first. Sayang ang tubig sa pool kung tititigan niyo lang." Hinapit siya ni Liam at dinala sa mas malalim na tubig. Sumunod si Sarah na nakayag sa paghaharutan nilang dalawa. Nag-enjoy siya kahit paano sa paglangoy at sa marami nilang kwentuhan.
Doon na rin siya pinaghapunan dahil sa pamimilit ni Sarah. Kahit paano ay napalagay na rin siya sa mga Delgano. Sarah was always happy and cheerful. Si Elena ay nakikisali na rin paminsan-minsan sa usapan nilang tatlo.
Alas nueve na g gabi silang nakabalik ng condo ni Liam. Nasa pinto pa lang ay hinapit na siya nito sa baywang at siniil ng halik.
"I've been wanting to do this on the pool, you're alluringly sexy!"
"Liam... Gagabihin ka pag-uwi.."
"Who says I'm going home. I'm sleeping here."
"L-liam..."
"Ipinakilala na kita sa pamilya ko at sinabi ko nang magpapakasal tayo. Wala nang dahilan para mag-isip ka pa ng kung ano-ano."
Bago pa siya magprotesta ulit ay nabuhat na siya ng binata sa kama at doon pinagsawa ang sarili sa paghalik at pagdama sa kanya. Wala na rin siyang ginawang pagtutol dahil gusto rin niya ang ginagawa nito.
*****
Halos kakaalis pa lang nila Liam nang makabalik si Alex sa bahay. Si Elena ay nasa kwarto na at nagbabasa ng magazine.
"Asan si Liam?" tanong nito sa asawa
"Hinatid si Ysabel," simpleng sagot ni Elena.
"Kailangan ko siyang makausap. Nagpapasama si Laura sa Calapan sa bukas. Panahon na para magkamabutihan ang dalawa." Umupo ito sa gilid ng kama at minamasahe ang paa.
"Alex.. hindi kaya hayaan na lang natin ang mga bata? Walang gusto si Liam kay Laura."
"At sino ang gusto niya? Yang si Ysabel na galing sa kung saan? Hindi siya ang makakatulong sa kumpanya natin. Isa pa, hindi pa sila magkakilalang lubos. Ikaw ba pabor diyan sa Ysabel na yan kung sakali?"
"Hindi ko masasabi. Pero ayokong panghimasukan ang anak natin pagdating sa usaping pag-ibig Alex."
"Mas mapapanatag ako kung si Laura ang mapapangasawa niya. Sigurado akong galing sa mabuting pamilya at mabait ang batang iyon."
"Pero hindi siya ang gusto ng anak mo. Uunahin mo pa ba ang negosyo natin kaysa sa panghabangbuhay na kaligayahan ni Liam? Oh, Alex..."
"Sige, hindi ko panghihimasukan ang buhay ng anak mo, Elena. Pero ilalapit ko pa rin siya kay Laura. Malalaman natin kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Gusto kong makita kung hanggang saan ang paninindigan niya ngayon. Nakapag-usap man kami ni Fred na ipagkasundo silang dalawa ng anak niya, kung may tumanggi ay hindi namin ipipilit."
"E bakit kailangan mo pang pasamahin ang anak mo sa Calapan kay Laura? Paglalapitin mo ang dalawa. Paano si Ysabel?"
"Magpapakasal ang dalawang iyon dahil gustong tumakas sa mga sitwasyong kinalalagyan nila. Ano ang pinagkaiba nila sa pakikipagkasundo ko sa ama ni Laura? Nothing. They are also marrying for convenience."
"Sa tingin ko'y mahal ng anak mo ang Ysabel na 'yun. Nakikita ko kung paano niya ito tingnan. Liam doesn't look at any woman like that before."
"Okay fine... E di sabihin na nating ginagawan ko sila ng pabor. If Liam is too proud to admit his feelings, he needs to stand up for that woman now."
Tumawa naman si Elena sa asawa. Hindi pa rin tumitigil ang asawa sa pakikialam sa mga anak.
"Salamat at naiintindihan mo ang mga bata."
"Ihanda mo ang dinner table sa Martes, inimbita ko ang pamilya ni Fred."
Umikot ang mga mata ni Elena sa asawa.
"Hindi ka talaga nagpapatalo, Alex."
"Let's give Liam a test. Gusto kong makita kung hanggang saan niya ipaglalaban ang Ysabel na iyon. O sabihin na nating gusto kong makita kung paano magmahal ang kaisa-isang anak kong lalaki." Ngumisi ito at may planong nasa isip.
Natatawa na lang si Elena sa usapan nilang iyon na mag-asawa. Tiyak niyang hindi magpapapigil si Alex sa mga plano nitong panghihimasok sa relasyon ni Liam kay Ysabel. Sa puso niya'y gustong umasa na totoong umiibig na ang anak niya sa unang pagkakataon.