Chapter 12

1603 Words
Papasok na sa opisina si Liam nang tawagan siya ng ama. "Nagpapasama si Laura sa Calapan iho. May negosyo kaming inaayos ni Fred. Naipagpaalam na kita kay Nathan." He cursed silently. Hindi talaga gustong tumigil ng Daddy niya sa karereto sa kanilang dalawa ni Laura gayung ipinakilala niya na si Ysabel sa buong pamilya. "What is this, Dad? Ilang beses ko bang sasabihin hindi ako magpapakasal kay Laura?" Pigil ang inis na wika niya sa ama. "Sasamahan mo lang siya sa Calapan, Liam, hindi mo pa siya pakakasalan," katwiran naman ng ama na hindi niya kayang salungatin. Bagama't hindi niya alam kung bakit kailangang siya pa ang sumama. "Bakit ako? Hindi ba't may driver sila?" "Nasa casa ang sasakyan niya, Liam. Ano ang problema kung ipag-drive mo siya? Minsan lang humingi ng pabor si Laura napakahirap bang gawin ang ipinapagawa ko?" Walang nagawa si Liam kundi ang sundin ang ama. Kalahating oras lang ang lumipas ay nasa gate na siya nila Laura. Naghihintay na ang dalaga na may mga dalang papeles. Naka mini-skirt itong maong at pang-itaas na hapit na hapit sa katawan. She maybe sexy but not attractive enough. Kung noon ay pinapansin niya kahit sinong babaeng dumaan na maganda ang hubog ng katawan, ngayon ay ni halos hindi niya na magawang tapunan ng tingin si Laura. "Hi!" nakangiting wika nito sa kanya. "Pasensya ka na ikaw ang naistorbo ko. Nag-insist kasi si Uncle Alex." "Okay lang." Inalalayan niya ang babae para sumakay dahil sa bitbit nitong mga folders. Pagkatapos ay pinaandar niya ang sasakyan at tahimik na nagmaneho. "Kumusta?" tanong ni Laura "Okay lang," nababagot niyang sagot bagama't pilit namang ngumiti. "Ang sabi pala ni Dad ipinagkakasundo tayo?" "Hmmm... Yes. Pero hindi ko naman siniseryoso dahil wala akong balak magpakasal." Hindi niya na binanggit pa ang tungkol kay Ysabel. Ikaw, wala ka bang boyfriend?" "Sa ngayon wala. At hindi na siguro nararapat." "Why? So, pumapayag kang pakasal sa akin kahit hindi tayo nagkaroon man lang ng anumang pinagsamahan?" He smiled lazily, trying to be friendly to her. "Bakit naman hindi? Maganda ang maidudulot nun sa pamilya natin. Maisasalba namin ang DGC kapag nag-invest si Dad." Gusto niyang magmura sa sinabi nito dahil pakiramdam niya ay nagyabang itong ang pamilya nito ang sagot sa krisis nila sa kumpanya. Mayaman man ang pamilya nito ay hindi nararapat na sabihin iyon, sa tingin niya. "Nathan was a farmer before he became the new CEO, Laura. Nakayanan niyang pamahalaan ang kompanya sa kabila ng wala siyang karanasan noon. We trust him. Darating din ang araw na makakaisip siya kung paano maiaahon ang kompanya sa pinagdadaanan nito ngayon. We're just giving him some time." "Matagal na ang financial crisis ng DGC, Liam, nakita ko na ang financial reports nito. Kailangan nang magawan ng solusyon kundi lalo lang mababaon ang kompanya." "Who gave you the financial report?!" Napakunot ang noo niya at hindi naiwasang maglabas ng inis. Hindi ito dapat lumalabas sa kamay ng ibang tao at nalalaman ng mga ang totoong kalagayan ng kompanya. Dalawang bwan na siyang pumapasok sa DGC pero hindi siya naging interesado dito. Maybe, now is the time to focus on it and help his cousin rebuilding it. Hindi nila kailangan ng ibang tao. Pagbalik niya mamaya ay kakausapin niya si Nathan. "Ni-request ko sa Daddymo noong magsimula sila ni Dad na ma-usap about selling stocks. Hindi mo kailangang magalit." "I'm sorry, Laura, pero hindi ako sang-ayon na nakikita nyo ang anumang papeles na may kinalaman sa kompanya gayong wala pa kayong share doon. It's nothing personal. We just want to keep confidentialities." "Okay lang yun, Nathan. Sooner or later ay magiging isang pamilya din tayo." "Laura... my girlfriend na ako. I'm sorry, but I can't marry you." "Hindi yan ang sinabi ni Uncle Alex, Liam," tila puno naman ng kompyansang sagot nito na para bang hindi siya ang masusunod sa pinal na desisyon. "At halos tatlong bwan na kami nag-uusap kung ano ang magandang gawin sa kompanya." Napahilamos siya sa mukha sa inis. Hindi niya gustong kay Laura ibunton ang inis na 'yun dahil ang Daddy niya ang higit na may kasalanan. But he was furious. All along ay naka kompromiso na ang future niya sa babaeng ito nang wala siyang kamalay malay. Kung hindi niya nakilala si Ysabel dalawang buwan na ang nakalilipas, magugustuhan ba niya si Laura? The way she talks now; that bragging personality - the answer is a big no. "Pag-isipan mong mabuti, Liam. DGC ang nakasalalay dito," dagdag pa nito na tila babala na para siyang bata kung kausapin. Hindi na sumagot pang muli si Liam at itinuon ang atensyon sa kalsada. Isang oras bago nila narating ang Calapan. Isang nakababagot na araw ito para sa kanya. Being the gentleman that he is, niyaya niya pa rin sa reataurant si Laura sa pananghalian. Nakikinig lang siya sa mga kwento nito kahit hindi naman siya gaanong nakikinig. Ni wala nga siyang partisipasyon sa pag-uusap nila. Alas kwatro ng hapon na halos nang matapos si Laura sa banko at sa kung ano-ano pang government agencies na wala sa San Nicholas. Habang pauwi sila ay nakatulog na si Laura dahil hindi naman nya halos kinakausap. Alas sais pasado na nang makarating sila sa gate ng tirahan nito. "Laura..." hinawakan niya ang balikat nito para magising. Nagmulat ito ng mata at nagulat na nasa harap na sila ng gate ng bahay nito. "I'm sorry, nakatulog pala ako." "It's okay." Ngumiti ito at kinuha ang mga gamit sa likod na inilagay nito kanina pagsakay. Hindi nakaligtas kay Liam ang sadyang pagdidikit ng dalaga sa hita nito sa braso niya. May hinanap ito sandali sa mga papeles na dala at inabot sa kanya. "Pakibigay kay Uncle Alex, kailangang kailangan niya 'yan ngayon. Salamat sa pagsama sa akin." Nagulat pa si Liam nang bigla siya nitong hinalikan sa pisngi bago nagpaalam. Napangiti nang lihim si Liam. This woman tried to seduce her in little ways she can. But she doesn't affect him a bit. Papunta na siya sa condo nang tumawag muli ang ama. Kailangang kailangan na daw nito ang papeles na dala ni Laura na hindi niya alam kung bakit hindi puwedeng ipagpabukas. "Dad, sinamahan ko na si Laura maghapon kahit labag sa kalooban ko. Dadaan lang ako sa condo ngayon. I'll be there by nine o'clock, I promise." Walang nagawa ang ama kundi ang maghintay dahil ibinaba niya na kaagad ang telepono. He really needs to see Ysabel. He misses her. Mula nang makilala niya ito'y hindi na maalis sa sistema niya. Hindi pwedeng hindi niya ito makita kahit sandali sa isang araw. Nakaluto na si Ysabel nang makarating siya ng condo. "Hi, future wifey, anong hapunan natin?" Hinalikan niya ito nang masidhi. Hindi ata siya magsasawang halikan ito kahit pa umabot ng ilang taon. "Bangus at pinakbet, natunton ko din kung paano lutuin. I know you'll like it." Napakunot ang noo niya ng makitang may mga itim ito sa braso. Isang matamis na ngiti naman ang pinakawalan nito saka pilit itinago ang braso. "Matalsik pala magluto ng bangus." "Very wifey," biro niya. "Tara natatakam talaga ako. Tingnan ko rin kung puwede ka na nga bang mag-asawa." Masaya silang naghapunan at nawala na ang inis na dala niya sa dibdib kaninang magkasama sila ni Laura. Ilang minuto lang ay nagpaalam na rin siya kay Ysabel. "I need to bring this to Dad, kanina pa niya ako pinapauwi." Tumango ang dalaga. Pero kung siya ang masusunod ay hindi sya uuwi sa bahay nila para sa condo na lang magpalipas ng magdamag. "I'll pick you up tomorrow, sa bahay tayo magdi-dinner. Huwag ka nang magluto," bilin niya kay Ysabel bago ito iniwanan ng malalim na halik. Pagdating ni Liam sa bahay ng mga magulang ay nasa living room pa ang Daddy at Mommy niya. Si Sarah ay naroon din na nanonood ng pelikula sa malaking TV screen. "Kumusta ang byahe nyo ni Laura?" nakangiting tanong ng ama. "Okay lang ho." Inabot niya rito ang folder na hawak saka umupo katapat ng ama. "Dad, why did you give Laura DGC's financial report? Nalaman pa tuloy nila ang kalagayang pinansyal ng kompanya." "Because we're planning to sell stocks, Liam. At bilang mapapangasawa mo, wala namang problema kung makita niya iyon." "Dad..." Napahilamos siyang muli sa mukha. "I'm not marrying Laura, I'm marrying Ysabel." "What?! Tulad ng sinabi ko sayo, Liam, hindi mo lubusang kilala si Ysabel. Si Laura ay matagal nang kaibigan ng pamilya natin." "No, Dad. Kahit pa tanggalan niyo ako ng mana, hindi ako pakakasal kay Laura." "At paano ang DGC Liam? Hindi mo ba alam kung ilang empleyado ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara ang kompanya?" "Kakausapin ko si Nathan bukas. We'll surely find a way. Hindi lang kay Laura nakasalalay ang kompanya. Ipinapangako ko, Dad, aayusin namin ni Nathan 'to. But please... allow me to marry Ysabel." Lahat ng tao sa salang iyon ay nakatuon kay Liam. Amusement were in their eyes. The certified playboy is now into his senses - finally. But still too proud to admit he's in love. "Mag-usap kayo ni Nathan at ipakita nyo sa amin ni Romulo ang plano nyo kung paano isasalba ang kompanya." Ang tinutuko'y nito'y ang kapatid na shareholder din sa kompanya. "Saka ako magdedesisyon kung tama na si Ysabel ang pakasalan mo o si Laura." "I'm sorry, Dad, pero hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay ko kung hindi ako lang. I am thirty years old. I will marry Ysabel and that's final." Umalis siya sa living room at nagtuloy sa kwarto. Alex and Elena were silently laughing. Kahit ang kapatid niya ay napailing na lang habang nakangiti at nakatingin sa mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD