Chapter 2

1587 Words
Nagtaas ng ulo si Ysabel at nagulat nang makitang ang nagmamay-ari ng magandang boses na iyon ay ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. Sabagay, hindi naman nakapagtataka iyon dahil kanina pa ito tila sinusuri siya. Sanay na siya sa ganoon. Lalo dito sa San Nicholas na kahit may asawa na ay lantaran pa ang papuri at pagpapakita ng pagkagusto sa kanya. Which she hated so much. Why can't men be faithful with their partners? Ke asawa o karelasyon man ito. Wala na ba talagang matinong lalaki sa ngayon? At may asawa na rin kaya ang lalaking ito? Napadako ang tingin niya sa kamay nito at wala naman siyang nakitang singsing.  Pero hindi pa rin siya makasisiguro.  Maraming lalaki na iniiwan ang wedding ring sa bahay para magpanggap na binata kapag lumalabas ng bahay. "Well?" tila naiinip na sabi ng lalaki.   Ysabel smiled hesitantly. "Yes, I am okay..." "I'm Liam, by the way."  Inilahad nito ang kamay.  At nang tinanggap ni Ysabel ang kamay nito'y dinampian nito ng halik ang likod ng palad niya sa halip na pakikipagkamay. Tila napaso si Ysabel sa ginawa ng lalaki. Nakapagtataka gayung sanay na sanay siyang makihalubilo sa mga lalaki sa Amerika. They can even touch each other's body during photoshoot. "Ysabel," she replied.  Sa malapitan ay mas lalong malakas ang atraksyong dulot nito.  The way he stares melts her senses.  Na para bang hinuhubaran ang kaluluwa niya para mabasa kung ano ang laman ng damdamin niya.   She was expert in hiding her feelings.  Pero duda siya kung hindi nababasa ng lalaking kaharap ang binabadya ng mga mata niya.  "Are you alone?" he asked. She nodded. "Can I keep you company?" "Are you married?" mabilis niyang tanong.  Hindi niya gustong makipag-ugnayan sa lalaking may commitment na gaano man ito kagandang lalaki. "I'm one hundred one percent single." He grinned.   Oh, God... How can this man be sexier when he smiles? "Can we dance?" he whispered in her ear which brings shiver down her spine.  This man is obviously flirting with her.  She had to think twice if she's on for the fun or remain alone for the rest of the night. But, why not? Mukhang masaya naman itong kasama. At kahit sandali ay gusto niyang makalimutan ang problema. Hinawakan ni Liam ang kamay niya at inalalayan hanggang sa dancefloor hindi pa man siya sumasagot.  Na tila nabasa na nito ang sagot sa mga mata niya.  Hindi na siya tumanggi.  Pagdating sa gitna ng dancefloor ay pumaikot sa baywang niya ang kamay nito dahil lovesong ang nakasalang na tugtugin. Itinaas niya ang kamay sa balikat nito. Sa taas niyang 5'5" ay umabot lang sa siya halos sa balikat ng binata. At ang hininga nito'y kumikiliti sa tainga niya. ----- Inilapit ni Liam ang katawan kay Ysabel at isinandal ang ulo ng dalaga sa dibdib niya. Ang pabango nito'y tila mamahalin. He was intrigued. Tila hindi ito pangkaraniwang babae lang. She looked expensive.  And classy. "Where do you live?" pabulong niyang tanong dito.  Gusto niyang ilapit lagi ang katawan at mga labi sa pisngi nito.   "Kila Nana Ising."  Napakunot noo ang binata. Kilala niya ang binanggit nitong pangalan pero bakit ngayon lang niya nakita ang dalaga?  At bakit pangalan ng matandang tinutuluyan nito ang binanggit at hindi ang lugar mismo?  "Malayo ko siyang kamag-anak. Naghahanap lang kasi ako ng trabaho," wika ni Ysabel na nahulaan ang pagkunot niya ng noo. "May boyfriend ka na?" tanong niya. Umiling lang ito.  Marami pa siyang gustong itanong pero baka matakot ito sa kanya.  Base sa mga ikinikilos nito'y nag-iingat itong magbigay ng impormasyon na may kinalaman sa personal nitong buhay.  Hindi niya gustong itigil nito ang pagsasayaw kapag nakulitan sa kanya. Pour the wine, light the fire Girl your wish is my command I submit to your demands I will do anything, Girl you need only ask Sa ilang sandali ay nanatili silang nagsasayaw. Sinasamyo ni Liam ang buhok nito, ang kamay ay humaplos sa likod ni Ysabel. She is warm and soft and sweet. Sa gumaganang imahinasyon ay nag-iinit ang pakiramdam niyay nang hindi niya kayang pigilan.  Siguro ay dahil marami na rin siyang nainom.  Bukod pa sa sadyang malakas ang atraksyong dulot ng dalaga. ---- Ysabel felt Liam's hand caressing her back. Funny how her body reacts with just simple touch from this man. Tila may mumunting paro-parong naglalaro sa tyan niya. She never felt like this with Fabiano, kahit pa umaabot na sa higit pa halik ang gawin nito. Nagpapaubaya siya dahil sa boyfriend niya ito pero hindi niya pinapayagang lumagpas pa doon. Marahil ay dahil sa alak. Hindi niya na matandaan kung gaano na karami ang nainom niya. Naramdaman niyang hinalikan siya ni Liam sa sintido at bumaba ang halik na iyon sa gilid ng tainga niya. Balak niyang sitahin ito pero nang mabungaran ang mukha ng binata ay nagbago ang isip niya. His eyes speak passion and desire. And in split second he lowered his head and kissed her. She was unable to move. Ni hindi siya tumugon.  Nakayakap ang mga braso nito sa kanya at ang hininga nito'y kasing-init ng kamay nitong humahaplos sa likod niya.   She realized she was drunk. Hindi dahil lang sa alak na nainom kundi sa mga halik nitong nilalasing ang buong pagkatao niya. Nang matapos ang tugtugin ay bumalik sila sa pwesto na nagkunwaring walang nangyari. Um-order pa ng ilang inumin at nagkwentuhan ng kaunti.  Candida would freak out kung malaman nito ang pinaggagawa niya ngayon. But she will deal with her mother after. Sa ngayon ay gusto niya munang maging malaya.  Ang maramdaman na may sarili na siyang mga desisyon na kaya niyang panindigan. "Gusto mo na bang umuwi? I'll take you home," tanong ni Liam sa kanya.   Umiling siya. Alas dos na ng madaling araw at ang balak niya kanina'y paabutin ang sarili sa bar dahil tiyak na mahimbing na ang tulog nila Nana Ising. "Hihintayin ko na lang mag-umaga, nakakahiya kila Nana Ising kung maiistorbo pa sila ng ganitong oras," paliwanag niya.   "Tara sa condo ko, malapit lang dito. You can stay there until morning," yaya naman ng binata. Sandali siyang nag-isip kung sasama siya sa lalaki.  Sa kabila ng pagiging mabait nito sa ilang oras nilang magkasama ay estranghero pa rin itong maituturing.  And if he lives in a condo, malamang sa malamang ay mag-isa lang ito doon.  Kapag may ginawa itong masama sa kanya ay hindi na siya makakapalag.  Maaari siyang mapahamak. 'Don't be afraid of me, I'm not a rapist or something.  Abogado ang tatay ko at tiyak ko sa 'yo na makukulong ako kapag may ginawa akong masama sa 'yo," nakangiti naman nitong wika para mapalagay siya.  Isang marahang tango ang isinagot niya sa kabila nang pag-atubili. Wala pang limang minuto ay nasa condo na sila ng binata. He lives on the 6th floor. Kumpleto ang gamit nito doon. Umupo siya sa mahabang sofa habang kusina si Liam tumuloy. Nagtimpla ito ng kape para sa kanilang dalawa. "Asan ang pamilya mo?" tanong nito kay Liam nang makabalik ito sa sala. "Medyo malayo dito. Twenty minutes away." Inabot nito ang tasa ng kape sa kanya. "Bakit hindi mo kasama?" "Ayoko ng pinakikialaman ako. Sa bahay ay de numero ang galaw. Hindi ako makakauwi ng ganitong oras kung sa mga magulang ko ako nakatira." "Hindi ka rin makakapag-uwi ng babae," biro niya.  Parang gusto niyang mapahiya sa pagsama sa condo nito. "Honestly, yes. Pero matagal na akong hindi nag-uuwi ng babae dito. As much as possible sa labas lang o sa ibang lugar."  Bahagya lang siyang ngumiti.  Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito o sinabi lang nito para magpa-impress sa kanya at palabasin na matino itong lalaki. "Thirty ka na bakit hindi ka pa nag-aasawa?" kaswal niyang tanong. "Pati ba naman ikaw?" Umupo ito sa tabi niya at inilapag ang tasa sa lamesita. "Pinag-a-asawa na ko ng magulang ko. Kaya ako nasa bar kanina ay para alisin ang inis ko. Wala sa isip ko ang mag-asawa.  All I want is my freedom." Gusto niyang tumawa sa sinabi nito.  In a way, pareho sila ng gusto sa buhay. Sa magkaibang paraan nga lang at sa magkaibang rason. "Ikaw, wala ka bang balak mag-asawa?" tanong naman nito sa kanya.  Umiling siya. "Kaka-break ko lang." "Kaya ka ba parang iiyak kanina sa bar?"  Gusto niyang salungatin ang sinabi nito pero hinayaan na lang na isipin ni Liam na ganun na nga para hindi na ito magtanong pa. "Asan ang pamilya mo?" tanong ni Liam sa kanya. "Hindi ko na nakilala ang tatay ko. Ang nanay ko naman, nasa abroad," simple niyang sagot.    Hindi niya na kailangang idetalye ang buhay niya. Nagtatago siya at walang dapat makaalam ng totoo niyang pagkatao maliban kay Nana Ising. Pero nang inayos ni Liam ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa maganda niyang mukha ay napalunok siya.  Gusto niya ang dampi ng balat nito sa balat niya.   "You have the most beautiful face I have ever seen..." pabulong nitong wika.  Hinawakan nito ang baba niya at sinalubong ng tingin. Ysabel knows danger but she refused to run.  Ni hindi siya gumalaw.  Nagpapatianod siya sa atraksyong dala ng binata. Nang bumaba ang labi nito'y tinanggap niya ng tila nahihipnotismo. Kung mainit ang hininga nito kanina sa bar ay mas mainit ito ngayon. Mas masidhi at mas naghahanap. His powerful hand was caressing her nape while the other wass searching at her body. Sensation consumed her, kung paano at bakit ay hindi niya alam.  Marahil ay dahil pakiramdam niya'y nag-iisa siya at kailangan niya nang karamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD