Chapter 1

1735 Words
Nakatitig si Liam sa isang particular na babaeng nasa bar na iyon.  Panay ang indayog ng katawan sa saliw ng maharot na tugtugin.  Naka black jeans ito na hapit na hapit sa binti.  Ang tank top naman nito'y maiksi at kita ang maliit nitong bewang na halos kaya niyang dangkalin.  He was curious.  Ngayon lang niya ito nakita sa isang bar sa San Nicholas.  Ang kulay ng buhok nito ay tila tanso kapag tinatamaan ng ilaw.  Curly and stylish too.  Hindi tipikal na isang probinsyana.  Pero kung taga-Maynila ito ay dapat sa Puerto Galera ito nagpunta hindi sa sulok pa ng Mindoro. She must be in her early 20's.  Neneng tignan kung hindi lang sa makapal na makeup nito.  Ang labi nito'y pulang-pula na sa tingin niya'y napakasarap hagkan.  Liam dismissed his thoughts right away.  Hindi naman sa lahat ng oras na may makita siyang babae ay gumagana ang imahinasyong sekswal sa kanya.  Pero ang pag-indayog ng balakang ng babae ay tila pumupukaw sa kanyang p*********i. Inubos niya ang laman ng kopita sa kanyang harapan.  Naalala ang usapan nilang mag-ama kanina kung bakit siya napunta sa lugar na ito. "You are not young anymore Liam!  Kailangan mo nang mag-asawa para maging responsable ka na!"  galit na wika ng Daddy niya. He is thirty years old.  Walang trabaho at puro kasiyahan lang ang alam sa buhay.  He dated number of women since he was in college.  Why not?  Girls swoon over him na tila siya regalo ng Diyos sa mga ito.  He never had a long-term relationship in his whole life.  Girls come and go.  At wala siyang balak magpatali kaninuman. But now, his father threatened him to cut-off his allowance and privileges kapag hindi siya sumunod sa kondisyon nito.  One, he will have to work in Delgado Group of Companies as one of the owners.  Two, that he will get married in six months time. Delgado Group of Companies is the owner of top hotels and resorts in Mindoro including Puerto Galera.  Pero ngayon ay nagkakaroon ito ng financial crisis.  His uncle and cousin were handling the operation, but as a stockholder, he needs to be in any position in the company.  His father, on the other hand, is a lawyer.  May sarili itong Law Firm na kilala din sa Mindoro. Okay na sa kanya ang magtrabaho sa DGC.  Sa katunayan, isang linggo na siyang nasa Marketing Department kahit wala siyang ideya kung ano ang dapat niyang gawin doon.  Pero ang pangalawang kundisyon ng ama niya ang nakakapagpabagabag sa kanya.  Saan siya kukuha ng asawa?  Ni wala siyang naging matagal na relasyon.  Ni ngayon ay wala siyang girlfriend.  At kahit balik-balikan niya ang mga pangalang nagkaroon siya ng ugnayan, wala siyang mapili sa mga ito! Magaganda naman ang mga naging girlfriends niya.  Pero kung hindi nagsipag-asawa na ang iba, ang iba naman ay wala siyang balak seryosohin.  At isa pa hindi siya naniniwala sa commitment.  He can live his whole life all by himself.  Pero kung hindi siya magkakaroon ng  girlfriend sa lalong madaling panahon,  ipagkakasundo siya ng ama sa anak ng business partner nito na si Laura. "Oh, I hate Dad!" himutok niya sa kapatid na si Sarah. "Bakit naman kasi sa dinami-dami ng naging girlfriend mo wala ka man lang napiling seryosohin? Yun lang naman ang gusto ni Dad, yung magkaroon ka ng sense of responsibility," pagbibigay naman ng katwiran nito sa desisyon ng Daddy nila. "Okay, sige andun na ko.  Pero bakit niya ako kailangang bigyan ng timeline? I'm only thirty for Pete's sake!" "Kilalanin mo na lang muna si Laura, malay mo naman magustuhan mo." "I don't feel anything for her, not even physical attraction." "O, e di maghanap ka ulit ng iba.  Siguraduhin mo lang na hindi pinulot lang kung saan-saan." "Iyan pa ang isang nakakainis.  Kailangan kilatisin nya muna kung aprobado ba o hindi.  Kailangan kabilang sa alta de siudad o maayos na pamilya.  Why does he manipulating my life?" "That's what Dad is.  Sabi nga niya kung ayaw mo sumunod kailangan mo na lang kumayod para kaya mong buhayin ang sarili mo." At ngayon ay nagsisimula nang umandar ang timeline niya.  Kailangan niyang magpakilala ng girlfriend na kikilatisin ng pamilya niya. Muling hinanap ng mata niya ang babae ngunit wala na ito sa dancefloor.  Inikot niya ang mata at nakita niya ito sa isang sulok na may hawak na shotglass.   Nilalaro nito ang laman na tila wala naman doon ang iniisip. Tinitigan niya ang babae.  She has the most pretty face she has ever seen.  She has expressive eyes, malantik ang pilikmata,  at maputi ang balat na tila banyaga.  Ang ilong nito'y maliit at perpekto ang tangos at ang labi nito'y tila napakalambot pag hinalikan.  Nakasandal ito sa cocktail table at sa malapitan ay mas kita ang kurba ng katawan nito.  He can give it a perfect  ten.  At habang tumatagal ang tingin niya sa babae ay 'di kataka-taka ang atraksyong dulot nito.  ----- Ysabel saw in the corner of her eyes the man that was staring at her for minutes.  Nakita na niya ito kanina pagpasok pa lang ng lalaki sa bar.  A gorgeous hunk.  Naka-puting Nike V-neck na hapit sa katawan, ang muscles nito'y bumabakat sa suot na pang itaas.  He was also wearing faded blue jeans na tila nakayakap sa binti nito.   This man was undeniably sexy. Pero hindi siya nagpunta dito para makipagkilala sa sinumang lalaki.  Nandito siya para uminom at maglasing. Her former boyfriend, Fabiano Bardini, just announced their engagement! Fabiano was an Italian supermodel she met at one of the fashion shows she attended two years ago.  Pinagkakaguluhan ng mga kababaihan lalo na ng kapwa niya modelo, pero sa kanya nagkaroon ng interes ang binata.  Ilang buwan itong nanuyo bago siya nagdesisyong sagutin ito.  Four months after they announced their relationship,  she caught him having s*x with a guy at his own pad! She was furious as hell.  Itinanggi ng mga ito ang paratang niya at pinalabas sa media na siya ang kasiping ng lalaking nandoon, na siya pa ang nanloko sa boyfriend.  Kahit ang ina ay naniwala kay Fabiano.  Bakit naman hindi?  E kung sa harap ng ibang tao ay tila ito santong hindi makabasag-pinggan.  Lalo na sa harap ng kanyang ina.  Nakipaghiwalay siya kay Fabiano pero hindi tinanggap ng binata.  Lumabas pang napakabuti nito para patawarin siya sa pagtataksil niya dito.  That story blew up in media and made them popular even more.  Kabi-kabilang kontrata ang naghihintay sa kanya pagkatapos ng eskandalong iyon.  She was even invited at the Victoria Secret Fashion Show. Pero pagod na siya.  Tired of all the cameras, and paparazzi, and fancy gimmicks of media that was invading her privacy and peace of mind. Ni hindi niya pinangarap ang ganitong buhay in the first place. She is Ysabel Georgine Montes,  a Half-German Half-Filipina.  Her parents got separated when she was knee high, she can't even remember the image of her father.  Mula noon ay sila lang mag-ina ang magkasama.  But inspite of that, Candida was an emotionless mother to her.  Wala siyang maalalang hinagkan siya nito o niyakap kahit nung bata pa siya.  Candida was strong and independent.  At gusto nitong maging ganoon din siya. She started modeling at the age of sixteen, pagkatapos niya ng junior high.  Pero kahit nagsa-sideline na siya sa pagmomodel ay pilit siyang pinagtapos ni Candida ng four-year course.  She graduated BS Mass Communication in one of top universities in Manila.  Pagkatapos na pagkatapos ng graduation rites niya ay lumipad sila papuntang New York para sa contract niya sa Supreme Management. Mataas ang pangarap nito sa kanya.  Hindi siya nito pinapayagang maligawan nang kung sino-sino lang.  Kaya't heto, ni hindi siya nakaranas nang masayang kabataan.  Si Fabiano lang ang pinaboran nito, and she knows why.  Fabiano's family owned a ranch in Texas that made him richer by millions. And that made her rage even more.  Fabiano was using her mother to manipulate her.  The hell with him!  She would never allow herself to marry a homosexual. "You never allowed me to touch you," paninisi ni Fabiano sa kanya.  So it's her fault that he cheated on her?  E ano kung hindi siya nagpapadala sa mga paghawak hawak nito sa dibdib niya?  Na hindi nito pinapayagan ang dating kasintahan na lumagpas pa sa halik ang gawin nito? Minsan ay tinawag pa siya nitong ice queen.  O di kaya'y tuod kung ihahalintulad sa salitang tagalog. Three months after she found out about Fabiano's explicit affair, she decided to leave New York.  Pero bago pa siya umuwi ng Pilipinas ay nagbukas  siya ng bagong banko para may magamit siyang pera.  Lingid ito sa kaalaman ng ina.  She knows Candida will hold her credit cards and freeze her current assets para mapilitan siyang bumalik doon.  Good thing na kakatapos lang ng two-year contract niya sa Supreme Management kaya wala siyang pananagutan sa agency. Pagkauwi sa Pilipinas ay hinanap niya ang dating yaya sa dati nilang tirahan sa Sampaloc.  Pero sabi ng mga nakatira doon ay umuwi na ito ng Mindoro.  Through social media at mga kamag-anak ni Yaya Ising ay natunton niya ito sa San Nicholas.  At ngayon ay halos isang bwan na siya dito nanunuluyan. Mabait ang pamilya nila Nana Ising.  Simple lang ang buhay ng mga ito.  May dalawa itong anak na parehong babae,  si Ana na halos kasing edad niya ay nagtatrabaho sa munisipyo, at si Norma na nasa high school pa lamang.  Kapag ipinakikilala siya sa mga tao dito ay sinasabing isa siyang malayong kamag-anak na naghahanap ng trabaho. She has no idea what to do with her life yet.  Gusto niya munang i-enjoy ang kalayaang natatamasa niya ngayon.  Hindi pa niya nakakausap ang ina mula ng umalis siya ng New York, walang idea si Candida kung saang parte siya ng mundo nagtago.  She left her with a note that she will be having a vacation in Singapore, kasama ng dating katrabaho sa modeling agency.  To unwind and think about Fabiano and her.  At para lumayo muna sa mata ng mga paparazzi.  Pero sandali lang siya sa Singapore at tumuloy siya ng Pilipinas. And now she just found out that she was engaged with Fabiano through society pages in the internet.  With the help of her mother! Ibinagsak niya ang ulo sa counter top at pumikit.  She hated her life! "Are you okay?" said the man with a baritone voice.  Did she just hear a DJ on a radio?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD