CHAPTER 3

1018 Words
MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW Putangina, hindi ba dapat pag may galing ospital, may naghihintay na pamilya para sunduin siya? Yung tipong may kaunting concern man lang, kahit fake? Pero hindi. WALA. Nakatayo ako sa harap ng ospital, hawak ang papel ng discharge ko, at ni anino ng pamilya ni Genevieve ay wala akong nakita. Napailing ako. Talagang iniwan ako nang ganun lang. Kung hindi ko lang nakuha ang mga alaala ng dating Genevieve, baka ngayon pa lang ay ligaw na ligaw na ako. Pero kahit papaano, may natatandaan akong bahagi ng buhay niya—kung saan siya nakatira, kung paano siya lumaki, at kung paano siya trinato bilang isang pabigat ng pamilya niya. Alam ko kung saan uuwi ang katawang ito. At sigurado akong hindi sa bahay ni Ali Murat. Baka mapatid lang pasensya ko pag nakita ko ang mokong na yun, at hindi ko gusto na ang unang eksena ko sa kanya ay isang solidong suntok sa mukha niya. Kahit gaano ko pa kagustuhin. Huminga ako nang malalim. Kahit pa anong inis ko, kailangan kong maging matalino rito. Tumingin ako sa paligid. Wala akong dalang pera—kahit wallet wala akong nahawakan simula nang magising ako. At hindi rin ako sigurado kung may driver akong susundo—pero knowing these people? Malamang sa malamang, wala rin. So paano ako makakauwi? Napailing ako. Tangina, first day ko sa bagong katawan at kailangan ko nang mag-commute? Kung si Mariel pa ‘to, walang problema. Kabisado ko ang mundong ginagalawan ko. Kaya kong sumabit sa jeep, maglakad ng limang kilometro, at sumabak sa gulo nang hindi man lang hinihingal. Pero ngayon? Putangina, hindi ko nga alam kung tatagal ako sa pagtayo rito ng sampung minuto nang hindi hinihimatay. Wala akong choice. Kailangan kong makahanap ng paraan para makauwi. **---** Makalipas ang halos tatlumpung minutong pakiramdaman sa sarili kong katawan, nagdesisyon akong tawirin ang kalsada at sumakay ng taxi. Buti na lang at may naalala akong isa pang detalye—si Genevieve ay may account sa isang ride-hailing app. Kailangan ko lang magpanggap na mahina ang katawan habang kinakausap ang driver para sigurado akong hindi ako gagawing target ng kung sinong may masamang balak. “Miss, san tayo?” tanong ng driver habang sinisilip ako sa rearview mirror. "Bahay ng mga Santos," sagot ko nang mahinahon, pilit na ginagaya ang dating mahina at inosenteng boses ni Genevieve. Napatingin sa akin ang driver sa salamin. “Yung malaking bahay sa Mayfair Village?” Tumango ako. Napanguso ang driver. "Mayaman pala kayo, Miss. Bakit wala kayong sundo?" Nanigas ang panga ko. Putangina, gusto kong sabihin na kasi wala silang pake sa akin! Pero hindi ako puwedeng magpakita ng attitude. Kailangan kong bumalik sa pagiging fragile princess mode ko. “Ah… busy siguro sila,” sagot ko na lang, kahit gustong-gusto ko nang idura ang katotohanan. Tumango-tango ang driver, saka pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ako buong biyahe. Habang dumadaan kami sa mga kalsadang pamilyar kay Genevieve, unti-unting pumapasok sa utak ko ang ilan pang alaala niya—ang lungkot, ang kawalang pag-asa, at ang laging pagnanais na mahalin siya ng pamilyang hindi man lang marunong magpakita ng kahit anong concern. Hindi ako si Genevieve. Pero tangina, nararamdaman ko ang sakit niya. **---** Nang makarating kami sa bahay ng mga Santos, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Ang bahay nila? Malaki. Malawak. Para kang papasok sa bahay ng isang pamilya ng royalty. Malinis ang bakuran, mamahalin ang gate, at kahit ang amoy ng hangin ay parang may halong imported na lavender at pera. Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon, isa lang ang sigurado ako: WALA TONG KWENTA KUNG WALANG PAKIALAM ANG MGA TAONG NASA LOOB. Nagbayad ako gamit ang digital wallet ni Genevieve—buti na lang at may access ako sa phone niya, kundi baka naglakad ako pauwi. Pagkababa ko, tinapunan ko ng tingin ang napakalaking gate bago marahang lumapit. Pinindot ko ang doorbell, naghintay ng ilang segundo, at maya-maya lang, bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaking mukhang security guard. Nagtaas siya ng kilay. “Oh, Miss Genevieve?” Napakunot-noo ako. Ano ‘tong tono na ‘to? Ba’t parang nagtataka pa siya na andito ako? "Pwede ba akong pumasok?" tanong ko, pilit na pinipigilan ang inis sa boses ko. “Aba, Miss, kala ko sa fiancé mo na kayo titira?” sarkastikong sagot niya. Tangina, kahit ‘yung mga empleyado dito, ginagago ako?! Napangisi ako nang bahagya. Ang Mariel De Leon na ‘to ay hindi papalagpasin ang ganitong klaseng pangmamaliit. Pero dahil ako na ngayon si Genevieve, kailangan kong magpanggap. Nagkibit-balikat ako. “Nagbago ang isip ko. Dito muna ako.” Napakamot siya sa ulo, halatang hindi sigurado kung papapasukin ako o hindi. Pero in fairness, wala siyang choice. Isa pa, bahay ko ‘to, diba? Pagpasok ko, isang malamig at tahimik na atmosphere ang sumalubong sa akin. Walang nag-abang. Walang nagtanong kung kamusta ako. Naglakad ako papunta sa sala, at hindi nagtagal, lumabas ang isang babae mula sa hallway—siya yung isa sa mga kapatid ni Genevieve. Nakataas ang kilay niya, halatang hindi natuwa sa pagdating ko. “Aba, buhay ka pa pala,” sarcastic niyang sabi. Tangina, ito ba ang welcome home message nila? Huminga ako nang malalim at pinilit ang sarili kong ngumiti. “Oo nga eh,” sagot ko nang matamis, kahit sa loob-loob ko gusto ko siyang sabunutan. Napanguso siya at tumawag ng isang maid. “Dalhin mo siya sa kwarto niya. Siguraduhin mong hindi siya mang-iistorbo sa amin.” Putangina, para akong pusa na pinapasok lang sa bahay dahil wala silang choice! Pero hindi ako pwedeng magpadala sa inis. “Salamat sa warm welcome, ate,” sagot ko bago ako tumalikod, sinusundan ng maid na halatang ayaw ding magtagal sa presensya ko. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto, isa lang ang nasa isip ko. Hindi ako si Genevieve. At hindi ako magpapakabiktima sa bahay na ‘to. Kung akala nila ay pwede lang nila akong ituring na basura, nagkakamali sila. Ako si Mariel De Leon. At sa tamang panahon, ipapakita ko sa kanilang HINDI AKO PAPAAAPI.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD