MARIEL / GENEVIEVE POINT OF VIEW
Nagising akong may pumipintig na sakit sa ulo ko. Parang may isang dambuhalang pumukpok ng maso sa utak ko.
Tangina, anong ginawa nila sa akin?
Mabigat ang talukap ng mga mata ko, pero naririnig ko na ang bulungan ng mga tao sa loob ng kwarto. Sa amoy pa lang ng mamahaling pabango at antiseptic, alam kong nasa ospital pa rin ako.
"Kailangan nating malaman kung gaano kalala ang epekto ng sakit niya sa puso," isang malamig at pormal na boses ng lalaki ang narinig ko.
"Tsk. Malas naman," sagot ng isa pang boses ng babae, halatang inis. "Pabigat na nga, lalo pang naging pabigat."
Putangina, may gising na ngang may sakit sa puso, may ganito pang eksena?
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, at agad na bumungad sa akin ang grupo ng mga taong mukhang wala namang balak mag-alala sa kalagayan ko.
Dalawang matanda—isang babae at isang lalaki—ang nakatayo sa may paanan ng kama ko. Mukhang sila ang magulang ng katawang kinalalagyan ko. Pareho silang mukhang disente, mukhang mayaman, pero halata sa tingin nila ang pagkadismaya. Sa tabi nila, may dalawang babae at tatlong lalaking mukhang mga kapatid ko. Ang mga babae ay mukhang sosyalin, ‘yung tipong isang patak ng pawis lang, tatawag na ng assistant para punasan sila. ‘Yung tatlong lalaki naman ay mukhang mga taong lumaki sa privilege, ‘yung tipong hindi sanay sa hirap.
Sa madaling salita—mukha silang mayayaman pero putangina, wala akong makitang simpatya sa mukha nila.
Napansin ko rin ang doktor na nakatayo sa gilid, mukhang seryoso habang nagsasalita.
"Base sa naging attack niya, posibleng nagkaroon siya ng memory loss. Dahil sa impact ng biglaang sakit sa puso, maaaring naapektuhan ang kanyang cognitive function, kaya baka hindi niya matandaan ang ilang bagay," paliwanag ng doktor, halatang sinusubukan maging professional.
Putangina.
MEMORY LOSS MY ASS.
Alam ko kung sino ako. Alam ko kung paano ako napunta rito. At higit sa lahat, alam ko kung paano ko nakuha ang mga alaala ng dating nagmamay-ari ng katawang ‘to. **Patay na siya.** Ako na ang gumagamit ng katawan niya. Ako na si Genevieve ngayon.
Pero dahil mukhang perpektong alibi ‘to para sa akin, hindi ako nag-react.
Nagkunwari akong nalilito, kunot-noo habang palinga-linga sa paligid. Ginalaw ko ang kamay ko na kunyaring nanghihina at mahinang nagsalita, "S-Saan ako?"
Napatingin sa akin ang matandang lalaki na halatang ama ni Genevieve. May mahaba siyang hininga bago tumugon.
"Nasa ospital ka, Genevieve," sagot niya nang walang emosyon. "Inatake ka sa puso mo sa bahay ni Ali Murat."
Putangina. Tama nga ang alaala ko. Doon ako bumagsak.
Napakunot ang noo ko at nagkunwaring naguguluhan. “A-Ali Murat?”
Sabay-sabay silang nagpalitan ng tingin. Para bang nakakita sila ng multo.
"She really lost her memories?" usal ng isang babae, ‘yung mukhang mas matanda sa akin. "Tsk. Akala ko joke lang."
“Ano bang pinagsasabi mong memory loss?” isang lalaki naman ang nagsalita, mukhang kuya ko. “Nakakaawa na nga siya, lalo pang lumala ang pagiging pabigat niya.”
TANGINA! NASAAN ANG SYMPATHY? NASA HELL NA BA AKO?
Hindi ko alam kung anong mas masahol—ang pagtawag nilang pabigat sa akin, o ang walang pakialam na tingin nila habang kinakausap ako.
Napakunot-noo ako at pilit kong nilabas ang pinaka-mahinang boses na kaya kong gawin. “S-Sino kayo?”
BLAG!
Biglang inis na binagsak ng isang lalaki ang upuan sa tabi ng kama ko. “Tsk! Ang hassle naman nito! Pabigat na nga, wala pang silbi!”
Putangina, gusto kong bumangon at basagin ang pagmumukha niya. Pero hindi ako tanga. Kung gusto kong makalabas dito nang walang issue, kailangan kong magpanggap.
Nagkunwari akong malungkot at nalilito. "A-Anong nangyari sa akin?"
Muli akong tinitigan ng doktor, parang sinisiguradong hindi ako nagjo-joke. "Nakaranas ka ng matinding emotional distress bago ka atakihin sa puso, Miss Santos. At dahil doon, posible ang memory loss. Maaari ring bumalik ang alaala mo sa mga susunod na linggo o buwan. Pero sa ngayon, hindi natin puwedeng ipilit."
Pinanood kong mabuti ang reaksyon ng pamilya ni Genevieve. Wala ni isang nagpakita ng lungkot. Mas mukhang aburido lang sila sa sitwasyon kaysa sa concerned sa lagay ko.
Tangina, may pamilya ba talagang ganito?
Huminga ako nang malalim at sinubukan ko pang umarte. “H-Hindi ko talaga maalala…”
Mukhang nagtagumpay ako dahil narinig kong may isang babae na napabuntong-hininga. “Kung hindi na niya maalala si Ali Murat, baka ito na ang pagkakataon para tantanan na niya ang lalaki.”
Tumawa ang isa pang lalaki. “Sana nga! Para hindi na siya kahiya-hiya sa pamilya natin.”
Buwisit. BUWISIT KAYO!
Sa loob-loob ko, gusto kong itapon sa bintana ang IV drip ko at gamitin ‘yun para sakalin sila isa-isa. Pero hindi ako pwedeng magpaka-Mariel ngayon. Ako na si Genevieve. At kung gusto kong mabuhay sa katawang ‘to, kailangan kong magpanggap.
Nilakasan ko ang loob ko at gumawa ng isang desisyon.
Kung ito ang pamilya na meron ako, walang kwenta ang pagpapakabait.
Pero magpapanggap akong mahina. Magpapanggap akong inosente. At sa tamang panahon? Ako mismo ang pupunit sa respeto nila, kagaya ng pagpapakita nila ng kawalang respeto kay Genevieve.
At higit sa lahat…
Tanginang Ali Murat yan parang b***t lang.