FIRST MET...
BRIANNA'S POV.
Dumating sya sa Airport oras ng hapon at dito ay naninibago sa temperatura dahil sa labing dalawang taon rin syang wala rito.
Habang nakatayo at tinatawagan ang susundo ay di maiwasang pagtinginan sya ng mga tao, lalo na at ang suot nya ay isang mahabang palda, puting damit na mahaba rin ang manggas at pinarisan pa ng mkapal na salamin sa mata.
"Miss, saan ka galing?"
Anang babae sa kanya.
"Korea."
Anya sa mataray na boses, pero nakalimutan nyang dapat ay mahinhin pala sya magsalita.
"A-ah, ibig ko pong sabihin galing akong Korea..."
Anya ulit pero di nya alam kung ano ang idurugtong nya sa sasabihin.
"Wow, ganyan naba ang outfit dun?
Kasi sa pagkakaalam namin ay fashionista ang mga tao dun."
Anang isa pa, mukhang galing din ito kung saang lupalop ng mundo dahil kung makamata sa kanya.
"A-ah, malamig po kasi.
Saka hindi naman po ako koreana eh, pinoy po ako na lumaki dito kaya sanay po ako sa ganitong kasuotan."
"Kahit na.
Alam mo kasi, if ever na dun ka nanggaling ay dapat hindi talaga ganyan ang outfit mo or else hindi ka talaga dun galing?"
Pagpapatuloy pa ng babai.
Pero naiisip nyang masyado naman sya nitong napapansin kahit ngayon palang sya nakikita, kaya naman inangat na nya ang ulo na kanina pa nakayuko rito saka nakita ng mga ito ang kulay abo nyang mata.
"Sorry ah kung hindi ka naniniwala, saka para sabihin ko sayo... mamatay tao ako."
Anya bilang Elliana at ibinulong pa sa babai ang huling sinabi.
Bigla namang napaatras ang babae saka humingi ito ng paumanhin...
Sa paghihintay pa sa taong darating ay minabuti na nyang sumakay nalang ng taxi kaso mukhang mas pahirapan pa ang pagsakay dito, kaya naman nakaisip sya ng paraan.
"Sorry po, kuyang driver kailangan ko na po talaga ng masasakyan kasi yung boyfriend ko di na ako sinulpot eh, kanina pa po ako naghihintay rito.
Please, please, please po magbabayad po ako ng pamasahe kahit magkano basta ihatid nyo lang po ako sa address na 'to. "
Anya, saka pinakita ang cellphone sa driver.
Tumingin pa ito saglit sa likuran saka sya sinenyasan na sumakay na.
Dali dali naman syang sumakay at ang driver ay bumaba pa para kunin at saka isinakay ang kanyang bagahe sa likuran.
Binubuksan ang lock ng cellphone saka magdadial ng numero kaso di na pala sya makakakontak sa susundo sa kanya dahil wala ng signal..
Nang biglang may umubo sa tabi nya na mukhang sinadyang kunin ang kanyang atensyon kaya nilingon nya ito at pipikit pikit syang tinitigan ang lalaking katabi.
Mukhang galing yata ito ng opisina dahil naka pormal parin ito sa suot.
Pero ang buong akala nya ay mag-isa lang syang pumasok sa sasakyan kanina.
"Magic?"
Anya sa sarili.
"Hindi magic, kundi kanina pa ako dito bago kapa sumakay."
Anang lalaki na narinig pala ang kanyang bulong.
"S-sorry po, hindi kipo, hindi ka po,
h-hindi po kita napansin."
Nababaluktot pa nyang sabi dito.
"S-sorry kong naistorbo ko ikaw, B-bababa nalang ako-"
"Wag na, pababa narin kasi ako sa malapit."
Anang lalaki naman.
Kaya nanatili nalang sya sa kinauupuan hanggang sa dumating sila sa isang mataas na building.
Bumaba narin ang lalaki at pumasok ito sa loob..
"Miss, patingin ako ulit ng address mo?"
Anya kuya driver.
Pinakita naman nya saka ito tumango.
Binabagtas nila ang kahabaan ng kalsada habang namamangha sya sa nakikita, malaki nga ang ipinagbago ng lugar at tama nga ang pinsan nito sa pagkukuwento sa kanya.
Hanggang makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang isang subdivision, magagarang bahay ang nandirito at ibang iba sa lugar kung saan sya namalagi ng matagal.
Nang makababa na ang lahat ng kanyang bagahe ay namangha pa ang driver dahil raw sa mayaman pala sya na wala sa itsura nyang simpling taon.
Sinabi nalang nya dito na bahay ito ng matutuloyan nya bilang katulong ngunit di naniwala ang driver dahil galing sya sa Airport at binayaran pa nya ito ng malaking pamasahe kaya imposibli raw na katulong lang sya.
Nagdoorbell nalang sya sa gate upang makaalis na ang kuyang driver dahil maghihintay pa sana ito sa isasagot nya.
Ilang ulit nyang pinindot ang doorbell ngunit walang lumalabas na tao dito.
Tiningnan pa ang picture sa cellphone at ito nga ang bahay kaya pinindot nya ulit ng ilang beses hanggang sa tuloyan na ngang may lumabas na lalaki rito.
"Oh, hi! Sorry-"
"Mamaya tayo mag-usap, pagod ako."
Anya saka nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.
"But hey, bat ganyan ang outfit mo?!"
Tawag pa sa kanya ng pinsan.
"Ingatan mo yang isang bag, nandyan ang espada!"
Anya naman dito saka nakitang nabitawan nito ang kanyang maleta.
Tuloy tuloy sya sa itaas hanggang mabuksan ang kwartong para siguro sa kanya dahil itim itong nag aagaw sa pulang kulay dahil bago pa sya umuwi rito ay napag sabihan na ang lalaki sa gusto nyang mangyari sa kulay ng kanyang magiging silid.
Pabagsak syang humiga sa kama saka ninamnam ang lambot nito at unti unting pumikit..
*****
SEBASTIAN POV.
Nagluluto sya ng pagkain para sa pinsang natutulog parin ata hanggang ngayon na mag aalas syete na ng gabi.
Hanggang sa makarinig na sya ng mga yapak pababa sa may hagdanan.
"Good evening.
Bat dimo ako sinundo kanina?"
Bungad sa kanya ng pinsan na hawak hawak ang cellphone nito saka umupo sa counter island ng kusina.
Bagong ligo narin ito na nakasando at nakapajama nalang kaya naninibago sya sa itsura nito.
"Sorry, nagka emergency lang kasi kami kanina kaya di kita nasundo."
Sagot nya dito habang pinagmamasdan parin ang babae.
"May naaamoy akong nasusunog."
Anya pinsan, saka sya nito tiningnan.
Natataranta naman nyang pinatay ang apoy at nakitang sunog na ang niluluto nya para rito kaya natampal nya ang nuo.
"Sa labas nalang tayo?"
Anya sa pinsan.
Lumapit naman ito saka yumakap sa kanya ng mahigpit.
"I'm miss you cousin, sorry kung natataranta kana naman."
Anya pa nito saka tumawa ng malakas.
Tama naman ito dahil madalas nga syang natitigilan kahit pa nuon na kausap lang ito sa video call at ngayon nga na nagkita na sila ng personal sa loob ng ilang taon ay mas lalo pa syang kinakabahan.
"Oii, hindi mo ba ako namiss?"
Untag pa sa kanya nito.
"N-namiss, Syempre!"
"So anu, may alam ka bang Bar na pwedi nating... Alam mo nah!?"
Anya pa nito habang nakatingala sa kanya, at sya naman ay di maiwasang maasiwa sa lapit ng mukha nito.
"Sige na, magbihis ka, dun tayo sa lugar ko..."
Matapos nga silang makaalis sa bahay ay binabagtas na nila ang kahabaan ng highway patungo sa Bar na sinasabi nito.
At habang tinitingnan ang babaing katabi ay nahihiwagaan parin sya, alam nya ang trabaho ng pinsan na silang dalawa lang ang nakakaalam pero ang imahe nito sa kaninang pagdating at sa ngayon ay kakaiba.
Nakausot ito ng sleeveless na kulay pula at hanggang tuhod ang haba samantala nakapuson ang buhok nitong mahaba rin, ang make up naman nito ay napakakapal kaya halos di na nya ito makilala kanina.
Hanggang sa dumating din sila sa lugar, pinarada ang sasakyan saka bumaba at umikot sa gawi ng babae upang pag buksan.
Bigla naman nitong Iniyakap ang isang kamay sa kanyang tagiliran at bumulong.
"Alam kong nagtataka kaparin, pero kailangan kong baguhin ang sarili ko lalo na sa gabi, pinsan."
Anya nito.
Napabuntong hininga naman sya saka sinarado ang pinto.
Di nya sigurado sa sarili na sa tuwing may babanggitin ang babai ay nakakaramdam sya ng Inis...
"Diko alam na big-time kana pala, I mean mayaman!?"
"Slight lang, nagsisimula pa nga lang ang business kong 'to!"
"Wow, Infairness patok sa tao hah!"
Anang babae pa.
"Ikaw, kamusta?
Ibig kong sabihin sa paghahanap mo sa taong-"
"You don't need to mention his name, but he already in hell!"
Sabi pa ng babai sa kanya ng pasigaw, di naman sila nag-aalala dahil maingay sa lugar kung saan habang pagabi ng pagabi ay mas lalong dumarami ang tao.
"Then your mission is accomplished?!"
"Not over!
Coz he have a son and that is my next target!"
Anang babae habang nangingiti ito.
Sumandal ang babai sa upuang pang isaan saka tinungga ang inumin sa harapan nito.
At habang pinagmamasdan pa ito ay mas nakakaramdam sya ng pagkabahala para sa kaligtasan nito.
Matagal na nya itong pinag sasabihan at pinapangaralan ngunit ano pa nga ba ang magagawa nya kung ito na mismo ang nagdidikta sa kapalaran nito sa hinaharap...
*****
THIRD PERSON POV.
Tinititigan ang isang babaing napakaganda habang masaya itong nakikipag inuman sa kasintahan nito.
"Boss, may tawag kayo!"
Anya gado, isa sa kanyang tauhan.
Nasa lugar sila kung saan madalas na itong pinupuntahan upang magpalipas ng oras lalo na't may problema syang kinakaharap.
At sa pagkakataong ito ay iinom sya dahil sa sakit na nararamdaman dahil sa amang kinitil ang buhay.
Tatayo sana sya upang kausapin ang taong nasa kabilang linya, nang biglang may nagkarambulan sa gawi ng babaing tinitingnan kanina.
Nakikita nya kung paano hatakin ng lalaki ang kamay nito at yakapin pa para halikan.
Ang babai naman ay nagpupumiglas pa rito kahit gaano pa ito kalaki.
Hanggang sa untogin at kagatin ng babai ang balikat nito dahilan upang mabitawan sya pero sinampal pa ito ng lalaki kaya tumabingi ang mukha nito..
"Tutulongan ba namin boss?"
Anang tauhan, ngunit pinigil nya ang mga ito saka naghintay sa kung anong gagawin ng babai.
Nang makahuma ay tiningnan ng tuwid ang lalaki saka pinaikot paitaas ang kanang binti upang masipa ang lalaki sa mukha.
Malakas namang naibangga ng lalaki ang katawan nito sa relis na bakal saka inundayan ulit ng babae ng sipa sa sikmura dahilan para mapaluhod nya ito at saka ipinatong ang isang binti sa likuran.
Nagsasalita ang babai rito hanggang sa mapadako ang mata nito sa kanya kaya tiinaasan nya ito ng basong may alak..
"Lets go!"
Anya saka tuloy tuloy na bumaba ng hagdan habang patuloy parin silang nagtititigan ng babai..