WORK .
SEBASTIAN POV.
Matapos nga ang rambulan sa sariling Bar ay heto at buhat buhat nya ang babai habang ipinapasok sa sariling kwarto nito..
"Tumalikod lang ako saglit ay nakipag away kana... "
Anya rito, habang nakapikit naman ang babai.
Inihiga nya ito sa kama saka kinumotan ang kalahating katawan, umupo narin sa gilid ng kama at habang pinagmamasdan ang mukha nitong napakaganda ay di nya maiwasang haplusin ang pisngi nito.
Saka rin nya mapapansin ang maliit na butil ng luha sa gilid ng mata pa nito.
"Alam kong parin sayo ang mapag-isa Brianna kaya nagsasakripisyo akong bantayan ka kahit alam kong sa huli ay magiging talo parin ako.
Pero sana, wag ng dumating sa puntong makikita kitang wala ng buhay."
Anya pa habang nangingilid narin ang kanyang luha.
Mahal nya ang babaing itinuturing syang pinsan at masaya na sya na makasama man lang ito dito, kahit wala itong kaalam alam sa lihim nyang tunay...
Matapos ngang malaman ang totoo sa pagkatao nya ay nilisan ang puder ng kanyang amang si Nethan Hendas, kaya heto sya sa pilipinas na matagal nang nagsisimula sa kanyang buhay.
******
BRIANNA'S POV.
Masakit ang ulo nyang bumangon sa kama, umupo saka kinuha ang tubig na nasa ibabaw ng lamesa at napansin din ang nakaipit dito na papel.
May pupuntahan lang akong saglit, babalik din ako.
Sebastian.❤️
Bumangon sya sa kama saka tinungo ang banyo, kailangan nyang mahimasmasan dahil di maaalis ng isang basong tubig ang sakit ng kanyang ulo..
Pagkatapos magbihis ay bumaba narin sya upang makapag luto mag aalas nuebe narin ng umaga at maganda ang araw ngayon, ngunit pakiramdam nya ay napakatahimik naman ng lugar na ito para sa katulad nyang maingay lagi ang gusto bilang Elliana..
Pagkatapos nyang magluto ay inilagay na lahat ng naluto sa lamesa, at sakto namang may bumusina sa labas.
Lumabas sya at ang lalaki pala ang dumating..
"Hi, sweetie!"
Anang lalaki sa kanya, may dala dala itong kahon na kulay puti.
"Ano yan?"
Anya, habang hinihintay lang itong makalapit.
Humalik ito sa kanyang nuo na ipinagtaka nya dahil ngayon lang nito ito ginawa..
"Gift for you..."
"Para saan? Diko pa naman kasi birthday."
"Sweetie, hindi mo birthday pero may pupuntahan tayong malaking party at imbitado ako kaya sasama ka sakin bilang kadate ko."
Anang lalaki at binuksan na ang kahon saka tumambad sa kanya ang kulay itim na nag aagaw kulay rin sa pula.
Backless ito na mukhang matitintas nang tali dahil sa nipis.
"Baka mamaya nyan mahubaran ako ah?"
Anya saka Inabot ang damit at isukat pa ito paharap.
May kapares rin pala itong
Five inch na sandal na terno rin sa kanyang damit.
"Kilalang designer ang may gawa nyan kaya don't worry, sweetie."
Anang lalaki pa, saka sya tumango rito..
Habang kumakain ay pinagpatuloy nila ang usapan at sinabi nga nito na sa susunod pang linggo ang okasyon kung saan maraming tao ang imbitado sa araw na yun dahil kilala pala ang taong yun bilang mayamang negosyante...
"Pinsan kailangan ko ng bagong trabaho, ayukong tatambay lang ako dito sa bahay mo."
Anya habang nakatutok sa computer ng lalaki.
Nasa rooftop naman sila ngayon nagpapahinga saka dito na magpapalipas ng oras hanggang sa mamaya.
"Sabi ko naman sayo na dun kana lang sa lugar ko."
"Sorry pinsan pero mas type ko sa opisina magtrabaho, saka may misyon din ako kaya tulongan mo na ako dito."
Anya.
"Sige na nga, pero bakit wala kapa bang naghahanap dyan?"
"Meron dito pero diko naman sigurado kung aling kumpanya ba ang naghahanap ng sekretaryang weirdo."
Anya, saka ngumiti dito.
"At gagamitin mo talaga ang pagkataong yan?"
"Oo naman, diko ba nasabi sayo na sa umaga ako si brianna at gagamitin ko lang ang pagkatao ni Elliana sa gabi pero paalala ko sayo ah, wag na wag mo akong tatawagin sa pangalan na iyan.
Mananatili akong si Brianna at hihiraramin lang ang pagkatao ng Elliana na yan."
Anya pa ulit habang seryusong nakatingin sa kawalan...
Makalipas nga ang tatlong araw pa ay naririto na sya sa harap ng isang mataas na building kung saan natanggap ang kanyang resume at interview nya ngayong araw.
Pakiramdam pa nya ay nakita na ang lugar na ito, di lang matandaan kung kelan..
Pagpasok palang ay pinagtitinginan na sya ng mga tao dito sa loob dahil na naman sa suot nitong paldang mahaba at makulay na long sleeve.
Di nalang nya pinansin ang mga ito saka tuloy tuloy na sa reception area..
"Good morning po."
Anya.
"Good morning too.
Anong kailangan?"
Mataray na turan sa kanya ng babae.
"Ahm, I'm Miss Brianna Bartolome.
Andito po ako para sana sa interview."
Anya.
Ibinaba naman ng babaing kaharap ang salamin nito saka sya tinitigan pababa.
"Sigurado ka?
"Opo."
Anya pa.
Walang gana namang natipa ang babae sa computer nito saka tiningnan pa ng maigi ang screen.
"Oo nandito nga ang pangalan mo. Makakapanhik kana, nasa 9th floor."
Nagpasalamat naman sya dito saka nagtuloy tuloy sa elevator.
Habang pinipindot ang close button ay may bigla namang sumingit na kamay kaya bumukas ulit ito.
"9th floor."
Anang lalaki.
Pinindot naman nya ito ng may pagtataka.
At habang nasa loob sila ay naamoy pa nya ang pabango ng lalaki, dahilan para mapapikit sya at lasapin ang amoy nito.
Gustong gusto nya ang amoy ng ganitong pabango lalo na't malamig sa ilong.
"Are you trying to seduce me, Miss?"
Boses ng lalaki na nagpabalik sa kanya sa ulirat.
Napatayo naman sya ng matuwid saka inayos ang salamin sa mata.
"S-sorry sir, I'm not po."
Anya, habang nahihiya.
"What ever."
Anya pa lalaki.
Bumukas naman ang pinto saka naunang lumabas ang lalaki at nakayuko parin syang lumabas din dito, ni hindi man lang nakita ang mukha ng lalaki kanina.
May lumapit naman sa kanyang babae at saktong natataranta pa sya nitong hinatak sa kamay.
"Naku ikaw yung bagong mag aaply bilang sekretarya nuh?
Haisst kanina kapa late."
Anya babae, saka sila tuloy tuloy sa loob ng maliit na opisina at may lalaki o bakla ata ang naka upo sa swivel chair nito.
"Are you Brianna Bartolome?!"
Anya nito sa kanya sa mataas na boses.
"O-opo.."
"Kung ganun bat ka late!?"
"Po? S-sorry, I mean traffic po kasi."
Anya kahit di naman yun talaga ang dahilan, saka maaga pa sa pagkakaalam nya.
"Sa susunod pag pumasok ka ulit dito ng late ay sisanti kana!"
Sigaw pa sa kanya ulit ng malaking lalaki.
Yumuko naman sya dito, pero sabi nya sisanti sya pag late ulit dumating ibig sabihin?
"Anu pong ibig nyong sabihin sir?"
Anya, habang ang kaharap ay pina-ikot pa ang mata.
"Ayuko ng paligoy ligoy na salita, kaya oo inapprove ni Boss Leo ang aplikasyon mo.
Swerte ka ah, dahil tanggap ka kaagad bilang sekretarya nya kahit mukha kang manang."
Anang kausap, at lumapit pa ito sa harap nya.
Sya naman ay di makapaniwala dahil ang bilis nyang natanggap at mismong may-ari ng kumpanyang ito ang nag aproba sa aplikasyon nya?
Ngingiti ngiti syang palihim habang inaayos ang salamin nito.
"Hoy, wag ka muna magsaya dahil pupunta pa tayo sa opisina nya dahil sya pa mismo ulit ang mag interview sayo, kaya sumunod ka sakin."
Untag pa sa kanya ulit, at sumunod naman sya dito.
Ngayon lang din nya napansin na may ilang babae rin ang nakaupo at tiyak ay nag aapply rin ang mga ito.
Nang maringgan pa ang ilan na bakit sya kaagad agad natanggap.
Ang iba naman ay nerd.
Narinig din nyang pinapasunod na ng isang babai ang mga ito..
Samantalang narating na nila ang elevator at pumanhik sila ulit sa 10th floor.
Dito ay tuloy tuloy naman silang naglakad sa mahabang pasilyo at habang pinagmamasdan ang kabuuan dito ay di nya maiwasang mamangha dahil ibang iba ito dun sa ibaba.
Kumatok naman ang kasamang lalaki saka ito binuksan ang pinto.
"Good morning Boss.
At paumanhin narin po sa istorbo, pero nandito na po si Miss Bartolome."
"Papasukin mo."
Anang baritonong boses sa loob.
Sinenyasan naman sya ng lalaki na lumapit at pumasok kaya dali rin syang sumunod dito sa loob, saka sya nito iniwan.
Nakatalikod ang lalaking sinasabi nilang boss at sya naman ay lumalapit na dito.
"Good morning sir.
I'm Brianna Bartolome."
Anya habang nakayuko...
Di nya alam kung ilang sigundo na syang nakayuko pero di man lang nagsasalita ang nasa harap.
Hanggang sa Iangat nalang nya ulit ang ulo saka nakita ang matang titig na titig sa kanya, pakiramdam nya'y nakita na nya ito.
Nakadikwatro pa ito habang pinagsasalikop ang palad.
"Ikaw yung kanina ah, mag aapply ka pala dito?
Patingin ako ng form."
Anang lalaki pa, saka iniabot ang dalang folder.
Uupo sana sya ng bigla pa itong magsalita.
"Hep, Hep wag kang uupo, tumayo kalang.
Saka ito ba ang taste ng kumpanyang ito?"
Anang lalaki pa habang tinitingnang isa isa ang papel na hawak.
"Are you still virgi-"
Tanong pa sana ng lalaki ngunit di na ito naituloy dahil bumukas naman ulit ang pinto, at iniluwa nun ang isa pang lalaking nakita na nya ilang araw na ang nakalipas.
Kumunot ang nuo nitong tinitigan ang nasa upuan saka sya dinaanan lang.
"How many times I told you not set to on my own chair?!"
Inis na sabi ng lalaki.
Tumayo naman ang nakaupo saka Itinaas pa ang kamay na parang sumusuko habang nangingiti.
"I told you this is not your company, so set there!"
Anya pa rito saka tinuro ang sofa.
Naririnig nya ang pagsasagutan ng dalawang lalaki na mukhang ito pala ang boss nyang bagong dating...