THE CURLY HAIR..
BRIANNA POV.
"You can sit down."
Baling sa kanya ng lalaki, saka naman sya tumango rito.
Gaya ng lalaki kanina ay tiningnan din nito ang form na dala dala nya.
"Do you remember me?"
Anya pa nito sa kanya habang di ito tumitingin.
"Po?"
Anya, dahil mahina ang pagtatanong nito.
Bigla namang nag-angat ng ulo ang lalaki saka tumayo at lumapit pa sa kanya.
Tinungkod nito ang isang kamay sa kanyang inuupuan saka Itinaas ang kanyang mukha gamit ang hintuturo nito.
Kitang kita nya ang mukha ng lalaki sa subrang lapit nito, saka napansin ang isang maliit na tattoo sa ibaba ng mata nito.
"Tinanggap kita, dahil nakita ko sa resume mo na matalino ka.
Pero ayuko ng inuliit pa ang mga sinasabi ko...
Naiintindihan mo!?"
Ikinagulat nya ang pagsigaw nito sa kanya sa mukha kaya napapikit sya ng mariin saka nakuyom ang palad.
Naringgam naman nya ng pagtawa ang lalaking nakaupo ngayon sa sofa..
"Now, make me a coffee!"
Anang Boss pa, saka sya tumayo at tinungo ang kusinang maliit ng opisina nito.
Kailangan nyang magtiis sa ganitong trabaho dahil ito ang ginusto nya.
At kahit naman di sya magtrabaho ay mabubuhay parin lalo na kung pera lang ang pag uusapan..
Ipinamana sa kanya ng tita kim ang lahat lahat ng ari arian nito liban pa sa yaman din ng kayang sariling magulang, ngunit ang iba dun ay Ibinigay donasyon sa mga nangangailangan.
Kaya hindi nya kailangan ang pera o kung ano pa, ang kailangan lang nya ay di mag kulong sa isang lugar gaya sa bahay ng pinsan at para narin hanapin ang kahuli-huliang taong misyon..
Nang matapos sa ginagawa ay hinatid na ito sa lamesa ng boss saka isinunod ang para sa lalaking nakaupo na tinititigan pala sya nito habang nangingiti.
Tinawag naman sya ulit ng boss saka pinaupo at nagtanong na nga ng ilan pang bagay tungkol sa kanyang buhay.
Sinabi nito na Boss Leo ang itatawag nya rito dahil ayaw nito ng Sir.
"So, Natatandaan mo na ba ako?"
Anya boss Leo, saka naman sya tumango.
"Opo sir, a-ah I mean, Boss Leo.
P-pasensya narin po sa abala ko nuon sa inyo."
Anya.
"OK lang, saka wag kang matatakot sa akin mabait naman ako.
Nag iiba lang ugali ko pag oras ng trabaho."
Anya pa nito, habang naka tingin parin sa form nya.
"Pero Miss Bartolome, mag iingat ka parin dyan dahil womanizer yan!"
Sabat nung lalaki.
Nabantaan naman ito ng kanyang boss saka sya inutusang lumabas na at para madala narin sya sa sarili nitong lamesa...
*****
Makalipas pa ang dalawang araw ay maayos naman ang takbo ng kanyang trabaho kahit pa nasisigawan pa sya ng lalaki.
"Alam mo mabait din yang si Boss Leo. Istrikto lang yan pagdating sa mga ipinag-uutos sa atin."
Anya chloe, Isang emplayedo rin.
Nasa canteen sila ng opisina upang mananghalian narin.
"Oo nga, pero may ibang ugali rin pala si boss..."
Anya, habang hinihiwa ang gulay na nasa lunch pack.
"Bria, may sinasabi ka?"
Tanong pa sa kanya ni chloe, dahil siguro sa di nito naintindihan ang binubulong nya.
"A-ah, wala.
Sabi ko mabait nga si Boss Leo."
Nakangiti na nyang sagot pa rito..
"Akala ko kasi may iba ka ng sinasabi dyan eh.
Saka maiba nga tayo, bat ganyan ang fashion mo napaka old?"
Anya pa nito sa kanya.
Di na nya ikinaiinis ang ganitong mga salita dahil sanay naman sya bilang Brianna na isang nerd.
"Mas sanay kasi ako sa ganito."
"Gusto mo palitan natin ang outfit mo?"
Anya pa nito, pero di na nya ito sinagot pa saka pinagpatuloy ang kinakain....
Pagkatapos nga nilang kumain ay bumalik na sya sa sariling lamesa at dito ay may nakitang maliit na papel na nakaipit sa ilalim ng kanyang computer.
Nang bigla naman tumawag ang boss nya sa telepono at pinapapasok sya sa loob ng opisina nito..
"Yes, Boss Leo?"
Anya, habang seryuso itong nakamasid sa sariling computer.
Saka naman ito tumingin sa kanya na parang nagtataka..
"Ahm, kunin mo itong mga papers at gusto ko gawin mo rin ngayon kailangan mong tapusin yan ngayon."
Anya pa Boss Leo.
Pinapatrabaho nito ang maraming papel pero sa tantya nya ay di nito ito matatapos ngayon.
"Sa lamesa mo na lang din yan trabahuin para masabi ko pa sayo ang ibang bagay."
Anya pa, at sya naman ay tumango nalang.
Umupo sa sofa saka sinimulan ang tatrabahuin..
"Miss Bartolome, saan ka nga ba galing?"
Tanong pa ulit ng lalaki habang sinisimulan na nya nyang ayusin ang mga papel.
"Korea po, boss Leo."
Anya.
"Anong trabaho mo dun?"
"Nag-aral po ako dun at nagtrabaho narin ng extra extra."
Anya pa at tumango naman ang lalaki..
Makalipas pa ang tatlumpong minuto ay napapansin na nya ang panay tingin sa kanya ng lalaki kahit sa gilid lang ng mata nya ito nakikita.
Patuloy naman nyang ginagawa ang trabaho na minsang utusan sya ng boss na magtimpla ng kape.
Nang bigla sya nitong lapitan mula sa likuran at maramdaman ang pag amoy nito sa kanyang buhok.
Inilalapit rin nito ang harapan sa kanyang likuran kaya bahagya nyang nararamdaman ang matigas na nakaumbok rito..
Humingi sya ng paumanhin sa lalaki upang mapukaw ang atensyon nito sa kanya at nagsalita naman ng may kukunin lang daw itong bagay sa kusina rin..
Mabilis pang lumipas ang oras at matatapos na nya ang ginagawa..
Nang magising syang madilim na sa paligid kaya napaayos sya ng upo saka tiningnan ang paligid.
Nakita ang bulto ng lalaki na nakaupo sa kaharap nitong upuan.
"Tinulogan mo ang trabaho mo Miss Bartolome."
Anya nito sa kanya.
"S-sorry Boss, diko po namalayan saka tapos ko narin po ito."
Anya sa nauutal na boses, saka tiningnan ang oras sa cellphone at mag aalas otso na pala ng gabi.
Niligpit naman ang mga gamit saka tumayo at magpapaalam sa boss.
Nang bigla itong humarang sa daraanan nya..
"Di mo kailangan magmadali miss Bastolome..
Pwedi naman kitang ihatid sa tinutuloyan mo.."
Anya pa nito, at naamoy ang malamig nitong hininga.
Saka naman napansin ulit ang tattoo nitong maliit sa Ibaba ng mata na kapag masisinagan pala ng liwanag ay kikislap rin.
Tiningnan nya ito sa mata saka umayos ang lalaki sa pagtayo.
"Aalis na po ako Boss, kaya ko namang umuwi mag-isa."
Anya, saka iniwan itong nakatulala habang nakamulsa ang kamay..
Pagdating sa bahay ay binuksan ang laptop saka naghanap ng impormasyon.
At dito ay nangingiting tinititigan ang larawan ng isang lalaki na may kaparehang tattoo sa mukha ng kanyang boss...
*****
THIRD PERSON POV.
Alas onse na ng gabi at nandirito sya sa lugar na madalas nyang puntahan kasama ng mga mga tauhan.
At habang nakaupo at nakikipag kwentuhan sa katabi nitong babae ay bigla namang may dumaan kanilang harapan.
Naagaw ang kanyang pansin ng babaing nakalugay at kulot nitong buhok, maiksi ang damit na kulay puti at mataas na takong ng sandal na parang modelo ito sa paglalakad.
Pumasok pa ito sa isang pinto, at nakikita sa salamin ng opisina na kausap ang kaibigan at kasusyo naring si Sebastian Recaforte.
Pinaglalarauan ng lalaki ang buhok ng babai habang nakaupo ito sa lamesa at mukhang masayang nakikipag kwentuhan.
Nang bigla pang tumayo ang lalaki sa harapan nito.
Yumakap naman ang babae sa dibdib nito saka hinalikan ng lalaki sa nuo.
Nang hahalikan rin sana ng lalaki ito pero tinabing lang ng babai ang mukha, saka parang tumatawa ng malakas.
"Boss, dumating po yung babae rito pero di na namin nakita kong saan pumunta."
Bulong ng tauhan.
"Anong suot nya."
Anya naman, habang pinagmamasdan parin ang dalawang magkayakap parin ngayon, saka naramdaman ang pagkuyom ng kamao.
"Nakaputing damit at kulot po ang buhok."
Yun lang at pinaalis na ang tauhan.
Umayos naman sya ng upo at tama dahil ito nga ang babaing pinapahintay nya.
Tumingin ulit sya sa gawing opisina ngunit wala na ang mga ito...
******
SEBASTIAN POV.
Akay akay na naman ang babai papasok sa bahay habang lasing na lasing ito.
Nagbigla sya kanina sa pagpasok nito sa kanyang opisina na halos di makilala dahil sa bago na naman nitong imahe.
At ng muntik pa nya itong mahalikan dala ng nagagandahan sya rito at sa isiping lasing ito, pero bigla lang nitong tinabing ang kanyang mukha..
"OK, Sebastian cousin you can leave me here, thank you."
Anya Brianna, habang tinatakpan na ang sarili ng kumot.
Sya naman ay nanatili pa sa gilid ng kama nito habang napapahilamos sa mukha.
Nang mapansin ang laptop ng babae sa ibabaw ng lamesa nito.
Bubuksan pa sana ang laptop ng bigla nyang napansin ang maliit na papel, kinuha saka tiningnan ng maiigi ngunit di nya maiintindihan ang nakasulat dito dahil sa ibang lengguahe ang gamit.
Dinala nya ang maliit na papel sa kanyang kwarto saka nagtipa ng sa sariling computer at lumabas ang salitang...
ELLIANA MY LOVE I'M WATCHING YOU ALWAYS..
⚫
Anya ng maisalin ito sa lengguahing English.
"Sino ang lalaki mo Brianna?
Bat kailangan mong mag lihim sakin?"
Anya sa sarili, saka pinatay ang computer.
Tinungo ang banyo at dito nagpakasasa sa buhos ng tubig habang kumukuyom ang kamao sa galit..