Chapter 61

2007 Words

Ang preno ng sasakyan ni Lhevie ay gumuhit nang malakas sa sementadong daan ng mansyon. Kasunod nito ang tatlong itim na SUV ng mga tauhan ni Vito na mabilis na pumalibot sa buong paligid ng guest house. Bumaba si Lhevie, ang kaniyang mga mata ay nagbabaga sa galit na matagal nang naipon, na ngayon ay handa nang sumabog. Dire-diretso niyang itinulak ang pinto ng guest house. Si Isabela, na noon ay nakaupo sa sofa at hinahaplos ang kaniyang tiyan, ay nagulat sa marahas na pagpasok ng asawa ni Niccolo. Bago pa man makatayo si Isabela para magtanong ay mabilis na humakbang si Lhevie palapit sa kaniya. Sa tindi ng emosyong nararamdaman, ang halo-halong saya para kay Niccolo at poot para sa panlolokong ito ay buong lakas na itinaas ni Lhevie ang kaniyang kamay. Isang napakalakas at malutong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD