Prologue
“Speak.”
Kunot ang noong sagot niya sa tawag ng kaibigan.
“It’s Isabela’s birthday today. Care to come here? Ngayon lang tayo ulit magkikita,” anang lalaki sa kabilang linya.
A small smile curved on Niccolo’s lips.
“And here I thought you have something important to say. Damn you, Farinelli! Wala akong oras sa ‘yo.”
Rinig niya ang tawa nito na lalong nagpainit ng kaniyang ulo. Maingat naman sa gilid na pinupunasan ng tauhan niya ang ginamit na baril. May mga tilamsik pa ‘yon ng dugo.
“Come on, man. I missed you. Masiyado ka namang hot. Relax,” wika nito, halatang inaasar pa siya lalo.
“How can I relax when I almost lost hundreds of millions you punk!”
“Sige na, I’ll personally handle that mole, kung pupunta ka rito. Maraming kaibigang pretty girls si Isabella. Baka may magustuhan ka. Puro ka trabaho, kaya ka high blood masiyado eh,” wika pa nito.
Huminga nang malalim si Niccolo at napahilot sa sentido niya saka sinenyasan ang tauhan na ihanda ang sasakyan. Tumayo siya saka lumabas ng building at kaagad namang binuksan ng kanang kamay niyang si Loreto ang pintuan ng sasakyan.
“Hey! Are you still there?” ani Vittorio.
“I’m hanging up,” sagot ni Niccolo at hindi na nga ito hinintay na makasagot pa.
Tiningnan niya si Loreto at kaagad namang pinaandar ang sasakyan.
“Head to Farinelli’s house,” wika niya.
“Yes boss.”
Ilang minutong biyahe lang naman ay nakarating na sila. Maingat na binuksan ni Loreto ang pinto ng kotse at kaagad namang bumaba si Niccolo.
Nagsindi muna siya ng sigarilyo saka humithit at nakapamulsang pumasok na sa loob. Kaagad siyang binati ng guwardiya. Naikuyom niya ang kamao nang makita ang pang babaeng design ng bahay ng parents ni Farinelli. Masiyadong nakasisilaw ang kulay pink.
“Ano ba ‘to? Birthday o baby shower?” reklamo niya at nagpatuloy sa paglakakad. His forehead knotted, nang mapansing bawat nadadaanan niya ay kaagad na lumalayo. Tila ba iniiwasan siya.
“The hell!” mahinang aniya.
“You’re painted as a criminal, boss. Simula nu’ng aksidente mong mapatay ang kalaban mo sa octagon, marami ang haka-haka tungkol sa buhay mo,” saad ni Loreto.
He smiled coldly.
“Hindi ko kasalanan na sinaniban ako ni kamatayan at napatay ang putang-inang ‘yon,” inis niyang sagot.
“Kuya Nico!”
Napatingin siya sa unahan at nakita si Isabella. Kaagad na pinatay niya ang sigarilyo sa kaniyang palad at nginitian ito.
“Buon Compleanno, Bella,” aniya rito.
“Mercí,” sagot nito at kaagad siyang niyakap.
Sinenyasan niya si Loreto at kaagad na kinuha naman nito ang cheque at ibinigay kay Isabella.
“Wala akong ideya kung ano ang gusto mo, kaya ikaw na ang bahala. Bilhin mo lahat ng gusto mo,” aniya rito.
Napatakip naman si Isabella sa bibig niya nang makitang five million ang nakasulat. Napakagalante talaga nito.
“Thank you, kuya! The best ka talaga. Hindi ka katulad ni, Kuya Vitto na kuripot,” masayang sambit nito. Kita ang tuwa sa mukha. Ngumiti lang nang tipid si Niccolo.
“Mio amico!”
His forehead creased seeing Vittorio. Kagaya niya nakasuot ng suit and the hell he knows where he’s been earlier. Nilapitan siya nito at tinapik sa balikat.
“Akala ko hindi ka na darating,” sambit nito.
“Wala sa plano pero masiyadong tempting ang offer mo kanina, so I’ll willingly waste my time here, basta sundin mo ang usapan natin,” aniya.
“Of course! Ikaw pa ba? Maliit na bagay lang ‘yon. Huwag tayong mag-usap dito. Kahit na gusto ko ‘yang nakikitang mga nakasuot ng bikini sa pool area, masiyadong nakasisilaw ang pink lights ni, Isabella. Such a headache,” reklamo ni Vittorio na ikinangisi ni Nicco.
“Akala ko ayos lang sa ‘yo,” sagot niya.
“My mom will kill me if I’ll spoil my sister’s birthday, get that? Hindi ko pwedeng sirain kahit na para akong binabalibag sa sakit ng mga tang-inang lights na ‘yan,” saad nito.
Natawa lamang si Nicco at naglakad na sila. Habang nagsasalita nga si Vitto ay natigilan siya nang maramdaman ang pagbunggo ng babae sa likod niya. He stood firm, saka ito nilingon.
“Sorry po, pasensiya na. Pasensiya na po talaga,” paulit-ulit nitong sambit.
Handa na sana siyang singhalan ito nang maaninag niya ang maganda nitong mukha. Paulit-ulit itong humihingi ng pasensiya. Napapikit siya nang masamyo ang napakabango nitong amoy. Para iyong high quality perfume na exclusive lang sa kaniya dahil wala itong kapareha. Kinakalma niyo ang nerves niya.
Takot at kinakabahan na humihingi naman ng tawad ang dalaga.
“Lhev…”
Napatanga ang dalaga at tila nabuhayan ng loob nang makita ang kuya ni Isabella.
“K-Kuya Vitto, kayo po pala. Pasensiya na po, hindi ko po kasi masiyadong maaninag ang daan dahil sa astigmatism ko. Pasensiya na po talaga,” aniya saka napatingin kay Niccolo na nakatitig sa kaniya nang mariin.
“Sorry po,” mahinang aniya. Tiningnan lamang siya ni Niccolo at tinanguhan.
“Salamat po,” anito at mabilis na umalis. Halos maglakad-takbo ito makalayo lang sa kanila.
“What the heck, man? Tinakot mo naman ang kaibigan ng kapatid ko. Kulang na lang lunukin mo nang buhay kung titigan mo,” saway ni Vitto sa kaniya.
“What’s her name?” he asked him.
“Oh! That woman? She’s Lhevie Galarosa. Isabella calls her Lhev—her friend since high school,” sagot ni Vitto.
Tumango naman si Niccolo.
“Hell nah bro. Hindi ko gusto ‘yang iniisip mo. Isabella will kill me. Are you interested on her?” hindi makapaniwalang tanong ni Vitto nang mapansin ang pananahimik niya.
“Shut up!” sagot niya rito.
“Isabella knew what kind of work we do. You can flirt with her other friends. But that woman is out of line. She’s not to be messed with. Isabella dotes on her. Magkarugtong ang bituka nila. You know how bitchy Isabella can be when provoked,” paliwanag ni Vitto.
Umupo sila sa upuang gawa sa bakal nang marating ang terasa. Kaagad din namang sumunod ang mga kasambahay para bigyan sila ng inumin at pagkain.
“What do you mean?” tanong niya saka uminom ng wine sa kopita.
“Alam ko naman, gets kita. She’s just too beautiful for this sinful eyes of ours. Ang ganda niya ‘di ba? You can’t deny. Napakasimple, sa lahat ng nandito mabilis siyang makikita dahil siya lang ang mahirap,” nakangiting saad ni Vitto.
Kumunot naman ang noo ni Nicco.
“She’s poor, but not that poor you know. Isang call center agent. Isabella often praises her for being kind. Maliban du’n wala na rin namang interesante sa kaniya,” dagdag nito.
Tumayo si Niccolo saka nagsindi na naman ng sigarilyo. Binugahan niya pa ng usok ang kaibigan.
“What the hell, Nicco!” reklamo nito.
“What’s wrong with being poor? Hindi niya kasalanan kung walang pera ang mga magulang niya, dumbass,” asik niya at humithit ulit.
Napatingin siya sa baba at napangiti nang tipid. Nakaupo lang ang dalaga at sumisimsim ng juice niya.
“Lhev,” mahinang aniya.
Na para bang narinig siya nito at naptingala rin sa gawi niya. Their eyes met for seconds. Mabilis din namang iniwas ng dalaga at umalis pa sa kinauupuan nito.
“Isabella won’t know if you’ll seal your mouth,” kampanteng sambit niya.
Vittorio was shocked upon hearing his words.
“Heck, man! Are you serious?” ani Vitto.
Niccolo just puffed his cigarette and smiled devilishly at him.
“You know how my principles works,” sagot niya saka tinapik ito sa balikat at nakapamulsang bumaba na. Nakapaskil ang ngiti sa labi nito. As if he found something that greatly lifted his mood.