Sumapit ang araw ng opisyal na pag-alis ni Isabela sa ospital upang lumipat sa kaniyang bagong apartment. Sa labas ng pasilyo, naghihintay ang kotse na maghahatid sa kaniya. Habang karga ang natutulog na si baby Marco, huminto si Isabela sa tapat ng kaniyang kuya Vito. Ang lalaking nag-iisang natitirang pamilya niya, ang kaniyang Kuya Vittorio Farinelli. "Kuya..." mahinang tawag ni Isabela. Ang kaniyang boses ay wala nang bakas ng dating pait o ambisyon. “Gusto kong humingi ng tawad sa 'yo. Ginamit ko ang pangalan ng pamilya natin, ang tiwala mo, at ang posisyon mo kay Niccolo para lang sa sarili kong interes. Napakawalang-kwenta kong kapatid." Humarap sa kaniya si Vito. Ang kaniyang mukha na madalas ay parang semento sa tindi ng seryoso ay unt-unting lumambot. Inabot niya ang kaniyang

