Hindi siya pinilit ni Niccolo. Hindi rin siya minadali. “Think about it.” Iyon lang ang sinabi nito. Kalmado na parang wala lang. Pero kay Lhev ay hindi iyon simpleng alok. Buong araw ay wala siyang ibang iniisip. Iyon lang ang tumatakbo sa isipan niya. Nasa opisina siya at nakatayo sa tabi ni Niccolo. May hawak na tablet at nakatingin sa screen. Pero wala siyang naiintindihan. Paulit-ulit sa isip niya ang offer ng binata. Marry me. I can save your father. I’ll handle everything. Napapikit siya sandali at napaisip. Bakit ako? Bakit ako ang pinili niya? Ano ang meron sa ‘kin? Hindi niya iyonmasagot. Minsan ay napapatingin siya kay Niccolo. Tahimik itong nagtatrabaho. Parang walang nangyari kagabi. Ganoon pa rin ang kilos. Kalkulado at kontrolado ang bawat galaw. At iyon ang ma

