Chapter 6

2366 Words
Tahimik lang si Lhev habang nakaupo sa maliit na desk sa labas ng opisina ni Niccolo. Mahigpit ang hawak niya sa ballpen habang paulit-ulit na binabasa ang notes niya. Schedule, emails, calls. Lahat iyon ay nakaayos. Lahat malinaw pero kinakabahan pa rin siya. “Lhev.” Napasinghap siya at agad na napatayo. “P-Po?” Bahagyang bumukas ang pinto ng opisina. “Inside.” Agad siyang pumasok saka maingat na isinara ang pinto sa likod niya. Nakatayo si Niccolo sa may mesa at may kausap sa phone. “Yes. Move it to Thursday. No, I don’t care if it’s inconvenient… then make it work.” Malamig pero deritso. Hindi nagtataas ng boses pero ramdam ang otoridad. Napayuko si Lhev habang naghihintay. Ilang segundo pa ay binaba ni Niccolo ang tawag. “File.” Agad niyang iniabot ang folder na hawak niya. “Y-Your documents po…” Hindi na siya nagsalita pa. Saka tahimik na nagmamasid. Binuksan ni Niccolo ang folder. Tahinik na nagbabasa at binubuklay iyon nang bahagyang huminto ang kamay nito. Napalunok si Lhev at ramdam niyang may mali. Ramdam niya agad. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam na niya. Ang pagdikit pa lang ng kilay nito ay nanginginig na ang kaniyang kamay. “Lhev.” Mahina lang pero sapat para manlamig siya. “P-Po…” Hindi siya makatingin. Hindi niya kaya. “This isn’t the updated version.” Tumigil ang mundo niya. “A-Ah…?” Dahan-dahang inilapag ni Niccolo ang folder. “Check the date.” Mabilis niyang tiningnan. At doon nanlaki ang mata niya. Lumang file ang dala niya. Maling file ang naibigay niya. Biglang nanginig ang kamay niya sa pagkabahala. “P-Pasensiya na po… h-hindi ko napansin…” Hindi niya mapigilan. Ramdam niya ang pag-init ng mata niya. “Nasaan ang updated?” Hindi ito galit. Hindi rin sumisigaw. Pero mas nakakatakot. Ang mga mata ng binata ay halos patayin siya nang buhay. “I-I’ll get it po, agad po…” nagmamadali niyang sagot. Pipihit na sana siya nang magsalita ito. “Stop.” Natigilan siya. Hindi siya gumalaw. Hindi siya lumingon. Napalunok siya nang humakbang ang binata palapit sa kaniya. Natuod na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan. “Look at me.” Dahan-dahan siyang napaharap. At doon ay mas lalo siyang kinabahan. Nakatitig si Niccolo sa kaniya. Diretso, malamig pero hindi galit. Mas kontrolado iyon. “At this level,” saad nito, mababa ang boses, “small mistakes cost millions.” Parang may bumagsak sa dibdib niya. “Do you understand?” Mabilis siyang tumango. “O-Opo…” “Say it.” Napalunok siya. “O-Opo, naiintindihan ko po…” Tahimik ang paligid saglit. “Good.” Ilang segundo ay walang gumagalaw. Walang nagsasalita. Para siyang na-trap sa mga tingin nitong tila kinakabisa ang kaniyang mukha. She bit her inside cheek when he fixed her hair. “Fix it.” “Y-Yes po…” Paglabas niya ng opisina ay halos hindi siya makahinga. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at bumuga nang malalim. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa desk niya at agad na hinanap ang tamang file. Nanginginig pa rin ang kamay niya. “Ang tanga mo…” mahina niyang bulong sa sarili. Hindi niya mapigilan. Hindi siya umiiyak. Pero malapit na. Sa unang araw niya pa lang ay nagkamali na siya. Ilang minuto pa ay kumatok siya ulit. “Come in.” Pumasok siya pero mas maingat na ngayon. Mas tahimik. Mas maingat. Iniabot niya ang tamang file. “I-Ito na po…” Kinuha iyon ni Niccolo saka bibujsan at sinuri. Tahimik lang siya habang naghihintay. Parang bawat segundo ay kaakibat ng isang oras. “Leave it.” Natigilan siya. “H-Ha?” “I’ll handle it.” Nanlaki ang mata niya. “P-Pero—” “Next time,” putol nito, “you don’t bring me something you’re not sure of.” Napayuko siya. “Opo…” mahina na halos hindi marinig. Sobra siyang nahihiya. “Go.” Hindi na siya nagtanong pa at lumabas na lang siya. Pagkasara ng pinto ay doon siya napasandal. Mahigpit ang hawak niya sa dibdib niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Hindi siya sinigawan. Hindi siya pinahiya. Pero mas masakit iyon, mas mabigat. Sa loob ng opisina ay tahimik si Niccolo habang nakatingin sa pinto. Ilang segundo pa bago siya napabuntong-hininga. “She’s shaking…” Mahina niyang bulong. Napahagod siya sa batok. Hindi siya sanay. Hindi siya sanay mag-adjust. Pero alam niyang kapag hindi siya mag-iingat ay masisira niya ang dalaga. At hindi niya iyon gusto. “Damn.” Kinagabihan ay tahimik lang si Lhev sa kwarto niya. Hindi siya makakain nang maayos. Paulit-ulit sa isip niya ang nangyari. Mas bothered siya ngayon kaysa mamura ng mga clients niya noong nasa BPO industry pa siya. Pakiramdam niya sy masisira ang mental health niya rito. “This isn’t the updated version…” Napapikit siya. “Do you understand?” Mas lalong sumikip ang dibdib niya. “Hindi na mauulit…” mahina niyang pangako sa sarili. Mas magiging maingat siya. Mas magiging tahimik. Mas magiging perpekto. Sigurado siyang gusto na siyang sakmalin ng boss niya kanina sa inis pero nagpigil lang. Nakatayo si Niccolo sa may bintana, hawak ang baso. Tahimik pero may iniisip. “She didn’t argue…” Mahina niyang bulong. Hindi tulad ng iba. Hindi palaban lalong hindi pasaway. She’s too easy to manipulate. He smiled at the thought. Nu’ng sumunod na mga araw ay tahimik ang biyahe pauwi. Nakatitig lang si Lhev sa labas ng bintana, pero wala naman talaga siyang nakikita. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang mga nangyari. Hindi siya maka-move on sa nagawang mali. Napahigpit ang hawak niya sa bag niya. “Bukas, may early meeting.” Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Niccolo. “O-Opo…” Hindi na siya nagtanong pa. Hindi na rin siya tumingin. Tahimik lang. Pagdating nila sa mansyon ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan at sumunod sa binata. Hindi pa man sila tuluyang nakakapasok ay rinig na ang malakas na boses ni Bebang na tila nagko-concert. “Ang sarap-sarap ng ginawa mo, sa aking puso…” sigaw agad ni Bebang mula sa loob. Napahinto si Lhev. “Ano na naman ‘yon…” mahina niyang bulong. Pagkakita nito sa kanila ay kaagad na kumaway ito. “Halika rito ganda!” tawag ni Bebang habang kumakaway. Nag-alangan si Lhev, pero sumunod pa rin. “Magandang gabi po, Aling Bebang,” bati niya rito. Kaagad na tumikwas ang kilay nito. “Maka aling ka naman sa ‘kin akala mo napkatanda ko na. Ang sakit sa kasu-kasuhan, Lhev. Hindi porket malaki ang dede mo eh pwede mo na akong tawagin na ganiyan. Punyemas kang bata ka. Pwede namang Super B, Tita B, Bebang ghorl ganoon. Napakamot naman si Lhev sa ulo niya at natawa. “Pasensiya na, Super B,” natatawa niyang wika. “Ganiyan, kung sana kasinglaki ng dede mo ang utak mo eh ‘di wala tayong problema,” anito at nakabusangot na tiningnan ang sariling dibdib. Imbis na magalit si Lhev sa sinabi nito ay natawa pa siya. Nakalimutan niyang kasama pa pala nila ang boss nila kaya napaayos siya nang tayo saka nilingon ito. Pero nakatingin lang ito sa kaniya at hindi niya ma-gets kung ano ang ibig sabihin ng tingin na iyon. Mas lalo siyang nahiya. “Tutulong lang po ako kay, Bebang,” saad niya. Tumango naman ang binata. Agad siyang umiwas at sumunod na kay Bebang sa kusina. Pagpasok sa kusina ay amoy na amoy agad ang masarap na pagkain. Nakaramdam agad siya ng gutom. “May maitutulong ba ako?” nakangiting tanong niya rito. “Naku! Huwag na at ako’y patapos na rin naman dito. Saka hindi ko kaya ang mga titig ni, boss amo kapag nakita niyang pinapatulong kita rito. Alam mo na, the safer you will be, the more in me,” aniya. Napakunot naman ang noo ni Lhev. “Ha?” Natawa naman si Bebang. “Ang ibig kong sabihin ay kung ligtas ka, mas ligtas ako. Hindi mo alam ‘yon?” anito at napailing. “You’re pretty but pitty you,” dagdag nito. Napakurap-kurap naman si Lhev. “Ano ‘yon?” “Alam mo ganda…” panimula ni Bebang. Kinabahan agad si Lhev. “A-Ano po?” “Kanina, nakita ko kayo ni senyorito…” Nanlaki ang mata niya. “H-Ha?” “Grabe, ang init ng titigan niyo ha! Napapansin kong mukhang may tinatago kayo pareho ah,” dagdag nito, sabay tawa. “Hindi po—” “Ay sus! ‘Wag ka nang magpanggap!” putol ni Bebang. “Akala mo hindi ko napansin? Aba’y halos hubaran ka na ng boss ko sa klase ng titig niya.” Namula si Lhev sa narinig at mabilis na tinakpan ang bibig nito. “Bebang, ano ba? Baka marinig tayo. Ano pa ang isipin niya,” sabat niya rito. “Alam mo, may nakikita ako na hindi mo nakikita,” anito. “Ha? Sinasabi mo bang may multo rito? O may sanib ba si, Sir Nicco?” sambit niya. “Sus! Inosente ka pa talaga!” napailing si Bebang. “Hindi ka pa nakatikim ng itlog girl?” “Itlog? Nakatikim naman na,” mahina niyang sagot. Ilang sandali pa ay humagalpak ito ng tawa. Halos mabulunan pa. Nagtaka naman si Lhev. “Punyeta! Ang tinutukoy kong itlog ay iyong dalawang maliliit na s**o balls na nakalambitin sa loob ng shorts ng mga kalahi ni Adan. Hindi itlog ng manok, punyemas!” dagdag pa nito, sabay halakhak. Napayuko si Lhev at hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Ramdam niya ang pamumula at pag-init ng kaniyang mukha. “Alam mo, sa edad kong ito aba’y marami-rami na ang dumaang itlog sa akin,” aniya. Kaagad na napangiwi naman si Lhev. Pakiramdam niya ay masusuka na siya. “An egg a day, keeps my kepay wet all day,” saad nito at humagikhik pa. Bwesit! “P-Po?” lalo siyang nataranta. “Ano ka ba, 25 ka na ‘di ba? Huwag kang magpaka-virgin Mary riyan!” “Bebang…” mahina niyang pakiusap, halos mamula na buong mukha niya. “Eh totoo naman!” tawa nito. “Sabihin mo nga sa ’kin wala ka pa bang experience?” “W-Wala po,” halos pabulong niyang sagot. “Kahit jowa wala?” paninigurado nito. Tumango naman siya. “Baka si senyorito ang unang mabubunot sa pa-raffle,” sambit nito. Nanlaki naman ang mata niya. “Hindi po ganun!” agad niyang tanggi, halatang nahihiya na. “Sus, kita ko na ‘yan sa mata niya kanina. Ganda, kapag tinignan ka nu’n parang gusto ka nang iuwi sa kwarto—ay mali, nasa bahay na pala kayo!” “Bebang!” Halos pumikit na si Lhev sa hiya. “Totoo naman eh!” natatawa pa rin ito. “Sige na, tuloy mo lang paghuhugas ng talong. Practice mo na ‘yan.” “P-Practice? Saan po?” Sa halip na sumagot ay ngumisi si Bebang. At doon ay mas lalo siyang kinabahan. “Step one ka muna, familiarize mo muna ang laki ng tarubo ng mga dakilang lahi ni Adan,” anito at natawa na naman. Nanlaki ang mata ni Lhev. “H-Hindi po ako—” “Relax! Hindi naman kita ipapahiga agad,” bulong nito, sabay kindat. Halos gusto na niyang magtago sa ilalim ng lababo. Kung ano-anong kabulastugan ang lumalabas sa bibig nito. Habang abala sila ay hindi niya napansin ang lalaking nakasandal sa pintuan ng kusina. Tahimik at nakatitig sa kanilang dalawa. “At ano ‘yang mga tinuturo mo sa kaniya?” Biglang napatigil si Lhev at naalaki ang mga mata na napalingon siya. At doon niya nakita si Niccolo. Nanlamig siya agad. “Senyorito!” si Bebang ang unang nagsalita saka ngumisi. “Ano lang ‘to, senyorito. Nag-e-educate lang ako sa kaniya,” sagot nito. “On what?” “Adult life, you know. Education is the key to sexcess,” diretsahang sagot nito. Napapikit si Lhev at napabuga bg hangin. Grabeng kahihiyan na. “Bebang…” mahina niyang sabi, parang nagmamakaawa. Napatingin si Niccolo sa kaniya. At doon ay mas lalo siyang napayuko. “Stop filling her head with nonsense.” “Eh bakit? Totoo naman ah,” depensa ni Bebang. “Hindi mo ba siya papakainin—ay este, aalagaan? Saka ine-educate ko lang siya tungkol sa mga itlog. Rich ang itlog ng otin, este protein.” Tahimik silang tatlo. Napahigpit ang hawak ni Lhev sa hinuhugasan. Hindi siya makahinga nang maayos saka tiningnan ang binata. “Bebang.” Isang salita lang pero sapat para tumahimik ang matanda. “Labas na kayo senyorito at maghahain na ako,” dambit nito at lumabas ng kusina. At naiwan silang dalawa. Tahimik, masyadong tahimik. ⸻ Dahan-dahang nilapag ni Lhev ang hinuhugasang talong. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung magsasalita ba siya o mananahimik. “You’re having fun talking to that old hag,” mahina pero malinaw. “N-Narinig niyo po ba ang pinagsasabi niya?” alanganin niyang tanong. “Does it matter?” sagot niya. Napalunok si Lhev at alanganing ngumiti. “P-Pasensiya na po.” “Stop apologizing for things you didn’t say.” Natigilan siya. “P-Pero—” “She talks too much.” Mahinang tumango si Lhev. “Opo…” Saglit na natahimik si Niccolo. Tinitigan siya at muli, hindi niya kayang tumbasan iyon. “You’re too easy to fluster.” Nanlaki ang mata niya. “H-Hindi po…” “Hmm.” Hindi siya naniwala. Ramdam niya kaya lalo siyang nahiya. Napaatras siya nang lapitan siya nito hanggang sa wala na siyang maatrasan pa. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. He stared at her and smiled playfully. “Egg is good for you,” he said and grinned. Nakagat naman ni Lhev ang labi niya. Pakiramdam niya ay gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa. Ngumiti nang tipid si Niccolo saka lumabas na ng kusina. Naiwan siyang mag-isa sa kusina. Pero hindi na siya mapakali. “Itlog na naman,” mahina niyang bulong. Napailing siya agad. “Hindi… hindi ganun…” Pero kahit anong tanggi niya ay hindi niya maalis sa isip niya ang tingin ni Niccolo kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD