Ang gabi sa baryo ay payapa, tanging huni ng mga kuliglig at ang malambot na ihip ng hangin sa mga puno ng mangga ang maririnig. Matapos ang maghapong pakikipag-inuman at pakikipagtawanan ni Niccolo sa mga taga-sitio, ang lahat ay nahimbing na. Sina Mang Rolando at Aling Aming ay matagal nang nakatulog, habang sina Luca at Vito ay nagbabantay sa labas, tila mga anino sa dilim. Sina Niccolo at Lhevie ay naiwan sa balkonahe, nakaupo sa sahig na gawa sa kawayan, habang nakatingala sa langit na puno ng bituin, isang tanawing hindi kailanman makikita sa gitna ng polusyon at matatayog na gusali ng siyudad. "Niccolo," mahinang tawag ni Lhevie. Ang kaniyang boses ay tila bahagi ng hangin, malumanay at wala nang bahid ng inis na madalas niyang ipakita nitong mga nakaraang araw. "Hmm?" sagot ni N

