“Pasensiya na po,” hinging paumanhin niya ulit.
Tumango lamang si Niccolo at umupo sa kaniyang swivel chair. Ramdam ni Lhev ang kabog ng dibdib niya dahil sa kakaibang tingin nito. Na para bang lalamunin siya nang buo.
“You’ll be my personal assistant wherever I go. The one who you’re with earlier can’t multi-task. Hindi naman puwedeng habang nagtatrabaho siya rito sa kompanya, and taking over my work, ay sasama siya sa trips ko. Aware ka ba na ang kailangan ko ay 24/7 available na assistant?” tanong nito.
Tiningnan niya ito at mahinang umiling. Hindi niya alam na ganoon ang set up.
“Well, now you know. May chance ka pang humindi,” seryosong wika nito. He’s staring at her intently. As if hypnotizing her not to say yes.
“H-Hindi po, kaya ko pong panindigan ang trabaho. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko,” mabilis niyang sagot.
His forehead knotted. As if hindi nagustuhan ang paglagay ng po sa bawat salita niya.
“How old are you?” tanong niya.
“T-Twenty five po,” sagot niya.
“Matanda na ba sa ‘yo ang thirty?” usisa nito.
Natigilan naman si Lhev at napailing.
“I’m thirty, hindi mo kailangang mag-po everytime na kinakausap kita.”
“Opo..”
Natigilan si Lhev at nakagat ang labi. Ayan na naman.
“About your salary…don’t worry about it. I’ll make sure that you are well compensated. Lalo na kapag may mga mahihirap na projects. Lahat ng benefits mo were granted. Maliban sa monthly salary mo, once we’ll get some deals or projects easily done, sisiguradohin kong may bonus ka roon,” he started.
Lhev’s heart pumped with excitement. Pera na lang talaga ang nagpapasaya sa kaniya.
“Any questions or clarifications?” usisa ng binata.
“Wala na po,” aniya.
He nodded.
“Okay, where’s your phone?”
“Ha?”
Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa saka ibinigay sa binata. Ilang sandali pa nga ay tumunog ang kaniyang cellphone.
“That’s my number. Save it to your contacts. Someone will text you the address. My maid is waiting there,” saad nito.
Napatango na lang si Lhev at saka mabilis na napatayo.
“Maraming salamat po,” sambit niya saka ngumiti nang tipid.
Tumango lamang si Niccolo. Kaagad na iniwas ng dalaga ang tingi niya rito at hindi niya kaya ang tensyon sa paligid.
Nagmamadali siyang kumilos para lumabas nang marinig ang pagtawag ng binata sa pangalan niya…
“Lhevie…”
Nahigit niya ang kaniyang hininga saka alanganin na nilingon ito.
“Bakit po?” kinakabahan niyang tanong.
Napaatras siya nu’ng humakbang ito palapit. Napalunok ang dalaga at tiningnan ulit ang binata na sana ay hindi niya na lang pala ginawa.
“You left your bag,” seryosing wika ni Niccolo.
“Ah…s-salamat po,” aniya at kinuha iyon saka ngumiti nang alanganin at mabilis na lumabas ng opisina. Nang makalabas ay inis na napabuga ng hangin.
“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo ha? Para kang tanga,” kastigo niya sa sarili.
Tumunog ang cellphone niya at nag-text na ang assistant ng boss niya ng address. Umalis na rin siya para makauwi at makapaghanda ng dadalhin.
Naiwan naman si Niccolo sa loob ng kaniyang opisina na nakapamulsa habang nasa malaking glass window at nakatingin sa dalaga na naglalakad sa labas ng building niya sa baba. He smiled dangerously.
Pagdating ni Lhev sa bahay nila ay kaagad siyang nilapitan nito.
“Saan ka galing? Bihhiis na bihis ka ‘nak,” tanong nito.
“Ma, may bago na akong trabaho. Natanggap ako sa AGC. Aalis na rin ako ngayon dahil stay in ako,” sagot niya rito.
Lumiwanag naman ang mukha ng ina.
“Talaga? Aba’y napakaganda niyan anak. Maganda iyan at mukhang hindi ka masiyadong mapapagod diyan. Siguro naman sa yaman ng boss mo ay hindi ka gugutumin.
“Ano mabait ba ang boss mo? Talaga bang hindi salbahe ang lalaking iyon?” usisa ng ina.
“Mukha naman po siyang mabait,” sagot niya nang hindi sigurado at pumasok sa kaniyang kwarto at kinuha ang maliit na traveling bag.
Tinulungan na rin siya ng ina niya na ilagay ang iilang gamit niya roon.
“Tandaan mo anak ha, kapag hindi na makatao umalis ka na kaagad. Hindi mo kailangang magtiis dahil sa ‘min. May trabaho o wala isipin mong hindi ka pabigat sa bahay na ‘to. Saka huwag kang magpapaapi kahit pa siya ang nagpapasahod sa ‘yo,” bilin nito.
“Ma, hindi naman siguro ganoon ang boss ko. Ayaw nu’n mabahiran ng dumi no. Saka ano lang ba ako?” saad niya at natawa pa.
“Anong ano ka lang? Nakalimutan mo yatang ikaw ang pinakamaganda sa barangay na ito. Sa ganda mong iyan aba’y marami ang magkukumahog. Hindi mo nga lang binibigyan ng pansin pero kahit na. Lalaki pa rin iyang boss mo at stay in ka pa sa kaniya. Huwag siyang magkakamaling ipahamak ka aba’y tatanggalan ko siya ng itlog,” matigas nitong wika.
Napairap naman si Lhev at natawa na lamang sa ina.
“Kilala niyo ako, Ma. Tahimik lang ako pero matapang ‘to. Saka kayo nga rito ang inaalala ko. Medyo may kalayuan pa naman iyong lugar ng boss ko rito Kapag may problema o ano, tawagan niyo ako kaagad. Huwag mong solohin ang problema,” saad niya.
“Oo ‘nak, basta huwag na huwag mong kakalimutang kumain sa tamang oras ha. Baka kako eh may day off ka umuwi ka rin dito.”
Tumango naman sii Lhev at napatingin sa relos niya.
“Allis na ako, Ma. Baka gabihin pa ako sa daan at maligaw,” aniya rito.
Tumaango naman ito at niyakap siya.
“Mag-iingat ka roon ha,” wika nito’t mangiyak-ngiyak pa.
“Ma naman, akala mo naman eh mag-a-abroad ako,” natatawa niyang saad kahit na maski siya eh naiiyak na rin. First time niyang mapalayo sa pamilya niya.
Inihatid na siya nito sa labas at pumara ng traysikel. Wala pa ang kapatid niya at nagbo-boarding house rin kasi. Ang ama niya naman ay mukhang ang ina niya lang ang binantayan kanina para makatakas at mailaban na naman si Beberli.
Kumaway na siya sa ina saka ngumiti.
Ilang minutong biyahe rin bago siya nakarating sa isang exclusive subdivision. Sa unang tingin pa lang ay halatang hindi mga basta-bastang mayayaman ang nakatira.
Nakatunganga lang siya habang nakatingin sa malaking gate.
“May hinahanap po kayo?” istriktong tanong ng gwardiya.
“Ahm, opo. Kay Sir Niccolo Altierre po,” magalang niyang sagot.
Naasiwa naman siya sa klase ng tingin nito. Mukhang kinikilatis pa siya.
“Sigurado ka bang si, Mr. Altierre ang hinahanap mo miss? Hindi kami nagpapapasok ng mga basta-bastang tao rito. Huwag ka ng umasa miss at hindi papasa iyang modus mo. Sa dami ng pwedeng puntahan ang may-ari pa talaga ng subdivision,” saad ng guwardiya at mukhang nangungutya pa.
Nakaramdam naman siya ng inis.
“Mas pormado pa nga ang mga katulong dito kaysa sa ‘yo eh. Sige na, alis ka na.”
Ilang saglit pa ay may humintong sasakyan sa gilid nila. Bumaba ang windshield at kaagad na nakahinga si Lhev.
“Magandang hapon po, Mr. Altierre,” bati ng guwardiya at malapad ang ngiti.
“Plastic,” mahinang sambit ng dalaga.
“May problema ba rito?” tanong ni Niccolo sa seryosong boses.
“Eh ito po kasing si ma’am eh magsisinungaling na nga lang iyong imposible pa. Hinahanap niya po kayo,” sagot ng guwardiya.
Kumunot naman ang noo ni Niccolo. Hindi rin makasingit si Lhev at pinuputol ng gwardiya ang sasabihin niya.
“Hindi ka ba tinawagan ng assistant ko kanina?” tanong ni Niccolo.
“Ay! Tinawagan po, Sir,” sagot nito.
“What did she told you? Hindi ba niya sinabi sa ‘yo na may darating akong bisita? Did you even ask her what’s her name?” malamig na tanong nito.
Kita naman na napalunok ang gwardiya.
“P-Po?”
Mabilis na kinuha nito ang logbook at napakamot sa kaniyang ulo.
“Ikaw po ba sli Lhevie Galarosa?” kinakabahang tanong ng gwardiya.
Tumango naman ang dalaga.
Kaagad na namutla ang gwardiya.
“Hindi ka ba nakapag-training? How come you’re one of my worker? Wala akong empleyadong bobo at tanga,” matigas na wika ni Niccolo.
Maski si Lhev ay kinabahan sa klase ng tono ng boses nito. Halatang wala sa mood. Idagdag pa ang istrikto nitong mukha at kunot na kunot na noo.
“Pasensiya na po, Mr. Altierre. Hindi ko po kasi lubos akalain na siya po ang tinutukoy na bagong empleyado niyo. Masiyado po kasing simple ang damit niya. Mas pormado pa po ang mga katulong na nakapasok dito,” paliwanag ng guwardiya.
Lhev froze for a moment. Hindi niya akalaing isasaboses talaga iyon ng guwardiya.
Niccolo on the other hand laughed sardonically. As if it was the most unbelievable he ever encountered today. Napalunok naman ang guwardiya nang makitang nakatitig nang malamig ang binata sa kaniya.
“Douchebag,” komento nito at mahinang tinapik ang mukha ng lalaki.
“You know what to do,” dagdag pa nito. Tila nawalan naman ng dugo ang mukha ng guwardiya at akmang magsasalita pa nang pigilan ito ni Niccolo.
“Your existence is fuckin’ enough to ruin my mood today. Get lost,” matigas nitong sambit at kinuha ang hawak ni Lhev na bag na ikinagulat niya.
“Get inside the car,” saad nito.
Mabilis na sumunod naman ang dalaga. Ayaw niyang magalit ito kaya walang salitang sumunod na siya. Sa mata pa lang nito halatang maski siya ay hindi sasantohin. Mahal niya ang buhay niya.
Ilang sandali ay huminto sila sa isang napakalaking mansion. Hindi iyon basta bahay lang. Bumaba na rin si Lhev at akmang kulunin ang kaniyang bag nang pigilan siya ng binata.
“Iwan mo na, kukunin lang ‘yan ni Pepito mamaya,” sambit nito at nauna na.
Kaagad na sumunod naman si Lhev at hindi mapuknit ang ngiti at pagkamangha sa labi. Unang pagkakataon na masilayan niya ang ganito kagarang bahay. Mula sa sahig hanggang sa mga muwebles.
“Magandang gabi, senyorito.”
Napataas ng tingin si Lhevie at nakita ang medyo may edad na babaeng nakangiti sa gilid. Kita niya ang gulat sa mata nito nang makita siya.
“Aba’y may bisita ka pala, senyorito. Ito na ba ang jowa mo?” nakangiting tanong nito. Saka siya nilapitan at tila kinilatis pa siya.
“Punyemas! Ganda naman ng babaebg ‘to. Laki ng dede mo ah,”’sambit nito.
Nagulat naman si Lhev sa narinig.
“Bebang..” Niccolo said in a warned tone.
“Joke lang! Ito naman, pasok at kumain na kayo para kayo naman ang magkainan mamaya ehe.”
Niccolo looked at her with murder intent. Kumaripas ito ng takbo papunta sa kusina. Napatingin si Lhev sa binata.
“Mukha lang siyang siraulo pero hindi. Medyo tagilid lang mag-isip but she’s fine. You’re safe with her,” wika ni Niccolo.
Tumango naman si Lhev. Mukha ngang may topak ang matanda kanina pero sa klase ng ngiti ay halatang mabait.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Niccolo. Umiling naman siya bilang sagot.
“Tara,” saad nito at nauna na. Tahimik na sumunod naman ang dalaga.
Pagdating nila sa kusina ay halos malula si Lhev sa nakahandang pagkain. Parang may piyesta.
“Ganda, upo ka para makakain. Kailangan mo ng lakas para mamaya. Ito kasing boss ko aba’y walang kapaguran. Gigil na gigil kung ma—“
Natigilan ito sa pagsasalita nang pumeke ng ubo si Niccolo. Dumapo ang tingin ni Bebang sa amo niya saka alanganing umupo. Galit na galit na ang mukha nito.
“Ha?” ani Lhev halatang hindi nage-gets ang sinasabi ni Bebang.
“Continue,” sabat naman ni Niccolo. Halatang isang pagkakamali lang niya ay paniguradong tapos ang kaniyang buhay.
“Gigil na gigil kung magtrabaho kaya ngayon eh sobrang yaman. Oo haha, sobrang yaman lintik!” dagdag ni Bebang at napainom.
“Ay! Letse!”
Nahawakan nito ang kakahangong pot.
“Sige na magkainan na kayo este, kumain na kayo,” wika niya at ngumiti.
Napangiti naman si Lhevie sa kaniya saka tiningnan ang amo. Nakatitig pala ito sa kaniya kanina pa. Para bang may masamang balak. Paano kaya kung totoo ang sinasabi ni Bebang kanina pa na kakainin siya? Paano kung dracula itong boss niya kaya sobrang yaman?