Dahil sa utos ni Lhevie, ang makapangyarihang Niccolo Altierre ay nakaupo sa isang maliit na bangkito sa kusina, may suot na apron ni Aling Aming na may design pang Hello Kitty. Sa harap niya ay isang tumpok ng pulang sibuyas at isang mapurol na kutsilyo. Si Lhevie naman ay nakasandal sa ref, nakataas ang isang paa, at parang isang mafia boss na pinapanood ang kaniyang tauhan. "Bakit hindi ka pa nagsisimula?" tanong ni Lhevie, habang kumakain ng natirang lechon paksiw. "Lhevie, love... hindi ba pwedeng si Luca na lang ang maghiwa nito? I mean, he's trained for blades," pakiusap ni Niccolo habang tinitingnan ang sibuyas na parang isang bomba. "Si Luca ay bodyguard, hindi kusinero. At ikaw ang nag-enjoy makipag-bolahan sa labas kanina, kaya ikaw ang magdurusa rito. Hiwain mo 'yan. Iyong

