Chapter 5: “It’s nice to meet you.” KABABALIK lang ni Ice sa NC company dahil sa ginawa nilang photoshoot ni Serenity para sa isang magazine. Simula ng maging on-screen partner niya ang actress ay kabila-kabila na rin ang trabaho nilang dalawa. Hindi pa man sila magkakilala noon ay nakikita na niya si Serenity dahil isa ito sa naging trainee ng company nila bago man ito maging rising star. Nagkakilala sila dahil ito nga ang ginamit ng management para maghupa ng naging isyu niya noon. Pumatok naman sa ibang fans ang tambalan nila kaya kulang nalang ay mawala na siya sa Noble Power at maging solo nalang. Naalala niya tuloy ang una nila nilang pagkakakilala. Mahiyain pa ito noon at hindi makatingin sa kanya ng diretso. “H-Hi po,” bati sa kanya ng kaharap na babae. Iniwan sila roon ng

