Chapter 4: “Is it nice to see you?” MATAGAL na pinag-isipan ni Dara ang alok sa kanya bilang maging isang ghost singer pero hindi pa rin siya makapag-decide kung tatanggapin ba niya iyon. Noon pa man ay pangarap na niyang makakanta sa maraming tao at marinig ang mga isinulat niya na kanta sa pamamagitan no’n pero hindi niya inaasahan na sa ibang paraan pala iyon ibibigay sa kanya. Inilihim muna niya sa kanyang ama at ina ang tungkol sa pagkapasa niya bilang isang ghost singer. Ang sinabi niya nalang sa kanila ay hindi siya ulit nakapasa sa audition niya. Niyakap naman siya ng kanyang ina at pinalakas ang kanyang loob. Gayon din ang kanyang ama na nagsabing sumali nalang daw sila ulit sa mga singing contest hanggang sa manalo at mapili siya. Doon niya lalong na-realize na napakapalad

