Chapter 3: “Ghost Singer” “G-GHOST singer?!” Muntik nang mabasag ang eardrums ni Dara sa lakas nang pagkakasigaw ng kanyang bestfriend na si Andrei. Gulat na gulat ito nang ikuwento niya ang mga nangyari sa kanya kahapon sa audition niya. Tumango siya. “Hinahaan mo lang ang boses mo dahil confidential iyon. Ano ka ba?” saway niya rito. Nasa labas kasi sila ng isang coffee shop malapit sa pinagtatrabahuhan nito. Iyon ang una nilang pagkikita nito simula nang naka-graduate sila. Sa Manila kasi ito nagta-trabaho, habang siya ay nasa probinsya. Umiling-iling ito at sumandal sa likuran ng inuuupan nito. “Hindi ko akalain na totoo pala ang mga ghost singer, beshy! Dati-rati ay napapanood ko lang ang mga ganoong kuwento sa movie o sa television. Iyon pala ay mayroon din sa totoong buhay.” I

