"I'll be there" Gusto pa sana ni Dara na mapanood si Ice na kumanta sa stage pero sa nangyari kanina ay hindi na niya kaya pang mag-stay doon nang matagal. Sobrang nalulungkot ang kanyang puso at ayaw niyang makita siya ni Ice ng ganoon. Gusto niyang umiyak, gusto niyang humiyaw, gusto niyang magwala sa sobrang lungkot na nararamdaman pero hindi niya iyon magawa. Bumuntong-hininga siya at saka ibinaling ang tingin sa kaibigan nang mapagdesisyunan na niyang umuwi na. “Sigurado ka bang uuwi ka na rin? Hindi ka ba manonood?” tanong niya kay Andrei. “Kung hindi ka naman kakanta, uuwi nalang din ako. Sabi mo nga, may susunod pa naman na Music Festival,” ani Andrei sabay hawak sa kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Sigurado siyang nararamdaman din ng kaibigan ang kalungkutan niya at nagpa

