Chapter 19 "WOOH, ang sarap talaga ng soup mo," puri ni Ice habang todo higop sa corn soup na ginawa niya para lang dito. Maaga itong nambulabog sa kuwarto niya para lang paglutuin siya. "Paano mo nagawang gisingin ako para lang makakain ka? Ang sakit-sakit pa naman ng ulo ko!" reklamo niya. "Nagpakalasing ka kasi... ikaw kaya ang nagsabi sa akin kagabi na ipagluluto mo ako ng pagkain sa tuwing magugutom ako," sagot nito. "Wala akong naaalalang sinabi ko sa iyo ang mga iyon, sinungaling ka!" inirapan niya ito. "So, hindi mo rin ba naalala kung paano mo sinabi sa akin na ako ang pinakaguwapong lalaki sa paningin mo at hindi si Luke?" tanong nito. "OH MY GOSH! S-sinabi ko ‘yon?" nanlalaki ang mata niya. “Imposible! Imposible iyon!” "Yep!" sagot ni Ice. "Sabi mo pa nga na gustong-gusto

