Chapter Three

1466 Words
"Ice!" pagtawag sa kanya ng Manager nila. "Naiayos ko na lahat ng papel ng pagbabalik mo sa school. Katulad nang sinabi mo sa Dream High Academy kita in-enroll at papasok ka na doon sa Monday so get ready kailangan na nating iayos lahat ang schedule mo for this week para hindi ka magahol," paliwanag nito. "Salamat, Kuya Roger maasahan talaga kita!" tumango lang ito. "Teka, yung titirhan ko ba okay na?" tanong niya. "Oo, okay na. Inayos ko na iyon lahat," sagot nito bago umalis. "So talagang balik-school ka na, Ice?" tanong ni Luke at inakbayan siya. Tumango lang siya dito. "Talagang desidido kang makita si Ms. Piso ha," dugtong pa nito. Napangiti lang siya dahil iyon na nga ang dahilan niya kung bakit siya nagbalik sa pag-aaral. "Good luck, bro! Sana nga makita mo siya doon," si Zhaun. "Excited ka na ba para sa first day of school mo?" asar sa kanya ni Chet. “O excited ka nang makita siya ulit?” "Mga gunggong, alam niyong hindi ito ang first time ko kaya 'wag niyo akong ituring na bata. Mas matanda ako sa inyo. I think, nahanap ko na siya," sabi niya. "Nag-aalala lang sa iyo ang mga iyan dahil magiging mas busy ka na ngayon sa iba," sabat ni Kris. "Huwag mong kalimutang ipakilala siya sa amin." "Wala akong balak ipakilala siya sa inyo, hindi pa ako nawawala sa katinuan ko," napiling-iling siya. Alam niyang ang galaw ng mga bituka nila. "So sinasabi mo bang harmful kami?" tanong ni Chet pero napatawa lang siya. "Mami-miss ka namin, Ice. 'Wag mo kaming iwan sa dorm! 'Wag mo kaming ipagpalit sa kanya!" si Zick iyon na nang-aasar. Sabay-sabay silang nagtawanan dahil sa inakto nito. Halos dalawang taon na din silang magkakasama sa iisang dorm at totoong mami-miss nga talaga niya ang mga ito dahil sila na ang itinuring niyang mga kapatid since nag-iisa lang siyang anak ng mga magulang niya pero hindi niya kayang palagpasin ang pagkakataon na ito para muling makita ang matagal na niyang hinahanap. It’s now or never! "Stand by for a minute," sigaw nang isang staff nila. Nasa isang talk show sila ngayon para sa isang interview. Nagtayuan na silang lahat at isa-isang naghanda na para sa paglabas doon. Si Ice naman ay kinuha sa kanyang bag ang lucky charm niya. Sa tuwing lumalabas sila sa isang show o nagpe-perform ay lagi niya iyong isinusuot dahil para sa kanya nawawala ang ano mang kabang nararamdaman niya dahil doon. 30 minutes na ang nakakalipas nang si Ice naman ang pinagbalingan ng Host. "Ice, so ikaw naman. Ikaw ay nakilala dahil sa titig mong nakaka-attract daw ng libu-libong babae." Napangiti lang siya, "at mukhang totoo nga iyon dahil sa paraan nang pagkakatitig mo sa akin," patuloy na salita ng babaeng host na halatang kinikilig nga dito. "I think, it’s because of my chingky eyes," sagot niya at napatango-tango naman ito. "I heard that you have a lucky charm that you always wear wherever you are, at ito din daw ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon sa harapan namin," sabi nito. Napangiti siya bago sumagot, "Well, I guess it is." "Meron kami ditong mga sample pictures mo na suot ang necklace na sinasabi ng fans mo na lucky charm mo daw." Ipinakita nga sa screen ang pictures niya na may suot na itim na necklace. "Pero hindi pa rin namin matukoy kung ano nga ba ang lucky charm mo na 'yan, isang malaking misteryo pa din kung ano nga ba 'yan, may pendant ba iyan or ano? Singsing? Agimat? Pwede mo bang ipakita sa amin?" tanong nito. "Sure," tipid niyang sagot at saka kinuha ang necklace na suot niya na nakatago sa damit niya. "Oh, piso? Isang butas na piso," hindi makapaniwalang sabi nito. "Can you tell me what is this for?" tanong nito ulit. "Hindi lang ito basta isang butas na piso lang dahil mahalaga sa akin ito, ito ang nakakapagbigay sa akin ng tapang sa tuwing humaharap ako sa maraming tao. It’s not obvious but I'm always nervous around many people so, I believe that this is my lucky charm until now," paliwanag niya. "Oh, I see. So, now we know what's the mistery behind that necklace and what is that for," sabi nito. Napangiti lang siya. Patuloy si Ace sa pag-eensayo bago pa man siya sumalang sa audition. Nag-umpisa na siyang kabahan nang sobra lalo na't malapit na siya. Hindi na siya mapakali sa kinatatayuan niya dahil ito na ang chance na matagal na niyang hinihintay para maging isang singer. "98, it's your turn. Get ready number 99, ikaw na ang next," sigaw nang isang staff doon na lalong nagpakaba sa kanya dahil iyon na ang number niya. "Paano na ba gagawin ko? Bakit ngayon pa ako kinabahan ng sobra," tanong niya sa sarili habang paikot-ikot sa backstage kaya naisipan niyang lumayo muna doon at lumanghap ng hangin. Tagaktak ang pawis niyang umalis doon at nagpahangin sa may bintana na malapit sa backstage. "Kinakabahan ka no?" napatingin siya sa nagsalita. Isang payat pero cute na babae. "Oo eh," sagot niya. Nakita niya ang number na nakadikit sa kanang parte ng damit nito. 88. Nag-a-audition din pala ito katulad niya pero nauna na ito sa kanya. "Ahm, hindi ako nakapasa sa audition kanina," sabi nito nang nakatawa. "Okay lang sa iyo?" tanong niya. "Syempre hindi, pero ganon talaga eh. Minsan matatalo ka. Minsan naman mananalo ka, parte ng buhay iyon," ngumiti ito sa kanya. "Masyado daw kasing maganda ang boses ko at hindi nila kayang i-handle," pagbibiro nito. "Hindi ka ba nalulungkot? Kung ako siguro iyon, malulungkot ako ng sobra..." "Nalulungkot din naman, pero…hindi pa naman katapusan ng mundo. Marami pang chance at mas marami pang darating na options kaya hindi dapat mawalan ng pag-asa. Kaya ikaw, galingan mo ah! Narinig kitang nag-eensayo kanina, malaki ang pag-asa mo!" puri nito. "P-pero kinakabahan ako kaya baka magkamali ako o kaya baka hindi ko maalala iyong lyrics," sagot niya na bakas sa mukha ang pag-aalala. "Ah! Alam ko na, para hindi ka kabahan papahiram ko sa iyo ang lucky charm ko!" sabi ng batang babae sabay yumuko at tinanggal ang isang sapatos na suot nito. "Anong ginagawa mo?" takang tanong niya. "Teneeeen!" sabay ipinakita nito sa kanya ang nakuhang maliit na bagay mula sa medyas nito. "Butas na piso?" nakakunot-noo niyang tanong. "Oo, isang mahiwagang piso. Lucky charm ko kaya ito. Ibinigay ito sa akin ng papa ko, at sabi ni papa kapag inilagay mo daw ito sa medyas mo, matatanggal nito ang bad vibes at mawawala ang ano mang kabang nararamdaman mo," nakangiting paliwanag nito sa kanya. "Totoo ba iyon?" tanong niya. “Hmm…siguro pero gusto mo magdasal nalang tayong dalawa?” alok nito. Tumango siya at hinawakan nito ang dalawang kamay niya nang mahigpit at inilapit sa kanyang dibdib. Nakita niyang pumikit ang mga mata nito kaya ipinikit din niya ang kanyang mga mata. “Lord, salamat po sa pagkakataon po na ito na ibinigay Mo po sa aming dalawa. Tanggalin Mo po ang kabang nararamdaman ni 99 at gabayan po siya sa pagkanta niya mamaya. Salamat po. In Jesus Name. Amen.” “A-amen.” Sagot niya. “Galingan mo!” cheer nito sa kanya. "Number 99! Number 99! Susunod ka na!" Sabay silang napatingin sa sumisigaw na staff. "Hindi ba't ikaw ang number 99?" "Oo," malungkot niyang sagot dahil lalo lang tumindi ang kabang nararamdaman niya. "Eh ano pang ginagawa mo?" tanong nito. Lalakad na sana siya papunta doon pero pinigilan siya nito sabay abot sa kanya ng piso na lucky charm daw nito. "Ilagay mo na iyan sa medyas mo, dali! Sigurado akong mawawala ang kaba mo! Maniwala ka!" utos nito. "Pero...hindi ba't lucky charm mo ito?" tanong niya. "Oo nga pero ibinibigay ko na iyan sa iyo ngayon, para maisip mo na kasama mo ‘ko at hindi ka kabahan! Marami pa naman akong piso dito, kaya 'wag ka mag-alala at saka mas kailangan mo iyan ngayon," sabay ngiti nito sa kanya. "Sigurado ka?" tanong niya ulit. "Oo nga, at saka kung nangangamba kang amoy paa 'yan, mangamba ka na nga. Joke!" napatawa ito. "Hindi iyan amoy paa no," napatawa na din tuloy siya at tila nabawasan ang kaba niya sa dibdib dahil dito. "Number 99!" pagtawag ulit sa kanya ng staff. "Sige na, dali! Pumunta ka na doon!" utos nito. "Kaya mo iyan, fighting!" itinaas pa nito ang kaliwang braso. "Salamat!" sabi niya at ngumiti din dito saka naglakad pabalik sa backstage pero bago pa man siya makarating doon ay lumingon siyang muli dito. "Teka, pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" sigaw niya. "Isa pang katanungan, may nagbigay ba sa iyo n’yan?" Nabalik ang diwa niya nang marinig niyang nagtanong ulit ang host. "Yes, someone," sagot niya. Someone, I want to see again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD