Chapter Two

1272 Words
“Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kanya. Napatingin lang siya sa lalaki at saka lang niya na-realize na iyon ang lalaking nakita niya sa poster ni Andrei na may something ang tingin. "A-Ah, n-naglalakad?" sagot niya. Nakita niya ang pagkunot ng noo at ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Bakit? Mali ba 'yong sagot ko? Tama naman iyon. "Hindi ako nakikipagbiruan, Miss, but, are you aware where you are, right now?" tanong ulit nito na tila nagtitimpi ng kanyang pagkainis. "S-Sa Araneta?" Napatingin siya sa paligid niya at nakita niyang nasa kanila ng dalawa ang buong atensiyon ng mga fan doon pati na rin ang atensiyon ng mga kagrupo nito. Napataas lang ang kilay ng lalaking kaharap, "dahil?" "D-Dahil… sinamahan ko 'yong bestfriend ko," sagot niya pero lalo lang sumama ang timpla ng mukha nito. "What I'm trying to say is… it's our fan signing event and you just made a scene here shouting about Lee Min Ho. Ginulo mo ang mga fan at ginulo mo rin kami. Don't you know how rude you are?" sabi pa nito kasabay no'n ang mga bulungan ng fans na nasa paligid nila na sumasang-ayon dito. Ang sasama naman tumingin ng mga ito. "H-Hinahap ko kasi 'yong bestfriend ko s-so, naisip kong gawin iyon para makapunta ako sa may harap," pagpapaliwag niya sabay napahawak ito sa noo. "What a good idea? Nagpapapansin ka ba?" galit na tanong nito. Sasagot pa sana siya pero biglang lumapit sa kaniya ang bestfriend niya na tila kinakabahan. "Beshy!" Humawak ito sa braso niya. "Pasensiya na po kayo. Nagkahiwalay kasi kami, sorry! Sorry, Ice!" paghingi nang paunanhin nito. Lalong lumakas ang bulungan ng fans at nakatingin sa kanila nang masama. Ang iba naman ay todo irap sa kanya. Dukutin ko kaya mga mata nitong mga babaeng ito? Kung mga makairap naman, wagas! "Pakisabihan naman 'yang kaibigan mo, pakiusap lang," baling nito kay Andrei. Tumango naman ito bilang sagot. "Tama na 'yan Ice, it's your turn. Magsisimula na rin tayo. Masyadong nauubos ang oras natin, come on!" sabat no'ng isa sa kagrupo nito. Kung hindi siya nagkakamali ay Sky ang pangalan no'n. Tumingin lang ito sa kaniya at ngumiti sabay lakad nito pabalik sa harap. Ang kaharap naman niya ay napabuntong-hininga na lang at tumingin sa kanya bago ito sumunod sa harap. "I'm Acer Kim Lopez a.k.a Ice. Pagpasensiyahan ninyo na po ang nangyaring eksena kanina. I love you all!" sigaw nito sabay nag-flying kiss sa mga fan na walang tigil sa paghiyaw sa kaniya. Pagkatapos nilang magpakilala ay umakyat na sila isa-isa sa stage habang ang mga guard at staff ay pinapapila nang maayos ang mga fan para sa fan signing event na magsisimula na. "Beshy! Ano ba ang naisipan mo at nagawa mo iyon?" tanong nito pero wala roon ang atensiyon niya kaya umiling lang siya dahil hindi rin niya alam kung ano nga bang pumasok sa isip niya para gawin iyon. "Umuwi na nga tayo baka kasi mapaaway pa tayo pagkatapos nitong event," aya nito sa kanya. "P-Pero… paano na iyong papapirmahan mong dvds, posters, at photocards?" tanong niya. "Hayaan na muna natin iyon. May next time pa naman para doon pero ang buhay natin wala ng next pa, kaya umuwi na tayo habang maaga pa. Mas importante ang kaligtasan natin sa ngayon kaya tara na!" sagot nito. "Sorry, ah, dahil sa akin..." "Okay lang iyon, tara na! Bago pa man mabaling ulit sa atin ang atensiyon nila at hindi tayo palabasin ng buhay dito!" Hawak-hawak siya nitong hinihila palayo roon. Napatingin lang siya muli sa may stage at nakitang nakatingin din sa kaniya si Ice. Hindi niya alam kung sa kaniya nga ba talaga ito nakatingin o imahinasyon niya lang iyon. Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba sa mga tingin na iyon. His stares nearly froze her. His eyes were as cold as ice. ISANG linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin maalis sa isip ni Dara ang nagawa niyang eksena sa fan signing event ng Noble Power. Pinagpala siya sa babaeng lahat dahil hindi na siya napalabas pa sa tv o sa diyaryo o nag-trending sa youtube at mukhang nakalimutan na rin ng mga fan ng Noble Power ang ginawa niya kaya naman normal pa rin ang buhay niya bilang isang estudyante. Ikinuwento kasi sa kaniya ni Andrei ang mga posibleng nangyari kung nagalit nang husto ang mga fan ng grupong iyon. Hindi niya rin makalimutan ang pag-uusap nila ni Ice at ang paraan nang pagkakatingin nito sa kaniya. "Bakit ko ba iniisip ang mayabang na 'yon? Pwe!" Gusto niyang batukan ang sarili niya dahil doon. Sabado ngayon at walang pasok kaya nakatanga lang siya sa apartment niya. Nasa probinsiya ang mga magulang niya habang siya ay nasa Manila at nag-aaral sa Dream High Academy kaya naman nangungupahan lang siya roon. Actually, ang boarding house kung nasaan siya ay parang isang malaking kuwarto lang pero okay na 'yon sa kaniya dahil mababa naman ang upa niya roon at mabait naman ang caretaker niya. Sa inip niya ay binuksan niya lang ang tv at as usual, ang laman no'n ay ang balita tungkol sa Noble Power. Sa inis niya ay t-in-urn-off niya 'yon at nagbukas na lang ng radio pero... Our top one song for this week is no other than, "I Like You" by Noble Power! Bago pa man patugtugin ang kanta na iyon ay pinatay na niya agad ang radio at kinuha sa may table ang cellphone niya at nagpatugtog. (I Like You, original lyrics by Dara Nakahara) I'm thinking of you everyday I'm missing you day by day I don't know the reason why but, do I like you now?~~ Muntik na niyang maihagis ang cellphone sa inis dahil, kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang "I Like You" na kanta ng Noble Power at sigurado siya na ang bestfriend niyang si Andrei ang naglagay no'n sa cellphone niya at talagang sinasadya pa ata ng tadhana na lalong inisin siya. Tatawagan na sana niya si Andrei para papuntahin ito roon at mag-ayang mag-korean drama marathon na lang sila pero naisip niyang wala na naman itong ibang magiging bukang-bibig kundi ang Noble Power at uulit-ulitin na naman sa kanya nito ang nangyari no'ng fan signing event. Kung siya ay hindi niya maalis sa isip niya ang pangyayaring iyon, si Andrei naman ay ayaw talagang kalimutan dahil nagkaroon daw ito nang chance na makausap si Ice at laking pasasalamat niya raw iyon sa kaniya. Malaki talaga ang tama sa utak ng lukang iyon. Napailing-iling siya sa isiping iyon. Napatayo siya sa pagkakaupo niya nang may marinig na ugong ng sasakyan na parang huminto sa tapat ng apartment niya. Sumilip siya sa may bintana at mula sa ibaba ay nakita niya ang isang magarang kotse na nakaparada roon. Nasa second floor kasi ang kuwarto niya at sa baba naman ang bahay ng caretaker no'n. "Magandang umaga po, Mr. Ramos," bati ni Manang Chonyang, ang caretaker. "Magandang umaga rin ho." "Napaaga ho ata ang pagpunta niyo rito, naiayos ko na po ang apartment sa itaas." "Kung gano'n po ay uumpisahan na po namin ang paglilipat ng mga gamit at sa susunod na Linggo po ay dito na siya titira pansamantala," sagot ng lalaki. "Kayo na po sana ang bahala sa kaniya." Tumango naman si manang dito. Ibig sabihin lang no'n ay may mangungupahan na sa kabilang kuwarto. Sino kaya iyon? Napangiti siya dahil talagang hinihintay niya na may mangupahan doon 'pagkat nalulungkot siya nang wala man lang kasama o kapit-kuwarto. Ang hiling lang niya ay sana mabait at makasundo niya ang mangungupahan sa kabila. Sana naman ay maging close ko siya. Excited na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD