Epilogue: “Mi Amore” THREE years had passed simula nang pumunta si Dara sa Boston para mag-aral at kumuha ng Master’s Degree for Music Composition. Sa dalawang taon na pag-aaral niya sa Berklee College of Music ay marami siyang na-acquire na knowledge about sa music at lalong nahasa ang talent niya sa songwriting and composition. Pagkatapos niyang maka-graduate ay agad naman siyang pumasok bilang isang freelance composer sa Berklee Record Labels. Natanggap naman siya dahil isa siya sa Top International Students ng Berklee. She continued to work hard and pursue her career as a composer. Doon niya binuhos ang isang taon pang pag-i-stay niya sa Boston. Nang maisipan ni Dara na bumalik na sa Pilipinas ay maraming opportunity ang nag-open para sa kanya. Natanggap siya agad sa isang Entertain

