Chapter 23 Final: “Open Door” ILANG araw nang hindi mapakali si Dara sa harapan ng kanyang laptop dahil sa hinihintay na email. Binili niya ang laptop na iyon gamit ang last pay na nakuha niya sa kanyang trabaho sa NC Company. Kinakabahan kasi siya sa result ng scholarship application niya sa sa isang kilalang school sa Boston. Pinaplano niyang kumuha ng Master’s Degree in Music composition. Mga ilang weeks kasi mula nang umalis siya sa trabaho ay tinawagan siya ni Miss Steph para doon. Pinilit siya nitong mag-apply ng scholarship matapos siyang i-refer nito sa Berklee College of Music. Doon pala kumuha ng Master’s Degree ang matandang babae at bilang isang alumni at successful director ay puwede itong mag-refer kada taon na isang talented composer to join the scholarship for internation

