Chapter 14: “Setting You Free” IT’S the day of the most awaited launching album of Serenity. They prepared a showcase for all of her fans. Busy ang buong music team lalo na si Dara dahil ito ang first time niya na kakanta ng live para kay Serenity sa harap ng mga fan nito mamayang gabi. Almost two weeks din sila na nag-practice ni Serenity ng sunud-sunod na araw nang walang hinto para lang sa araw na iyon. Kailangan nilang magtugma sa pagkanta at sa pagbibigay ng parehas ng emosyon sa bawat pagbigkas ng lyrics no’n. Nabigyan din si Dara ng tatlong araw para magpahinga pagkatapos ng practice at rehearsal nila ni Serenity upang makapagpahinga rin ang boses niya bago ang araw na iyon. Nanatili lang muna siya sa kanilang bahay at kapag may kailangan siya o ang music team sa kanila ay na

