Chapter 20: "A place not for me" “PASENSIYA na kayo, Dara, Serenity, hindi ko naisip… hindi namin ine-expect na susugurin kayo ng fans,” ani Zick. Kakabalik lang nito sa may dressing room kung saan sila nandoon galing sa may stage. Nagpakita ito sa mga fan at pinagsabihan ang lahat nang naroon tungkol sa nangyari. Halata ang pagka-disappoint ni Zick at ang frustrations sa boses nito habang pinapakiusap sa mga fan na huwag na ulit mangyari ang ganoong kaguluhan sa alinmang lugar na pupuntahan nila. Sinabi rin nito na personal niyang in-invite si Serenity at Dara as his special guests for that night. Ipinatigil na rin ni Zick ang birthday celebration nito na ikinalungkot ng dalawang babae lalo na si Dara dahil feeling niya ay siya ang dahilan kung bakit nagalit nang tuluyan ang mga fan

