Chapter 17 - Book 2

1515 Words

Chapter 17: “The desire of my heart”   NAGISING si Dara sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Iminulat niya ang kanyang mata at tiningnan kung nasaan siya. Nagpapasalamat siya nang malaman niya na nasa loob siya ng kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung paano siyang nakarating doon nang maayos at buo dahil hindi niya masyadong matandaan ang nangyari sa kanya. “Hindi na talaga iinom kahit kailan! Isinusumpa ko ang alak!” sigaw niya. Napapikit siya nang mariin at pilit na inaalala ang pinaggagagawa niya kagabi sa album launching party ni Serenity. Sigurado siya na may ginawa siya na hindi kaaya-aya. “Naalala ko, kumuha ako nang kumuha ng alak doon sa waiter malapit sa amin… tapos… uminom ako nang uminom.” Tumangu-tango siya. Mukhang nagpakalasing lang pala siya no’ng gabi dahil sa gusto niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD