Luke's POV
"Aaaaah!!! Grabe, ang gwapo niyaaaa!!" sigaw ni Jennylyn. Hindi ko na alam kung kailan ko tatakpan ang tainga ko sa pabigla-biglang tili ng dalawang batang babae na ito. Kasalukuyan itong nasa kwarto ko at patuloy na nagtatanong tungkol doon sa lalaki na hindi ko alam kung paano napadpad dito sa Samar.
"Oo nga! Kuya Luke, anong pangalan niya?" tanong ni Lenlen. Iyon din mismo ang hindi ko alam. May nangyari nga sa aming dalawa pero hindi ko naman alam kung anong pangalan.
Napailing ako at saka nagsalita.
"Hindi ko alam ang pangalan niya–"
"Ha? Paano nangyari 'yon? Bakit alam niya ang pangalan mo?" tanong naman ni Jennylyn.
"Malamang nalaman niya no'ng nalasing ako–" diretso kong sabi. Huli na ang lahat para takpan ko pa ang aking bibig. Nasabi ko na iyon at alam kong narinig iyon ng dalawa.
"Nalasing?? Ibig sabihin nalasing kayo?" muling tanong ni Lenlen. Nagsisimula na akong mairita sa dalawang ito. Hindi na nga mabuti ang iniisip ko tungkol sa hiwalayan namin ni Jake, ngayon naman ay dumadagdag pa itong lalaki sa mga iniisip ko.
"Alam niyo, imbis na panay ang tanong niyo aa 'kin, bakit hindi kayo magbasa ng mga libro? Mas maganda 'yon kesa tanungin niyo ako sa taong wala namang kinalaman sa akin..." Tiningnan ko sila at kunwaring binigyan ko sila ng seryusong titig.
"Kuya naman," angal ni Jennylyn.
"Kapag hindi pa kayo tumigil, ako na mismo ang magsusumbong kay tiya Lorna sa mga tanong niyo sa 'kin," pananakot ko. Dahil sa sinabi ko ay mabilis pa sa alas kwatro na nagsilabasan ang dalawa sa aking kwarto. Natawa na lang ako sa dalawa pero sadyang nanatili sa aking utak kung bakit napadpad ang lalaking iyon dito sa Samar.
Batid kong kasalanan ito ng aking utak. Kung anu-ano na lang ang nasa isip ko. Ni hindi ko mapigilan isipin ang mga bagay na posible naming ginawa noong nakaraang gabi. Patuloy lang iyong sumasagi sa isipan ko at kahit sa isang paraan ay tila hindi ko alam kung paano pipigilan.
"Mali talag 'tong nasa isip ko!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw.
"Kuya ayos ka lang?" Nagulat ako nang bigla na namang sumulpot ang dalawa. Wala akong ibang ginawa kundi pandilatan ang mga ito.
"Talagang hindi kayo aalis?" pananakot ko sa kanila. Muling nawala agad ang dalawa. Pati ba naman dito sa Samar ay talagang magiging ganito pa ako kainis?
Mas pinili ko na lang ang mahiga hanggang sa antukin na ako at dahan-dahan na ipikit ang mga mata.
****
"Grabe... Ang init mo..." Hindi ko napigilan ang hawakan at damhin ang init ng katawan ng isang lalaki na kanina pa ako sinusuyo at kasabay niyon ang tuksong nag-uumapaw sa aming uhaw na mga katawan.
"Lahat ng nakikita mo ay sa 'yo..." Kahit ang boses nito ay talaga namang nakakapag bogay ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Pilit kong tinitingala ang mukha ng lalaki subalit sobrang labo niyon.
"B-bakit hindi ko makita ang mukha mo?" Ramdam ko ang kaunting kaba sa aking dibdib. Ibig lang nitong sabihin na hindi ganap pag-aari ko ang lalaking ito kung hindi ko makikita ang mukha nito. Pero mas higit na nangingibabaw ang aking pananabik na maangkin ng lalaking ito.
"Hindi pa ito ang takdang panahon, mahal ko..." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay agad itong gumawa ng mabilis na pagkilos hanggang sa pasadahan ang aking dibdib ng mainit nitong mga palad. Ang nag-aalab na apoy sa pagitan naming dalawa ay sadyang nagiging dahilan para mas lalo kong pakiramdaman ang pananabik nitong pasukin ako.
"Gagawin ba natin 'to?" kinakabahan kong tanong sa kaniya. Teka, ni hindi ko nga alam ang pangalan nitong taong 'to eh.
"Gagawin natin, Luke..." Higit pa sa isang halimuyak ng kapaligiran sa paglubog ng araw ang marilag nitong boses. Parang dinadala ako sa kakaibang mundo.
"Papasok ka? Sa 'kin?" Iyon ang isang bagay na sobrang ikinakatakot ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba iyon.
Bago pa man ito magsalita ay mabilis nitong hinatak ang aking baywang hanggang sa muling magkadikit ang aming malagkit na balat gawa ng mainit na pawis. Walang alinlangan nitong ipinasok sa aking pagkatao ang kabuuan nito. Magsisimula pa lang akong gumawa ng ingay nang maramdaman ko ang sikip at sakit sa aking ibabang bahagi pero agad na tinakpan nito ang aking bibig.
"'wag na wag kang gagawa ng ingay..." Dahil sa sinabi nito ay napatango na lang ako at saka naman nito pinakwalan ang aking bibig pero mabilis din naman nitong inilapat ang bibig sa aking bibig kaya hindi pa rin ako makagawa ng ingay.
Naririnig ko ang anas ng kaniyang boses. Ramdam ko ang bawat salita na nagmumula sa kaniyang bibig habang sinasabi nito ang aking pangalan.
"Luke... Luke... Luke...."
****
"Kuya Luke! Kuya Luke!" Bigla akong nagising nang maramdaman ang kirot sa aking kamay. Naabutan kong kinukurot ako ni Lenlen sa aking kamay.
"B-bakit? Anong nangyari?" naalimpungatan kong tanong sa kanila.
"Kuya nanaginipi po kayo... Ungol po kayo nang ungol," agad na sagot ni Jennylyn. Nagkatinginan ang dalawa at tila may magbabadyang pagtawa sa mga mukha nito.
"Kaya po kita kinukurot kuya..." Nailipat ko ang tingin kay Lenlen na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin ang mga daliri nito. Nang mahalat nito iyon ay saka lang nito tinanggal ang paglakahawak.
Nalito ako sa paliwanag ni Jennylyn kaya muli akong napatanong.
"Ano? Umuungol? Hindi ko kayo maintindihan," nalilitong sabi ko sa kanila.
"Hindi po kami sigurado pero parang gano'n po kasi ang rinig po namin," paliwanag ni Lenlen. Wala na akong magagawa kung ganoon man ang sinabi ng dalawa.
Pero higit sa lahat, hindi maaaring malaman ng dalawa kung ano ang aking napanaginipan. Patawarin po sana ako dahil sa kalaswaang nasa isip at sa panaginip ko.
"Kukuha po kami ng tubig," sabi ni Lenlen at saka lumabas ang dalawa. Nagkaroon ako ng pagkakataon para isiping muli ang aking napanaginipan. Hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa mga bata dahil sa ungol na ginawa ko. Bakit ba naman kasi ganoon ang naging panaginip ko. Imbis na mapanaginipan ko ang paghihiwalay namin ni Jake ay ganoon pa ang mapupunta sa utak ko. Sa kabilang banda ay napapaisip din ako kung sino ba iyong lalaking napanaginipan ko.