Luke's POV
"Anak, hindi ka man lang ba mag-aalmusal?" takang tanong ni mama mang makalapit na ito sa mesa.
"Sorry ma malelate na ako sa audition at sa trabaho ko mamaya eh." Kaagad kong dinampot ang aking bag at saka mabilis na lumapit kay mama para halikan ito sa noo.
"Aba! Ganun ba? Hala sige! Dapat kasi gumigising ka ng mas maaga." Napangiti na lang ako sa tinuran ni mama. Alam ko na suportado ako ni mama kahit na ano pa ang gawin ko sa buhay dahil alam niya kung saan ako masaya. Iyon ay ang musika at pagkanta.
"Sige na po mama, aalis na ako!" Nagsimula akong kumilos at mabilis na tinungo ang pintuan.
"Mag-iingat ka sa lakad mo, anak!" Saglit akong napalingon at saka muling ngumiti kay mama bago ko isara ang pinto.
Dion's POV
"Hey kuya! Napansin ko agad ang pag-aalala sa mukha ni Kristine nang lingunin ko siya. Siya ang bunso sa aming magkakapatid at talagang likas dito ang pagiging makulit.
"What is it?" tanong ko sa kaniya nang makalapit na ito. Hindi pa siya nakakapagsalita, nararamdaman ko na agad ang kaba sa aking dibdib.
Huminga siya ng malalim bago muling magsalita.
"Si tito Alvin, kuya si tito Alvin nasa ospital..." Bakas sa mukha ni Kristine ang matinding pag-aalala.
Hindi ko lubos maisip kung bakit nasa ospital si tito Alvin gayung napaka lusog naman ng katawan nito kahit na may edad na.
"Ano?! What happened? Alam na ba 'to ni mama?" Tila mas nag-alala ang mukha ni Kristine nang mapansin niya na napalakas ang boses ko. Alam kong natatakot siya na baka marinig kami na pinag-uusapan si tito Alvin.
"Kuya hindi pa alam ni mama at alam mong walang balak na makialam si mama kay tito Alvin." Napa-buntonghininga ito bago muling magsalita.
"Ikaw ang hinahanap niya, Kuya." Nakatitig lamang si Kristine sa akin at tila maiging pinapakiramdaman ang aking magiging reaksyon. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit ang mama ay halos hindi na ituring kapatid si tito Alvin.
Wala akong ibang maisip na paraan para hindi pansinin si tito Alvin. Pamilya ko din siya at kailangan niya ng karamay. Mabuti na lamang at hindi lang ako ang may mabuting pakikitungo kay tito.
"Aalis ako. Pupuntahan ko si tito Alvin. I-text mo sa 'kin kung saang ospital." Nagmadali akong kumilos at agad na lumabas ng kwarto. Ang aga aga pero kakaibang umaga ang nabalitaan ko. Napailing ako sa aking mga iniisip. Mabuti na lamang at maaga akong nagising at nakapag bihis.
Hahayaan ko muna na lumipas ang dalawang oras na kasama si tito Alvin sa ospital bago pumasok sa unibersidad.