Dion's POV
"Hanggang kailan ka magkakaganiyan, Dion?" Halos masapo ko na ang aking noo dahil sa gulat nang marinig ang boses ni mama. Nasa harapan na ako ng aking kwarto at naka-handa nang buksan ang pinto pero napa-tigil ako nang marinig ang galit na boses ni mama. Heto na naman tayo, alam na alam ko kung anong sunod na sasabihin ni mama kaya ini-handa ko na ang sarili.
"Ma, I'm tired... Galing ako sa–" napatigil ako.
"Sa tito Alvin mo?!" Ramdam ko ang panggagalaiti ni mama sa puntong mas napalakas na niya ang boses.
"Bakit ba kasi gano'n na lang niyo balewalain si tito Alvin?!–"
"Dion! You don't have the right to raise your voice like that infront of your parents. At wala ka ring karapatan na tanungin ang mga bagay na napatunayan ko na." Alam kong magagalit na naman si mama dahil sa nasabi ko. Hindi ko rin naman sinasadya na napa-taas ko na ang boses ko.
"I'm sorry ma," saad ko nang hindi tumitingin sa mga mata niya.
"Ang Pagkatao ng tito Alvin mo, tinanggap ko 'yon ng buong-buo kasi mahal ko siya bilang kapatid ko. Gladly, you're father accepted him too, Kahit na gano'n siya. Pero ang pagnakawan tayo ng milyun-milyong pera, that's too much! Ang mas malala, ginamit niya lahat ng 'yon sa pagsusugal. Ginusto niya 'yon, harapin niya nang mag-isa!" Mangiyak-ngiyak na si mama habang ipinapaliwanag niya ang lahat ng sakit na naidulot ni tito Alvin.
Gusto ko sanang mangatwiran pero alam kong wala ring mangyayari. Alam kong hahaba lamang ang sagutan namin ni mama pero hindi pa rin ako papakinggan. Kilala ko si mama kung paano magalit, pag ayaw niya ang isang bagay, talagang hindi niya gugustuhing mangyari. Halos ganoon din ang ugali ni papa.
"Papasok na po ako sa loob, ma." Tila nawawalan na ako ng gana na makipag sagutan kay mama.
"Kinakausap ka pa ng mama mo, Dion. Ganiyan ka na ba ka-bastos ngayon?" Bigla akong napa-tigil dahil sa baritonong boses ni papa.
Humigpit ang hawak ko sa seradura.
Nilingon ko silang dalawa at diretsong nagtama ang mga mata namin ni papa. Nakita ko kung paano magtagpo ang dalawang kilay niya habang suot niya ang kaniyang salamin.
"Tumawag kanina ang prof. mo sa Biology, Hindi ka raw pumasok hanggang sa last subject mo sa afternoon session." Habang nagsasalita si papa, nararamdaman ko na ang sunod na mangyayari.
"Pinipilit ko po ang gusto niyo para sa 'kin kahit na alam niyong hindi ko 'yon gusto." Diretso rin akong nakatingin sa mga mata ni papa. Napansin ko ang pag-aalala ni mama sa pagitan namin ni papa.
"Anak, walang masama sa ginagawa namin ng papa mo. Malaking oportunidad ang maging isang Doktor." Biglang saad ni mama. Sa bawat araw na magdaan, literal na naririndi ako sa salitang 'Doktor' . Iniisip ko na lang na para rin ito sa akin kahit na alam kong hindi naman talaga ako masaya sa ginagawa ko.
"Ma, hindi ako masaya sa gusto niyo para sa 'kin." Naging mariin ang pagkakasabi ko na halatang naramdaman din nila.
"At anong gusto mong mangyari?! Ang maging sundalo at sumabak sa giyera?! Pagkatapos, ano?! Papahirapan mo lang ang sarili mo!" Nakaka-bingi ang mga salitang binibitawan ni papa. Hindi ko na rin natitiis na sundin ang gusto nila para sa buhay ko. Ayokong maging Doktor kahit na ano pa ang sabihin nila, ayokong maging Doktor.
"David, kumalma ka. Magigising ang mga bata niyan." Nakita kong napa-hawak si mama sa braso ni papa.
"Pa, hindi ko gusto ang maging Doktor at oo magsusundalo ako sa ayaw man o sa gusto niyo." Bahala na kung ano ang masabi nila pero hindi ko na babaguhin kung anong desisyon ko sa buhay.
"Wala kang utang na loob!" Halos umalingawngaw ang sigaw ni papa sa buong bahay. Mas lalong humigpit ang pagkaka-hawak ni mama sa braso ni papa.
Nakita kong nagsilabasan na ng kwarto ang mga kapatid ko. Una kong nakita si Kristine na halatang naalimpungatan. Kasunod na lumabas ang dalawa ko pang kapatid na lalaki na si Steven at Stefano. Akmang lalapit sila nang pagsabihan sila ni mama.
"Go back to your rooms! Now!" Kaagad na tumalima ang aking mga kapatid kahit na nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Kristine.
"Dion, you're already twenty years old at dapat alam mo na kung anong nararapat para sa 'yo–" kaagad kong sinalo ang sasabihin ni mama.
"Ma, this is what I want and I know I'll be happy with my decision. 'Wag niyo na sana akong pigilan–"
"No! I'll be talking with your professors and I'm gonna make sure you'll be responsible! dahil kung hindi, mapipilitan ako na kontrolin lahat ng meron ka ngayon. Kahit ang hawak mong mga credit cards!" Alam kong mangyayari ang mga hinala ko. Kilala ko na si papa. Gagawin niya ang lahat matuloy lang ang plano niya para sa akin. Napapa-ngisi na lamang ako sa aking isipan.
"Sawang-sawa na ako pa! Sawang-sawa na ako na sundin lahat ng gusto niyo kahit hindi ko naman talaga gusto! Sige! Gawin niyo lahat ng gusto niyong gawin. Control my life! Pero may sarili pa rin akong desisyon!" Nararamdaman ko ang pag-init ng aking sikmura at ang bigat sa dibdib ko habang sinasabi ko ang lahat sa kanila.
"That's too much for you to say that! At sa harapan pa namin ng papa mo?!" Pagkatapos ng pa-bulyaw na saad ni mama biglang dumapo sa pisngi ko ang palad ni mama. Malakas ang pagkakasampal ni mama pero hindi pa rin ako nagpa-tinag.
"Pagkatapos ka naming pag-aralin sa pinakamaganadang unibersidad–" muling nagsalita si papa pero biglang nagpintig ang tainga ko dahil sa unang sinabi niya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Pagkatapos niyo akong kunin kay tito Alvin?! 'Wag niyong sabihin na malaki ang naging sakripisyo niyo sa 'kin? Tatlong taong gulang pa lang ako no'ng iniwan niyo ako kay tito Alvin! Ni anino niyo wala akong nakita. Ngayon na nakatira ako sa inyo ng isang taon pa lang?! Isusumbat niyo lahat ng ginawa niyo para sa 'kin? Lahat ng 'to hindi ko naranasan kay tito Alvin. Siya ang sumuporta sa lahat ng gusto ko sa buhay." Wala na akong pakialam sa kung anong sabihin nila. Sa puntong iyon alam kong sumobra din sila.
Nakita ko sa mga mata nila ang pagka-dismaya dahil sa mga sinabi ko. Nakita ko ang pangingilid ng luha ni mama. Alam kong nasaktan ko sila pero hindi man lang nila napansin ang responsibilidad nila para sa akin.
Walang emosyon na ipinapakita si papa.
"Ilang taon akong nagtiis na hindi ko kayo kasama, Ilang taon kong pinilit ang sarili ko na sanayin na wala kayo sa tabi ko, ang swerte ko kasi nasanay ako, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Pero si tito Alvin, si tito Alvin lang ang tanging tao na nandiyan para suportahan ako, ang taong handang magsakripisyo para sa 'kin, ngayon pinagbabawalan niyo akong dalawin ang taong bumuhay sa 'kin ng higit pa sa isang taon?!" Hindi ko mapigilan ang bigat ng aking paghinga. Ramdam ko ang lahat sa buong sistema.
Nagpapasalamat ako na nailabas ko na sa wakas ang lahat ng hinanakit ko sa kanila.
"Hindi namin ginusto ng papa mo ang iwan ka dito sa Pilipinas. Maraming mga bagay ang hindi mo maiintindihan–" nagsimulang suminghap si mama at saka tuloy-tuloy na nagsilabasan ang mga luha. Masakit para sa akin ang makita si mama na nasasaktan pero sana naramdaman din nila iyon noong iniwan nila ako.
"Eh 'di sana ipinaintindi niyo sa 'kin!–" napa-taas na ang boses ko.
"Sumusobra kana!" Isang mabigat na kamao ang naramdaman ko sa pisngi. Napa-hawak ako sa pinto dahil sa tindi ng tama ng kamay ni papa sa mukha ko. Naramdaman ko ang pag-alog ng aking utak hanggang sa matumba na nga ako sa harapan nila.
"David! Tama na!" Pagkatapos sumigaw ni mama ay mabilis niya akong nahawakan sa braso at saka sinubukan na itayo pero pinigil ko siya.
"Papasok na po ako sa loob, magbibihis lang po ako at aalis din ako agad." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at agad akong pumasok sa loob ng kwarto at mabilis na isinara iyon.
Luke's POV
"Jake! Please! Pag-usapan naman natin 'to!" Patuloy kong kinakatok ang pinto sa condo unit ni Jake. Dalawang taon na kami at ngayon hindi ako maka-paniwala na sasayangin niya ang lahat ng pinagsamahan namin. Mahal ko siya at tanggap ko ang pagkakamali niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay mama ang nangyari sa amin ni Jake.
Nabuhayan ako ng loob nang maramdaman ang pagbukas ng pinto.
"Hindi ka ba talaga titigil?!" Tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na alam kung sino ang kaharap ko.
"Jake, please... mahal kita. 'wag mo namang gawin sa 'kin 'to!" Kahit na ramdam ko na nababasa na ang magkabilang pisngi ko gawa ng aking mga luha, wala na akong pakialam. Hindi ako papayag na magiging ganito ang kahihinatnan ng relasyon namin ni Jake.
"Alam mo ba kung bakit hindi na kita gusto?! Kasi may iba na ako! 'Ayan!" Nasa harapan kami ng pinto. Nadismaya ako nang may kung sino ang sumulpot sa likuran niya. Isang lalaki. Dahan-dahan na kinukurot ang puso ko dahil sa nakita.
Mabilis na nakalapit ang lalaki at kaagad na lumingkis sa katawan ni Jake na para bang isang ahas.
"Siya ba?" Pinagsisisihan ko kung bakit naitanong ko pa iyon kay Jake.
"Oo. At sana naman ngayon tumigil kana–" Isang malakas na suntok ang ginawa ko. Isang suntok lang ang ginawa ko pero bulagta na agad si Jake. Hindi ko mapigilan ang aking galit dahil sa nakikita. Sinayang lang niya ang mga araw at buwan na pinagsamahan naming dalawa.
"At ikaw!" biglang sigaw ko sa lalaki na kanina lamang ay kulang na lang ay lagyan ng pandikit dahil sa pagkakakapit nito kay Jake. Namilog ang mga mata nito nang matalim ko siyang titigan. Ngayon na talo ako, hindi ko hahayaan na pati ang pride ko tatapakan ng dalawang ito. Sisiguraduhin kong pareho ko silang masasaktan. Hindi lang ako ang dapat na masaktan.
"B-bakit?" Nakita ko ang takot sa mukha niya.
Inayos ko ang aking porma at saka mabilis na kwinelyuhan ang lalaki. Medyo may katangkaran siya kaysa sa akin pero wala akong pakialam.
"Halika dito!" Alam kong isang suntok ko pa lang tutumba agad ito. Mariin kong ikinuyom ang aking palad at saka naramdaman ang pagngitngit ng aking ngipin dahil sa gigil na masuntok ito.
Malakas kong pinakawalan ang galit sa aking kamao at diretso iyong tumama sa pisngi ng lalaki. Nawalan kaagad ito ng malay.
"Walang hiya ka, Jake! Dalawang taon ang sinayang ko sa 'yo! Gago ka pala!" Pasimple ko pang tinadyakan ang tagiliran ni Jake. Mabuti na lang gabi na. Walang mga tao na nakakakita malapit sa amin.
Nanginginig ang buong sistema ko dahil sa galit at panghihinayang. Hinayaan ko na ganoon ang kalagayan ng dalawang taksil. Nilampasan ko sila at saka nagsimulang lumayo sa lugar na iyon. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak.
"Hindi pwede na uuwi ako ng ganito ang 'itsura ko, Mahahalata ni mama na umiyak ako." Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi.
Nasa gilid na ako ng kalsada at naghihintay ng taxi. Hinahayaan ko na lumabas ang mga maiinit na luha na kanina pa nag-uunahan na magsilabasan sa aking mga mata.
Natanaw ko na ang dadaan na taxi. Sumenyas ako para pumara ang sasakyan. Nagmadali akong sumakay nang pumara ito sa harapan ko.
"Sa'n tayo sir?" Untag ng driver. Tila hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina.
"Sa hard and light bar, kuya." sagot ko naman sa driver. Muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari nang magsimulang umandar ang sasakyan.
Lahat nang pinagdaanan namin ni Jake mahalaga iyon sa akin. Hindi ko man lang maintindihan kung bakit niya ito nagawa sa akin. Saglit ko pang naramdaman ang aking paghikbi hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit. Tuluyan na akong humagulgol. Naging masaya ako na kasama si Jake pero sa huli siya din pala ang sisira ng tiwala ko.
Naramdaman ko ang paghinto ng taxi sa harapan ng bar na sinabi ko kanina lamang. Kaagad kong inabot ang pamasahe at bigla namang napatingin sa mukha ko ang driver.
"Sir ayos ka lang ba?" May pag-aalala sa mukha nito na para bang pinapakiramdaman ang bawat paghikbi ko.
Sunod-sunod ang aking pag-iling at saka pilit na ngumiti dito.
Tuluyan ko nang inabot ang pamasahe at saka nagmamadaling bumaba ng taxi. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bar.
"Ngayon wala nang pipigil sa pag-inom ko!" Pagkatapos kong magsalita, tuloy-tuloy ang lakad na ginawa ko hanggang sa marating ko na nga ang loob ng bar.
Narating ko ang kinatatayuan ng bartender. Hindi pa ako nagsisimulang um-order kaagad na itong ngumiti at pasigaw na bumati sa akin.
"Hey, cutie pie!!!" Hindi ako madalas sa bar na ito pero alam ko kung gaano ka kulit itong bartender. Pasalamat siya hindi ako pumapatol sa kaniya dahil kung nagkataon baka isumbong ko na siya sa manager.
"Cutie pie mo, mukha mo!" Inismiran ko siya at saka nagsimulang tumingin sa mga alak. Isa sa pinaka paborito ko ang Vodka. Nasa katamtaman lamang ang pursyento ng alkohol pero grabe pa rin ang tama.
Walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang maglasing at hayaan ang sarili na maging malungkot. Pakiramdam ko mayroon akong karapatan na maglasing at makipag landian sa kung sino man ang interesado. Napapa-ngisi ako sa dahilang nagpaka-tanga ako sa maling tao. Sa taong walang ibang ginawa kundi ang saktan ang loob ko.
"Here!" masiglang saad ng bartender. Inabot nito ang isang glass. Tinitigan ko lamang iyon hanggang sa mahalata kong iyon mismo ang gusto kong halo ng alak at juice. Muli kong naibaling ang aking atensyon sa kanya. Imbes na hindi mag-iinit ang ulo ko, unti-unting nagsisimula ang pagkairita ko sa bartender na ito.
"Nang-aasar ka ba?!" Muli kong ikinuyom ang aking palad at naka-handa na sana para suntukin ang bartender na nasa harap ko ngayon. Pakiramdam ko palaging nakahanda at gustong sumuntok nitong kamao ko. Lalo na ngayon na wala na kami ni Jake.
Bigla naman itong tumawa dahil sa naging reaksyon ko.
"Relax lang! Mukhang badtrip ka 'ata ngayon ah? Ang tagal mo din na hindi na bumibisita dito," nakangiti nitong sabi sa 'kin. Simula nang bumisita ako dito, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago itong bartender na 'to.
"Alam mo naman siguro kung anong makakapag relax sa 'kin, 'di ba?" Sinaman niya ito ng tingin pero natawa lamang ito sa sinabi niya.
"Oo na, alam ko namang alak lang ang magpapakalma sa 'yo." Pagka-tapos nitong magsalita ay agad itong kumilos para gawan ako ng panibagong shot. Alam na alam ko kung paano umandar ang utak ng bartender na 'to kaya mas mabuti na ang mag-ingat.
Mula sa aking inuupuan ay hindi ko maiwasan na ilibot ang aking paningin sa buong bar. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala sa isipan ko ang ginawang panloloko ni Jake. Minahal ko siya higit pa sa inaasahan at inaakala niya pero lahat ng 'yon parang balewala lang para sa kaniya.
Kung tutuusin ay kaya kong lumaklak ng maraming alak pero alam kong hinding-hindi ko 'yon gagawin.
"'ayan na." Natatawang ibinigay sa 'kin ng bartender ang isang glass. Mabilis ko 'yong kinuha at saka agad na ininom ang laman niyon.
"MORE!" sigaw ko. Kahit na nakainom ako, alam ko pa rin na nanabik ang aking lalamunan sa alak.
"Tama na, 'yan. Ihahatid na kita–" Natigil ito nang bigla ko siyang sigawan.
"Ayoko! Gusto ko pang uminom!" Narinig kong tumawa ito sa inasal ko pero wala pa rin akong pakialam kahit na anong sabihin niya.
Inilibot ko ulit ang aking tingin at doon ko napansin ang lalaking kanina pa masama ang tingin sa 'kin. Kahit kailan ay walang nagtangka sa 'kin ng ganoong titig. Hindi ko hahayaan na ganoon ang ginagawa nito sa 'kin.
"Kilala mo ba siya?" Napalingon ako sa bartender nang palihim ako nitong tanungin.
"Hindi!" Dahil sa kalasingan ko ay napapataas na rin ang aking boses.
"Bago lang 'ata 'yan dito eh." Wala naman akong pakialam kung bago siya dito o kung matagal na. Basta hindi ko gusto ang ginawa nito.
"Kanina pa nakatitig ah! Hahalikan ko 'yan sa leeg!" Hindi ko alam kung bakit lagi akong pinagtatawanan nitong bartender.
"Sige nga," pang-aasar nito sa 'kin. Ang akala siguro nito ay hindi ko kaya gawin ang sinabi ko.
"Manood ka," nakangisi kong tugon sa bartender. Alam kong nakaabang sa 'kin ang bartender kaya nagsimula na rin akong maglakad palapit sa lalaki.
Nang makalapit ako ay agad na tumama ang aking bibig leeg nito at sinadya kong isubsob ang aking mukha. Wala akong pakialam kung anong tingin nito sa 'kin. Ang mahalaga lang sa ngayon ay mabawasan 'tong bigat sa dibdib ko kasi hindi ko na alam kung paano magsisimula ngayong wala na kami ni Jake.
"Tapos ka na?" Nabigla ako nang magsalita ito. Ang akala ko ay wala itong pakialam sa ginagawa ko pero nagkamali ako. Naramdaman ko na lamang na mahigpit ako nitong hinawakan sa magkabilang braso.
"Nagustuhan mo naman, 'di ba?" naka-ngisi kong tanong sa kaniya. Tila nainsulto ako sa kawalan nito ng ekpresyon sa mukha.
"Oo, nagustuhan ko. Sana magustuhan mo rin 'to." Nabigla ako nang sakupin nito ang aking buong bibig at tila walang balak na pakawalan mula sa mapanuksong halik nito.
Mas lalo akong nagulat nang pilitin nitong ipasok ang malikot na dila nito sa loob ng aking bibig. Halos mamilog ang aking mata at mawala ang aking kalasingan. Parang binibigyan siya nito ng panibagong uri ng alak na mas matindi pa ang tama para mas malasing ako sa halik nito.
Halos kapusin ako ng hininga nang mapagtanto kong ito na mismo ang kumawala mula sa halikan namin.
"Jerk–" Bubulyawan ko pa lang sana ito nang mabilis nitong nasalo ang aking sasabihin.
"Sana naisip mo 'yan bago mo ako halikan sa leeg." Ni hindi ko man lang nakita ang totoong ekspresyon sa mukha nito. Nakatulala ako habang paalis na ito hanggang sa tanging ang mga tao na lamang sa loob ng bar ang aking nakita.